Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 11

Isang taon nang kilala ni Douglas si Bernard. Napansin nito na hindi ito tumingin sa mga kababaihan maliban na lang kung may kinalaman ito sa kaniyang trabaho. At sa totoo lang, nagbiruan si Douglas at ang tatlo pang mga assistant na baka lalaki ang gusto ni Bernard imbes na mga babae. Pero sa kabutihang palad, nagpakita si Bernard ng interes sa isang babae! Nakahinga rito nang maluwag si Douglas at ang ibang mga assistant ngayong hindi na nila kailangan pang alalahanin ang kanilang kaligtasan Palagi silang nagaalala sa takot na baka bigla silang itake advantage ni Bernard. … Sa loob ng hallway sa labas ng opisina ng Dean, sinabi ng driver ni Andrew na si Nigel Rathburn na, “Ms. Youngworth, pasensya na dahil nagkaroon ng meeting si Dean Ludden sa isang importanteng bisita kaya hindi ka pa niya makakausap. “Tutulungan ka pa rin naman ng Dean of Students sa iyong pagtransfer.” Tumango rito si Hera bago siya kalmadong sumagot ng, “Salamat.” Hindi nagpakita ng anumang emosyon ang kaniyang mukha na hindi naging approachable sa iba. Dito na naisip ni Nigel ang koneksyon ni Hara kay Andrius. Nagtaka siya dahil palaging ineemphasize ni Andrew ang pagiingat nang husto sa pagtrato sa babaeng ito. Nakarating na rin ang dalawa sa Dean of Students’ office. … Makikitang nakaupo sa harap ng mesa nito si Robert Larkin na isang nakakalbong lalaki na nakasuot ng makapal na mga salamin. Nakatayo naman sa harapan niya si Melanie Miller na isang guro na may dugo at kulturang Jadonia at Terrania. “Ms. Miller, mapapabilang sa iyong klase ang transfer student na ito.” Sabi ni Robert habang ibinibigay niya kay Melanie Miller ang isang dokumento. Si Melanie ay isang homeroom teacher ng mga junior year na mga estudyante sa Class A. Nagkaroon ng 11 mga klase sa bawat grade level ang high school division ng Cavenridge. Natatransfer ang mga estudyante ng bawat klase sa iba’t ibang mga section base sa mga nakuha nilang marka sa exam pagkatapos ng bawat semester. Nakalaan ang Class A para sa top 50 na mga estudyante ng Cavenridge. Tinanggap ni Melanie ang dokumento pero agad na bumagsak ang kaniyang mukha nang makita niya ang educational history ng bago niyang estudyante. Kilala ang Cavenridge International Academy sa commitment nito na magbigay ng pinakamagandang kalidad ng edukasyon sa bawat estudyante nito. Agad nilang tinatanggap ang isang estudyante sa sandaling pumasa ito sa entrance exam at makatanggap ito ng isang acceptance letter. Bakit ninyo nilalagay agad sa Class A ang estudyanteng ito na nagmula sa probinsya? Ni hindi pa nga nito nagagawang kumuha ng entrance exam! Dito na narinig ang pagkatok sa opisina. Pumasok si Nigel kasama ni Hera na nakasuot ng kulay puting dress. “Mr. Larkin, ito na ang transfer student na inassign ni Dean Ludden sa klase mo. Nasa ilalim na siya ng pangangalaga mo mula sa araw na ito.” Sabi ni Nigel. “Hera Youngworth, maligayang pagdating sa Cavenridge. Maupo ka muna.” Mainit na pagtanggap ni Rober na tumayo sa kaniyang upuan para ngumiti at senyasan si Hera na umupo sa sofa. Nagawang tawagan ni Andrew si Robert kagabi nang personal para linawin na dapat nitong siguruhin na magiging maayos ang lahat sa pagpasok ni Hera sa eskwelahang ito. At base sa mataas na pagtingin ni Andrew kay Hera, naisip ni Robert na mayroong importanteng koneksyon ang dalawang ito sa isa’t isa. Hindi magagawa ni Robert na palampasin ang pagkakataong ito. Dapat na humanga sa kaniya si Andrew para magkaroon siya ng pagkakataong mapromote at makatanggap ng salary raise. “Okay lang ako,” Walang pakialam na isinagot ni Hera. “Ano na ang susunod kong gagawin?” “Ako na ang bahala sa enrollment process mo. Pero bago tayo dumating doon, hayaan mo munang ipakilala kita sa kaniya. Ito nga pala si Melanie Miller, ang homeroom teacher ng mga junior year student sa Class A.” At pagkatapos, humarap siya kay Melanie bago siya magpatuloy sa pagsasalita, “Ms. Miller, ito naman si Hera Youngworth. Nasa ilalim na siya ngayon ng pangangalaga mo. Maaari mo ba siyang ipasyal sa magiging classroom niya?” Inobserbahan nang maigi ni Melanie si Hera. Nagtatanglay ito magandang katangian at payat na korte ng katawan na mapapansin sa suot nitong dress pero nagawa pa rin nitong magpakita ng isang nanlalamig at malayong aura na hindi naging maganda para kay Melanie. Ipinakita rin ng usapan nila kanina na malapit si Hera kay Andrew. Ayaw na ayaw ni Melanie sa favoritism lalo na sa mga estudante na wala pang napapatunayan sa academics. Hinding hindi hahayaan ni Melanie na masira ng isang katulad ni Hera ang napakaganda niyang reputasyon sa pagtuturo lalo na’t isa itong tao na dumedepende sa kaniyang mga koneksyon para makuha ang kaniyang gusto! “Maligayang pagdating sa Cavenridge International Academy, pero huwag kang magexpect ng mainit na pagtanggap mula sa Class A ng junior year sa paraalang ito.” Banggit ni Melanie sa wikang Terranish. Pero nagkunwari siya na nagkamali sa kaniyang ginawa kaya agad siyang nagsalita sa wikang Jadonish, “Oops, mukhang hindi ka nagsasalita sa wikang Terranish, Tama? Ang ibig kong sabihin ay—” “Ano ang ibig mong sabihin dito, Ms. Miller?” Tingin ni Robert kay Melanie. Nanatili namang tahimik si Hera. “Pinaninindigan ko ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig,” sagot ni Melanie habang iwinawagayway niya ang isang dokumento. “Paano siya makakasunod sa mga aralin ng paaralang ito kung hindi niya magawang pumasa sa ikaapat na antas ng wikang Terranish? Paano siya papasa sa mga exam ng aking klase?” “Mapapababa lamang ng kaniyang pagsali ang standards ng 50 nangungunang mga estudyante sa Class A na siyang magpapabagsak sa admission rate ng Cavenridge!” Determinadong binanggit ni Melanie. Samantala, malinaw namang ipinakita ni Robert ang kaniyang pagkabahala sa nangyayari. Ipinakita sa academic record ni Hera na hindi ito pumasa sa kahit na anong antas ng Terranish habang hindi naman pumapasok sa admission criteria ng Cavenridge ang kaniyang mga grado. Pero hindi pa rin performance ang naging batayan ng pagpasok nito dahil isa itong estudyante na personal na ipinasok ni Andrew! “Ms. Miller, si Hera ay ang batang nirecommenda ng Dean para—" Agad naman siyang pinigilan ni Melanie sa pagsasaita, “Mr. Larkin, hindi mo na kailangan pang makipagtalo sa akin. Dapat lang na maintindihan ng kahit na sino ang kanilang mga limitasyon. “Ngayong wala siyang kakayahan na kumuha ng entrance exam, dapat lang sa kaniya na mapabilang sa klase na naaangkop sa kaniya—sa Class K.” Ang Class K ay para sa mga estudyanteng nakapasok sa paaralan sa pamamagitan ng ibang pamamaraan, binubuo ito ng mga estudyanteng may pinakamababang mga grado sa kasalukuyan nilang year level. Nanatili namang tahimik si Hera. “Masyado kang naging agresibo sa iyong punto bilang adviser ng Class A.” Isang napakagandang boses ng lalaki ang narinig ng lahat mula sa pintuan ng opisina. Nang mapalingon ang lahat, napansin ng tatlo ang tahimik na pagpapakita ng isang lalaki roon.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.