Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 15

Ang Hutchinsons’ Residence ay kung saan naninirahan si Mikael sa Yonada. Libo-libong ektarya ang lawak ng lupain niya. Pero kinakatakutan ng marami ang tirahan niya. Sinabi na may mga nagmumulto dito, ang daan-daang mga taong namatay doon. Ang pagdurusa nila ay maririnig sa buong paligid sa gabi. Ang mga ligaw na kalulua ay mga taong kontra kay Mikael noong nabubuhay pa sila. Ito ang dahilan kung bakit ang palayaw ni Mikael ay ‘Hades’. Tinapakan niya ang hindi mabilang na dami ng mga bangkay para marating ang kayang yaman at estado. Pero ngayon, ang pag angat ng pamilya Moore sa Yonada ay naging balakid sa business ni Mikael. Ang pinaka bumabagabag sa kanya ay si Ann, ang henyo ng corporate world. Kung hindi siya mapapaalis ng mga Hutchinsons’, maaaring magdusa ang business nila sa huli. Sa oras na ito, nakaupo si Mikael sa pavillion, humihigop ng tsaa. Isang lalake na nakasuot ng itim na coat ang nakaupo sa harapan niya. “Mr. Ludwig, ipinadala ko na ang anak ko at iba pa mula sa asosasyon papunta sa Tivoli Mansion. Hindi na magkakaroon ng pagkakataon si Ann na tumakas,” sambit ni Mikael habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan niya. Ang lalakeng nakasuot ng cloak, na kilala bilang Marshall Ludwig, ay kalmadong nagtanong, “Narinig ko na nagpadala ka ng mahigit sa isang daang lalake. Balak mo ba makipagshowdown sa pamilya Moore?” “Oo, nasagad na ni Ann ang pasensiya ko. Ang presensiya niya sa Yonada ay magnanakaw ng oportunidad para sa family business ko at reputasyon,” sagot ni Mikael. “Kaya, ipinadala ko ang anak ko para ipahiya siya sa harap ng lahat. Sa oras na mapahiya siya, natural lang na kakailanganin niyang lisanin ang Yonada. Magiging payapa din sawakas kapag wala na siya. “Pagkatapos, hindi na mahalaga kung sino ang ipadala ng pamilya Moore. Wala na silang laban sa akin,” patuloy niya. Sumingkit ang mga mata ni Marshall sa sinabi ni Mikael. “Kahit na magtagumpay ka sa pagpapalayas kay Ann, paano naman si Kaleb? Kapag naghiganti ang pamilya Moore, paano mo ito aasikasuhin?” tanong niya. “Kaleb?” natawa si Mikael. “Anak lang siya sa labas. Kung maghiganti ang pamilya Moore, edi puputulin ko ang koneksyon namin. Personal pa akong pupunta sa kanila para ialay ang ulo ni Kaleb bilang compensation. “Ano pa ba ang masasabi nila matapos ko patayin ang sarili kong anak para mapakalma sila?” sagot ni Mikael, naging malupit na ngiti ang kanyang ekspresyon. Kahit ang walang awa na Marshall ay nagulat sa sinabi niya. Engrandeng pakana ang ginawa ni Mikael at ang sarili niyang anak ang nakatakdang mamatay dito! Mas walang-awa pa si Mikael kaysa sa Marshall mismo! “Mr. Ludwig, basta hindi magkamali ang disipulo mo, siguradong mapapahiya si Ann ngayon at mapipilitang lisanin ang Yonada,” sagot ni Mikael. “Huwag ka mag-alala, si Greg ay martial arts master. Walang tao sa paligid ni Ann ang makakatalo sa kanya,” siniguro siya ni Marshall ng kumpiyansa. … Tadtarin si Wyatt at ipakain sa mga aso? Natawa ng mapait si Ann. Kakakilala lang niya kay Wyatt ngayon, pero may balita na agad si Kaleb sa koneksyon nila. Sino ang nagleak ng ganitong impormasyon? Bukod pa doon, kahit na may relasyon sila ni Wyatt, wala na dapat pakielam si Kaleb. Pero heto siya dala ang maraming tao at humihingi ng sagot. Nakaramdam si Ann na hindi lang ito simpleng gulo. Si Wyatt ay palusot lang ni Kaleb para gumawa ng gulo. Sa oras na ito, lumapit si Hazel kay Ann at may ibinulong, “Ms. Moore, maraming hindi kilalang mga tao ang nagtitipon sa paligid ng Tivoli Mansion…” Nagbago ang ekspresyon ni Ann ng mapansin kung gaano kaseryoso ang sitwasyon. “Ms. Moore, ang kaligtasan mo ang prioridad namin. Isasama na kita paalis,” madiin na sinabi ni Hazel. Tumango si Ann at tinignan ng malamig si Kaleb bago sinundan si Hazel para umalis. “Tigil!” sigaw ni Kaleb. “Palibutan sila!” Mabilis na pinalibutan ng mga tao ni Kaleb si Ann at mga guwardiya niya. Isang tao ang lumapit habang nagkakagulo. Isa itong lalake na crew cut ang gupit at nakasuot ng puti na martial arts outfit. Mayabang ang itsura niya. “Anong ginagawa mo?” malamig na tanong ni Ann. “Naglalabas ng sama ng loob.” Tinignan ni Kaleb si Ann at sinabi, “Ann, matagal na kitang nililigawan. Bigla, itong Wyatt na ito ay biglaang nagpakita mula sa kawalan, ninanakaw ka mula sa akin. Nagagalit ako…” “Makinig ka sa akin at palabasin siya. Kailangan ko ilabas ang galit ko at pakakawalan kita.” “Kalokohan!” galit na sagot ni Ann, nanginig siya sa galit. “Walang nangyayari sa pagitan namin ni Wyatt. Kahit na mayroon, wala kang pakielam! Tumabi ka kung hindi, hindi ako magpipigil!” “Layas!” Hindi nakapagpigil ang isa sa mga guwardiya ni Ann at sinuntok ang nakaharang. Pero agad siyang napatumba. Maabilidad ang mga tao ni Kaleb. “Alis na, Ms. Moore!” Ang mga guwadiya niya ay desperadong nakipaglaban para makatakas si Ann. Ngunit, ang harapan nila at likuran ay naharangan! Sa harap ng walang tigil na pagsugod ng mga tao ni Kaleb, wala silang nagawa kung hindi umakyat sa itaas. May anim na floor ang Tivoli Mansion. Tinignan ni Ann ang paligid at napansin na may apat na taong natitira na lamang, ang iba ay natalo na. Tumawag si Hazel ng karagdagang tulong habang pinoprotektahan si Ann habang paakyat sila. “Ann, hindi ka makakatakas. Mapapasaakin ka ngayong gabi.” Hindi nagmamadali si Kaleb. Kalmadon siyang umakyat kasama ang mga tao niya. Ang Tivoli Mansion ay napalilibutan ng mga tao na mula sa Imperial Dragon Assosciation. Kulong na si Ann sa mansion. Ngunit, nanatiling kalmado si Ann. Ang pamilya Moore ay marami pang alas sa Yonada. Tumawag na si Hazel sa head ng Toledo security team, na si Hugo Simmons, ng hindi naghihintay ng utos mula kay Ann. “Hugo, nasa panganib si Ms. Moore sa Tivoli Mansion. Ihanda ang lahat ng seucirty personnel para pagligtas sa lalong madaling panahon!” “Masusunod!” Bago pa maibaba ni Hugo ang phone, sumigaw siya, “Magtipon kayong lahat! Tumungo kayo ngayon din sa Tivoli Mansion para iligtas si Ms. Moore!” “Ms. Moore, ipapaalam ba namin sa mga awtoridad sa Golde City?” tanong ni Ann habang hawak ang phone. Nag-isip muna si Ann bago sinabi, “Hindi, huli na para pumunta sila. Huwag na nating pag-alalahin ang pamilya.” Tumango si Hazel at may sasabihin sana pero mabilis ng umakyat ang mga tao ni Kaleb. “Protektahan si Ms. Moore!” sigaw ni Hazel. Mabilis na sumugod ang tatlong guwardiya ni Ann ng walang alinlangan. Ngunit, sumigaw bigla si Ann at bumagsak sa sahig.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.