Kabanata 16
Nagbago ng husto ang ekspresyon ni Hazel ng marinig ang sigaw ni Ann. Nagmadali siya para suportahan si Ann. “Ms. Moore, okay ka lang?”
“Okay lang ako.” Tumayo si Ann. Aksidente siyang natapilok habang suot ang high heels.
Sinipa paalis ni Ann ang high-heels niya at agresibong itinapon kay Kaleb na nasa ibaba. “Hayop ka!”
Tinamaan si Kaleb, pero hindi siya nagalit. Sa halip, pinulot niya ito at inamoy habang kakaiba ang ekspresyon.
Kinilabutan sa pandidiri si Ann. Agad siyang hinatak ni Hazel patungo sa third floor.
Kahit na maabilidad ang mga bodyguard, hindi sila tumagal.
Ngayon, si Hazel na lang ang natitira sa tabi ni Ann. Ang aasahan na lang niya ay sana dumating na agad si Hugo.
…
Ang dating pinsala ni Wyatt ay mabilis na naghilom sa tulong ng makapangyarihang crimson mushroom.
Makalipas ang sampung minuto, naghilom na ito ng buo bago pa man niya maubos ang crimson mushroo,.
Natuwa si Wyatt.
Ang rason kaya naging maayos ang lahat ay hindi dahil sa crimson mushroom. Kinundisyon ni Wyatt ang katawan niya sa nakalipas na tatlong taon kung saan naging solid ang pundasyon ng kanyang pag galing.
Kasunod nito, kailangan niyang ihanda ang pagcucultivates a first stage ng energy.
Hindi lingid sa kaalaman ni Wyatt ang komosyon na nangyayari sa labas. Mukhang malaking problema ang nakaengkuwentro ni Ann.
Gayunpaman, kailangan niya muna na icultivate ang first stage of energy bago lumabas, kung hindi, wala siyang silbi masyado sa kanya.
Sa ngayon, napilitan na si Hazel at Ann na tumungo sa fifth floor dahil kay Kaleb.
“Bakit wala pa din si Hugo dito?” Tumulo ang pawis ni Ann habang nababalisa siya.
Sa oras na iyon, tumawag si Hugo. “Hazel, hindi ito maganda. Ang Tivoli Mansion ay napalilibutan ng mga tao. Hinarangan nila ang lahat ng mga daanan. Sinubukan namin magpumilit pumasok ng tatlong beses pero nabigo kami…”
Nanlumo si Hazel. “Hugo, wala akong pakielam kung anong kailangan mo gawin. Humanap ka ng paraan para makapasok. Ang kaligtasan ni Ms. Moore ang prioridad natin!” utos niya ng galit.
“Alam ko. Kahit na mamatay ako, mananatili ak osa tabi ni Ms. Moore,” pangako ni Hugo.
“Kalimutan mo na, hindi na natin maaasahan si Hugo ngayon. Masyadong nakapaghanda ang mga Hutchinsons ngayon.”
Pumikit si Ann at tinawagan si Weston.
“Uncle Wes, nasa panganib ako sa Tivoli Mansion. Hinihiling ko na papuntahin dito ang H to J teams.”
“Anong sinabi mo, Ann? Alam mo na elite guards ang H to J teams. Iyon ang heritage ng pamilya Moore na hindi puwede gamitin maliban na lang kung buhay na ang nakataya.” Gulat na sinabi ni Weston.
“Kapag namatay ako, masisira ang lahat ng family business sa Yonada!” sagot ni Ann.
“Huh? Ganoon kaseryoso? Hihingi muna ako ng permiso, sandali lang…” at ibinaba ni Weston agad ang tawag.
“Hayop!” galit na sinabi ni Ann. Kailangan niya humingi ng permiso sa mahalagang oras na ito?”
Malianw na walang pakielam si Weston sa buhay niya.
Hindi na niya magawang manatili na kalmado, nagsimula na siyang magpanic.
Hindi siya naglakas loob na isipin ang maaaring mangyari sa kanya kapag napasakamay siya ni Kaleb.
Ang grupo ni Kaleb ay muling papalapit sa kanila.
“Ann, wala ka ng takas ngayon. Papatayin ko si Wyatt ngayon at… aasikasuhin ka din!” ngumiti ng masama si Kaleb.
Ang titig niya ay napunta sa katawan ni Ann.
Nagmadaling umakyat sina Ann at Hazel sa sixth floor, wala na silang matatakasan.
Nakikita nila na kulong na sila sa corridor kasama si Kaleb.
“Ann, wala ka ng mapupuntahan. Ibigay mo sa akin si Wyatt, gusto ko siyang patayin,” pananakot ni Kaleb, malupit ang kanyang ngiti.
Wyatt?
Sa malagim na sitwasyon, may pag-asa pa din si Ann, at iyon si Wyatt.
Sinabi ng lolo niya na maabilidad siyap pagdating sa martial arts at medisina. Hindi siya gusto istorbohin ni Ann habang nasa kritikal na estado siya ng pagpapagaling.
Kumapit siya sa pag-asa na mabilis na maghihilom si Wyatt at ililigtas siya.
“Ms. Moore, akong bahala sa kanila.”
Harap ng grupo ng mga lalake, inalis ni Hazel ang high-heels niya at itinali ng ponytail ang buhok.
Bigla siyang sumugod at tumalon sa ere, sinipa ang panga ng lalakeng nangunguna.
Hindi sineryoso ng malaking tao ang babae.
Pero sa sumunod na sandali, nabasag ang panga niya sa sipa ni Hazel.
Napasigaw ang lalake at bumagsak sa sahig, namimilipit sa sakit.
“Mukhang may abilidad ang babae.” Tinitigan ni Kaleb ng masama ang babae.
Pinitik niya ang daliri niya at apat na lalake pa ang sumugod.
“Pambihira, ang lakas ng babae. Greg, asikasuhin mo siya!”
Malamig na tinignan ni Kaleb si Hazel habang palapit siya kasama ng aroganteng tao sa tabi niya.
Isang suntok lang at napaluhod niya si Hazel. Tumulo ang dugo mula sa gilid ng labi niya.
“Inner power martial artist?” gulat na tinignan ni Hazel si Greg.
“Wala kang laban sa akin. Hindi ako pumapatay ng babae. Tabi,” kalmadong sinabi ni Greg.
Habang nahihirapan bumangon, naging determinado ang mga mata ni Hazel. “Kailangan mo muna ako patayin bago ninyo saktan si Ms. Moore!”
“Hmm?” sumimangot si Greg. Sumabog ang internal energy niya na parang mabagsik na tigre at sinuntok si Hazel sa dibdib.
Tumalsik si Hazel. Sumuka siya ng dugo, halos 50 feet ang nilipad niya.
“Hazel!” nagmadaling lumapit si Ann at hinawakan si Hazel habang lumuluha.
“Ms. Moore, akong bahala sa kanila!” nahirapan tumayo si Hazel, pero hindi na kaya ng katawan niya.
“Ann, ibigay mo sa akin si Wyatt!” naging mabagsik na galit ang itsura ni Kaleb. Ang tingin niya kay Ann ay ipinagbabawal na prutas na bawal mahawakan ng kahit na sino.
Sinabihan siya ng kanyang informant na ang may bagong boyfriend si Ann at ang pangalan niya ay Wyatt.
Noong narinig niya ang balita, determinado si Kaleb na patayin si Wyatt. Sa isip niya, ang kahit na sinong maglakas loob na nakawin ang babae niya ay nararapat lang mamatay!
Nagtiim bagang si Ann. Si Wyatt ang huling pag-asa niya kaya ang magagawa lang niya ang magdasal na dumating siya sana agad.
“Ikaw na babae ka! Ang lakas ng loob mo na protektahan siya!”
Nagdilim sa galit ang ekspresyon ni Kaleb. Galit na galit siya dahil ayaw niyang isuko si Wyatt kahit na nasa panganib siya.
Lalo lamang nagselos si Kaleb. Sumugod siya na parang baliw na halimaw at pinatumba si Ann.
“Layas!” sigwa ni Ann at sinampal si Kaleb.
Malinaw na bakat sa mukha ang kamay niya kung saan lalo naging baliw si Kaleb. Dinaganan niya si Ann at nagsimulang punitin ang damit niya.
…
Nakaupo si Wyatt ng lotus position. Makikita ang puting usok na lumalabas mula sa bibig at ilong niya, na parang kilos ng dragon.
Huminga siya at ang usok ay lumabas ng bibig niya at nakarating sa malayo bago sumabog na parang paputok.
Sa oras na nawala ang usok, iminulat ni Wyatt ang mga mata niya.
Puno ng enerhiya ang kanyang mga mata.
Nagbalik na ang kanyang kapangyarihan!