Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 14

Walang intensyon si Wyatt na magbigay ng maliit na piraso kay Ann. Hindi sa kuripot siya. Dahil sayang lang para kainin ito ng isang tao na walang cultivation tulad ni Ann. Bihira lang ang ganitong klase ng napakahalagang herb. Ang akala ni Wyatt susuko na si Ann matapos ang sinabi niya. Pero nagulat siya dahil makikita ang pag-aalinlangan niya. Natanga si Wyatt. Ikinukunsidera ba talaga niya na maghubad sa harapan niya? “Ano… Puwede ko ba iwan ang mahahalagang piraso ng damit?” sambit ni Ann matapos mag-alinlangan. Natulala si Wyatt at natahimik. Kahit na gusto niya talaga ito makita, hindi kasing tindi ng temptasyon ng ganda niya ang crimson mushroom. Bukod pa doon, magiging problema ito dahil kailangan niyang kanselahin ang medicinal effects nito para sa kanya. Kaya, madiin na sinabi ni Wyatt, “Hindi!” Hinampas ni Ann ang lamesa at sinabi, “Huhubarin ko na!” galit niyang sinabi. Wala siyang masabi. Bakit siya umaarte… ng ganito? Sa oras na ito, sinimulan na ni Ann na alisin ang zipper sa likod niya. Matalino si Ann at tuso pagdating sa business kumpara sa iba. Mas magaling siya sa pagtimbang ng benepisyo at negatibong epekto. Alam niya na ang pagkain ng kahit na maliit na piraso ng pitong daang taong gulang na crimson mushroom ay siguradong magiging malaki ang benepisyo para sa kanya. Bukod pa doon, naaakit siya kay Wyatt kaya hindi problema para sa kanya kahit na makita niya ang parte ng katawan niya. Napagdesisyunan niya na hayaan ito ngayon. Itinuloy ni Ann ang paghatak sa zipper. Nabigla si Wyatt. Hindi niya inaasahan ang tapang ng babaeng ito. Ngayon, nahihirapan siya magdesisyon. “Kalimutan mo na, kumuha ka ng maliit na piraso. Nasabi ko naman na,” sumangayon siya sa huli. Nahirapan si Wyatt na kontrolin ang sarili niya sa nakakaakit niyang collar bone. Bumilis bigla ang paghinga niya. Ngunit, tumuog bigla ang phone ni Ann sa oras na iyon. Nagbago ang ekspresyon niya ng makita ang numero sa screen. Pagkatapos, dumiretso siya ng banyo para sagutin ang tawag. Lumabas siya pagkatapos ng dalawang minuto, maayos na ang damit. Tinignan niya ng seryoso si Wyatt at sinabi, “Kailangan ko umasikaso ng gulo. Wyatt, pakitapos ang kailangan mo gawin sa lalong madaling panahon. Baka kailanganin ko ang tulong mo.” Tumango ng walang alinlangan si Wyatt. Natural lang na tumulong para sa kanya matapos tumanggap ng ganito kahalagang kayamanan mula sa pamilya niya. Mabilis na umalis si Ann. Nagfocus si Wyatt at naging malaya ang isip niya sa mga distraction. Direkta siyang pumunit ng piraso ng crimson mushroom at inilagay ito sa bibig niya para lunukin. Bigla niyang naramdaman agad ang makapangyarihang medicinal powers na tila init ng apoy. Dumaloy ito sa parte ng katawan niya na may pinsala sa tulong ng pag gabay ng kanyang life force. Makalipas ang sampung minuto, nakansela na ng buo ni Wyatt ang medicinal powers. Natuwa siya dahil sa gaan ng pakiramdam niya. Higit sa inaasahan niya ang medicinal effects ng crimson mushroom. Nagtataglay din ito ng matinding enerhiya. “Mukhang hindi lang nagamot ng crimson mushroom ang mga pinsala ko pero napataas din ang cultivation ko sa first stage ng energy!” Masaya si Wyatt sa nakakagulat na pangyayari. Tunay na tinupad ni Mr. Moore ang pangako niya sa pagkakataong ito. … Samantala, ang Golden Banquet ay nagambala ng insidente habang nasa kalagitnaan ng kasiyahan. Nag-alisan na ang mga bisita at dalawang grupo ng mga tao na magkalaban ang nasa main hall. Ang isang panig ay grupo ni Ann at mga bodyguard niya, aabot sa isang dosenang mga tao. Habang ang kabilang panig naman ay higit sa tatlumpung mga tao. Armado sila at masama ang pakay. Ang pinuno ng kabilang grupo ay isang aroganteng lalake. Kulay lila ang buhok niya at tila maputla na para bang may sakit ang balat. Masama ang ngiti niya. Siya si Kaleb Hutchinson. Hindi ito ganoon kalaking balita pero makapangyarihan ang ama niya—si Mikaeil Hutchinson. Notorious si Mikael sa martial world, kilala bilang Hades. Tunay na undisputed King of the Underworld ng Yonada. Kahit ang makapangyarihan pamilya Moore ay maingat sa paligid ni Mikael Malinaw na ang interes ni Mikael ay nasa pagsira sa mga investment ng pamilya Moore sa Yonada. Binalaan na sila noon ni Mikael. Naghihinala si Ann na maaaring si Mikael ang nasa likod ng pagsasabotahe sa kumpanya nila. Para naman kay Kaleb, isa lang siyang hamak na spoiler at aroganteng tagapagmana. Ang nakakagulat pa dito ay sinusubukan niyang ligawan si Ann. Gusto sumuka ni Ann ng makita ang kulay lila na buhok. “Kaleb, anong sinusubukan mo gawin?” malamig na tanong ni Ann kay Kaleb. Nag-hair flip si Kaleb at sinabi, “Naparito ako para makita ka,” sambit niya habang malagim ang ngiti “Makita ako?” nanatiling malamig ang ekspresyon niya. “Ang pamilya ko ay naghahayag ng banquet, at pumasok ka dito dala ang dose-dosena mo na armadong mga tao. Naparito ka ba para makita ako o guamawa ng gulo?” Sumingkit ang mag mata ni Kaleb at tinignan ang katawan ni Ann. “Narinig ko ang mga chismis tungkol sa relsayon mo sa taong nag ngangalang Wyatt…” sinabi niya habang nakangisi. Naging malupit itong ngiti habang nagsasalita siya, “Sabihin mo kay Wyatt na lumabas siya. Ang gagawin ko ay…” “Tadtarin siya ng pinong pino!” “At ipakain sa mga aso!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.