Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 13

Binasa ng mabuti in Wyatt ang kontrata at napansin na isa itong ten-billion-dollar na business project. Malaking kontrata ito. Nakasaad sa kontrata na ang flagship product ng Hayley Pharmaceuticals, na cough medicine, ay halos 60% ng total value. Iyon ay nagkakahalaga ng anim na bilyong dolyar. Bukod pa doon, malinaw na nakasaad sa kontrata na ang kahit anong breach of contract sa pagitan ng dalawang kumpanya ay magkakahalaga ng sampung ulit na halaga ng compensation. Kung wala si Wyatt par i-maintain ang enchantment circle, ang azure grass, na pangunahing gamit ng cough medicine, ay malalanta lahat. Sa oras na iyon, ang Hayley Pharmaceuticals ay hindi makapaglabas ng flagship product nila, at natural lang na magkakaroon ng breach of contract. At ang magiging halaga ng compensation ay… animnapung bilyong dolyar? Kahit na ibenta pa niya ang kumpanya, hindi ito aabot sa animnapung dolyar para mabayaran ang compensation! Kung may kunsiyensiya si William at napagdesisyunan ibenta ang Porterworks Corporation kasama ang Hayley Pharmaceuticas, maaari pa nila maipon ang sixty billion dollars. “William, sana tunay ang nararamdaman mo para kay Hayley. Kapag kumakaharap siya ng maraming problema, sana gawin mo ang lahat ng makakaya mo para tulungan siya…” tahimik na sinabi ni Wyatt sa sarili niya. “Wyatt, tignan mo si Mr. Porter at ang sarili mo. Ang pagkakaiba ninyo ay parang araw at gabi.” “Ang pag-iwan sa iyo ni Hayley para kay Mr. Porter ang pinakamagandang nagawa niya,” tagumpay na deklara ni Lucy, na tila nanalo na siya sa laban. “Wyatt, bakit hindi ka lumuhod at humingi ng tawad ngayon? Kung hindi, kailangan aminin ni Ms. Annette na kabit siya sa loob ng isang buwan.” “Tignan natin kung anong mangyayari sa loob ng isang buwan. Sana tumatawa ka pa din sa mga panahong iyon,” kinuha ni Wyatt ang phone niya at nagbukas ng message. Lumapit si Hayley. “Wyatt, ang Hayley Pharmaceuticals ay nakasecure ng ten-billion-dollar contract sa pamilya Moore. Ibig sabihin ang turnover ng kumpanya ay tataas at dodoble ang lakas namin. “Mga benepisyo lang ito na madaling makita. Ang makasama ang pamilya Moore sa trabaho ay magpapaganda lalo ng reputasyon, brand at stock prices ng Hayley Pharmaceuticals. “Tutuparin ko ang sinabi ko sa iyo!” idinagdag ni Hayley ng hindi natitinag ang kumpiyansa. Hindi siya binigyan ng pansin ni Wyat. Sa halip, tumayo siya kasama ang phone niya at naglakad papunta sa likod ng hall. Tinext siya ni Ann, sinasabi na dumating na ang lolo niya dala ang crimson mushroom. Agad niyang hinanap si Ann matapos mabasa ang text. Ang crimson mushroom ang pinakamahalaga sa kanya ngayon. Ang mga kayamanang ganito ng kalikasan ang gagamot sa pinsala niya, para makabalik siya sa kanyang pag-eensayo. Ngayon at inalis na ni Wyatt ang Dragon Seal at nabawi ang estado bilang Almighty Drakon, ang prioridad niya ay ang pag-eensayo. Maliban sa dati niyang kakayahan, kailangan niyang masiguro na magagawa niyang protektahan man lang ang kanyang sarili. Kung hindi, ang mga ancient martial art master o kaya mga kalaban mula sa nakaraan ay madali siyang mapapatay kapag nahuli siya. Napangiti ang tatlo noong umalis si Wyatt. “Tumatakas siya dahil sa kahihiyan.” “Marahil napagtanto niya na mas gaganda lang ang buhay ni Hayley matapos siyang iwan.” Tumawa si Lucy. Mayabang na tumayo si Hayley, pakiramdam niya nagtagumpay siya. Napatunayan na niya sawakas kay Wyatt na ang pakikipaghiwalay sa kanya ang tamang desisyon! Siyempre, simula pa lang ito. Magkakaroon siya ng walang katapusang mga oportunidad para patunayan ang punto niya kapag mas lalo na siyang naging matagumpay sa buhay sa hinaharap! Samantala, si Wyatt ay nasa private room ng Tivoli Mansion. Tinititigan niya ng mabuti ang bagay sa harapan niya. Isa itong mamahaling kahon, halos isang square feet ang laki. May isang piraso ng crimson mushroom na nakalagay sa loob ng kahon. Ang crimson mushrom ay tatlo hanggang sa apat na beses ang laki kumpara sa pangkaraniwang mushroom. Mapula ang kulay nito at may mga ugat na pula sa balat, na parang ugat ng tao. Malakas ang halimuyak nito at enerhiya. Isang langhap lang at gagaan agad ang pakiramdam mo. “Ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito kalaking crimson mushroom. Tunay ito na walang kasinghalaga na kayamanan!” sambit ni Ann, na nakaupo sa harap ni Wyatt. Tinignan niya ang crimson mushroom na tila naaakit dito, habang nakapangalumbaba. “Hindi ako makapaniwala na ang kuripot kong lolo ay magbibigay sa iyo ng ganitong kahalaga. Tila ba umulan ng nyebe sa disyerto,” buntong hininga ni Ann. Ngumiti si Wyatt ng kaunti. “Hindi lang kuripot ang lolo mo, tuso din siya. Pumutol siya ng maliit na piraso at tinakpan ito ng madiskarte.” “Ano? Pumutol siya ng maliit na piraso? Bakit hindi ko napapansin? Mukhang kumpleto naman ito.” Nagkunwaring nagulat si Ann pero nabunyag siya ng kanyang ngiti. Alam niya ang paraan ng lolo niya. Hindi niya palalampasin ang hindi kumuha ng kahit anong piraso sa kahit anong nahawakan niya, lalo na ang mamahaling kayamanan tulad nito. “Okay lang. Hindi lang naman limang daang taong gulang ang crimson mushroom, kung hindi pitong daang taong gulang! Makapangyarihan ang medicinal properties nito, kaya okay lang kahit may maliit na pirasong nawawala.” Natawa si Wyatt. “Hmm. Nagkamali ang lolo ko sa pagkakataong ito?” tanong niya, tunay siyang nagulat. “Nagkamali? Hindi niya napagtanto. Kung hindi, kukuha siya ng mas malaki pang piraso.” Natatawang sinabi ni Wyatt. Tumingin muli si Wyatt kay Ann. “Anong ginagawa mo dito? Bakit wala ka sa banquet?” “Banquet lang naman ito. Pagod ako ngayon at wala sa mood na magpakita.” Tinitigan ni Ann amg crimson mushroom. “Wyatt, puwede ba ako kumuha ng maliit na piraso?” “Sige.” “Kung hindi ka natatakot na dumugo sa lahat ng butas sa katawan mo,” sambit ni Wyatt ng nakangiti. Agad na natakot si Ann at mabilis na nagtanong, “Kung ganoon, bakit ikaw puwede mo kainin?” “Dahil kaya ko icirculate ang life force ko para kanselahin ang medicinal effects.” “Sa ganoong paraan, magagamit mo ang medicinal effect sa akin gamit ang life force mo. Kukuha lang ako ng maliit na piraso,” nagpaawa si Ann. “Ano…” Tinignan ni Wyatt ang nakakaakit na pigura niya ng kakaiba. “Matutulungan kita alisin ang medicinal effects, pero kailangan mo muna alisin ang mga damit mo…” mabagal niyang sinabi.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.