Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 12

Ngumiti si Ann. Naging hugis crescent moon ang mga mata niya at elegante siyang napangiti. Mayroon pa bang mas hindi kapani-paniwala sa mundo? Si Wyatt ang nag-iisang dahilan kung bakit nagtagumpay si Hayley pero ang sinasabi niya ay dahil ito sa kanya. Hiniwalayan pa niya si Wyatt para sa isang katulad ni William. “Ms. Moore, kahit na lihim na tinutulungan ni Wyatt si Hayley, hindi ba dapat napansin niya ito sa nakalipas na tatlong taon?” Tanong ni Hazel, habang naguguluhan. “Alam mo ba na ang janitor na si Jane ay may malaking nunal sa mukha?” biglaang tanong ni Ann. Tumigil sandali si Hazel at sinabi, “Hindi ko maalala.” Sumingkit ang mga mata ni Ann. “Nakikita natin si Jane araw-araw, pero hindi mo maalala na may nunal siya sa mukha.” “Anong koneksyon ng dalawang bagay na ito, Ms. Moore?” “Nakaligtaan mo si Jane dahil ang tingin mo sa kanya ay walang halaga. Kaya, kahit na araw-araw mo siyang nakikita, hindi mo maalala ang kahit na anong specific sa kanya. Ganoon din kay Hayley, hindi niya sineryoso si Wyatt. Kahit gaano katinding effort ang ibuhos ni Wyatt, hindi niya ito napansin.” “Ms. Moore, naiintindihan ko na ngayon.” Sagot ni Hazel, nahihihiya sa sarili niya. “Pero… paano naman ang tungkol sa collaboration partners?” “Anong sa tingin mo?’ Napaisip si Hazel bago sumagot. “Nawala ang core competitiveness ng Hayley Pharmaceuticals ng palayasin nila si Wyatt. Hangal tayo kung makikipag collaborate tayo sa kanila.” Tumango si Ann. “Kaya, ang unag matatanggal sa listahan ay ang Hayley Pharmaceuticals.” Matapos ito marinig, itinapon ni Hazel ang impormasyon ng Hayley Pharmaceuticals, pero pinigilan siya ni Ann. “Sandali.” Bigla nagbago ang isip niya. “Dalhin ang mga dokumento kay Wyatt. Hayaan mo na siya ang magdesisyon.” Magsisimula na ang banquet. Mabilis na naupo sina Hayley at mga kasama niya. Ipinakilala sila ni William sa mga maimpluwensiyang mga tao sa Yonada gamit ang kanyang network. Habang hinahanap ang kanilang mga upuan, nakita nila bigla si Wyatt. “Hindi ba’t ang talunan doon ay si Wyatt?” sambit ni Lucy. “Paano siyang nakapasok ng walang imbitasyon?” sumimangot si Hayley. Natawa ng malamig si Wiliam. “Marahil ginamit niya ang peke niyang imbitasyon. Nakakadiri sa kung paano pinipilit ng mga taong ito na makisalamuha sa mga taong higit sa lebel nila.” “Paano maikukumpara sa iyo ang talunan na katulad niya, Mr. Porter? Ang hangal na babaeng iyon ay nagtiwala sa kanya at itinaya pa ang mga gamit niya. Bulag talaga siya!” mapanghamak na sinabi ni Lucy. “Tumigil ka kakatahol. Naiistorbo ang pahinga ko.” Iminulat ni Wyatt ang mga mata niya. “Anong sinabi mo?” Magagalit na sana si Lucy ng tumunog bigla ang phone niya. Matapos makita na si Mr. Calloway ang tumatawag mula sa Starlight Pharmaceuticals, mabilis siyang sumagot. “Mr. Calloway, may resulta na ba? Napili ba ang Hayley Pharmaceuticals bilang primary collaboration partner?” sabik niyang tanong. “Tumatawag ako para ipaalam sa iyo na natanggal ang Hayley Pharmaceuticals,” sambit ng malamig na boses mula sa kabilang linya bago ibinaba ang tawag. “Mr. Calloway, hindi ba kayo nagkakamali… Hello?” Natanga si Lucy at ibinaba ang phone. Si Hayley na narinig ang lahat mula sa gilid ay nabigla din. Hindi ba’t sila dapat ang top choice? Imposible na matanggal sila. Parehong kita sa ekspresyon ng dalawang babae ang emosyon nila. “Mr. Porter, magagamit mo ba ang mga koneksyon mo para makipagnegosasyon para sa Hayley Pharmaceuticals? Tingan mo kung may pag-asa pa na isalvage ang sitwasyon…” Humarap si Hayley kay William, iniisip na siya ang huli niyang pag-asa. Siya lang ang taong alma niya na may koneksyon sa pamilya Moore. Nag-alinlangan si William. Alam niya na wala lang siya sa harap ng pamilya Moore. Pero para manatili ang dignidag niya sa harap ni Hayley, nag-aalinlangan siyang sumangayon. “Sige, tatawagan ko ang pinsan ko para tanungin si Ann Moore tungkol sa sitwasyon.” “Maraming salamat talaga, Mr. Porter,” nagpasalamat si Hayley. Tumango si William at lumabas dala ang phone niya, kasama si Hayley at Lucy. Samantala, lumapit si Hazel kay Wyatt. Ipinakilala ang sarili niya at dahilan kung bakit siya naparito bago ibigay ang impormasyon ng Hayley Pharmaceuticals kay Wyatt. “Ang bagay na ito ay may kinalaman sa family business ng pamilya Moore. Hindi tama, para sa outsider na tulad ko, ang magdesisyon.” Sambit ni Wyatt. “Utos ito ni Ms. Moore. Sinusunod ko lamang ito. Nasa mga kamay mo ang desisyon kung makikipagcollaborate ang pamilya Moore sa Hayley Pharmaceuticals o hindi.” Ngumiti na tila walang magawa si Wyatt at kinuha ang panulat para lagyan ng ekis ang pangalan ng Hayley Pharmaceuticals. Ngunit, nagbago ang isip niya matapos mag-isip. Nilagyan niya ng checkmark ang kontrata. Mas interesante makita na maging masaya si Hayley sa ngayon at obserbahan ang kalalabasan nito. Nagualt si Hazel sa desisyon ni Wyatt. Hindi niya inaasahan na pipiliin niya ang Hayley Pharmaceuticals matapos siyang palayasin. Kasabay nito, tinawagan ni William ang pinsan niya. Sinabi ng pinsan niya na kahit na miyembro siya ng Jarilo Club, hindi pa niya nakakasalamuha si Ann, o kaya ang makausap siya. Nahiya ng husto si William sa isiniwalat sa kanya at alam niyang hindi na mananatili ang dignindad niya sa harap ni Hayley. Ngunit, sa harap ng pagtitig sa kanya ni Hayley, naglakas loob siya at siniguro siya, “Tinawagan ko na ang pinsan ko, sinabi niyang susubukan niyang tumulong.” “Okay. Salamat sa abala,” nagpapasalamat si Hayley. Hindi nagtagal, tumunog ang phone ni Lucy muli. Isa itong tawag mula kay Mr. Calloway. “Napili ang Hayley Pharmaceuticals. Pumunta kayo sa Starlight Pharmaceuticals headquarters bukas para pumirma sa kontrata.” “Huh? Hindi ba’t sinabi mo na natanggal kami, Mr. Calloway?” “May tumulong sa iyo. Huwag ka na magtanong. Paalam.” Ibinaba niya ang tawag. Nabigla ng panandalian si Lucy, pero nasabik din siya bigla. “Hayley, napili ng pamilya Moore ang Hayley Pharmaceuticals bilang partner!” sambit ni Lucy. Nagulat si Hayley sa nangyari. Hindi makapaniwala niyang tinignan si William, napagtanto niya higit pa sa inaasahan niya ang impluwensiya nito. Naguluhan din si William sa sitwasyon. Alam niya na hindi ang pinsan niya ang tumulong sa kanya dahil sinabi niya na imposible ito. Sino kaya ang tumulong? Ngunit, hindi mapigilan ni William na natutuwa si Hayley dahil sa kanya. Natawa siya at sinabi, “Mukhang maganda ang relasyon ng pinsan ko kay Ms. Moore.” Matapos iyon, mayabang na bumalik sa upuan ang tatlo, pabalik sa tabi ni Wyatt. “Ah, sayang ang buhay mo dito. Wala ka talagang laban kay Mr. Porter,” hinamak siya ni Lucy. Tinignan ni Wyatt ang tatlong masayang tao sa harap niya. “Oh, Anong nangyari?” tanong niya, nakangiti siya ng kaunti. “Natanggal ang Hayley Pharmaceuticals ngayon lang pero nagawa ni Mr. Porter na kumbinsihin si Ms. Moore ng isang tawag lang,” nagyabang si Lucy. “Ang impluwensiya ni Mr. Porter ay walang kapantay. Kumpara sa iyo, langit at lupa ang agwat.” “Oo, si Mr. Porter talaga ay kahanga-hanga. Nabaliktad niya ang sitwasyon at iniligtas kayo. Wyatt, mukhang tama ang desisyon ko,” sambit ni Hayley, nasasabik siya “Well, sana maging masaya kayo sa buhay ninyo,” sagot ni Wyatt habang nakangiti. Habang tinitignan ang tatlong mukha na tila nagtagumpay, napaisip siya sa maaaring kahinatnan nila. Ang Hayley Pharmaceuticals ay siguradong ititigil ang produksyon ng flagship product nila dahil sa kawalan ng raw materials. Ito mismo ang magiging dahilan ng breach of contract. Napaisip siya kung kakayanin nila ang penalty na sampung beses ang halaga na nakalagay sa kontrata!

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.