Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 16

Napansin ni Noelle kung paano nakatingin si Lucas sa kanya at napasimangot siya ng kaunti. Sa mga oras na iyon, tumunog ang phone niya dahil sa tawag mula kay Frank. “Noelle, nasa venue ka, tama?” Nakaramdam siya ng masama. Gusto niya ito itanggi, pero ang sigawan ng mga fans sa paligid ay nagbigay ng sagot kay Frank bago siya may masabi. “Noelle, may nangyari sa kumpanya na mahalaga, kaya hindi kami makakarating ni Blake sa laban. Mahalaga ang kumpetisyon na ito para kay Lucas. Dapat sumali ka sa team. “Anuman ang problema ninyo ni Lucas noon, kailangan natin magtulungan kapag may kaharap tayong mga hamon, tama?” Sa oras na narinig niya ang mga sinabi ni Frank, nawala na ang ingay ng mga fans sa background, kinain ng kanyang katahimikan. Ito ang klase ng katahimikan na sapat na bilang sagot. Hindi na nagsalita si Noelle, ibinaba niya ang tawag. Hindi niya naramdaman na kailangan niya magpaliwanag. Hindi siya pumunta sa araw na iyon para makipagkumpitensiya. Naparito siya para panoorin ang drama na magaganap. Sa entablado, tumingin si Lucas sa audience, naghihintay siya. Nagsimula siyang mairita ng makita niyang hindi kumilos si Noelle para pumunta sa backstage. “Anong problema ni Noelle? Inaasahan ba niya na lapapit ako doon para personal na sabihin sa kanya?” bulong niya, humigpit ang kanyang panga. Makikita ang tuwa sa mga mata ni Xenia. “Lucas, hayaan mo na imessage ko si Noelle at kumustahin siya. Pero sa totoo lang, ang makita siyang nakaupo lang sa audience, sa tinign ko galit pa din siya. Kung hindi, alam natin pareho na dapat nasa backstage na siya.” Naisip ni Lucas kung paano si Noelle noon. Hindi niya kailangan na magsalita pa; naiintindihan na niya agad. Nasanay na siya na nandoon siya palagi para sa kanya. Pero ngayon, para bang naging iba na siya. Istrikto ang tono ni Lucas ng sabihin niya, “Tawagan mo siya. Kakalimutan ko na ang lahat kung willing siya sumali sa laban. Itatrato ko siya na parang kapatid tulad ng dati.” Naalala niya ang nangyari sa school. Alam niya na masyado siyang impulsive. Willing siyang na hayaan na iyon kung hahayaan ito ni Noelle. Puwede silang bumalik sa kung paano sila tulad ng dati. Nanigas sandali ang ekspresyon ni Xenia, pero nakarecover siya agad. “Sige. Tatawagan ko na siya ngayon. Sigurado ako na sasali siya para sa kapakanan mo.” Lumambot ang ekspresyon ni Lucas sa mga salita niya, nagsisimula na siyang mainis. Tumabi si Xenia, inilabas ang phone niya. Nakita niya si Noelle sa audience, nagdilim ang kanyang mga mata. Napansin ni Noelle ang pangalan sa screen ng kanyang phone. Hindi na siya nagdalawang isip para malaman kung tungkol saan ang tawag na ito at kung anong sasabihin ni Xenia. Walang alinlangan niyang ibinaba ang tawag, malamig at hindi natitinag ang kanyang ekspresyon. Kumurap si Xenia sa biglaang pagpatay sa tawag, kita ang gulat sa mga mata niya. Pero hindi nagtagal bago mapalitang ng mayabang na ekspresyon ang mukha niya. Nag-aalinlangan siya sa pagtanggap ng impormasyon. Hindi naman na kailangan mag-aksaya ng oras. Hindi rin naman gusto ni Xenia na sumali si Noelle sa laban. Hindi niya gusto na maagaw ni Noelle ang spotlight mula sa kanya. Gusto niya na manood lang si Noelle doon at panoorin siya mismo kung paano sila ni Lucas mananalo ng hindi kailangan ang tulong niya! Noong bumalik si Xenia kay Lucas, mapula ang mga mata niya, nakakaawa ang ekspresyon niya. “Lucas, kasalanan ko. Hindi ako magaling sa mga salita, at marahil ayaw na sa akin ni Noelle. Kaya siguro hindi niya sinagot ang tawag ko. Kausapin ko na lang ba siya ng personal?” Nagdilim ang mukha ni Lucas, madiin ang boses niya. “Hindi na kailangan. Sinabi din sa akin ni Frank na tawagan ko siya, pero binabaan siya nito. Malinaw na hindi plano ni Noelle na sumali sa team o maglaro. Huwag ka ng mag-aksaya ng oras.” “Lucas, sa tingin ko hindi ganoong klase ng tao si Noelle. Hindi siya pupunta dito para tawanan lang tayo,” sambit ni Xenia. “Mananalo tayo dito. Hinding-hindi natin hahayaan si Noelle na makuha ang gusto niya.” Hindi na niya tinignan ang audience, isinuot ni Lucas ang headset niya. Matapos makita ang kanyang reaksyon, makikita ang tuwa sa mga mata ni Xenia. “Noelle, sa pagkakataong ito, mananalo ako ulit,” naisip niya. Hindi nagtagal, nagsimula ang laban sa pagitan ng Team Luminark at Team Trailblaze. Ang titig ni Noelle ay nalipat sa malaking screen kung saan nakadisplay ang live commentary. Sa simula pa lang, assassin na ang gamit ni Lucas, isinama niya ang kanyang team para sa pananambang. Pero agad na naging malinaw na napagaralan na ito ng kanilang kalaban. Inaral nila ang ugali ni Lucas at nagsetup ng paen para mapalapit siya. Sa nakaraan niyang buhay, napansin ni Noelle ang eksaktong kahina-hinalang posisyon ng kalaban. Sa mga oras na iyon, binalaan niya si Lucas na maging maingat at huwag sumugod. Pero, matigas ang ulo ni Lucas tulad ng dati, isinawalangbahala ang payo niya at nilait pa siya. Hindi niya binigyan ng pansin ang sinabi niya at isinama ang isa sa mga kasama nila para suriin ang paligid. Trahedya ang sumunod na nangyari. Nagkataon na maganda itong plano ng Team Trailblaze, at natambangan ang team ni Lucas. Sa mga oras na iyon, inihanda ni Noelle ang natitira sa team nila at pinamunuan sila para sa counterattack. Binaliktad niya ang laro sa pagpasok ng palihim sa base ng kalaban at inatake sila ng hindi inaasahan. Sa pagkakataong ito, napapaisip siyang nanood, iniisip kung may natutunan ba si Lucas o mauulit ang nakaraan. Tulad ng inaasahan, nagdesisyon na si Lucas tulad ng dati. Isinama niya ang team niya sa patibong ng kalaban. Napangiti ng kaunti si Noelle habang ang nahuhulaan niyang trahedya ay mangyayari. Hindi na siya nagulat. Sa oras na napansin ni Lucas ang nangyayari, huli na ang lahat. Nagulo ang plano ng team nila sa pananambang ng kalaban. Tulad ng inaasahan, nagpanica agad si Xenia. Sunod-sunod ang mga matitindi niyang pagkakamali na naging dahilan para muntik ng mamatay ang mga kasama niya. Inutusan ni Lucas na umatras ang team, ginabayan sila papunta sa kalapit na gusali. Pero ang inis ni Lucas na pinipigilan niya ay sumabog na. “Xenia, nasaan ba ang utak mo? Sinabi ko na umatras ang lahat. Bakit nakikipaglaban ka pa din? Sinusubukan mo ba ipakita kung gaano ka kalakas?” Nagsisimula na mawala ang pagiging kalmado ni Xenia. “Lucas, hindi ko magawang hayaan. Noong makita ko na kaunti na lang ang buhay ng kalaban, akala ko kaya ko silang patayin.” “Patayin? Mas mukhang binibigyan mo sila ng free kill! Kung kumpiyansa ka talaga sa abilidad mo, baka hindi ka sana nahulog sa patibong nila at nadamay ang buong team sa gulong ito!” galit na sinabi ni Lucas. Namula sa hiya si Xenia. Ang mapagalitan ng publiko ay naging dahilan para mahirapan siyang indahin ang kahihiyan. Nagwala siya, “Kung hindi ka nahulog sa patibong nila at naging dahilan para mapalibutan tayo, hindi sana nangyari ang lahat ng ito!” Mas lalong nagalit si Lucas. “Ang lakas ng loob mo na sisihin ako! Kasalanan mo ito sa pagiging walang kuwenta mo. Pabigat ka lang sa buong team. Pagkatapos ng lahat ng traning natin, hindi ka gumaling. Sinasayang mo lang ang oras ng lahat!” Namula sa galit ang mukha ni Xenia, parang bagyo ang kanyang galit. Hindi na siya nagsalita pa, itinulak niya paatras ang kanyang upuan, at bumaba ng entablado para umalis. Nagkagulo ang mga audience. Hindi lang madrama ang paglisan ng isang miyembro ng team—sakuna ito. Naging malaking problema para sa buong team ang ginawa niya. Makikita sa big screen ang pag zoom in kay Lucas. Galit na galit ang ekspresyon niya, humigpit ang kanyang panga sa inis. Dahil wala na silang ibang pagpipilian, nagpa timeout si Lucas. Ang bawat team ay puwede na magtime out ng isang beses kada laban, at ginamit ni Lucas ang kanila. Ang kalaban na mga fans ay naging maingay at nagdidiwang ng maaga. Hinampas ni Lucas ang keyboard niya sa inis, umaapaw ang kanyang galit. Hindi siya makapaniwala sa lakas ng loob ni Xenia na mag tantrum sa ganitong mahalaga na laban. Kahit na paano niya sigawan si Noelle, hinding hindi siya kikilos ng ganito. Tense ang pakiramdam sa paligid ng stadium. Ginamit ng kalaban na team ang pagkakataon para laitin si Lucas at teammates niya. “Hoy, Lucas! Bakit di pa kayo sumuko ngayon? Iligtas na ninyo ang sarili ninyo sa kahihiyan mula sa pagkakadurog ng husto. At least may dignidad pa kayo kung aalis na kayo agad.” Tumayo bigla si Lucas. “Hindi ako susuko! Kung may takot dito na matalo, ikaw iyon. Kaya mo yan sinasabi sa amin.” “Ikaw naman. Kahit na sinong nag-iisip ay kita na matatalo kayo. Nag-walk out pa ang kasama ninyo! At ano itong naririnig ko na “hindi matatalo ang family team”? Kalokohan!” sambit pa ng isa. “Family team, huh? Mga bata lang sila na naiwan ng mamatay ang kanilang mga magulang. Ano ba ang magaling sa kanila? Hindi ito kumpetisyon para sa kung sino mas maraming mga bata,” dagdag ng isa pa. Tinamaan si Lucas na parang suntok sa sikmura. Bumagsak ang upuan niya sa sahig, sumigaw siya, “Umayos ka sa pananalita mo!” “Oh, bakit? May mali ba akong sinabi? Sige. Subukan mo akong saktan, isang walang kuwentang ampon. Sa tingin ko kung buhay pa ang mga magulang mo, mamamatay sila ulit sa kahihiyan mula sa panonood sa iyong matalo sa laban.” Mula sa upuan niya sa audience, naging malamig ang ekspresyon ni Noelle. Kita ang nag-aalab na galit sa mga mata niya. Ang lakas ng loob niya na insultuhin ang mga magulang nila? Walang-alinlangan, tumayo si Noelle at tumungo sa backstage. Samantala, habang nasa entablado, hinawakan si Lucas ng teammate niya at pilit siyang umupo sa upuan bago pa lumala ang lahat. Alam nila na kung magsisimula sila ng away sa harap ng buong audience, lalala lang ang lahat.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.