Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 17

Nakatayo si Noelle sa hallway, nakipagtitigan siya kay Lucas. Si Lucas, na paubos na ang pasensiya at nahihiya, ay unang nagsalita. “Naparito ka para panoorin ang laban, hindi ba? Masaya ba? Nag-eenjoy ka ba panoorin ang mga tao na laitin ang family team natin? Sigurado ako na nag-eenjoy ka!” Nanatiling malamig at hindi nagpapatalo ang ekspresyon ni Noelle. “Hindi dapat ang galing mo.” Bago pa makasagot si Lucas, pumasok ang Team Trailblaze sa backstage area. Napatingin si Noelle ng masama sa kanilang captain, si Marty Gildon. Siya ang nang-insulto kanina. “Tatanungin kita. Ampon ka ba? May mga magulang ka ba?” Nagdilim ang mukha ni Marty. “Anong ibig mo sabihin?” “Literal. Nakakadiri ang bibig mo. Naisip ko na baka namatay ng maaga ang mga magulang mo dahil hindi ka nila tinuruan ng manners habang maaga pa,” sambit ni Noelle. Nagalit agad si Marty. “Ikaw na paslit ka! Sabihin mo yan ulit, hinahamon kita!” Hindi natinag ang malamig na ugali ni Noelle. “Ganito na lang. Kapag natalo kayo sa laban, publiko kayong hihingi ng tawad sa aming mga magulang sa harap ng press para sa mga sinabi ninyo.” “Matalo? Kami? Nababaliw ka na ba!” ngisi ni Marty. “Anong problema? Masyado kang duwag para pumayag?” Kumagat si Marty sa paen ng walang alinlangan. “Sige! Pero kapag natalo kayo, kailangan publikong humingi ng tawad ng captain ninyo para din sa sinabi mo!” Matapos iyon, galit na umalis ang Team Trailblaze, ramdam ang pagkaagresibo nila. Nanatiling kalmado si Noelle. Sa loob-loob niya, alam niya kung paano ito matatapos. Ang Team Luminark ay nabalot ng tense na pakiramdam. Sumimangot si Lucas, nagsisimula na namang umapaw ang agalit. “Kapag natalo kami, ikaw ang hihingi ng tawad. Huwag ka umarte na parte ka ng team na ito, Noelle. Wala kang karapatan na magdesisyon para sa amin!” “Ginagawa ko lang ito para humingi siya ng tawad sa pag-iinsulto sa mga magulang ko. Wala ng higit pa doon,” steady ang tono ni Noelle habang nagsasalita siya. Bago pa magawa ni Lucas na makipagtalo, bumalik si Frank ng nagmamadali sa kuwarto. “Noelle! Ang saya ko talaga na makita ka dito. Sawakas, buo na ulit ang pamilya natin.” Isinarado ni Noelle ang bibig niya, hindi siya sumagot. Tumingin sa paligid si Frank. “Nasaan si Xenia?” Nagdilim ang ekspresyon ni Lucas, humigpit ang panga niya. “Hindi ko alam. Umalis na lang siya bigla ng punahin ko siya.” Hindi mapakali ang karamihan sa natitira sa team bago sila nagsalita. “Lucas, desperado si Xenia na manalo. Kaya nagwalk out siya. Hindi niya sinasadya na ganito ang mangyari.” “Oo nga. Nagpapakahirap siya ng mabuti. Madalas siyang inaabot ng madaling araw sa pageensayo. Ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya,” sambit pa ng isa. “Oo, Lucas. Sa totoo lang, masyadong marahas ang sinabi mo kanina,” dagdag ng ikatlo. Nabawasan ang galit ni Lucas ng maintindihan niya ang mga salita nila. “Marahas? Anong ibig nila sabihin, masyado akong marahas?” napaisip siya ng mapait. Ideya ni Xenia na sumali sa team. Natural, kung hindi siya talentado, kailangan niyang magpursige para manatili ang kanyang posisyon. Ang realidad ay walang talento si Xenia. Nakagawa siya ng malaking pagkakamali. Napapaisip si Lucas kung hindi niya ba ito puwede sabihin bilang team captain. Nagsalita si Noelle tulad ng ibang mga miyembro ng team, ginatungan niya. “Tama! Nagpakahirap si Xenia ng husto—isinakripisyo niya ang pag-aaral niya, pero sinermonan mo pa din siya, Lucas? Sigurado na matatalo na kayo sa match, pero si Xenia? Nawala ang dignidad niya!” Naramdaman ni Lucas na sumikip ang dibdib niya sa inis. Kinuwestiyon niya ang dahilan sa likod ng pakikipagtalo na ito at kung bakit biglaang siya ang may kasalanan. Si Xenia ang hindi alam kung anong ginagawa niya! Si Frank, na nakatayo sa malapit, ay tinignan si Lucas ng hindi natutuwa. “Lucas, kailangan mo talaga ayusin ang ikli ng pasensiya mo. Isipin mo kung gaano kabait si Noelle sa iyo, at tignan mo kung anong ginawa mo sa kanya. Sinigawan mo siya, dinurog ang puso niya, at pinaalis siya. Ganoon din ba ang gusto mo na mangyari kay Xenia?” “Frank, hindi naman iyon pareho! Kasalanan ito ni Xenia—” sagot ni Lucas. “Tama na. Pinanood ko ang livestream, Lucas. Sobrang linaw. Ikaw ang nagsama sa team sa patibong. Bilang captain, ikaw ang responsable sa performance ng team mo. Nagkamali lang si Xenia dahil hindi siya mapakali.” Nakaramdam ng kawalan ng lakas si Lucas. Kahit na anong sabihin niya, ayaw makinig ni Frank. Sa kabilang gilid, pinapanood ni Noelle ang eksena, nakakrus ang mga bisig niya at malamig ang kanyang ekspresyon. “Sawakas, nararanasan din ni Lucas ang ipinaranas niya. Anong pakiramdam na masisi? Hindi maintindihan? Na wala kang paraan para depensahan ang sarili mo?” naisip niya. Samantala, inilabas ni Frank ang phone niya at sinubukan na tawagan si Xenia, pero hindi nasagot ang tawag. “Kalimutan mo na siya ngayon. Magfocus tayo sa game plan.” Narinig nila ang boses ni Noelle sa katahimikan. “Kung gusto ninyo manalo sa laban, kailangan ninyo sundin ang utos ko sa buong laban. Walang exceptions.” Agad na suminghal si Lucas. “At bakit kami dapat makinig sa iyo?” Ang madilim na mga mata ni Noelle ay nakatitig kay Lucas, steady at hindi nagpapatalo. “Dahil alam ko kung paano mananalo.” Matalas ang tono niya at malamig ng sabihin niya ang strategy. Sa maagang bahagi ng laban kanina, inobserbahan niya ang gameplay ng Team Luminark. Naintindihan niya ang lakas at kahinaan nila higit kanino man. Dati nga naman silang nagtatraining ng magkasama. “Puwede magyabang ang kahit na sino. Huwag ka umasta na hindi ka matatalo dahil talentado ka. Hindi ka nga nagtatraining, kaya paano ka nakasiguro na mananalo tayo?” ngisi ni Lucas. Isinarado ni Noelle ang bibig niya. “Kung hindi kayo susunod sa utos ko, hindi na ako sasali sa laban.” Suminghal ulit si Lucas, bakas ang galit. “Huwag ka sumali. Sa tingin importante ka?” Bago pa lumala ang pagtatalo, nakielam si Frank. “Kung walang may mas magandang plano, dapat subukan natin makinig kay Noelle.” Ibinuka ni Lucas ang bibig niya, pero wala siyang masabi. Sa loob-loob niya, alam niya na tama si Frank. Wala silang iba na pagpipilian. Hindi nagtagal, nagsimula ang laban. Naupo si Noelle sa upuan ni Xenia. Sa nakaraang buhay niya, kanya ang puwestong ito. Noong isuot niya ang headset, tumalas ng determinado ang kanyang mga mata. Sa pagkakataong ito, hindi siya naparito para makuha ang approval ni Lucas. Lumalaban siya para sa kanyang sarili. Nagkaroon ng bulungan at hula mula sa mga manonood sa pagbabago ng miyembro ng Team Luminark. Sa second flood ng arena, nakatayo si Cedric sa bintana, nakatitig siya kay Noelle, kalmado at focused. Si Albert, na nakatayo sa tabi niya, ay unang nagsalita. “Hindi ba’t sinabi mo na naparito lang siya para panoorin ang kaguluhan? Pero tingan mo siya ngayon—nakielam siya para makipagkumpitensiya. Kahit na gaano kasama siya tratuhin ng pamilya niya, inuuna pa din niya sila.” “Mali ka. Ginagawa niya ito para sa sarili niya,” sagot ni Cedric. Naiintindihan niya kung bakit siya nakielam. Hindi para sa kapakanan ni Lucas. Ang liwanag mula kay Noelle ay hindi mula sa kahit na kanino. Mula ito sa sarili niya. Noong nagsimula na ulit ang laban, agad na binanggit ng mga commentator ang pagpapalit ng players. “May pagbabago na naganap sa Team Luminark. Pinalitan nila ang kanilang player. Ang bagong player na ito ay hindi pa natin nakikita. Mahirap sabihin kung gaano sila kalakas. Base sa kasalukuyang estado ng Team Luminark, hindi magiging madali na mabaliktad ang laban.” Pumasok si Noelle sa laro. Ang account ni Xenia ay nakasetup sa parehong class na namaster ni Noelle sa nakaraan niyang buhay—isang long-range gunner. Nagawa niyang mag-adjust agad dahil pamilyar siya dito. Efficient na nakalikha ng formation si Noelle at ipinosisyon ang team habang hinhintay ang kalaban na lumapit. Pero kung kailan umaayos na ang strategy, hindi nakinig si Lucas at sumugod mag-isa, naexpose na ang kanilang posisyon. Nagmura si Noelle. “Anong ginagawa mo?” “Huwag ka makielam! Kaya ko ito mag-isa!” sigaw ni Lucas. Hindi na niya matiis na maghintay lang, determinado siyang patunayan ang kanyang sarili. Sa halip, nakorner siya ng mga kalaban, wala siyang magawa sa pag-atake ng mga kalaban. Hindi nagulat si Noelle. Kahit na kaunti. Ibinigay niya ang sumunod na utos ng walang-alinlangan. “Support, cover mo ko. Ang iba naman, sundin ang orihinal na plano.” Habang hawak ang launcher sa mga kamay niya, tumalon siya sa pader at bumaril ng sunod-sunod. Mabilis na umaarangkada ang character niya sa labanan, dumadaan sa mga building, nagpapakita at naglalaho sa paraang hindi mahulaan. Nahirapan na humabol ang kalaban na team, nagulo ang rhythm nila ng husto. Lalong nasabik ang mga commentator sa bawat segundong lumilipas. “Pambihira, tignan mo ang galing ng gunner na ito! Napakagaling niya kumilos. Hindi ito mukhang baguhan sa team. Ito ang laro na makikita mo sa isang beterano! “Tumigil siya bigla sa eksaktong oras at iniwasan ang ultimate skill ng kalaban. Paano niya nalaman na paparating na iyon?” “At heto na ulit! Sumugod siya diretso sa labanan—dalawang double jump sa ere—at nakalikha ng 12-hit combo! Iyon ay nagagawa lamang ni King, ang legendary pro player! Paanong nagawa ng tinatawag na rookie na ito ang kilos niya ng flawless? Hindi ito kapanipaniwala!” Agad na nagkagulo ang mga tao. Si King ay Diyos sa mundo ng competitive gaming. Kahit na nagretiro na siya ilang taon na ang nakararaan, ang legacy niya ay nag-aalab pa din sa puso ng kanyang mga fans. Napapaisip ang mga tao kung sino ang babaeng ito at kung anong koneksyon niya kay King.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.