Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 15

Nanatiling kalmado si Noelle. Gusto na talaga niyang lisanin ang pamilyang ito. Ngumisi si Lucas. “Sige. Umalis ka na ngayon. Tignan natin kung paano ka mabubuhay ng wala ang pamilya Liddell!” Hindi na ito kaya ni Frank. “Tama na. Lucas, anong sinasabi mo?” “Frank, tignan mo! Gusto niyang umalis. Ayaw na niya sa atin!” namula ang mga mata ni Lucas, sobrang emosyonal niya. Nagpatalo na siya noong nakaraan, pero gusto pa din niya umalis. Napapaisip siya kung ang inaasahan ba niya ay luluhod siya at hihingi ng tawad bago siya makuntento. Agad na nakielam si Xenia, “Lucas, huwag ka magalit. Nagbibiro lang si Noelle. Kung ayaw niya akong itutor, okay lang. May tutor na ako, at masaya ako.” Masama siyang tumitig kay Noelle. “Tignan ko kung paano mag-isip ng maayos si Xenia, at tignan mo ang sarili mo. Naisip mo na ba ang mga pinag gagagawa mo?” “Lucas, kalimutan mo na. Tara na. Kailangan pa kita tanungin tungkol sa mga strategy.” Humarap si Xenia kay Frank. “Frank, aalis na kami.” “Sige,” sambit ni Frank, lumambot ang puso niya sa pagiging understanding ni Xenia. Hindi parte ng tunay na pamilya si Xenia, pero ang dami niyang isinakripisyo para sa team training, na naging dahilan para bumaba ng husto ang grades niya. Nakikielam din siya kapag may gulo sa pamilya, ginagampanan ang papel na peacemaker. Kumpara kay Noelle, mukhang mas considerate si Xenia. Disappointed niyang tinignan si Noelle. “Huwag mo seryosohin si Lucas. Parte ka pa din ng pamilya.” Malamig na sinabi ni Noelle, “Sa tingin ko oras na para umalis ako.” Nagbago ang ekspresyon niya. “Noelle, ano ba ang kailangan namin gawin para mabuhay tayo ng masaya ulit tulad ng dati?” Tulad ng dati? Naging mabigat ang mga mata niya, at matinding kabiguan ang kanyang naramdaman. Hindi na niya gusto sumagot. “Wala,” sambit niya ng mahina. Matapos iyon, dumiretso siya sa itaas patungo sa kuwarto niya. Hindi na niya muling ipaglalaban ang kanyang sarili para lang hindi mapansin at iabandona. Hindi na ulit. Pagkatapos ng araw na iyon, matagal na hindi nakikipagusap si Noelle sa mga kapatid niya, at hindi rin siya kinakausap. Pero, nakaramdam si Noelle ng ginhawa, sawakas nakalaya na siya mula sa pag-intindi sa kanila. Malapit na ang repechage ng team. Magaganap ito sa Sabado. Absent si Xenia mula sa school ng ilang mga araw, sinasabi na may sakit siya, pero alam ni Noelle na naghahanda sila para sa kumpetisyon. Kaya, pumasok siya sa school ng mag-isa. Hindi apektado ang buhay niya. Lumapit si Frank at inilagay ang ticket ng kumpetisyon sa lamesa. “Dapat dumalo ka sa laban ngayong tanghali. Paraan ito para suportahan ang pamilya.” Kalmado siyang sumagot. “Sige.” Hindi napansin ni Frank na hindi siya nagtanong kung kumusta ang paghahanda nila. Malamig siya at walang pakielam. Kumpara kay Xenia, na nagpahinga mula sa school para mag ensayo para sa kumpetisyon, lalo lang siyang nalungkot. “Noelle, kapag lumaki ka na, maiintindihan mo ang mabuti naming intensyon.” Wala na siyang sinabi at nilisan ang hall. Nandiri si Noelle sa sinabi niya at nawalan siya ng gana kumain. Ibinaba niya ang mga kubyertos niya at mas kumbinsido na ngayon na lumipat na sa lalong madaling panahon. Kinuha niya ang ticket sa kumeptisyon at napagdesisyunan na pumunta. Gusto niyang masaksihan kung paano mabibigo ang team ni Lucas ng wala ang effort niya. Nagmessage siya kay Cedric, “Panonoorin ko ang kumpetisyon ngaong tanghali, kaya hindi kita makakalaro.” Plano nila na maglaro dapat sa weekend ng magkasama. Sumagot agad si Cedric, “Okay.” Noong sumagot siya, may sumubok na sumilip sa phone niya pero nabigo na makita ang laman. Habang nakahawak sa kanyang dibdib, nagbiro si Alfred, “Ikaw talaga. Patingin. Damot mo naman.” Tinignan siya ni Cedric. “Gusto mo mawalan ng mga mata?” Umubo si Alfred bago sinabi, “Bakit ang seryoso mo? Dapat direkta mo na lang siyang i-compensate, kahit na dahil ito sa guilt. Lagi kang nasa tabi niya. Anong pinaplano mo?” Ang manipis na mga daliri ni Cedric ay humigpit ang kapit sa phone. Matapos ang matagal na pagtigil, sumagot siya sawakas, “Mananatili ako sa tabi niya, tutulungan ko siya, at gagabayan sa mga paghihirap niya hanggang sa kaya na niyang mabuhay ng malaya mag-isa.” Dahil hindi niya mapigilan na magsalita, idinagdag ni Alfred, “Mananatili ka sa tabi niya habang lumalaki siya, magsisimula magdate, ikasal at magkaanak?” Sumimangot si Cedric ng kaunti. “Parang ganoon.” Wala na ang mga magulang niya, at ang mga kapatid niya ay kung hindi biased, hindi sila maaasahan. Nagpapakahirap siya mag-isa. Iniba niya ang topic. “May ticket ka ba para sa laban ngayong tanghali?” “Sa repechage? Interesado ka? Naalala ko na ang team ng nakababata mong kapatid ay dumiretso na sa finals.” “Tama na ang satsat. May kailangan ako iorganisa bago ang laban.” Tumingala si Cedric sa kalangitan. At least, mananatili siya hanggang sa hindi na siya kailangan. Kung buhay pa nga naman ang mga magulang niya, hindi sana niya iniinda ang ganitong hirap. … Dumiretso si Noelel sa venue ng kumpetisyon. Sa labas, marami siyang nakita na fans na may hawak na mga banner, kabilang ang sa Team Luminark. May mga fans pa si Xenia. Kailan lang, sumikat si Xenia bilang small-time internet influencer dahil sa entertainment company ni Blake. Bata pa, magaling magsalita, at maabilidad sa pagiging “inosenteng biktima”, magaling siya sa pagkuha ng loob ng mga audience sa livestream. Tinignan ni Noelle ang banner na hawak ng mga fans. Dati siyang bumili ng mga merchandise ng Team Luminark noon, nagrepost ng hindi mabilang na mga updates tungkol sa team, at aktibo sa pagmamanage ng fan group nila. Umiwas siya ng tingin at walang ekspresyon na pumasok dala ang ticket niya. Matapos maupo, tinignan niya ang entablado at panandaliang nawala sa sarili habang nag-iisip. Naupo nga naman siya sa entabladong iyon mismo sa nakaraang buhay niya, kung saan binaliktad niya at siniguro ang kanilang pagkapanalo sa repechage. Hindi iyon naging madali. Ang kalaban na team ay malakas at consistent, hindi tulad ni Lucas na magaling pero madaling bumigay kapag napepressure, nagugulo ang takbo ng buong team. Arogante din si Lucas, masyadong mayabang, at ayaw makinig sa payo ng iba. Hindi nagtagal, ang mga team na nakikipagkumpitensiya ay nasa entablado na. Sumisigaw ang parehong fans ng mga team para sa suporta, halos naglalaban sa kung sino ang mag maingay. Naupo ng kalmado si Noelle, pinapanood si Xenia na pamunuan ang team sa entablado. Pareho silang nakasuot ng matching uniforms, mukha talaga silang pamilya. Pero, hindi niya napansin na hindi masaya si Lucas. Napapaisip siya kung nasaan si Frank at Blake. Hindi ba dapat kasama nila ang team sa pag-eensayo at paglaban sa repechage? Sa entablado, ang itsura ni Lucas ay hindi maganda. Hindi niya inaasahan na hindi sasali si Frank at Blake sa huli, kung saan nagkagulo ang mga plano niya. Pinagaan ni Xenia ang loob niya. “Lucas, si Frank at Blake ay may mga emergency sa kumpanya nila. Hindi nila iyon kontrolado. Mga presidente nga naman sila, at hindi professional players.” “Ano ba ang alam mo? Ang tagal an nating nag-eensayo, at hindi lang sila nagpakita bigla. Paano tayong makikipagkumpitensiya?” “Lucas, magaling din naman ang iba sa team, nag-ensayo tayo ng magkakasama. Kung magtutulungan tayo, siguradong hindi tayo matatalo. Kahit na malamig siya sa kanya, patuloy na mabait na nagsasaltia si Xenia. Habang mas nananatili nga naman siya sa kanyang tabi tulad ng ganitong mga oras, mas lalo siya nagiging kuntento sa pagiging “kapatid” niya. Ang layunin ni Xenia ay palitan si Noelle sa kanilang mga puso. Kahit na galit siya, walang nagawa si Lucas. Bigla, naisip niya si Noelle at sinabi, “Xenia, sa tingin mo ba mas magiging maganda ang takbo ng laban kung nandito si Noelle?” Nanigas ang ngiti ni Xenia, nagsimula siyang mainis. Bakit kailangan mo banggitin si Noelle ulit? Ang lahat ba ng effort niya—ang hindi pagpasok sa school para makapag ensayo at maghanda sa laban—ay hindi sapat kumpara sa taong walang ginawa? Nakita niya ang pamilyar na tao mula sa audience mula sa sulok ng mga mata niya. “Lucas, nandito si Noelle para panoorin ang laban natin.” Napansin ni Noelle si Xenia na nakatingin sa kanya habang nagsisigawan ang mga fans. Noong makita ni Lucas si Noelle, kuminang ang mga mata niya. Pumunta pa din pala siya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.