Kabanata 14
Agad na naintriga si Noelle matapos marinig ang plano ni Cedric. Sumunod sila ng tahimik, pinapanood si Lucas at team niya na labanan ang boss.
Ang boss ay notorious sa pagiging mahirap, at kailangan magtulungan para manalo. Noong malapit na itong matalo, sobrang baba ng health na naiwan sa team. Madalas, walang naglalakas loob na mang agaw ng boss mula sa sikat na team, pero laging may exceptions.
May ginawang strategy guide si Noelle para sa boss na ito noon, at alam niya kung kailan mismo aatake. Nagtulungan sila ni Cedric, at sila ang huling umatake sa boss bago ito natalo.
Tagumpay sila ng makuha ang last hit.
Agad na lumabas sa world chat—“Congrats sa HeartbreakCrunch dahil natalo nila ang Everbloom Haven boss.”
Noong nakita ito ni Lucas, nagalit siya at nagsimulang magmura sa headset niya. “Anong ginagawa ninyo? Paano ninyo nagawang hayaan na may umagaw sa last kill?”
Idinagdag ni Xenia, “Baguhan siguro ang dalawa. Hindi ba nila tayo kilala? Ang lakas ng loob nila na agawin ang last kill!”
Sumigaw si Lucas, “Sugurin sila!”
Pero, mabilis na naging black and white ang screen niya, at ang mga kasama niya ay bumagsak sa sahig.
Tinitigan ni Lucas ang character na nagngangalang “HeartbreakCrunch” at pakiramdam niya pamilyar ang gameplay ng tao. Naalala niya si Noelle. Napaisip siya kung sadya ba siyang gumawa ng bagong account para agawin ang boss kill niya. Pero, hindi pa siya dapat ganoon kagaling.
Samantala, si Noelle at Cedric ay nagdiriwang ng tagumpay, kinuha nila ang loot na nakuha mula sa boss. Pero hindi ito kasing saya ng pagkakatalo nila kay Lucas at Xenia.
Pagkatapos nila maglaro sandali, dumating ang pagkain. Pinause ni Cedric ang laro. “Kumain muna tayo.”
Napansin ni Noelle ang maliit na cake na kamukha ng natanggap ni Xenia kanina. Tumingin siya sa kanya. “Bakit ka bumili ng cake?”
“Hindi ba gusto ng mga babae ang ganitong bagay? Gantimpala ito para sa maganda mong grades dahil hindi mo ako ipinahiya.”
Hindi niya inaasahang maantig siya. Umiwas ng tingin si Cedric at malamig na idinagdag, “Anyway, kasama ito sa takeaway order.”
Kinuha niya ang maliit na cake, naramdaman na inorder niya ito para lang sa kanya. Kumagat siya, gumanda ng kaunti ang kanyang mood.
Pinanood ni Cedric na mapayuko si Noelle, nanatiling tahimik sandali, bago nagtanong. “Hindi ba masarap ang cake?”
Sa loob-loob niya, naisip niya na masarap dapat ang cake dahil isa iyon sa pinaka sikat.
Umiling-iling si Noelle, “Hindi, masarap siya. Ang tagal na kasi ng may bumili ng cake para sa akin.”
Simula ng mamatay siya, hindi na siya nagbirthday. Hindi naalala ng mga kapatid niya na gusto niya ng cake, at lagi siyang hindi kasama.
Tinignan siya ni Cedric. “Hindi mo ginugunita ang birthday mo?”
Tumigil si Noelle sandali, pagkatapos sumagot siya, “Namatay ang mga magulang ko sa aksidente noong birthday ko, kaya hindi ko na ito ginunita simula noon.”
Ang araw na iyon ay anniversary ng pagkamatay nila, at laging mabigat ang pakiramdam sa bahay. Pakiramdam niya wala siyang karapatan na magdiwang.
Pakiramdam ni Cedric may sumaksak sa puso niya ng matindi, panandalian siyang hindi nakahinga.
Umiwas siya ng tingin, nakasarado ang bibig niya, at ang mukha niya ay magkahalong galit at guilt. Sumarado bigla ang kamay niya at lumabas ang mga ugat sa likod nito.
Naramdaman ni Noelle ang pagbabago sa mood ni Cedric at sinubukan niya itong isawalangbahala. “Okay lang. Wala naman ako sa mood para magdiwang.”
Ang araw na iyon ay death anniversary nga naman ng mga magulang niya. Anong karapatan niya na ipagdiwang ang kanyang kaarawan?
Pinigilan ni Cedric ang emosyon niya at tinignan ang maputla at tahimik niyang mukha. Mukhang masunurin siya, na parang maliit na hayop.
Nanatili siyang tahimik sa isang lugar at halos hindi nakikita. Ang masunuring ugali niya ay naging dahilan para makaramdam si Cedric ng galit at kawalan ng lakas na may magawa.
Paos siyang nagsalita. “Gumagabi na. Bumalik na tayo. Huwag ka tumambay sa labas.”
“Okay. Puwede pa din ba kita puntahan dito sa hinaharap?” tanong niya ng hindi sigurado.
Nagdilim ang mga mata ni Cedric. “Hindi ka ba natatakot na baka lokohin kita?”
“Wala kang kahit na ano para lokohin ako.” kalmadong sinabi ni Noelle. “Dr. Greene, ikaw lang nag nag-iisa kong kaibigan ngayon.”
Napatigil si Cedric, tumagal sa isip niya ang salitang “kaibigan”. Napangiti siya at istriktong sinabi, “Huwag ka magtiwala sa iba ng ganoon kadali, lalo na sa mga lalake.”
“Okay. Aalis na ako.” Kumaway siya at nilisan ang infirmary.
Pagkatapos umalis, nanatili siyang nakaupo, naktitig sa cake sa lamesa, iniisip ang aksidente ilang araw na ang nakararaan kung saan ang parehong cake ay nasira. Sumakit bigla ang ulo niya. Simula ng aksidenteng iyon, hindi rin siya kumain ng cake.
Matapos ang mahabang oras, nakatanggap siya ng tawag. “Mr. Greene, ligtas ng nakauwi si Ms. Liddell.”
Ibinaba niya ang phone at tumayo, kita ang pigura niya sa paglubog ng araw.
…
Noong nakauwi si Noelle sa tahanan ng pamilya Liddell, nakita niya si Frank sa living room na hinihintay siya.
Habang hindi mabas ang kanyang ekspresyon, bumati siya. “Frank.”
Tumingala si Frank sa malayo at rebelde niyang kapatid, hindi niya alam kung paano magrereact. Noong gumanda bigla ang grades niya, pinaghinalaan niya na nandaraya siya, pero hindi niya inaasahan na ang maganda niyang grades ay resulta ng tunay niyang pagpupursige.
Lagi siyang pangkaraniwan, kaya bakit nag-improve ng husto ang grades niya?
Napagtanto niya na hindi lang siya nagrerebelde sa kanila. May tunay na nagbago. Pareho siyang masaya at malungkot.
Ang nakababatang kapatid na lagin nakakapit sa kanya ay mukhang wala na.
Ang tagumpay niya ay resulta ng pagtitiyaga, hindi lang pagrerebelde.
Nagsimula siyang mag-isip, napagtanto niya na sobrang biased siya sa kanya. Kabilang pa ang mga kilos ni Lucas sa school, pakiramdam niya masyado niyang isinawalangbahala ang nararamdaman niya. Kaya ba nagbago siya ng husto?
Batid sa boses niya ang kumplikado niyang emosyon ng sabihin niya, “Nalate ka na ng uwi. Nag-aral ka ba ulit sa study room sa school?”
“Oo.”
Bumuntong hininga ng mahina si Frank. “Hindi ba’t mas maganda mag-aral sa bahay kaysa sa labas? Kumplikado ang mundo sa labas, kung saan may iba’t ibang klase ng tao. Huwag mo na gawin ang homework mo sa ganoong mga lugar. Hindi ligtas.”
Sumarado ang bibig ni Noelle, pakiramdam niya ang mga kapatid niya ay nagdedesisyon para sa kanya.
Nagpatuloy siya, “Bumaba ang grades ni Xenia ng husto, kaya kumuha ako ng tutor para sa kanya. Dapat sumama ka din. Dahil pareho kayong nasa iisang klase, matutulungan mo siya sa notes at kapag absent siya.”
Sumingkit ang mga mata ni Noelle dahil sa sarcasm. Nagkataon na tungkol lang pala ito kay Xenia. Kaya pala pinipilit siya na mag-aral sa bahay.
Dumiretso siya ng tayo at madiin na sinabi, “Hindi.”
“Noelle, alam ko na nagkamali si Lucas sa school ngayon, at napatunayan mo ang kakayahan mo. Pero pamilya pa din tayo. Bumaba ang grades ni Xenia dahil nagfocus siya sa paghahanda sa team competition. Dahil hindi ka naman sasali sa kumpetisyon, dapat mag-effort ka para tumulong na gumanda ang grades niya. May karanasan ka na nga naman na.”
Kalokohan ito para kay Noelle. “Hindi!”
Isang salita lang. Hindi na niya kailangan magpaliwanag dahil sayang lang ito sa laway.
Galit na lumaba si Lucas, dinuro siya habang nagmumura, “Noelle, wala ka bang kunsiyensiya? Nabubuhay ka sa pamilya Liddell ng mga taong ito ng hindi nag-aambag. Hindi ka ba nahihiya?”
Ironic para kay Noelle ang mga salita niya.
Sa nakaraang buhay niya, nagpakahirap siya ng husto para sa pamilya Liddell, desperado sa pag-eensayo ng gaming skills niya para matulungan ang team na manalo sa championship. Pero anong napala niya?
Umiyak lang ng kaunti si Xenia at walang effort na niyang nakuha ang puwesto niya, ninakaw niya ang championship spot. Hindi na niya hahayaan na maulit ang pagkakamaling ito.
Habang kalmado at determinado, sumagot siya, “Sige. Simula ngayon, aalis na ako ng tahanan ng pamilya Liddell. Hindi ako kukuha kahit isang kusing mula sa inyo.”
Tatapusin na niya ang relasyon nila ngayon.