Kabanata 11
Nababagabag si Lucas tungkol sa paparating na kumpetisyon.
Tinapik ni Frank ang balikat ni Lucas. “Kakausapin ko siya kapag lumabas na ang resulta. Mahalaga nga naman ang repechage.”
Pero, hindi pa din masaya si Lucas. “Nagmakaawa noon si Noelle na turuan ko siya kung paano maglaro, ngayon ginagamit niya ito laban sa akin. Kailan pa siya naging mapagmanipula?
“Kung kinakailangan talaga, kakausapin natin si Donovan para makielam. Hindi niya puwede na isawalang bahala lang ang awtoridad niya!”
Si Xenia, na nakikinig sa malapit ay nainis ng husto. Nag-aalinlangan siyang ibigay ang puwesto niya kay Noelle dahil pakiramdam niya pinaghirapan niya ang kanyang posisyon.
…
Noong dumating si Noelle galing school, narinig niya ang lahat na pinaguusapan ang tungkol sa resulta ng exam.
Ang mga tauhan ni Gwen ay tinignan si Noelle at sadyang sinabi ng malakas, “May nagpapakahirap sa pag-aaral dito lately. Kumusta kaya ang grado niya!”
Kahit na kinakabahan, nagkunwari si Noelle na kalmado, inilabas ang kanyang libro para mag-aral.
Hindi nagtagal, pumasok si Lionel dala ang resulta, nasabik ang lahat.
Tinapik niya ang lamesa. “Tumahimik kayong lahat. Hindi maganda ang overall resulta. Hindi oras ngayon para walang gawin. Gsuto ko banggitin mismo si Xenia, na bumagsak ng 200 pagdating sa rankings.”
Agad na namutla si Xenia. Alam niya na hindi maganda ang performance niya kailan lang, pero hindi niya inaasahan na ganoon kasama.
Tinignan ni Lionel si Noelle at tumigil siya, malinaw na nagpipigil. “Pero si Noelle ay gumaling ng husto. Ipagpatuloy mo!”
Nasabik na nagtanong si Gwen, “Mr. Kramer, anong rank ni Noelle?”
“Nasa 100th na siya sa grade.”
Nag-usap ang lahat sa klase.
Ngumiti si Noelle sa sarili niya. Nagawa niya! Sobrang saya niya at gusto na niya itong iulat kay Cedric.
Ang effort niya ay hindi nasayang. Sa ganitong paraan, kung magpapatuloy siya sa pagtatrabaho ng mabuti, makakapasok siya sa Yole University.
“Mr. Kramer, naghihinala ako na may mali sa resulta ng score ni Noelle. Hindi maaaring gumaling siya ng ganito sa loob ng maikling oras!”
Natahimik ang lahat ng marinig ito. Halos lahat ay humarap kay Noelle ng naghihinala.
Tinignan din ni Lionel si Noelle at nakramdam ng kaunting pagdududa. Ngunit, hindi maitatanggi kung gaano kasipag sa pag-aaral si Noelle.
Sa puntong ito, nagsalita si Xenia ng mahina, sinabi niya, “Mr. Kramer, gusto talaga patunayan ni Noelle ang sarili niya gamit ang resultang ito. Nakipagpustahan pa siya sa bahay sa kapatid niya, kaya huwag ninyo siyang pagdudahan. Napakahalaga ng mga resultang ito para sa kanya. Pakiusap, nagmamakaawa ako sa inyo.”
Nakakakumbinsi ang mga salita niya, pero hindi mapigilan ni Noelle na ngumiti ng sarcastic. Kahanga-hanga talaga ang “pag-arte” ni Xenia. Kaya pala nahulog sa patibong ni Xenia si Noelle sa nakaraan niyang buhay.
Matapos itong marinig, naghinala si Lionel na baka nandaya si Noelle para manalo sa pustahan.
Sinabi ni Gwen, “Mr. Kramer, pakiusap huwag ninyo protektahan ang taong maaaring nandaya. Kailan lang, parehong naghahanda si Xenia at Noelle para sa kumpetisyon ng pamilya nila. Dahil bumaba ang resulta ni Xenia ng husto, imposible na gumaling ng ganito si Noelle.
Sinabi ni Betty, “Oo, Mr. Kramer. Para sa kapakanan ng pagiging patas, sa tingin namin dapat masawalang bisa ang resulta ng score ni Noelle.”
Nakita ni Xenia na nag-aalinlangan si Lionel, malinaw na nagsisimula ng maniwala sa kanya. Alam niya na nanalo siya ulit. Naisip niya, “Noelle, ang lakas ng loob mo na lampasan ako ulit! Hindi magtatagal at kakaharapin mo ang resulta nito.”
“Noelle, ipapaliwanag mo ba ang sarili mo?”
Nararamdaman ni Noelle ang nagdududang mga mata ni Lionel. Malamig siyang sumagot, “Hindi ako nandaya.” Wala na siyang sinabi matapos iyon.
Sa nakaraang buhay niya, sa tuwing nalalampasan ng resulta niya si Xenia, lagi siyang nakakahanap ng paraan para bigyan siya ng problema, dahilan para matakot siyang lampasan siya ulit sa marka. Sa mga oras na iyon, gagamitin ni Xenia ang parehong taktika.
Agad na sinabi ni Xenia, “Mr. Kramer, sinabi ko sa iyo na hindi siya nandaya. Pakiusap huwag ninyo siyang pagdudahan. Maaaring patas na masawalang bisa ang score niya, pero masasaktan siya.”
Matapos itong pag-isipan, sinabi ni Lionel, “Ang rank ni Noelle ay pansamantalang masasawalangbisa. Iimbestigahan ko ito. Kung mapapatunayan ang pandaraya, kakaharapin niya ang karampatang parusa.”
Pagkatapos, umalis na siya at nagkagulo sa ingay ang klase.
Nilait siya ni Gwen. “Sabi ko na. Imposible na tumaas ng ganito ang grades bigla. Nagkataon na nandadaya siya.”
Mayabang ang itsura ni Xenia ng ilabas niya ang kanyang phone at minessage si Lucas, “Lucas, anong gagawin ko? Nandaya si Noelle para manalo sa pustahan ninyo, at ngayon magkakaroon siya ng demerit. Nag-aalala ako sa kanya.”
Samantala, binuksan ni Noelle ang libro at nagsimula siyang mag-aral ulit. Wala siyang pakielam kung makansela ang ranking niya.
Maaaring naiimpluwensiyahan ni Xenia si Lionel, pero hindi niya maiimpluwensiyahan ang resulta ng college entrance exam scores.
Ngunit, hindi maganda ang pakiramdam ni Noelle. Nakipagpustahan nga din naman siya kay Cedric na kung makakapasok siya sa top 100, maglalaro sila ng magkasama.
Pero hindi pa siya nakakapunta sa infirmary kamakailan lang, at hindi pa nagrereply si Cedric sa nakaraan niyang message. Nalungkot siya ng kaunti, napagtanto na baka mali ang iniisip niya tungkol sa kanilang pagkakaibigan.
Natapos ang klase sa umaga, at may biglaang sigaw sa labas. Tumingala si Noelel at nakita si Lucas na pumasok. Napapaisip siya kung bakit nandito ang kapatid niya.
“Xenia, ang guwapo ng kapatid mo.”
Mukhang natutuwa si Xenia ng humakbang siya palapit at tumanggap ng maliit na cake mula sa kanya, “Lucas, nasa klase si Noelle. Baka puwede mo siyang makausap. Kung hihingi siya ng tawad at aamin sa pandaraya, baka makaiwas siya sa parusa.”
Tinignan ni Lucas si Noelle sa klase, pero hindi siya tumingala. Tahimik siyang nagbabasa sa libro. Alam niya ang dahilan ng kanyang pagbisita. Sabik na sabik si Xenia na makita siyang mapahiya. Pero, wala siyang pakielam kahit mapawalangbisa ang ranking niya, pero hindi siya aamin sa pandaraya.
Nakatayo si Xenia sa pinto, nagkukunwaring mabait. “Noelle, nandito si Lucas. Wala ka ng dapat ipagalala.”
Nagkunwari si Noelle na hindi niya narinig, hindi man lang tinignan si Lucas. Nagdilim ang ekspresyon niya. Nawala ang pag-aalala niya. Bakit siya nag-aalala kay Noelle?
Malamig niyang sinabi, “Kakausapin ko ang homeroom teacher mo.” Matapos iyon, tumalikod siya at naglakad paalis.
Dito lang dinala ni Xenia ang cake at lumapit kay Noelle. “Noelle, ako lang ang dinalhan ng cake ni Lucas. Maaaring nakalimutan ka niya. Hahatian kita mamaya.”
Batid ni Noelle na nagpapakitang gilas lang si Xenia. Sanay na siya sa ganitong ugali niya. Sa tuwing pumupunta ang mga kapatid niya sa school, nagdadala sila ng mga munting regalo para kay Xenia. Pero, walang nakukuha na kahit na ano si Noelle.
Hindi siya nagreklamo kahit na isang beses, pero sinabi ni Frank na hindi siya binibigyan ng regalo dahil matigas ang ulo niya. Ngayon, wala na siyang pakielam sa mga regalong iyon.
Bigla, tumunog ang phone ni Noelle. Nagulat siya dahil tumatawag si Cedric. Agad niyang kinuha ang phone niya at naglakad sa hallway, huminga siya ng malalim bago sinagot ang tawag. “Hello, Dr. Greene.”
“Kumusta ang resulta mo?”
Hindi maganda bigla ang pakiramdam ko. “Rank 100 ako, pero baka mapawalangbisa ang resulta.”
Naging malagim bigla ang tono niya, “Anong nangyari?”