Kabanata 10
Tumigil si Noelle sa paglalakad at binati ang mga magkakapatid na Liddell ng magalang pero malayo siya. Sinabi niya, “Frank, Blake, Lucas.”
Alam niya na kung hindi niya babatiin ang mga kapatid niya, magiging dahilan lang ito para madagdagan ang akusa sa kanya tungkol sa kanyang ugali, at wala siyang lakas para sa kanilang drama.
“Kumusta ang exam ngayon?” tanong ni Lucas, nakataas ang kilay niya. “Dahil pinili mo ang mag-aral kaysa sumali sa team, tignan natin kung gaano kaganda ang grado mo!”
Hindi na nabagabag si Noelle sa mga kapatid niya. Lagi nga naman hahanap ng rason ang mga kapatid niya para lang punahin siya kahit na ano ang kanyang gawin.
“Gagawin ko ang best ko,” sagot niya, alam niya na siguradong makakapasok siya sa Yole University at makakalayo sa kanilang lahat.
“Hindi naman magaling sa academics si Noelle,” singhal ni Blake. “Halos nakalampas lang siya ng Grade 10 at 11. Pakita lang itong last minute na pag-aaral. Mas mababa pa din siya kay Xenia!”
Ngumiti ng matamis si Xenia, sinabi niya, “Blake, huwag mo yan sabihin. Nag-aaral ng mabuti si Noelle, at kahit ang mga teacher pinupuri siya. Bukod pa doon, hindi rank ang nagdidikta sa lahat.”
Humigpit ang kapit ni Noelle sa bag niya, nagsisimulang kumulo ang dugo niya. Sa nakaraan niyang buhay, ang mababa niyang mga grado ay sinadya. Sa tuwing nalalampasan niya sa score si Xenia, gagawa ng problema si Xenia para awayin siya ng kanyang mga kapatid.
Sinadya niya na hindi galingan para hindi sila aprubado sa kanya, pero hindi ibig sabihin nito ay wala na siyang kakayahan.
Sa nakaraang college entrance exam, sinubukan niyang galingan ng higit pa kay Xenia para patunayan ang sarili niya. Gayunpaman, kahit na mas kuwalipikado siya sa mas magandang unibersidad, pinilit siya ni Donovan na mag-apply sa parehong pipitsuging kolehiyo tulad ni Xenia.
Dahil determinado siyang hindi na maulit ang mga pagkakamali niya, pinigilan ni Noelle ang kanyang galit at malamig na sinabi, “Pupunta na ako sa kuwarto ko.”
…
Sa sumunod na araw, tinanghali magising si Noelle dahil Sabado. Noong bumaba na siya sawakas para sa almusal, tahimik ang bahay. Naisip niya na marahil umalis na ang iba para sa training camp.
Dahil hindi siya nababagabag, agad siyang bumalik sa kanyang kuwarto. Pagkatapos, chineck niya ang kanyang phone para sa balita tungkol sa tournament.
Tulad ng inaasahan, ang opisyal na page ay nag-anunsiyo ng repechage round, tulad ng nakaraan niyang buhay. Noon, ganado si Lucas sa repechage, dahil nakikita niya itong pagkakataon para maghiganti kay Magnus Greene sa finals.
Nanalo ang Team Luminark sa championship sa nakaraan niyang buhay, pero sinuwerte lang sila. Misteryosong nag backout si Magnus sa mahalagang mga sandali, kung saan naagaw ng mga kapatid niya ang pagkapanalo.
Hanggang sa namatay si Noelle, hindi niya alam kung bakit nag drop out si Magnus. Sinasabi ng iba na dahil daw sa sakit, ang hula naman ng iba ay dahil sa obligasyon sa family business. Pero, hindi ito nilinaw ni Magnus.
Nakaramdam si Noelle ng pangangati na sumali sa laban habang binabasa ang ulat. Pero, nag-echo ang boses ni Cedric sa isip niya. Nagkasundo sila na maghihintay ng resulta ng kanyang exam.
Bumuntong hininga siya, at pinili na magpigil. Kailangan na lang niyang magpigil ng kaunti pa.
Matapos ang pag-iisip ng matagal, minessage niya sawakas si Cedric. “Sir, hindi ako makapunta sa infirmary noong isang linggo dahil napansin ni Frank na hindi ako umuuwi sa tamang oras. Nag-aalala ako na baka madiskubre niya ang lihim kong study spot.”
Matapos ipadala ang message, tinitigan niya ang screen, naghihintay ng sagot na hindi dumating. Nainis siya at binuksan ang profile ni Cedric, wala siyang nakita.
Samantala, tinignan ni Cedric ang message sa phone, sumingkit ng kaunti ang mga mata niya.
“Ced, sinong nagtetext sa iyo?” tanong ng isa.
Inilock lang ni Cedric ang phone niya.
Tumaas ang kilay ni Alfred sa phone ni Cedric. “Base sa profile picture… babae, ano? Siguro ang Noelle na tinulungan mo noong isang araw, tama?”
“Madaldal ka,” sagot ni Cedric.
“Defensive ka lang! Buong linggo kang nasa infirmary noong huli at bigla kang tumigil. Bukod pa doon, naglalakad ka ng busangot ang ekspresyon. Nag-away ba kayo?”
Tinignan ni Cedric si Alfred na tila nagbibigay babala, “Huwag ka makielam sa buhay ko.”
“Ikaw naman. Magkasama tayong lumaki! Alam ko ang lahat ng tungkol sa iyo, huwag ka na magkunwari,” biro ni Alfred.
Lumipat si Cedric sa balkonahe at tinignan muli ang message. Ang maisip na ikinukunsidera niya ang infirmary na “secret spot” ay naging dahilan para ngumiti siya.
Pagkatapos, nagscroll siya sa social media ni Noelle, napansin na puro ito post tungkol sa buhay ng teenager at pang-araw araw na update. Dahil napansin niyang matagal na siyang nananatili sa profile, hindi maganda ang naging pakiramdam niya.
Agad niyang inayos ang kanyang sarili at pinatay ang app. Pagkatapos, pumasok na siya sa loob.
Samantala, si Noelle ay naghihintay buong araw para sa sagot niya. Napapaisip siya kung galit ba siya, pero hindi siya naglakas loob na magpadala ng message ulit, napagdesisyunan na hintayin muna ang resulta sa Lunes.
Nag-aral si Noelle sa bahay habang si Xenia at mga kapatid niya ay nanatili sa training camp.
…
Lunes ng umaga, nakita ni Noelle si Xenia at mga kapatid niya na nag-uusap at nagtatawanan ng magkakasama sa ibaba. Malinaw na mas matibay ang bonding nila higit kailanman.
Hindi natinag si Noelle. Wala siyang sinabi at dumiretso siya sa kusina para kumain.
“Ngayon lalabas ang resulta, tama?” mapanglait na tanong ni Lucas.
Tumango si Noelle. “Oo.”
Nagpatuloy si Lucas, “Sinabi ko sa iyo na sumali ka sa team. Sa grades mo na yan, hindi ka naman makakapasok sa magandang school.
“Kaysa mag-aksaya ka ng oras sa pag-aaral, dapat nagtraining ka na lang na maging pro. Sumikat ka na sana gamit ang resources ng pamilya Liddell. Sayang lang at itinapon mo ang pagkakataon mo, ngayon si Xenia na lang.”
Naalala niya ang kahihiyan na mapalitan siya noong nakaraan niyang buhay, sumagot ng kalmado si Noelle, “Okay lang sa akin.”
Matapos mag-almusal, nilisan niya ang living room. Nagalit si Lucas sa kawalan niya ng pakielam. “Hindi ako makapaghintay na makita ang “mataas” na mga marka niya!”
Lihim na nakahinga ng maluwag si Xenia na hindi sumali sa team si Noelle. Alam nga naman niya ang natural na talento ni Noelle sa gaming at nag-aalala na baka mawala ang kanyang posisyon.
Pero, ngumiti pa din siya at sinabi, “Lucas, huwag ka magalit. Nagmamatigas lang siya. Ibibigay ko sa kanya ang puwesto ko kapag pumayag siya na sumali.”
“Ang thoughtful mo talaga lagi!” ngiti ni Lucas.
Pero, nanghina ang ngiti ni Xenia dahil sa sagot niya. Nagtraining siya ng walang sawa para makuha ang approval ni Lucas, pero mukhang mas pipiliin pa din niya si Noelle.
Tahimik na nangako si Xenia na papatunayan ang kanyang sarili sa paparating na kumpetisyon. Sisiguraduhin niya na magtatagumpay siya at papasukuin si Lucas sa paghatak kay Noelle papasok sa team.
Sa kabilang banda, si Lucas ay nababalisa sa paparating na repechage tournament—ang pagkatalo ay nangangahulugan ng wala ng ikalawang pagkakataon. Kahit na dedikado si Xenia, ang gaming skills niya ay hindi ganoon kabilis, lalo na at isang buwan na lang ang mayroon sila.
Para matalo si Magnus, kailangan nila ng taong talentado. Si Noelle lang ang pagpipilian nila, pero ang pride niya ay pinipigilan siya para humingi ng tulong mula sa kanya.
Ilang taon na siyang nasa tabi niya at gusto na makuha ang approval niya. Nasanay na din siya sa galing niya, at ang biglaang pagbabago ay naging dahilan para manibago siya.
Napaisip siya kung hanggang kailan ipagpapatuloy ni Noelle ang ganitong ugali. Pipilitin ba talaga niya si Lucas na lunukin ang pride niya?