Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 12

Sinusubukan ni Noelle na mapagaan ang loob niya, sinasabi sa kanyang sarili na huwag intindihin ang ganitong mga bagay. Ang magagawa lang ni Xenia ay ganitong mga taktika, at dahil sa pagpunta ni Lucas sa school, maaaring ang kalalabasan ng resulta ay mapawalangbisa ang resulta ng rankings niya. Ngunit, ng marinig niya na nagtanong si Cedric tungkol sa kanyang resulta, hindi niya mapigilan na mainis. Sasagot na sana siya ng may tumawag, “Noelle, gusto ka makita ni Mr. Kramer sa opisina.” Kinagat niya ang labi niya. “Kailangan ko na umalis. Usap na lang tayo mamaya.” Matapos ibaba ang tawag, tumungo si Noelle sa opisina ni Lionel. Noong pumasok siya, nakita niya si Lucas ay nandoon din. Malamig na sinabi ni Lucas, “Noelle, hindi ko inaasahan na mandadaya ka para lang manalo. Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng ugaling ito?” Hindi siya nagulat. Alam niya na hindi siya maniniwala sa kanya. Matalas ang mga mata niya ng tumingin siya sa kanya. “Hindi ako nandaya.” Hindi siya aamin sa bagay na hindi niya ginawa. “Noelle, malinaw ang totoo, at nagsisinungaling ka pa din? Base sa karaniwang grado mo at ugali sa bahay, hindi gaganda masyado ang grades mo. Bukod pa doon, napakarami mong dahilan para mandaya! Aminin mo na ang pagkakamali mo at iwasan na bigyan ka ng demerit ng school.” Ngumisi si Noelle. “May ebidensiya ka para patunayan na nandaya ako?” Tumayo ng galit si Lucas. “Noelle, tignan mo kung ano na ang nangyari sa iyo!” Agad na nakielam si Lionel dahil magiging pisikal na siya. “Pakiusap kumalma ka.” Naiinis na sinabi ni Lucas, “Pasensiya na, pero malinaw na nandaya si Noelle dahil sa pustahan sa pamilya niya. Tulad ng napagusapan kanina, papasulatin namin siya ng apology letter at publikong pahihingin ng tawad sa harap ng buong school. Kaya pakiusap huwag ninyo siyang parusahan.” Bumuntong hininga si Lionel. “Okay iyon. Sana magbago siya,” Hindi nga naman maganda para kay Noelle na maparusahan kung kailan malapit na ang graduation. Yumuko si Noelle, lalo siyang nanlumo. Ilang mga salita lang, at napagdesisyunan na nila ang kanyang tadhana ng hindi naniniwala sa kanya. Mapait na sinabi ni Lucas, “Noelle, ipinahiya mo ang buong pamilya Liddell. Paano kami nagkaroon ng morally corrupt na kapatid? Nakakahiya na banggitin ang pangalan mo.” “Sa tingin mo ba gusto ko maging kapatid ninyo?” maselan ang itsura ni Noelle, at ang mga mata niya ay nagdilim na may kakaibang lamig. Wala na siyang pakielam. “Noelle, subukan mo na sabihin yan ulit!” nagalit ng husto si Lucas at tumitig ng masama sa kanya. “Sir, pakiusap huwag ka maging mabagsik. Baka matakot siya,” isang nakatatandang lalake ang pumasok sa kuwarto, walang bakas ng galit ang mukha niyang mabait. Agad siyang binati ni Lionel, “Mr. York, bakit ka naparito?” “Nakarinig ako na may estudyante na gumaling bigla sa pag-aaral ay kinukuwestiyon sa pandaraya. Naparito ako para makita ang sitwasyon,” paliwanag ni Bruce York. Sumagot agad si Lucas, “Mr. York, hindi na kailangan mag-imbestiga. Nandaya si Noelle para makuha ang magandang resulta. Kung ayaw niya itong aminin, parusahan na lang natin siya.” Determinado si Lucas na turuan siya ng leksyon. Kakatapos lang niya magmakaawa kay Lionel na palampasin siya, pero kung ayaw humingi ng tawad ni Noelle, hindi na siya tutulong. Hindi nga naman ito nararapat para sa kanya. Humarap si Bruce kay Noelle. “May simpleng paraan para maberipika kung nandaya ka. Bibigyan ka namin ng bagong set ng mga tanong para sagutan mo habang binabantayan ka. Tatanggapin mo ba ito?” Tumingala si Noelle sa kanya. “Tinatanggap ko ito, pero may isa akong kundisyon. Kung papasa ako at mapapatunayan na hindi ako nandaya, gusto ko na humingi ng tawad ng publiko ang mga taong nanirang puri sa akin?” Ngumisi si Lucas. “Sige. Tignan natin ang galing mo!” Hindi nagtagal, inabutan ni Lionel si Noelle ng set ng mga tanong. “Oorasan kita.” Nagsimula maupo si Noelle at sagutan ang papel. Tahimik ang opisina habang inoobserbahan siya. Nakaupo si Lionel sa malapit at gulat na pinapanood siya habang sinasagutan ang mga math problems. Ang set ng mga tanong na ito ay mas mahirap kumpara sa nakaraang exam, pero nasagutan niya ang karamihan dito agad ng tama! Lumipas ang oras. Habang napapaisip sa nangyayari sa opisina, lumapit si Xenia at nakita si Noelle na nagsasagot sa text. Agad na naging masama ang pakiramdam niya. Pumunta siya kay Lucas. “Lucas, anong nangyayari? Inuulit ni Noelle ang test?” Suminghal si Lucas. “Oo. Ayaw niyang umamin sa pandaraya. Tignan natin kung mapapatunayan niya ang siansabi niya.” Agad na lumapit si Xenia kay Noelle, sinabi niya, “Huwag ka na maging matigas ang ulo Noelle. Naniniwala kami sa iyo. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo.” Hindi sumagot si Noelle o binigyan siya ng pansin. Sa halip, nagfocus siya sa exam. Matapos makita na hindi niya madistract si Noelle, kinagat ni Xenia ang labi niya at humarap kay Lucas. “Lucas, galit pa din si Noelle sa akin.” Naiinis na si Lucas. “Noelle, kinakausap ka ni Xenia. Bakit ayaw mo sumagot?” Tumingala si Noelle. “Nagsasagot ako sa test. Hindi mo ba nakikita?” Natulala siya sandali. “Binibigyan ka ni Xenia ng pagkakataon. Dapat kunin mo na ito hanggat kaya mo, kung hindi mapapahiya ka lang mamaya!” “Xenia, huwag mo istorbohin si Noelle habang sinasagot niya ang exam,” nakielam sawakas si Lionel, hindi na magawang manahimik. Mula sa pananaw niya, nakikita niya na natapos ni Noelle ng maayos ang test ng kumpiyansa at tumataas ang posibilidad na hindi siya nandaya. Dahil cornered na siya pero ayaw sumuko, nagkunwari na inosente si Xenia. “Mr. Kramer, wala akong ibig sabihin doon,” matamis niyang sinabi, sinusubukan na magkunwari. Pero sa loob-loob niya, hindi niya matiis na napapatunayan ni Noelle ang abilidad niya. Ang maisip na nalamangan siya ni Noelle ay hindi niya maatim, katotohanan na ayaw niyang tanggapin o paniwalaan. Habang nakatayo sa gilid, pinanood siya ng mabuti ni Xenia, nagdududa siya ng sobra. Maaari kayang mataas ang makuha na marka ni Noelle sa test? Pero, hindi maganda ang pakiramdam niya dahil sa napansin niya na pagbabago ni Noelle. Sa unang pagkakataon, nagsimula siyang magduda sa loob-loob niya. Natapos ang test. Agad na kinuha ni Lionel ang exam paper at sinimulan na suriin ito kasama ang iba pa ng mga teacher. Nakaupo pa din si Noelle, kalmado ang mood niya kahit na nakikita niya si Xenia sa tabi ni Lucas. Wala na siyang nararamdaman. Kung wala siyang pakielam, hindi siya masasktan. Sabik na nagsalita si Lionel. “Handa na ang resulta.” Kasamaan ang nasa puso ni Xenia habang umaasa na bumagsak siya Noelle. Malamig na sinabi ni Lucas, “Mr. Kramer, kung pangit ang resulta, huwag mo na sabihin. Masyadong nakakahiya.” “Hindi,” sambit ni Lionel. “Maganda ang ginawa ni Noelle! Ang set ng mga tanong ngayon ay mas mahirap kaysa sa mock exam, at mas maganda pa ang resulta niya ngayon!” Ang bigat na nararamdaman ni Noelle sa puso niya ay gumaan sawakas. Ngumiti siya ng kaunti. Sa kabilang banda, ang ekspresyon ni Lucas ay nanghina ng makita ang test paper. Malinaw ang grades. Magaling ang ginawa ni Noelle. Tumingkayad si Xenia at nakita ang score niya, agad siyang nainggit. Naisip niya na imposible ang ganitong kakayahan ni Noelle. Ngumiti si Bruce. “Malinaw na ang katotohanan ngayon. Dulo’t ng kasipagan ang improvement ni Noelle. Tumango si Lionel. “Nag-aaral siya ng mabuti recently.” Nagbago ng maraming beses ang ekspresyon ni Lucas. Sawakas, ibinaba niya ang test papers, gulat na hindi nandaya si Noelle. Sa mga oras na iyon, pakiramdam niya estranghero ang Noelle sa harap niya. Nilinaw ni Bruce ang lalamunan niya. “Ngayon at lumabas na ang katotohanan, ang mga nanirang puri kay Noelle ay dapat humingi ng tawad. Agad na naiilang ang ekspresyon ni Xenia.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.