Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 9

Idiniretso ni Noelle ang likod niya, naalala niya kung kailan niya unang natutunan na iniligtas ng ama ni Xenia ang buhay niya. Noong inuwi ni Donovan si Xenia sa bahay, hindi siya kumontra at tinrato siya na tunay na kapatid. Pero, habang lumilipas ang oras, pinanood niya si Xenia na agawin ang mga kapatid niya mula sa kanya. Nagsimua niya itong mapansin ng mapagtanto niya ang nangyayari at umasim na ang relasyon niya sa kanyang mga kapatid. “Noelle, makinig ka nga sa sinasabi mo!” sigaw ni Frank. “Walang humihingi sa buhay mo. Gusto lang namin na makasundo mo si Xenia! Napakahirap ba nito? Gaano katagal mo ipagpapatuloy ang ugaling ito?” “Hindi ako ang mahirap pakisamahan,” bulong niya. Noong narinig niya na nagsalita si Frank, ang lahat ng mga kuwestiyon at galit na naipon sa puso niya ay nawalan ng silbi. Sinubukan niya ipaliwanag ang sarili niya sa nakaraan niyang buhay, pero hindi ito nakatulong. Kaya, ayaw na niyang hayaan ang opinyon ng mga kapatid niya na maapektuhan siya sa pagkakataong ito. Tahimik niyang inimpake ang mga libro niya sa bag at sinabi ng mahina, “Kung wala ka ng sasabihin, pupunta na ako sa kuwarto ko.” Naupo si Frank sa couch, naiinis siya. “Noelle, kung papayag ka na sumali sa team ngayon, puwede namin kalimutan ang lahat ng pagkakamali na ginawa mo.” Natuwa si Noelle sa mga sinabi niya. Sa totoo lang, kalokohan ang tingin niya sa lahat ng ginawa niya sa nakaraang buhay niya. Matapos iyon, umakyat na siya ng hagdan ng hindi tumitingin pabalik, mas determinado ang mga hakbang niya. Nagsindi ng sigarilyo si Frank, malinaw na naiirita. Hindi nagtagal, lumapit ng maingat si Gordon at sinabi, “Mr. Frank, kung ayaw ni Ms. Liddell na sumali, hindi pa naman katapusan ng mundo. At least nandoon si Ms. Quigley.” Sumimangot si Frank. “Hindi ito tulad ng dati.” “Mr. Frank, kung puwede ko sana sabihin… Hindi nagtanong si Ms. Liddell tungko sa inyo habang wala kayo sa mga nakaraang mga araw. Nakakapagalala ang kawalan niya ng pakielam.” Agad na pinatay ni Frank ang sigarilyo at nagmaneho paalis ng mansyon. Pinanood siya ni Noelle na manood mula sa bintana, inassume niya na papunta siya sa training camp. Matapos maligo, inaral niya ang mga practice problems muli. Determinado siyang takasan ang lugar na ito. … Nanatiling gising si Noelle hanggang madaling araw. Agad niyang inimpake ang mga gamit niya, kumuha ng sandwhich mula sa kusina at nagmadaling lumabas. Nasa ibaba si Frank at nakita siyang paalis. Sumimangot siya at nagtanong, “Bakit ang aga niyang gumising?” Sumagot ang housekeeper, “Si Ms. Liddell ay sumasakay sa pampublikong sasakyan simula noong Lunes. Nalate siya noon dahil si Ms. Quigley ay abala sa pakikipagusap tungkol sa team kasama kayo. Simula noon, ayaw na niyang gamitin ang serbisyo ni Aiden.” Naging kumplikado ang ekspresyon ni Frank. Sa oras na iyon, bumaba si Blake, kinukuwestiyon niya, “Seryoso? Pinalalaki niya ang bagay na nalate siya? Sinong pinapahanga niya?” Humikab si Lucas ng sumama sa kanila. “Frank, nagpapakitang tao lang si Noelle para maguilty ka. Kung bibigay ka ngayon, mas lalala siya>’ Nanatiling tahimik si Frank, pakiramdam niya kailangan matuto ni Noelle. Binigyan nga naman nila ng mga pagkakataon ang kapatid nila, pero isinawalangbahala niya ang lahat. Narinig ni Xenia ang kanilang pinaguusapan, at natuwa ang ekspresyon sa mga mata niya ng masaya siyang bumaba ng hagdan. “Good morning, Frank, Blake, Lucas! Mag-almusal tayo ng magkakasama!” Gumaan ang mood ni Frank sa masiglang ugali ni Xenia. Nakahinga siya ng maluwag dahil at least may isang kapatid na maayos ang ugali. … Pagkatapos ang pagpupuyat niya sa pag-aaral, nahirapan si Noelle na manatiling gising sa klase. Gayunpaman, nanatili siyang focused sa klase, determinado na hindi mamiss ang mga mahahalagang punto ng klase. Habang naglelesson, tinawag ng teacher si Xenia para sumagot sa tanong, pero nahirapan siyang sumagot at hindi nagtagumpay. Bumuntong hininga ang teacher at sinabi, “Xenia, distracted ka lately. Kung hindi ka makakahabol, mahihirapan ka sagutin ang exam sa susunod.” Namula si Xenia. “Pasensiya na. Hindi na ito mauulit.” Ang isa sa mga alalay niya ay nagsalita bigla, sinabi niya, “Miss, mukhang nag-aaral ng mabuti si Noelle lately. Siguradong alam niya ang sagot!” Napatingin ang lahat kay Noelle. Ang karamihan sa klase ay inaasahan siyang babagsak dahil madalas na mas malala ang grades niya kumpara kay Xenia. Pero, tumayo si Noelle at sinagot ng kumpiyansa ang lahat ng mga sagot. Mukhang nagulat sa masayang paraan ang teacher. “Tama! Mukhang nag-eeffort ka nga talaga lately, Noelle. Dapat gayahin siya ng lahat at magfocus.” Tinitigan ng masama ni Xenia si Noelle mula sa sulok ng mga mata niya, nagagalit siya dahil ang gaming practice niya ay nagiging dahilan para maungusan siya ni Noelle. Hindi siya makapaniwala na naagaw ni Noelle ang pagiging bida mula sa kanya. Kailangan niyang makahabol agad. Samantala, nakaramdam ng kaunting bugso ng saya si Noelle matapos mapuri. … Pagkatapos ng klase, dumiretso pauwi si Noelle kaysa pumunta sa infirmary, ayaw niyang isugal na matuklasan ni Frank ang routine niya. Tulad ng inaasahan, binabantayan siya ng mabuti ni Gordon, dahilan para hindi siya maging kumportable. Makalipas ang dinner, bumalik siya sa kuwarto niya at inilock ang pinto, nakapag relax siya sawakas. Habang nag-aaral, nag-aalinlangan ang kamay niya sa kanyang phone. Napapaisip siya kung dapat ba niya ipaalam kay Cedric na hindi siya pupunta sa infirmary sa araw na iyon. Pero kung iisipinm hindi naman sa umaasa siyang dadating si Noelle. Siya ang lagi na mapilit sa pagpunta doon. Dahil hindi pa din siya nakakapagdesisyon kung itetext siya, isinantabi ni Noelle ang phone niya at naisip na mamaya na niya sasabihin. Hindi nagtagal, nakatulog siya mula sa pagod sa oras na nagsimula siya sa kanyang homework. Sa sumunod na umaga, nagising siya sa alarm. Matapos makita ang oras, nagmadali siya para maghanda. Agad niyang kinuha ang mga libro at tumakbo palabas ng pinto. Habang nanananghali, napagdesisyunan niyang bumisita sa infirmary. Noong hindi niya nakita si Cedric doon, naglakas loob siya na tanungin ang doctor na nakaduty. “Nandito ba si Dr. Greene ngayon?” “Nasa lunch break siya,” sagot ng doktor. Tumango si Noelle, balak niyang bumisita ulit pagkatapos ng klase. Bumalik siya sa infirmary noong haponm pero wala pa din doon si Cedric. Tinignan siya ng parehong doktor at sinabi, “Ako ang nakashift ngayon. Magfocus ka na lang sa pag-aaral kaysa sa mga distractions tulad nito. Masyado ka pang bata para sa ganitong bagay.” Namula sa galit si Noelle pero hindi na siya nag-abala na magpaliwanag. Sa nakalipas na mga araw, patuloy niyang tinitignan ang infirmary, pero wala doon si Cedric. Nakakagulat dahil parang nawawala siya dahil sa kanyang routine, dahil nasanay na siyang nandoon si Cedric at hinihintay siya. Pagkatapos, napagtanto niya—nagiging dependent na siya sa kanya. Agad niyang isinawalangbahala ang pakiramdam, alam niya na hindi siya dapat umasa kahit na kanino. Sa pagkakataong ito, kailangan niyang tuamyo ng mag-isa. Habang iniisip ito, nagpakalunod siya sa pag-aaral. Ibinuhos niya ang kanyang atensyon sa paparating na monthly exam, hindi siya puwedeng bumagsak. … Pagkatapos ng exam, pakiramdam ni Noelle kumpiyansa siyang makakapasok sa top 100. Habang ang ibang mga estudyante ay nagrereklmao tungkol sa hirap, inilabas ni Noelle ang phone niya para imessage si Cedric pero nahirapan siya dahil hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Hindi nga naman sila ganoong kalapit sa isa’t isa. Dahil nainis si Noelle, itinabi niya sa kanyang bag ang phone niya. Noong dumating siya sa bahay habang maganda ang mood, nakita niya na kakaiba at ganado ang lahat sa living room. Ang mga kapatid niya ay nagbalik at wala sa training camp ngayon. Sa oras na pumasok siya, ang masayang pakiramdam ay nagbago. Naging tahimik sa kuwarto, at ang masayang pag-uusap ay natigil. Pakiramdam niya hindi si welcome na tagalabas, ginugulo ang masayang eksena ng pamilya sa pagitan ng mga kapatid niya at ni Xenia.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.