Kabanata 5
“Nandito na po ang perang kailangan mo, Mr. Morgan!” sambit ni Bobby Kane habang tumatakbo palapit kay Cameron.
“Ikaw siguro si Mr. Kane,” mahinhin na sinabi ni Cameron.
“Puwede mo po akong tawagin na Bob, sir!” Pinunasan ni Bobby ang pawis niya sa kilay. Nagpapanic ang itsura niya. “Bakit hindi po ninyo ako sinabihan tungkol po sa pagdating ninyo, Mr. Morgan? Pasensiya na po at napaghintay kita ng matagal dito!”
Ang taong nasa harapan ni Bobby ay ang nakatataas sa boss niya na si Lord Blackheart! Isang salita lang niya at iyon na ang magiging kapalaran niya!
“Hindi mo kailangan mag-alala, Mr. Kane. Bukod pa doon, hindi ka late. Ako ang dumating ng maaga,” sambit ni Cameron ng nakangiti.
Naantig si Bobby. Ang akala niya masamang tao si Cameron. Sinong mag-aakala sa kanya na humble siya at magalang!
“Maraming salamat po, Mr. Morgan!” pagpapasalamat ni Bobby. “Ito po ang isang milyong dolyar na kailangan ninyo, sir!”
“Puwede mo na ito ibalik. Hindi ko na ito kailangan.” Umiling-iling si Cameron. “Pasensiya na at pinapunta kita dito para sa wala.”
“Wala pong problema, sir!” natatakot na sinabi ni Bobby. “May nangyari po ba kanina, Mr. Morgan?”
“Wala naman. Kaunting abala lang. Oo nga pala, kilala mo ba kung sino si Archie Price?”
“Si Archie Price po?” tanong ni Bobby at tumango siya. “Oh, siya po ba. Siya po ang nakatatandang anak ng pamilya Price, isa po sa pinakamapangyarihan na pamilya sa Yrando. Ang ama po niya ay si Magnus Price na katrabaho ng kumpanya natin sa ibang mga proyekto.
“Naparito po siya kanina dito para po sa kanyang ama tungkol po sa joint venture project sa lungsod. Nag-offer po siya ng 30 percent na kita sa amin. Kilala mo po ba siya, Mr. Morgan?”
Umiling-iling si Cameron. “Hindi, naitanong ko lang.”
Pero iba ang naisip ni Bobby. Hindi pangkaraniwang tao si Bobby, dahil nakuha niya ang approval ni Blackheart para maging CEO ng Darth Holdings.
Agad na naintindihan ni Bobby ang tinutukoy ni Cameron.
Sinabi ng mahina ni Bobby, “Sa tingin ko po hindi tunay ang pamilya Price tungkol sa joint venture. Bakit hindi po natin iwan ang business opportunity na ito sa iba?”
“Oo.” tumango si Cameron.
Lihim na nakahinga ng maluwag si Bobby. Mukhang tama siya.
Magalang niyang sinabi, “Bakit hindi po kita isama sa tour sa kumpanya, Mr. Morgan?”
“Sa susunod na lang, Mr. Kane. May importante akong dapat asikasuhin ngayon,” sambit ni Cameron.
Ang naiisip lang ni Cameron ngayon ay ang hair bow. Base sa sinabi ni Madison kanina, ang hair bow ang pagmamayari ng best friend niya.
“Sige po, Mr. Morgan. Kontakin po ninyo ako kapag libre kayo. Ito po ang card ko!” iniabot ni Bobby kay Cameron ang name card niya.
Tinanggap ito ni Cameron ng nakangiti. “Okay, Mr. Kane. Kailangan ka ngayon para imanage ang kumpanya simula ngayon.”
“Karangalan ko po na pagsilbihan ang kumpanya, Mr. Morgan,” sinserong sinabi ni Bobby. Para patunayan ang determinasyon niya, idinagdag niya, “Ipapaescort po kita sa driver ko kapag gusto mo po mamaya, sir!”
“Hindi na kailangan. Mag-isa na akong pupunta.”
“Sige po, sir.”
Tumalikod si Cameron, aalis na siya.
Sa oras na ito, isang abbae na nakasuot ng off-white na dress ang pumasok sa entrance.
Mahaba ang buhok niya at mukhang nasa late twenties. Nagmadali siyang pumasok, at halos makabangga si Cameron.
“Pasensiya na po talaga!” humingi siya ng tawad.
Tinignan siya ni Cameron, tila pamilyar siya. Ngunit, hindi pa sila nagkakakilala maliban ngayon.
Walang enerhiya ang babaeng ito para magkaroon ng pakielam sa paligid. Matapos humingin ng tawad kay Cameron, humarap siya sa elevator.
Sa oras na iyon, nakita niya si Bobby na nakatayo sa tabi ni Cameron. Nagulat siya. “Pagkakataon nga naman, Mr. Kane!”
Naparito siya para makita si Bobby Kane!
“Magandang tanghali, Ms. Dakota,” magalang siyang binati ni Bobby ng nakangiti.
Iniabot ni Dakota Jennings ang proposal na dala niya. “Ito po ang proposal ng pamilya ko para sa project ng kumpanya ninyo sa lungsod, Mr. Kane. Pakiusap tignan mo.”
Kinakabahan si Dakota dahil ito ang huling pag-asa ng pamilya niya para iligtas ito!
Ang pamilya Jennings ay old blood sa Yrando. Kahit na wala silang laban sa pinakamayayaman na pamilya, may estado pa din sila.
Pero sa nakalipas na mga buwan, nagkaroon sila ng malaking utang dahil sa gambling addiction ng lolo ni Dakota. Ang pagkalugi ng negosyo ng ama niya ay dumagdag pa sa problema ng pamilya.
Kung hindi dahil sa reputasyon ng pamilya Jennings, matagal na silang nabankrupt.
Ngayon ay gusto nilang mag comeback, umaasa sila sa partnership sa Darth Holdings. Gusto nilang umasa sa reputasyon ng Darth Holdings sa Yrando!
Dahil dito, ilang proposals na ang inayos ni Dakota. Kumpiyansa siya sa abilidad niya na sumulat ng proposal.
Pero matapos kunin ang proposal ni Dakota, tinignan lang ito sandali ni Bobby bago ito isinara.
Nagsalubong ang mga kilay ni Dakota. Kinakabahan siyang nagtanong, “May problema ba sa proposal, Mr. Kane?”
“Sa totoo lang, Ms. Dakota, ang kumpanyang ito ay nakikipagtrabaho sa mga business na may magandang reputasyon. Sa pagkakaalam ko, may kasalukuyang financial crisis ang pamilya ninyo…” dumiretso sa punto si Bobby. Hindi niya gusto mag-akasaya ng oras.
Matagal ng alam ni Bobby ang sitwasyon ng pamilya Jennings. Hinding hindi makikipagtrabaho ang Darth Holdings sa kanila.
Nawala ang pag-asa ni Dakota sa mga sinambit ni Bobby. Pero hindi pa rin siya sumuko dahil siya ang huling pag-asa ng pamilya nila.
Isinara ni Dakota ang mga kamao niya at sinabi, “Mr. Kane, kung nag-aalala ka sa financial issues ng pamilya namin, maipapangako ko po sa inyo na hindi ko kayo bibiguin! At kung tatanggapin mo po ang proposal na ito, puwede ko hatiin ang kita ng kumpanya ng 50 – 60 percent.”
“Ang pamilya Jennings? Dakota Jennings?” inisip ni Cameron ng kuminang ang mga mata niya.
Dito lang niya napagtanto na ang babaeng nakatayo sa harapan niya ay ang anak ng pamilya Jennings ng Yrando, na best friend ni Madison.
Hindi pa nakikita ni Cameron si Dakota ng personal, pero narinig na niya ito noon kay Madison. Kasama ng kakaibang nararamdaman ni Cameron ng makita si Dakota, maaaring si Dakota ang babae noong…
“Pasensiya na, Ms. Dakota. Naaappreciate ko ang proposal pero hindi kita matutulungan dito,” sinabi ni Bobby, inabala ang iniisip ni Cameron.
“Pakiusap, magtiwala ka sa akin, Mr. Kane!” pagmamakaawa ni Dakota. Hindi maaaring mawala ang business deal na ito.
“Pasensiya na talaga, Ms. Dakota.” Umiling-iling si Bobby.
“Mr. Kane, Ano…” gusto ipilit ni Dakota na bigyan siya ng isang pagkakataonm pero ng makita niya ang kawalan ng pasensiya sa mga mata ni Bobby, alam niyang maiinis lamang ito sa kanya kung magpapatuloy siya.
Kaya walang nagawa si Dakota kung hindi sumuko. Bigo niyang sinabi, “Naiintindihan ko, Mr. Kane. Pasensiya na po at naaksaya ko ang oras ninyo.”
Tumalikod si Dakota para umalis.
Sa oras na iyon, nagsalita bigla si Cameron. “Mr. Kane, sa tingin ko desenteng tao si Ms. Dakota at tunay na tao. Bakit hindi mo ikunsidera ang proposal niya?
Natulala si Dakota. Humarap siya at tinignan si Cameron, nagpapasalamat ang nararamdaman para sa kanya.
Pero alam niyang wala tao sa Yrando ang makakapagbago sa desisyon ni Bobby Kane…