Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 6

Walang pag-asa sa mga mata ni Dakota dahil alam niyang hindi na magbabago ang sitwasyon. Sinong mag-aakala na nanigas si Bobby ng marinig ang sinabi ni Cameron. Natural na walang alam si Dakota sa nangyayari. Matapos pasalamatan si Cameron, tumalikod siya para umalis. “Sandali lang, Ms. Dakota!” tinawag siya ni Bobby. “Anong problema, Mr. Kane?” magalang na tanong ni Dakota. Sa tingin niya hindi magbabago ang isip ni Bobby, kaya ang iniisip niya ay ibang bagay ang nais niyang pag-usapan. “Matapos pag-isipan, napagdesisyunan ko na maayos ang proposal mo. Maaari tayong magtulungan!” sinabi ni Bobby, gulat na gulat si Dakota. “Totoo, Mr. Kane?” kinakabahan na tanong ni Dakota habang nakatingin kay Bobby. “Siyempre, Ms. Dakota,” sinabi ni Bobby ang totoo. Sa totoo lang, mas kinakabahan siya kaysa kay Dakota. Dahil sa nagsalita si Cameron tungkol dito! Naantig si Dakota. Hindi niya inaakala na magbabago ang isip ni Bobby! Dahil ba ito sa lalakeng nasa tabi ni Bobby? Humarap si Dakota kay Cameron. “Tatawagan kita sa contract signing nukas pagkatapos ng company meeting,” sinabi ni Bobby. Ang ugali niya ay biglaang nagbago. “Okay, Mr. Kane. Maraming salamat!” pinasalamatan siya ni Dakota. “Walang anuman, Ms. Dakota.” “Hindi ko na kayo iistorbohin kung ganoon,” sinabi ni Dakota. Alam na ang pagbabago ng ugali ni Bobby ay dahil kay Cameron, hindi niya gusto na maging abala sa kanila. “Sige, Ms. Dakota. Hanggang sa susunod.” “Paalam, Mr. Kane.” Tumalikod si Dakota at nilisan ang gusali. Bago niya ito ginawa, tinignan niya ng kakaiba si Cameron. Matapos umalis si Dakota, nagtanong si Bobby kay Cameron, “Kilala po ba ninyo si Ms. Dakota, Mr. Morgan?” “Oo.” tumango si Cameron. “Tungkol naman po sa profit ratio, sir?” tanong ni Bobby ukol sa magiging utos ni Cameron. “Tulungan mo hanggat maaari ang pamilya Jennings.” “Masusunod po, Mr. Morgan!” sagot ni Bobby. Nanginig siya sa loob niya. Mukhang hindi simple ang relasyon ni Cameron kung makakapagsabi siya ng ganito. Halos magkamali ng matindi si Bobby kanina! “Ikaw na ang bahala sa contract signing, Mr. Kane. Mauuna na ako,” sinabi ni Cameron. Ang gusto lang niya ay makita muli si Dakota. “Ingat ka po, Mr. Morgan,” magalang na sinabi ni Bobby ng umalis si Cameron. Ang akala ni Cameron makakalayo si Dakota, pero noong lumabas siya ng entrance, nakita niya si Dakota na nakatayo sa labas. Noong nakita niya si Cameron, masaya niyang sinabi, “Oh, hi!” “Hinihintay mo ba ako?” tanong ni Cameron. “Mhm.” Tumango si Dakota. Pagkatapos ay nagpasalamat siya, “Maraming salamat sa ginawa mo kanina!” “Walang anuman, Ms. Dakota. Sumangayon lang si Mr. Kane dahil magaling ang proposal mo,” sinabi ni Cameron ng nakangiti. Nakita ni Dakota kung gaano kabait si Cameron. Ang mahalaga pa dito ay hindi siya nagmamayabang kahit na nakatulong siya sa mahalagang bagay. “Um… libre ka ba ngayon?” tanong ni Dakota. “Oo. Bakit?” “G-Gusto kita ibili ng kape bilang pasasalamat sa pagtulong mo sa akin kanina. Siyempre… hindi ko lang gusto na suklian ka gamit ang inumin, gusto ko ipakita na nagpapasalamat ako. Puwede ka tumanggi kung sagabal—” “Walang problema. Gusto ko ng kape,” ngumiti si Cameron, hindi pinatapos magsalita si Dakota. “Totoo?” masayang nakatingin si Dakota sa kanya. Nagkaroon na siya sawakas ng pagkakataon para pasalamatan siya! “Totoo.” Nanatiling nakangiti si Cameron. “Mabuti! Anong mas gusto mo, kape o tsaa?” “Puwede ka mamili para sa akin. Okay lang sa akin ang kahit na alin,” sagot ni Cameron. Gusto niyang gamitin ang pagkakataon na ito para tanungin ang pagkakakilanlan ni Dakota. “Tumungo tayo sa Islander’s Café. Tunay ang kape nila at malapit lang. Hindi ito uubos ng oras mo,” suhestiyon ni Dakota. Ang ekspresyon niya ay purong tuwa. “Sige.” Ngumiti si Cameron. Makalipas ang sampung minuto, dumating sila sa Islander’s Café. Matapos makahanap ng lugar para makaupo, inorder ni Dakota ang dalawa nilang signature cappuccino, tig isa sila. Habang hinahalo ang kape niya, masayang sinabi ni Dakota, “Ang cappuccino dito ay sikat. Bakit hindi mo ito tikman?” “Sige,” sagot ni Cameron. Humigop siya ng kape. “Mm. Masarap ito.” “Diba?” ngumiti si Dakota, nagkatinginan sila. “Oh, nakalimutan ko ipakilala ang sarili ko. Ako si Dakota Jennings. Ikinagagalak kong makilala ka. Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin kanina!” “Ikinagagalak ko din na makilala ka, Ms. Dakota,” sagot ni Cameron ng nakangiti. “Nagpapasalamat talaga ako sa ginawa mo kanina. Hindi sana sasangayon makipagtrabaho sa akin si Mr. Kane kung hindi ka nagsalita. Oo nga pala, paano mo nakilala si Mr. Kane? Hindi ko pa siya nakikitang tumanggap ng payo mula kahit kanino bago kita makilala.” Napapaisip ang mga mata ni Dakota habang nakatitig kay Cameron. Alam niya agad na may kinalaman sa kanya ang dahilan kung bakit sumangayon si Mr. Kane. “Ano, tungkol doon…” nagbibirong sinabi ni Cameron, “Maniniwala ka ba sa akin kapag sinabi ko na ako ang boss niya?” “Ikaw ang boss niya?” nanlaki ang mga mata ni Dakota. “Pero ang alam ko si Blackheart ang boss ni Mr. Kane.” “Haha! Paano kung sabihin ko sa iyo na ako din ang boss ni Blackheart?” sinabi ni Cameron habang tumatawa. Nakita ni Dakota na nagbibiro si Cameron kaya ngumit siya. “Nakakatawa ka, alam mo ba?” “Haha, sa tingin ko din.” Tumawa ng malakas si Cameron. Nagtanong si Dakota, “Oo nga pala, hindi ko pa alam ang pangalan mo kahit matagal na tayong nag-uusap.” “Ako?” ngumiti si Cameron. “Ako si Cam…” Buzz. Tumunog bigla ang phone ni Dakota sa lamesa. Tinignan niya ang screen at nakita na si Madison ang tumatawag.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.