Kabanata 4
Natulala si Cameron.
Nagkamali siya all these years. May isa pang hairbow na katulad ng nasa kanya! Ang mabait na babae ilang taon na ang nakararaan ay hindi si Madison!
“Oh? Tama ba ako?” naging mas nakakadiri ang tono ni Madison ngayon at tumama siya sa ginawa ni Cameron.
Hindi nakikinig si Cameron. May iba siyang iniisip.
“Bakit hindi ka nagsasalita? Bakit ang daldal mo kanina? Wala ka na masabi?” nagtanong pa si Madison.
Lalo siyang hindi mapakali habang nagsasalita. “Paano ko nagawang makasama ka ng limang taon? Binabalaan kita, Cameron Morgan—kapag hindi mo ako kinompensate para sa mental distress, hindi kita palalampasin! Bastos ka! Gaano katagal mo ng tinitignan ang best friend ko?”
“Puwede ka bang manahimik?” tinignan niya ng masama si Madison matapos ayusin ang kanyang sarili. “Hindi ko ninakaw ang gamit ng best friend mo!”
Naooverwhelm siya ngayon at may nakakainis pa din siyang ingay na naririnig.
Natulala si Madison.
Sinigawan siya… ni Cameron?
Mahinhin si Cameron at matatakutin kay Madison sa limang taon nilang pagsasama!
“Ahhh!” lalo nagalit si Madison habang iniisip ito. Sinigawan niya si Cameron, “Ang lakas ng loob mo na sigawan ako kung ikaw itong umaasa sa mga resources ko sa nakalipas na mga taon, walang kuwenta ka!”
“Puwede bang tumigil ka sa kakasigaw? Hindi mo ba alam kung gaano ito nakakainis?” nagagalit na si Cameron kay Madison. “Sinabi ko na sa iyo na hindi ko ninakaw ang gamit ng kaibigan mo!”
“Hindi? Sabihin mo sa akin kung saan mo ito nakuha kung ganoon.” Galit na sagot ni Madison.
“Anong kinalaman nito sa iyo?” malamig ang mga mata ni Cameron.
“Ikaw!” galit na galit na si Madison. “Ganito ba ang ugali mo matapos tayo maghiwalay, Cameron? Bulag talaga ako at napagdesisyunan ko na makasama ang mentally unstable at bastos na tulad mo. Nakakadiri ka! Kung hindi mo ako icocompensate ngayon, ang gagawin ko…”
“Sabihin mo sa akin kung magkano ang gusto mo!” hindi siya pinatapos magsalita ni Cameron.
Wala siya sa mood na makipagtalo kay Madison. Ang gusto lang niya gawin ay hanapin ang tunay na may ari ng hair bow!
Natulala sandali si Madison sa pagigigng direkta ni Cameron.
Pero mabilis na naging mapanghamak ang itsura ni Madison ng maalala kung anong ugali kanina ni Cameron.
“Isang milyon. Gusto ko na icompensate mo ako ng isang milyong dolyar!” sagot ni Madison.
Ang isang milyon ay wala lang sa kanya, pero alam niyang malaking halaga ito para kay Cameron.
Hindi makapagbigay si Cameron ng isang daang dolyar, paano pa kaya ang isang milyon.
Malinaw na gusto ipahiya ni Madison si Cameron sa publiko. Sinong nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na tratuhin siya ng ganito, inisip niya ng masama.
“Sige.” Hindi na nag-aksaya ng oras si Cameron.
“Narinig mo ba ako ng malinaw? Isang milyong dolyar!” galit na sinabi ni Madison.
“Hindi ako bingi,” malamig na sagot ni Cameron.
Alam niya kung anong plano gawin ni Madison. Pero sa tingin ba niya siya pa din ang dating Cameron?
“Sige. Bilisan mo at ibigay sa akin ang pera. Gusto ko ito ngayon din!” demanda ni Madison.
Gusto niyang makita kung saan magmumula ang pera ni Cameron!
Kalmadong inilabas ni Cameron ang phone niya at tinawagan si Blackheart. “Magpadala ka ng tao na magdadala ng isang milyong dolyar in cash sa kumpanya ngayon, Blackheart. Kailangan ko ito agad.”
“Masusunod po, sir. Ipapahanda ko po kay Mr. Kane ang pera!”
Matapos ibaba ang tawag, sinabi ni Cameron kay Madison, “Maghintay ka ng dalawang minuto. May inutusan na ako para dalhin ang pera.”
“Hah!” natawa ng sarcastic si Madison. “Magagawa mo kumuha ng ganoong kalaking halaga ng isang tawag lang? Sino ka ba sa tingin mo? Ikaw ang anak ng pinakamayamang pamilya sa Yrando?
“At mali ba ang dinig ko? Tinawagan mo si Blackheart? Kilala mo ba kung sino si Blackheart? Siya ang pinakamayamang tao sa mundo! Hindi ka ba puwede umimbento ng pangalan na hindi namin kilala sa susunod? Kung hindi mapapahiya ka lang!”
Hindi siya binigyan ng pansin ni Cameron, lalo nagalit si Madison sa kanya.
Ang isang walang kuwentang katulad niya ay nagpapakita ng ganitong ugali sa harapan niya?
Tick tock. Lumipas ang isang minuto.
Wala pa din aktibidad mula sa opisina.
Hindi makapaghintay na nag udyok si Madison, “Lumipas na ang dalawang minuto. Nasaan na ang taong tinutukoy mo?”
Nanatiling tahimik si Cameron. Malinaw na binibilang niya ang bawat segundo.
Makalipas ang kalahating minuto.
“Nagkukunwari kang walang alam, tama ba?” pagyayabang ni Madison.
“Heh,” ngumisi si Archie at umiling-iling. “Kalimutan mo na, Madison. Alam mo na hindi siya makakapaglabas ng pera. Huwag mo na aksayahin ang oras mo sa kanya. Huwag mo kalimutan na may dinner date pa tayo.
“Hoy bata, ako na ang magbabayad ng isang milyon para sa iyo. Isipin mo na lang kabayaran ito para sa pag-aalaga kay Madison sa nakalipas na mga taon para sa akin. Isipin mo ito bilang babala para hindi ka maging tao na puro sabi lang at walang kilos.”
Niyakap ni Archie ang bewang ni Madison na tila nanalo siya sa kumpitesyon.
“Ang galing mo talaga, dear,” niyakap ni Madison si Archie at hinalikan sa pisngi, para galitin si Cameron.
Nanatiling kalmado si Cameron.
Ngayon at alam na niyang hindi si Madison ang nagmamayari ng hair bow, hindi na siya mahalaga sa kanya.
Bakit magkakaroon ng emosyon si Cameron para sa kanya?
“Masuwerte ka sa pagkakataong ito, Cameron. Pasalamatan mo si Mr. Price dahil sa kabaitan niya!” sambit ni Madison, hindi alam ang iniisip ni Cameron.
Umalis ng magkasama ang dalawa.
Ng makaalis ang dalawa, bumukas muli ang pinto ng elevator. Dalawang minuto on the dot.
Isang pinagpapawisang lalake ang nakasuot ng itim na suit at malaki ang tiyan ang nagmamadali kasama ang dalawang alalay sa elevator. “Bilisan ninyo! Kapag nagbagal tayo kay Mr. Morgan baka hindi na tayo manatili sa trabaho natin!”
“Opo, Mr. Kane!” sagot ng dalawang empleyado habang dala ang isang bag ng lumabas sila.
Sa oras na tumingala ang lalake, nakita niya si Cameron na nakatayo sa entrance. Mabilis siyang tumakbo pabalik at sinabi, “Mr. Morgan!”