Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 3

Naging karelasyon ba niya si Dakota ng hindi niya alam? Imposible! Mabilis na isinantabi ni Madison ang ideya. Hindi niya isinama si Cameron para makilala si Dakota sa limang taong pagsasama nila. Bukod pa doon, sa ganda at background ni Dakota, paano niyang pipiliin ang walang kuwenta na si Cameron? Hindi makukunsiderang mayaman ang pamilya ni Dakota sa Yrando pero matagal na ang pamilya nila. Marahil ninakaw ni Cameron ang hair bow o nakita ito kung saan! Kung kaya nga naman niya dayain ang mga love letter mula sa mga nag gagandahang mga babae, ano pa kayang karumaldumal na bagay ang hindi niya kayang gawin? Para sa kaligtasan ni Dakota, napagdesisyon ni Madison na tawagan siya. Si Madison lang dapat ang may karelasyon sa likod ni Cameron, hindi dapat baliktad. Noong tinawagan ni Madison si Dakota, walang sumagot. “Hindi siya sumagot?” napaisip si Madison sa sarili niya, nagsalubong ang mga kilay niya. Abala siguro Dakota sa trabaho, naisip niya. Sa susunod na niya tatanungin si Dakota. Nangako si Madison na pupunta sa Darth Holdings kasama si Archie para sa business meeting, kasunod ng dinner. Dapat siyang magpaganda bilang preparasyon. Kaya ibinaba ni Madison ang phone niya at ibinalik sa kahon ang hair bow bago pumunta sa dresser niya at kunin ang makeup. … Dumating si Cameron sa Darth Holdings sakay sa Maybach ng 2:30 pm. Isang pamilyar pero kakaibang pakiramdam ang naramdaman ni Cameron habang tinitignan ang skyscraper sa harap niya. Marami ng nagbago sa loob ng limang taon, kabilang ang kumpanyang ito. Ito ang dahilan kung bakit dumating si Cameron ng mas maaga para tignan ang lugar. Habang iniisip ito, pumasok siya sa entrance. Ganoon pa din ang set up ng lobby, pero mas malaki na ang nasasakupan nito ngayon. “Nag-effort talaga si Blackheart,” kumento ni Cameron, umiiling-iling siya. Susuriin na niya dapat ang paligid ng tumunog bigla ang elevator. Isang lalake at babae ang lumabas, masayang nag-uusap. Nakasuot ng navy blue na suit at gold-rimmed na salamin ang lalake. Mukha siyang nasa late twenties niya. Ang babae naman ay nakasuot ng asul na damit at nakamakeup. Ang buhok niya ay nakatali ng mataas sa ulo niya. Ang babae ay si Madison. “Kahanga-hanga ka talaga, Mr. Price. Hindi ako makapaniwala na nagawa mo ihandle ang katulad ni Mr. Kane. Magkakaroon ka siguro ng atleast one hundred million na kita kung magtatagumpay ang deal,” masayang sinabi ni Madison. “Heh. Dati kaming magkaibigan ni Mr. Kane. Isang salita ko lang at okay na agad ang deal.” “Libre ka ba sa susunod na mga araw, Mr. Price?” tanong ni Madison. “Ano iyon?” “Gusto ka makilala ng nanay ko. Inimbitahan ka niya para sa dinner sa bahay namin.” “Haha, sige! Masyado siyang mabait,” ngumiti si Archie. “Sige. Sasabihin ko sa nanay ko.” Ngumiti si Madison. Ipinakita niya na kaakit-akit at mahinhin na ugali na hindi niya ipinakita kay Cameron. Nakita ito ni Cameron. Pero walang emosyon sa mga mata niya. Sa oras na iyon, nagkita si Madison at Archie ng harapan sa entrance. Nandiri agad ang ekspresyon ni Madison ng makita siya. “Anong ginagawa mo dito, Cameron?” “Kung nandito ka, bakit ako hindi puwede?” sambit ni Cameron, mahinhin na nakatingin kay Madison. Ang liit ng mundo. “Hmph!” ngumisi si Madison. “Naparito ako kasama si Mr. Price para sa business meeting niya. Ikaw naman? Naparito ka ba para magtrabaho bilang security guard, o para tanungin kung puwede tayo magkabalikan? Lilinawin ko sa iyo—hindi na tayo magkakabalikan!” “Magkabalikan?” ngumisi si Cameron. “Masyado kang nag-iisip. Bumabalik lang ako sa kumpanya ko.” “Bumabalik sa kumpanya mo?” nagreact si Madison na tila nakarinig siya ng biro. Nandidiri niyang tinignan si Cameron. “Kailangan ko ba sabihin sa iyo kung nasaan tayo? Ito ang number one na kumpanya sa Yrando, ang Darth Holdings. Ang halaga nito ay 30 billion sa market!” “Ano naman?” nanatiling kalmado si Cameron. “Hindi ka ba nahihiya sa pagsisinungaling?” lalong nagalit si Madison ng makita kung gaano kakalmado si Cameron. Nagsalubong ang mga kilay ni Cameron. Bakit hindi niya napagtanto na low-class na tao si Madison noon? “Okay lang, Madison. Hindi mo kailangan magalit sa bagay na ito,” sagot ni Archie. “Kung pinahahalagahan niya ang kanyang ride, hayaan mo siya. Nasa listahan ka ng top ten na outstanding businessmen sa Yrando. Mababa lang siya kumpara sa iyo.” Mapanghamak na tinignan ni Archie si Cameron habang nagsasalita. Walang respeto si Archie para sa katulad ni Cameron. “Dapat ka matuto ng tamang asal at pag galang kay Mr. Price, Cameron!” sinabi ni Madison kay Cameron. Hindi gusto ni Cameron na pag aksayahan siya ng oras, kaya nag sidestep siya at nagpatuloy sa opisina. “Tumigil ka dyan!” sigaw ni Madison. “Ano pa ang kailangan mo?” tanong ni Cameron. “Hindi pa natin naaayos ang divorce compensation,” sagot ni Madison. “Hindi ko kailangan ng divorce compensation, hiwalay lang. Hindi mo kailangan alalahanin na inaabala kita simula ngayon,” sambit ni Cameron. Tumalikod siya para umalis. “Icompensate ka? Sa tingin mo ba talaga gagawin ko iyon?” sigaw ni Madison. “Anong ibig mo sabihin kung ganoon?” malamig na tanong ni Cameron, nakatalikod sa kanya. “Ako ang kailangan ng compensation dahil sa mental distress na idinulot mo sa limang taong pagsasama natin!” “Ako? Dahilan ng mental distress mo?” nabigla si Cameron. Ngumisi siya at sinabi, “Kailangan kita na icompensate para sa mental distress kung ikaw iyong nangaliwa? Desente pa din ang turing ng mag-asawa sa isa’t isa kahit na anong mangyari. Anong dahilan para maging ganito ka kasama?” “Mag-asawa? Ang lakas ng loob na sabihin mo iyon?” sarcastic na tinitigan ni Madison si Cameron. “Namimilipit ako sa pandidiri sa oras na nakita kita. Hindi ko lubos akalain na bastos kang tao ka!” “Paano ako naging bastos?” tanong ni Cameron. “Sabihin mo sa akin kung tungkol saan ang mga love letter kung ganoon?” sagot ni Madison. Nanlaki ng kaunti ang mga mata ni Cameron. So nahanap iyon ni Madison. Ibig sabihin nakita niya ang hair bow. Wala ba talaga siyang naaalala? Hindi gusto magpaliwanag ni Cameron, pero sinabi niya, “Tunay ang lahat ng mga sulat.” “Kalokohan!” sagot ni Madison. “Sino ka sa tingin mo para tumanggap ng mga sulat mula sa royals at politicians? Tinignan mo ba ang sarili mo sa salamin?” “Nangyari ba talaga iyon, Madison?” hindi makapaniwala ang mukha ni Archie. “Oo, Mr. Price. Gumawa ng lihim na mga love letter ang lalakeng ito para sa sarili niya at ninakaw pa ang hair bow ng babae! Nandidiri ako sa kanya! “Hahaha!” tumawa ng malakas si Archie at tinapik ang balikat ni Cameron. “Iba ka taaga. Grabe!” Walang sinabi si Cameron, naging madilim ang ekspresyon niya. Tinignan niya si Madison at sinabi, “Minsan tayong ikinasal. Kailangan mo ba ako siraan ng ganyan?” “Siraan? Sino ka ba sa tingin mo? Bakit ka mag-aalala sa paninirang puri kung hindi mo iyon ginawa?” “Sinabi ko na sa iyo ang tungkol sa mga love letter. Pero hindi ba’t sa iyo ang hair bow?” tanong ni Cameorn. “Hindi! Itinago ko ang akin sa drawer ko! Sabihin mo kung saan mo nakuha ang hairbow mo. Ninakaw mo ba ito sa best friend ko?” “Best friend mo?” may sumabog bigla sa isip ni Cameron. All these years nagkamali ba siya?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.