Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Buhay IslaBuhay Isla
Ayoko: Webfic

Kabanata 3

Pagkasabi niyon ni Yasmine, napalingon ang iba kay Ryan. Umatras pa ang ilan, sadyang nilalayuan siya. “Yasmine, nababaliw ka na ba? Hindi pa nga tayo tapos ehh! Di mo ba naisip na ikaw pa yung may utang na loob dito?” Naasar si Ryan at agad na gustong atakihin si Yasmine. Dati, akala niya ang pananakit ng babae ay kawalan ng kahihiyan at ang pinaka-hindi nakakalalaki na pag-uugali. Pero hindi na ganoon ang iniisip niya ngayon. Dapat parusahan ang mga babaeng tulad ni Yasmine! Pinandilatan siya nito, malamig na sumisigaw, “Saktan mo ako kung maglakas-loob ka! Huwag mong isipin na basta-basta ko lang palalampasin ang bagay na ‘to! Ito ang katotohanan, na gusto mo akong patayin noong nasa dagat tayo! “Pag-uwi natin, sasabihin ko ‘to sa mga magulang ko! Idedemanda kita para pagbayaran mo ang ginawa mo! Hindi ako ganoon kadaling apihin!” Galit na galit si Ryan. Tumayo siya, tinuro si Yasmine, at pinagsabihan ito, “Pagbabayarin mo ako? Hindi ba ikaw ang dapat magbayad ng malaki? “Ang ayos-ayos ng trato ko sa’yo na inako ko ang lahat ng gastusin sa kasal at para sa kalokohang pag-ibig na ‘yan! Nagsumikap ako para kumita, pero pinagtaksilan mo ako! Ano sa tingin mo ang dapat mong bayaran?” Malamig ang tingin nito sa kanya. “Lagi kang talunan, marunong ka lang magreklamo. Kung kaya mo lang kumita at ibigay sa’kin ang masayang buhay na gusto ko, hindi ko pipiliting makipaghiwalay sa’yo. “Hindi mo alam kung anong gusto ko. Hindi mo rin matutupad ang mga hiling ko. Pero hindi dapat iyon maging dahilan para patayin mo ako! “Maghintay ka lang. Tatawag ako ng pulis at sasabihin ko sa mga magulang mo ang tungkol dito! Ipapaalam ko sa kanila kung gaano ka kalupit! Basura ka lang na nangangahas na pumatay sa asawa niya!” “Letse! Papatayin kita ngayon!” Hindi na nakayanan ni Ryan ang galit at sinugod si Yasmine, balak niyang sakalin hanggang mamatay ang nakakainis na babaeng ito. Kahit na igugol niya pa ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa kulungan, tatanggapin niya ang kapalarang iyon! Agad namang tumayo si Sherry at ilan pang mga babae para protektahan si Yasmine, nakatingin kay Ryan ng masama. “Kung tutuusin, wala kaming kinalaman sa mga hinaing ninyo. Pero hindi pwedeng may marahas na mamamatay-tao sa grupo natin. “Pakiusap, umalis ka na lang. Huwag kang sumama sa’min. Atupagin mo ‘yan kapag nakauwi ka na sa inyo,” malamig na sabi ni Sherry. “Niloko niya ako. Nakikipagkita siya sa ibang lalaki. Sa tingin mo ba, tama ang ginawa niya?” tanong ni Ryan na nakatitig sa kanila. “Kahit anong ginawa niya, hindi mo siya pwedeng patayin. Asawa mo siya. Napakawalang puso mo para gustuhing patayin siya!” “Dapat hindi na natin siya niligtas at hinayaan siyang malunod! Sir, umalis na po kayo. Ang dami po namin. Madali ka naming mapapatumba.” “Ngayon lang din ako nakakita ng weirdong lalaki na tulad mo! Niloko ka lang niya at ng lalaking mahal niya, pero gusto mo na siya agad patayin! Para kang nakakatakot na lalaki sa isang pelikula na nilunod ang asawa niya. Nakakadiri ka!” Inakusahan siya ng ilan pang kababaihan. Naasar si Ryan, hindi niya inaasahan na ganito ang iisipin ng mga babaeng iyon. Katanggap-tanggap ba ang pagtataksil? Dapat bang patawarin si Yasmine? “Kayong mga walang utak na babae! Kung gusto ko talaga siyang patayin, paano siya nabuhay hanggang ngayon? Yasmine, pwede mo akong kasuhan kung gusto mo! “Magiging baliw ako kapag sumuko ulit ako sa’yo! Maghintay ka at tingnan mo! Basura ka! Kalaunan, mapaparusahan ka!” Matapos magsalita ng mabangis, tumalikod siya at naglakad patungo sa dalampasigan sa likuran. Malamig pa ring nakaupo sa lupa si Yasmine, hindi pinapansin ang banta ni Ryan dahil kilalang-kilala niya ito. Madali niya itong malalabanan. Habang naglalakad siya sa dalampasigan, mukhang hindi kaaya-aya si Ryan. Umabot sa sukdulan ang pagkamuhi niya kay Yasmine. Malayo-layo na ang nilakad niya. Matapos mabawi ng pagod ng kanyang mga binti ang ilan sa kanyang galit, napagtanto niya ang isang problema—paano siya makakatagal nang mag-isa sa susunod na mga araw? Dinilaan niya ang mga nagbibitak niyang mga labi, lumingon sa mga puno ng niyog doon, at naglakad. Nahihirapan siyang umakyat at pumitas ng ilang buko. Pagkatapos, binasag niya ang mga niyog sa bato at ininom ang tubig mula sa dalawang buko sa isang hininga. Nakatayo sa baybayin, tumingin siya sa walang katapusang maalon na dagat. Hindi namamalayan na kumuha siya ng lighter at kaha ng sigarilyo sa bulsa ng kanyang pantalon, ngunit ang mga sigarilyo ay nabasa sa tubig dagat. Hindi na siya maaaring manigarilyo. Pinisil ni Ryan ang kaha ng sigarilyo at naglakad pasulong, hinahanap ang mga katutubo sa isla. Ngunit wala siyang nakitang bakas ng mga tao at di-nagtagal ay natuklasan niya ang seryosong katotohanan–masyadong malinis ang dalampasigan. Maliban sa mga sirang shell at walang katapusang buhangin, wala talagang basura. Ito ay nagsiwalat ng dalawang katotohanan. Una, walang nakatira sa islang ito. Pangalawa, hindi pa nakarating ang mga mangingisda sa islang ito. Bukod dito, napagtanto din ni Ryan ang isang bagay na mas seryoso, ngunit ang saloobin na iyon ay lubhang nakakatakot. Pinilit niyang huwag mag-isip sa ganoong paraan. Nang humupa ang tubig dagat, naglakad siya sa mababaw na dalampasigan kung saan humupa ang tubig, naghahanap ng makakain. Pagkaraan ng ilang saglit na paghahanap, sa wakas ay nakapulot siya ng kakaibang hugis kabibe at isdang dagat. Nagsimula siyang mangolekta ng ilang tuyong kahoy na panggatong at tinambak ang mga ito. Matapos sindihan ang apoy gamit ang kanyang lighter, inilagay niya ang lahat ng kabibe sa tabi ng apoy. Gumamit din siya ng kahoy na patpat upang itali dito ang isdang dagat, iniihaw ito sa apoy. Matapos itong iihaw ay tiniis niya ang init para kumain muna ng dalawang kabibe. Pagkatapos, pinunit niya ang nasunog na balat ng isdang dagat, kinakain ang karne ng isda. “Uh, puwede pahati sa pagkain mo? Nagugutom ako. Gusto ko ring kumain ng isda.” Isang biglang boses ang nagpagulat kay Ryan. Agad niyang hinablot ang kahoy na patpat at nilingon ang babaeng maingat na nakatayo sa hindi kalayuan. Kilala niya ito. Nagpakilala ito kanina bilang si Nina Greene, isang modelo. “Bakit ko naman gagawin iyon?” Tumalikod si Ryan, patuloy na kumakain ng isda na walang pakialam. “Nagda-diet ako at hindi nag-almusal. Isang araw akong hindi kumain. Nagugutom ako. Kasalanan ng asawa mo kung bakit ka niloko at pinagtaksilan ka. “Hindi mo siya tinangkang patayin. Nakita kong iniligtas mo siya. Kung hahatian mo ako ng pagkain mo, ako ang magiging witness mo kapag kinasuhan ka ng asawa mo.” Lumapit si Nina at umupo sa tabi niya, puno ng sinseridad. Inabot ni Ryan sa kanya ang kalahating kinakain na isda. “Hindi kita kailangan maging witness. Una sa lahat, wala akong ginawa. Pangalawa, wala siyang ebidensya. Wala siyang magagawa sa’kin.” Kinuha niya ang patpat, pinunit ang isang malaking piraso ng isda, at pinasok ito sa kanyang bibig. Tumango siya at sinabing, “Sa totoo lang, hindi mo na nga kailangang mag-alala ehh. Kasi baka hindi na tayo makakabalik.” Nilingon niya ang ulo niya, gulat na gulat na nakatingin sa babae.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.