Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Buhay IslaBuhay Isla
Ayoko: Webfic

Kabanata 2

Nasa dagat ang katawan ni Yasmine. Panay ang paghampas ng alon sa kanya, dahilan para mabulunan siya. Napasigaw siya sa takot, “Hindi, hindi ko ginawa iyon! Ryan, iligtas mo ako! Pakiusap...” “Ayaw mo pa rin magsabi ng totoo, ano? Yasmine, sinaktan mo na kalahati ng buhay ko. Wala na akong pakialam. Sabihin mo sa’kin ang totoo, o bibitawan kita!” Mabagsik ang tingin ni Ryan, nakatingin siya kay Yasmine na tinatamaan ng tubig dagat. Malapit niya na itong bitawan. Nang makita niya iyon, nataranta siya, desperadong sumisigaw, “Ryan, huwag! Asawa mo ako! Ayokong mamatay! Oo, tama ang hula mo! “Mahal ko si Horace Jimenez! Pinilit niya akong makipaghiwalay sa’yo, sinabi niyang pakakasalan at pasasayahin niya ako. M-Mali ako! Totoo! Ryan, alam kong mali ako!” Isang parang kidlat na pagkabigla ang tumama kay Ryan. Natigilan siya saglit, at nablangko ang isip niya. Tama pala ang hula niya! Nitong nakaraang buwan, ang dahilan kung bakit pinag-iinitan siya ni Yasmine at pinipilit siyang hiwalayan ay dahil niloko siya nito! Napakatanga niya na pinaghirapan niyang kumita ng pera para sa babaeng ito, kasal, at tinatawag na pag-ibig. Nagbayad siya nang walang pagdadalawang-isip sa pamilya nito, kabilang ang utang bahay, utang sa sasakyan, at bayad sa pagpapagamot ng nanay nito. Gaano man kalaki ang ibinayad niya, inisip ng babae na ito naman talaga ang dapat niyang gawin. Napakabait niya sa babae, ngunit wala itong halaga kumpara sa ilang matatamis na salita mula sa ibang lalaki. Naging mabangis si Ryan, puno ng sama ng loob ang mapupulang mga mata niya, at binitawan niya ang kamay nito. Agad na lumubog ang katawan ni Yasmine sa dagat, at patuloy na hinahampas ng alon ang kanyang mukha. Mukhang hirap na hirap na siya, iniuunat ang kanyang mga kamay at umiiyak, nagmamakaawa sa lalaki na iligtas siya. Nang marinig niya ang paghingi ng tulong nito, nakaramdam siya ng inis. Gusto niyang hayaan ang walang pusong babaeng ito na lamunin ng dagat, nang matanggap nito ang parusang nararapat. Ngunit hindi nagtagal ay muli niyang hinawakan ang pulso nito at pilit itong hinila sa ibabaw ng yero. Pagkatapos ng lahat, hindi niya ito kayang pabayaan. Hindi naman sa walang siyang lakas ng loob na iwan ito. Ayaw lang niyang masira ang buhay niya dahil sa pagkamatay nito. Hindi sulit na igugol ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa kulungan. Humiga si Yasmine sa yero, marahas na umuubo. Mahigit sa kalahati ng cruise ship sa unahan ay lumubog na. Nilamon ng umaalon na tubig-dagat ang maraming tao na nakalutang sa dagat, tinatangay sila sa pinakamalalim na bahagi ng dagat. Maraming tao ang umiiyak at sumisigaw ng tulong. Ang pagwawakas ng kasal ay naging hindi gaanong mahalaga sa buhay at kamatayan, ginawa pa nga itong walang kabuluhang bagay. “Kung makakaligtas tayo, hihiwalayan na kita pag-uwi natin,” malamig na sabi ni Ryan kay Yasmine. Sinagwan niya ang tubig-dagat gamit ang kanyang mga kamay, naghahandang iligtas ang mga taong nakalutang sa dagat. Ngunit dumagsa ang mga alon, na nagresulta sa hindi pag-usad ng yero. Biglang tinaob ng malaking alon ang yero. Parehong nahulog sa dagat sina Ryan at Yasmine. Pumapasok na sa kanyang mga tenga ang tubig dagat. Pinigil niya ang kanyang hininga at pilit na lumangoy pataas. Napatingin siya sa liwanag sa ibabaw ng tubig. Naubusan na siya ng hininga, nawawalan na ng lakas ang katawan niya. Habang nasa tubig siya, labag sa loob niyang tumingin siya sa itaas. Mamamatay ba siya ng ganito? Wala siyang natamo sa buhay niya. Ayaw niyang mamatay, naaawa pa nga siya sa kanyang mga magulang. Dahan-dahang pumikit si Ryan. ... Hinahampas ng alon ang dalampasigan. Panay ang ingay nito sa kanyang mga tenga. Nagluwa siya ng tubig dagat. Tumama sa kanyang mga mata ang nakakapasong araw na siyang nagparamdam sa kanya ng matinding sakit. “Masuwerte ka’t buhay ka pa. Akala ko mamamatay ka na,” sabi ng boses babae. Nakahiga siya sa dalampasigan. Dahan-dahang lumingon si Ryan. Isa itong babaeng mahaba ang buhok na may basang damit. Kumunot ang noo niya, naguguluhang nagtatanong, “Saan ‘to?” “Hindi ko masasagot ang tanong mo. Lahat tayo hindi alam kung saan ‘to. Parang desert island.” Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa paligid. Lahat tayo? Tiniis ni Ryan ang sakit ng buong katawan, pinilit ang sarili na umupo. Agad niyang nakita ang isang malaking piraso ng yero sa dalampasigan. Paglingon niya, nakita niya ang ilang babae na nakaupo sa hindi kalayuan sa dalampasigan, at maingat na nakatingin sa kanya. “Salamat sa swerte natin. Malapit ang islang ito sa kung saan lumubog ang barko. Itinulak tayo ng alon papunta sa dalampasigan, kung hindi, namatay na tayo. Pero parang iilan lang sa atin ang nakaligtas. Malaki ang posibilidad na yung iba ay namatay na sa dagat. “Kung alam ko lang, hindi na sana ako sumakay ng barko para pumunta sa ibang bansa sa pagkakataong ito. Akala ko noon, malalasap ko ang tanawin sa dagat sa pamamagitan ng pagsakay sa barko. Hindi ko akalain na matataunan ako ng shipwreck.” Mukha siyang nanlulumo. Pagkatapos magsalita, tumalikod siya at naglakad papunta sa mga babaeng iyon. Napatingin si Ryan sa malaking bahura sa di kalayuan kung saan tumama ang barko. Kumunot ang noo niya at tumayo, sinundan din ang babaeng iyon. Paglapit niya ay nakita niya si Yasmine na nakaupo kasama ang grupo. Pinandilatan siya nito ng masamang tingin. Hindi niya ito pinansin at umupo, pinagmamasdan ang mga tao sa paligid niya. Merong pitong tao sa kabuuan. Bukod sa kanya, puro babae ang iba. “Anong gagawin natin ngayon? Lubog na ang barko. Darating kaya ang rescue team para iligtas tayo?” Tanong ng isang dalaga na lumuluha sa takot. Nang marinig ang kanyang tanong, ang iba ay nagpakita ng kaba at pag-aalala. “Sikat na sikat ang barkong iyon sa Cascadia. Dahil nangyari ang naturang shipwreck, hindi ito babalewalain ng gobyerno. “Maaaring magsimula ang rescue team sa lalong madaling panahon para sa search ang rescue. Bagama’t ang islang ito ay malapit sa kung saan lumubog ang barko, makakarating lamang ang rescue team nang hindi bababa sa tatlo o limang araw. “Bukod sa pag-aalala kung kailan sila darating, dapat pag-isipan natin kung paano gugulin itong mga ilang araw hanggang sa dumating sila. Kilalanin muna natin ang isa’t-isa. Ako si Sherry Lambert. Travel blogger ako.” Lima sa kanila ang nagbigay ng kanilang mga pangalan. Nagpakilala rin si Ryan, pero hindi nagsalita si Yasmine at ang dalawa pang babae. “Malaki ang islang ito. Maaaring may mga lokal na katutubo o mangingisda. Maaari tayong maghanap sa isla.” “Marami ring puno ng niyog. Kung walang katutubo dito at wala tayong mahihingian ng tulong, pwede tayong mamitas ng buko. Pansamantala tayong hindi mahihirapang kumain o uminom.” Sinabi ni Ryan ang kanyang iniisip. Tumango naman si Sherry at ang iba pa bilang pagsang-ayon. Ilang sandali lang, pinanduruan siya ni Yasmine, malamig na sinasabi, “Ayokong makasama siya. Sinubukan niya akong patayin nung nasa dagat kami.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.