Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 6

Sa isang gabi lang, mahigit sa 30 beses akong tinawagan ni Cindy. Tinignan ko ang dami ng missed calls niya at gusto ko na matawa. Kung desperado siyang iligtas si Stacy, bakit wala siyang ginagawa mismo? Hindi naman mahirap na pigilan niya ang bestfriend niya na gumawa ng bagay na pagsisisihan niya, hindi ba?” Well, hindi na mahalaga. Sa buhay na ito, manonood lang siya. Magdedesisyon si Stacy para sa sarili niya, at ipaparanas ko sa kanya ang pakiramdam ng mawala ang lahat. Hindi ko napansin na isinara ko ang mga kamao ko. Ang akala ko maiisip ko ang bagay na ito ng kalmado. … Pagkatapos mag-almusal, nakita ko si Stacy at Luca na bumalik sa campus ng magkaakbay, mukhang masaya at kuntento. Malinaw na nagpalipas sila ng gabi sa labas. Magulo ng kaunti ang buhok ni Stacy at ganoon pa din ang buhok niya. Hindi ko mapigilan na mapangisi sa sarili ko. Joyview Grand Hotel, huh? Galing si Luca sa parehong hotel kasama ang ibang babae kahapon. Anong malay niya, baka isinama niya si Stacy sa parehong hotel room kung saan niya dinala ang babaeng iyon. Nakakadiri. Nakita ako ni Stacy at Luca. Umiwas ng tingin si Luca, mukhang hindi mapakali habang si Stacy ay tinitigan ako ng masama. Kumapit siya kay Luca at bumulong sa tenga niya. Pagkatapos, bumitaw siya at sa iba dumaan. Hindi ko mapigilan na matawa. Okay lang ako sa kahit na ano basta tantanan nila ako. Para naman sa kung hanggang saan sila umabot at anong ginawa nila, kanila na iyon. Wala itong kinalaman sa akin. Nilisan ko ang campus at tumungo sa kumpanya. Naedit na ang script ngayon at oras na para mag-audition ng mga aktor at aktres. Nasusunod ang lahat sa schedule. Kabilang sa mga aktor na dumalo para sa audition ngayon, may isang abbae na mukhang masunurin. “Hi, Ako si Makayla Gray. Puwede mo akong tawagin na Kiki.” “Nabasa mo na ang script, tama?” “Oo, nabasa ko na.” Tumingin siya sa ibaba habang nagsasalita; mahiyain ang dating niya. “Simulan na natin ang audition kung ganoon,” tumango ako sa direktor. Base sa itsura niya, natutuwa siya kay Makayla. Hindi nagtagal ang audition. Ang short film ay tungkol sa tipikal na school romance. Hindi aabot ng limang minuto ang perfomance ni Makayla, pero sapat na ito para palakpakan siya ng lahat. “Ang galing! Bagay ang mukha niya para sa papel ng first love ng bida!” sambit ko. Kahit ang scriptwriter hindi mapigilan na sabihin na ang itsura ni Makayla ay tugma sa imahinasyon niya na magiging itsura ng karakter. Yumuko siya, hindi naglakas loob na tumingin sa akin. Sa oras na iyon, lumapit ang direktor sa akin at sinabi, “Siya na ba ang pipiliin natin? Puwede ko iorganisa na magdinner tayo mamayang gabi. Puwede rin tayo uminom ng kaunti.” Naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Pagdating sa entertainment industry, maraming tao ang nabibiktima ng unspoken rules and under-the-table na kasunduan. Totoo ang mga ito para sa mga baguhan na tulad ni Makayla. Kung gusto niya na umakyat sa social ladder, hindi siya maaaring tumanggi sa dinner. Para sa mangyayari pagkatapos ng dinner, depende na ito sa gusto ko. Umiling-iling ako at sinabi, “Hindi, hindi na kailangan. Ibigay mo na sa kanya ang kontrata.” Nabigla ang direktor. Tinignan niya ako ng hindi makapaniwala. “Hindi ko na kailangan i-organisa ang lahat.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.