Kabanata 5
“Si Luca Hodge ay kinalaban si Xavier Wright, isang underclassman, para sa girlfriend niya! Walang kuwentang lalake lang si Xavier na nanakit ng babae!”
Hindi ko mapigilan na sumimangot dito. May tiyansa na binayaran ni Luca ang mga taong ito para gawin ang ganitong kuwento. Hindi ko mapigilan ngumisi habang iniisip na makita ni Stacy ang forum at malaman ang “kabayanihan” niya. Sayang lang sa oras.
Nagkagulo ang forum noon ng may mabuntis na babae si Luca; mukhang alam niya kung paano kontrolin ang mga chismis sa forum ngayon. Sayang lang at hindi mamumulat ni Stacy ang mga mata niya sa ganitong mga bagay.
…
Sa sumunod na araw, naghanda ako muli na lisanin ang campus. Kakagawa lang ng kumpanya ko, at nagset ako ng mga appointment sa mga scriptwriters para pag-usapan ang mga script nila.
Pero noong nakarating ako sa sasakyan ko at sindihan ang makina, nakita ko si Luca na dumaan kasama ang ilang mga kaibigan niya. Naririnig ko ang mga boses nila kahit na nasa likod ako ng bintana.
“Heh, hindi na ako mamomroblema sa pera sa buong buhay ko ngayon at nakuha ko na ang loob ng trust fund baby na iyon.”
“Mukhang maganda ang buhay mo Luca. Sulitin mo na ang buhay mo at enjoyin.”
“Huwag mo sabihin yan. Makikipagkita ako sa girlfriend ko mamaya; tandaan mo na magpalusot para sa akin.”
Natawa ang mga lalake sa sinabi niya. “Sinong girlfriend ang kikitain mo ngayon? Ang may mga malaking hinahaarap o…”
Sumenyas sila ng bastos. Natawa si Luca at sinabi, “Ang may maraming alas at pinakawild sa kama, siyempre!”
Umiling-iling ako habang pinapanood silang umalis.
…
Nagmaneho ako patungo sa bago ko na kumpanya. Tanghali na ng matapos ako sa dapat ko na gawin. Isang araw lang bago ako nakapili ng script na dadaan sa production. Ang mga scripwriter ang gagawa ng huling edit bago magsimula ang filming.
Habang pabalik ako sa unibersidad, nakakita ako muli ng pamilyar na mukha—si Luca. Nakaakbay siya sa babaeng mahulma ang katawan ng lumabas sila ng Joyview Grand Hotel.
“Mamimiss kita, Luca. Babalik ka na ba sa campus para samahan ang babaeng iyon?”
Pinisil ni Luca ang mukha niya. “Pera lang ang habol ko sa kanya. Ikaw ang gusto ko.”
Nandiri ako sa nakita ko. Pero, normal naman siguro ito. Hindi ito ang unang beses na nakita ko si Luca para sa tunay na kulay niya.
Noong green na ang kulay ng stop light, nagmaneho ako patungko sa campus. Noong nakabalik ako sa dorm ko, tumunog muli ang aking phone. Si Cindy na naman ang tumatawag.
Sinagot ko ito, galit na sumagot agad. “Anong kailangan mo ngayon? Hindi mo siguro alam kung gaano ka nakakainis?”
Sumigaw si Cindy, “Hindi ka nararapat na tawaging lalake, Xavier. Gusto mo si Stacy, pero wala kang lakas ng loob na ipaglaban siya! Duwag ka!”
Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na magsalita noong nagpatuloy siya, “Gaano katagal ka pa na magtatago lang? Tumungo na si Stacy kasama ang hayop na iyon sa hotel ngayon! Nasa Joyview Grand Hotel sila! Manonood ka na lang ba at titignan kung anong mangyayari?”
Hindi ako nagulat sa paninigaw niya. “Oh. Ano naman ang kinalaman nito sa akin? At hayaan mo na itama kita sa isang bagay—hindi ko gusto si Stacy.”
“Oo na, sige!” sagot ni Cindy. “Bakit mo siya aalagaan ng husto sa nakalipas na mga taon kung wala kang nararamdaman para sa kanya? May problema ba sa iyo?”
“Hindi ka mali. May problema sa akin noon, pero okay na ako ngayon,” sagot ko. “Sapat na ba ang nasabi mo? Ibababa ko na ang tawag.”
“Duwag! Duwag ka!” Sigaw ni Cindy. “Alam mo ba kung anong klaseng hayop si Luca?”
“Sinabi ko na sa iyo na wala itong kinalaman sa akin.” Ibinaba ko na ang tawag agad.
Tumunog muli ang phone ko—si Cindy nanaman ang tumatawag. Nilagay ko sa silent mode ang phone ko.