Kabanata 7
Umirap ako sa director. “Ang kailangan mo lang gawin ay siguruhin na nakahanda ang lahat at nkaayos. Ayaw ko ng mga ganyang pakulo.”
“Oo, oo, siyempre! Naiintindihan ko!” mabilis na sagot ng direktor.
Tumayo ako at umalis. Tinignan ko ang portfolio ni Makayla at nalaman na masipag siya. Mula siya sa maliit na lungsod at nagpakahirap para makapasok sa film academy. Hanggang sa puntong ito, nag-aaudition siya sa iba’t ibang mga pelikula.
Sa itsura niya at abilidad, imposible na hindi siya naging tugma sa maraming papel. Malinaw kung bakit wala sa mga production ang pumili sa kanya para sa papel.
Hindi ko gusto gamitin ang masamang paraan na iyon para dungisan ang tulad niya. Maaaring masabi na obsession ko ito—marami pa akong dapat gawin sa buhay ko ngayon.
…
Mabilis na lumipas ang oras habang nasa campus ako. Sa loob ng isang buwan, napili ko na ang mga aktor sa pelikula. Kasabay nito, narinig ko ang nakakagulat na balita—buntis si Stacy!
Ito ang bagay na sinabi sa akin ni Cindy. Nasa café kami, at nakaupo siya sa harap ko habang may suot na mask, para takpan ang mukha niya. “Matagal ko ng sinasabi sa iyo ang tungkol kay Stacy at Luca. Bakit hindi mo siya pinigilan?”
Tinignan ko siya. “Nakipagkita ka ba sa akin para sisihin mo ako dahil hindi ko pinigilan si Stacy na gawin niya ang gusto niya?”
Siya ang nag-imbita sa akin sa café.
Tinitigan niya ako ng masama. “Hindi mo ba alam kung anong ibig sabihin ang mabuntis para kay Stacy? Hinding-hindi hahayaan ng pamilya niya na may mangyaring iskandalosa.”
Tumingin ako sa mga mata niya. “Sinabi ko na sa iyo na wala akong kinalaman sa kung anong gusto niya gawin, hindi ba?”
Nawala na ang pagiging kalmado ni Cindy doon. “Hindi mo siguro alam kung anong sinasabi ko, ano? Bakit hindi ito sumagi sa isip mo na ginagawa ko ito para sa kapakanan mo, Xavier? Kahit na ayaw mo na magkaroon ng kinalaman kay Stacy, kailangan mo linawin sa lahat na walang namamagitan sa inyo!
“Ang lahat sa nakatataas na lipunan ay alam na nangako kayo sa isa’t isa na ikakasal kayo. Hindi ba sumagi sa isip mo na madudungisan ng pagdadalangtao niy ang reputasyon ng pamilya Greene? Maaapektuhan din ang pamilya mo! Anong malay mo, baka maging dahilan pa ito para masira ang namamagitan sa inyong mga pamilya!”
Kalmado akong humigop ng kape. “Tama ka sa sinasabi mo na hindi pa ito sumagi sa isip ko. Pero hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko, Cindy. Malaki na si Stacy; dapat niya pagdaanan ang epekto ng mga desisyon niya sa buhay. Ang mabuntis ng hindi kasal ay isang iskandalo na pinili niya na mapabilang siya.”
Kumuha ako ng isang cube ng asukal. “Gusto mo ba ng asukal sa kape mo?”
Galit na nagkrus si Cindy ng mga braso. “Hindi mo talaga ako maintindihan. Bakit ka ba umaarte lagi na parang hindi ito malaking bagay? Kaarawan ng lola ko sa susunod na linggo; imbitado ang pamilya mo at pamilya Greene. Hindi ko gusto na masira ang selebrasyon!”
Hindi ko mapigilan na matawa sa sinabi niya. “Paano naman iyon mangyayari? Ang mga magulang ko at magulang ni Stacy ay hindi ganoon katanga. Kahit na kumalat ang balita tungkol sa pagdadalantao ni Stacy, hindi nila ito pag-uusapan bigla sa kaarawan.”
Mula din si Cindy sa maimpluwensiyang pamilya. Kaya mabuting magkaibigan sila ni Stacy. Noon, lagi niyang ikinukunsidera na bagay na bagay kami ni Stacy sa isa’t isa. Bago pa nahulog is Stacy kay Luca, magkasundo kaming tatlo.
Hinawakan ni Cindy ang ulo niya ay umungol ng naiinis. “Nakakainis naman talaga ito. Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko?”
“Naiintindihan ko.” Ibinaba ko ang kape ko at tinignan siya. “Lahat ng mga bagay ay natatapos, Cindy. Bago pa ito, seryoso ako kay Stacy. Pero ngayon, wala ng namamagitan sa amin. Puwede mo isipin na ang pangako sa pagitan ng mga magulang namin ay biruan lang.”
Gusto pa niya na magsalita, pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon. “Bukod pa doon, kahit na alisin ni Stacy ang baby ngayon, sa tingin mo ba bibigyan ko siya ng tiyansa?”
Mas seryoso na ang tono ko ngayon. Nabigla si Cindy. Nagpatuloy ako, “Tapos na ang namamagitan sa aming dalawa sa oras na nagdesisyon si Stacy.”
Matapos iyon, tumayo na ako. “Salamat sa pagpapakahirap mo para ayusin ito, Cindy, pero wala ng mababago sa realidad.”