Kabanata 4
Habang binabasa ko ang mga script na ipinadala sa email ko, nakarinig ako ng sigaw mula sa ibaba. “Bumaba ka dito, Xavier! Ang lakas ng loob mo na sampalin ang girlfriend ko!”
SI Luca. Siya at mga alalay niya ay nasa baba. “Bumaba ka dito ngayon din, Xavier! Hindi kita papatayin… baka lang!”
Kalmado akong bumaba habang katabi ako ng mga dormmates ko. “Huwag ka matakot, Xav. Tutulungan ka namin!”
Sumenyas ako sa kanila. “Hindi na kailangan. Lalo na para sa mga taong tulad niya.”
Bumaba ako ng hagdan habang patuloy na sumisigaw si Luca. Ang mga mata niya ay nag-aalab sa galit ng makita niya ako. “Hindi ako makapaniwala na naglakas loob ka na magpakita!”
Noong sinugod niya ako, sinampal ko siya ng malakas. Pagkatapos, tinignan ko siya habang pinapaligiran ako ng mga alalay niya. “Pambihira! Naghahanap ka ng gulo!”
Inilagay ko ang mga kamay ko sa likod, hindi ako natinag. “Sabihan mo sila na pag-isipan nila ito ng mabuti bago may gawin, Luca.”
Nataranta siya ng kaunti sa kalmado kong dating. “Anong ibig mo sabihin? Sinaktan mo ako at girlfriend ko, pero pinipigilan mo ako na may gawin sa iyo?”
Gusto ko matawa ng kaunti sa mga sinabi niya. “Dahil girlfriend mo si Stacy, dapat may alam ka na kaunti tungkol sa akin, tama?”
Nagbago ang ekspresyon ni Luca. Nagpatuloy ako, “Aaminin ko, mas pinahahalagahan mo ang pride mo kaysa buhay mo, Luca, kung ganito at desperado ka na sugurin ako matapos akong makilala.”
Bigla, may mga prenong maririnig mula sa likod ko. Isang itim na van ang tumigil, walong lalake ang bumaba. Maskulado sila at makisig—malinaw na batikan silang mga mandirigma.
May rason kung bakit ko nagawang baliin ang kamay ni Luca noon. Wala siyang laban sa akin mula sa simula hanggang sa dulo. Ang malas ko lang dahil ang tingin ni Stacy sa mga paraan ko na protektahan siya ay pagpigil sa kanya na makita nag kaligayahan niya.
Pinalibutan ng mga tao ko si Luca at mga alalay niya. Ilang sandali lang at nag-iba na ang tono ni Luca. “Hindi ko alam ang tungkol sa iyo, Mr. Wright.”
“Hmmm?”
“Hindi, hindi ganoon ang ibig ko sabihin! Nabaliw lang ako sandali! Nagkamali ako!” sinampal ni Luca ang sarili niya. “Hihingi ako ng tawad sa iyo. Hangal ako at bulag. Puwede mo ba ako palampasin para sa kapakanan ni Stacy?”
Natawa ako sa kanya. “Para sa kapakanan ni Stacy? Sa tingin mo ba gagana ang gamitin mo ang pangalan niya kong alam mo naman na ako mismo ang sumampal sa kanya?”
Naging determinado ang ekspresyon niya sa sinabi ko. Sa nakaraan kong buhay, ginulpi ko na siya para layuan lamang si Stacy at mapigilan na masaktan siya. Ngayon, hindi na ako interesado na gawin iyon. Magmumukha lang ako na masamang tao. Ang magiging dating ko ay kalaban na pinipigilan si Romeo at Juliet na magkatuluyan.
“Patawad, Mr. Wright. Bulag talaga ako,” sambit niya.
Sinulyapan ko siya at kaswal na sumenyas. “Lumayas ka na at tantanan mo na ako.”
Pagkatapos, tumalikod ako at umalis. Kasabay nito, sumenyas ako sa mga tao ko para paalisin na sila. Inupahan ko lang naman talaga ang mga taong ito para sa kapakanan ni Stacy.
Laging sinasabi ng pamilya ko sa akin na may abilidad akong protektahan ang mga babae sa buhay ko. Kapag nasa panganib sila, ako dapat ang humakbang palapit. Sa ganitong paraan, nakakakuntentong lalake ako.
Lagi akong naniniwala sa mga salitang iyon; ang pagprotekta kay Stacy ay nakaukit sa mga buto ko. Isa akong kabalyero na willing isugal ang buhay niya para sa kapakanan ng prinsesa.
Kung iiisipin, isa lang akong katatawanan.
Naaayos din agad ang problema. Mabilis itong nangyari at ang administrator ng university ay hindi nalaman na may nangyari pala.
Bumalik ako sa dorm para ituloy ang pagbabasa sa script na natanggap ko.
Sa gabing iyon, noong nagscroll ako sa forum, nakakita ako ng bagong post na kinuha ng walang context.