Kabanata 3
”Kung ayaw mo talagang pilitin kitang magpakasal, kumilos ka na at simulan mo nang makipag-date! 30 taong gulang ka na, pero ayaw mong makipagkita sa mga dalaga at kumain sa labas kasama sila! Kung hindi kita pagsasabihan, tatanda kang mag-isa!”
Nanatiling walang kibo si Yohan Morris sa kabila ng sermon ni Bonnie. Malamig lang siyang tumango bilang ganti.
“Maghihintay ako ng isang oras. Babalik ako sa kumpanya kung walang babaeng handang magpakasal sa akin sa loob ng isang oras. Sobrang abala ako sa trabaho, Lola. Kung gusto ninyo talagang pilitin ang isang tao na magpakasal, yung iba na lang sa pamilya natin ang puntiryahin ninyo.”
“Ikaw ang panganay! Kung ikaw nga ayaw mong magpakasal, sa tingin mo ba makukumbinsi ko ang ibang mga pasaway na gawin din iyon?” tili ni Bonnie. “Mabuti pa yung mga ibang binata aktibo sa pakikipag-date! Puro tamad kayo ng mga kapatid mo sa puntong ito!”
Inilayo ni Yohan ang phone niya sa tenga niya. Pagkatapos, inilagay niya ang phone sa katabi niyang upuan para maisigaw ni Bonnie ang lahat ng gusto nito nang hindi sumasakit ang tenga niya.
“Yohan, inilayo mo ba yung phone mo? Iniisip mong kinukulit na naman kita, ganoon ba? Sige! Isang oras! Ipapaalam ko kay Holly ang lokasyon mo para makumbinsi niya si Mandy na pakasalan ka ngayon din!”
Pagkatapos noon, galit na binabaan ni Bonnie si Yohan.
Si Holly Harris ay ang dating kaibigan ni Bonnie. May magandang relasyon ang mga pamilyang Morris at Smith. Sina Mandy Smith at Yohan ay magkababata na lumaki nang magkasama. Parehong gustong ipares ang mga ito ng mga pamilya. Sa kasamaang palad para sa kanila, itinuring nina Yohan at Mandy ang isa’t-isa bilang magkapatid.
Kinuha ni Yohan ang kanyang phone at walang pakialam na ibinalik iyon sa kanyang bulsa. Nang marinig ni Mandy ang kahilingan ni Holly, tatakas siya sa bahay nang mas mabilis kaysa sa leopardo, iyon ay sigurado. Hindi siya kailanman pupunta sa City Hall.
Muling dumako ang malamig niyang tingin sa mukha ni Clara. Binaba ni Clara ang bintana at inilabas ang ulo. Nang ganoon lang, nagtama ang mga mata ng isa’t-isa.
Nagkatitigan lang ang dalawa. Si Yohan ay malamig at walang kibo, ngunit mukhang interesado si Clara sa kanya.
Hindi niya binaba ang bintana kanina kaya hindi niya narinig ang usapan nina Yohan at Bonnie. Ang dahilan kung bakit tinitigan niya si Yohan ay dahil napansin niyang guwapo ito. Kung tutuusin, ito ang pinakagwapong lalaki na nakita niya sa buong buhay niya.
Lumingon si William kay Yohan at saka kay Clara na nakatitig kay Yohan.
Si Yohan ay may malamig at supladong personalidad. May mga pagkakataong nagbibigay siya ng matalas at nagyeyelong tingin sa ibang tao. Kadalasan, walang may lakas ng loob na makipagtitigan sa kanya.
Ang lakas naman ng loob ng babaeng estrangherong iyon na titigan si Yohan!
Pakiramdam ni William ay sobrang kahanga-hanga si Clara.
Isang babaeng multo ang nagkataong huminto sa harap ng sasakyan ni Yohan. Nang mapansin niya si Yohan, sinubukan niyang sumakay sa kotse nito. Ngunit sa sandaling lumutang siya sa upuan sa likod at sinubukang umupo sa tapat ni Yohan, biglabg tumalsik ang kanyang sarili patungo sa sasakyan ni Clara.
Nasaksihan ng mga sariling mata ni Clara ang pangyayari.
Siguradong natakot ang babaeng multo, agad itong yumuko at hindi na nangahas na tumingin pa kay Yohan. Pagkatapos noon ay umikot siya sa sasakyan ni Clara at huminto sa tabi ng upuan sa harap.
Napaiwas ng tingin si Clara bago tumagilid para pagbuksan ng pinto ng sasakyan ang multo. Nagulat ang multo na tinitigan si Clara na ngumiti sa kanya.
“Pumasok ka. Nakikita kita.”
Mabilis na pumasok ang multo sa sasakyan.
Pagkasara ni Clara ng pinto, sinarado din niya ang bintana. Mahina niyang sinabi sa multo, “Huwag ka nang mag-aksaya ng oras. Hinding-hindi mo magiging asawa ang lalaking iyon sa kabilang buhay. Kung gusto mo talaga ng asawa, maghanap ka na ng iba.
“Sobrang lakas ng life energy ng lalaking iyon. Kung lalapit ka sa kanya, masasaktan ka sa enerhiya niya.”
Nakayuko ang babaeng multo habang medyo nagsisisi. “Sobrang gwapo niya. Na-in love at first sight ako sa kanya, kaya gusto kong mapalapit sa kanya. Pero hindi ko inaasahan na maitataboy niya ako.”
Tumango si Clara. “Kaya nga sabi ko kaya ka niyang saktan.”
“Sayang. Ang gwapo niya, pero hindi ko pa siya pwedeng maging asawa,” hinaing ng multo.
“Kahit na ang pag-iibigan sa mga patay ay itinakda na ng Diyos. Hindi kayo para sa isa’t-isa. Hinding-hindi mapipilit ang relasyon,” payo ni Clara.
Mukhang malalim ang iniisip ng babaeng multo. Pagkaraan ng ilang sandali, sinabi niya, “Salamat sa payo mo. Okay na ako ngayon.”
“Kung ganoon, umalis ka na. Bubuksan ko na ang pinto para sa’yo.”
Tumagilid si Clara para muling buksan ang pinto para palabasin ang multo sa sasakyan. Nang masaksihan ni Yohan ang mga kilos niya, akala nito ay ginagawa niya lang iyon para maakit ang atensyon nito.
Matapos paalisin ang multo, muling ibinaba ni Clara ang bintana ng sasakyan at nagpatuloy sa pagtitig kay Yohan. Kung tutuusin, wala pa siyang nakitang lalaking kasing gwapo niya.
Kahit malamig at suplado si Yohan, walang pakialam si Clara na nabibighani sa kanya.
Tumunog muli ang phone ni Yohan. Ito ay tawag ulit mula kay Bonnie. Si Bonnie lang ang may lakas ng loob na paulanan si Yohan ng mga tawag.
Sinagot niya ang tawag, ngunit hindi siya umimik.
“Yohan, naghihintay ka ba talaga sa entrance ng City Hall?”
“Hindi ako nagbibiro, Lola.”
“Ang City Hall ay lugar para gawing legal ng mga tao ang kanilang kasal. Dagdag pa diyan, ang courthouse sa tabi niyan ay naglalakad sa mga diborsyo! Nagpaplano ka bang magpakasal sa bagong hiwalay na babae?” Parang galit si Bonnie.
“Hindi na mahalaga kung hiwalay na sila o single, basta may babaeng papayag na pakasalan ako, tatanggapin ko siya bilang asawa.”
Naasar si Bonnie, bilang panimula. “Sinusbukan mo akong bigyan ng atake sa puso, ano?”
“Lagi kong hinahangad na mabuhay kayo ng napakahabang buhay, Lola.”
“Nasa sasakyan ka ba ngayon?”
Pinili ni Yohan na hindi sagutin ang tanong na iyon. Ito ang paraan niya ng pagsasabi ng “oo”.
“Paano ka magkakaroon ng asawa kung mananatili ka lang sa sasakyan? Lumabas ka sa kotse ngayon din! Sa katunayan, dapat mong dikitan ang sarili mo ng sign na nagsasabing ‘Sinong gustong magpakasal sa’kin?’ Hindi mo kailangan ng isang oras! Sa loob ng sampung minuto, makakakuha ka na ng asawa!”
Dumilim ang mukha ni Yohan. “Maghihintay ako sa loob ng sasakyan ko. Kung ang isang babae ay handang pakasalan ako kahit na sa ilalim ng mga senaryong ito, kung ganoon ay pakakasalan ko siya.”
Hindi siya bumababa ng sasakyan kaya walang nakakaalam ng presensya niya. Paanong siya pakakasalan kung walang nakakaalam ng eksistensya niya?
Isa lamang itong paraan na ipinatupad ni Yohan para kontrahin ang labis na pagkilos ni Bonnie na humihimok at pilitin siyang magpakasal.
Sa galit, binabaan muli ni Bonnie si Yohan. Isang matagumpay na kislap ang lumitaw sa mga mata ni Yohan.
Maaaring matalino si Bonnie, ngunit mas tuso pa siya kaysa dito. Gaano man kakulit ang matanda, laging may mga paraan si Yohan para patahimikin ito.
Sa pagkakataong ito, narinig ni Clara ang usapan sa phone. Kinuha niya ang bag niya at agad na lumabas ng sasakyan. Ilang hakbang lang ay nakatayo na siya sa harap ng bintana ng sasakyan ni Yohan.
Nang maramdamang may tao sa malapit, nilingon ni Yohan si Clara. Nang mapagtanto niya na ito ang babaeng kanina pa interesadong nakatingin sa kanya, nagyelo ang kanyang tingin.
“Ano iyon?” malamig na tanong niya.
“Hinihintay mo ba ang Diyos na bigyan ka ng asawa?”
Walang sinabi si Yohan.
Ngumiti lang si Clara. “Tingnan mo nga naman ang pagkakataon! Hinihintay ko rin ang Diyos na bigyan ako ng asawa! Handa akong pakasalan ka. Dala ko na nga yung identification documents ko. Gusto mo na bang magpakasal ngayon?”
Pagkatapos ng sampung minutong pagmamasid kay Yohan, siguradong-sigurado si Clara na ito ang dapat niyang pakasalan.
Parehong natahimik sina Yohan at William. Si William, lalo na, ay nabigla sa kung gaano katapang si Clara. Sinong mag-aakalang gugustuhin niyang magpakasal sa lalaking kasing-sungit ni Yohan!
Ilang sandali pa ay lumabas na ng sasakyan si Yohan. Matangkad at maganda ang pangangatawan niya, kaya nang tumayo siya sa harapan ni Clara ay nakakatakot ang tindig niya kaya kailangan nitong umatras palayo sa kanya.
“Alam mo ba ang sinasabi mo?” tanong niya.
Umangat ang ulo ni Clara para tingnan si Yohan. Mas matangkad ang ulo nito sa kanya. Siya ay nakatayo sa limang talampakan at apat na pulgada ang taas, ngunit nagmukhang maliit ang kanyang sarili.
“Sir, alam na alam ko ang ginagawa ko ngayon. Narinig ko ang sinabi mo kanina. Sabi mo magpapakasal ka sa kahit sinong babae na handang pakasalan ka habang naghihintay ka sa kotse mo. Napapaisip ako kung ikaw yung tipong tumutupad sa usapan.”
Dalawang mahabang minutong tinitigan ni Yohan si Clara. Sa wakas, tumugon siya nang mahina, “May isang salita ako.”
Napangiti si Clara. “Ayos! Gawin na nating legal ang kasal natin.”
Natahimik si Yohan saglit. “Kilala mo man lang ba kung sino ako?”