Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 4

Isang maliit na 646 square feet na paupahang bahay ang nagsisilbing munting tahanan ng tatlong miyembro ng pamilya. Madilim ang liwanag sa kwarto na may mga naka-display na gamit sa bahay na naaalis na ang pintura. Parang mamasa-masa ang may mga sirang sahig habang medyo amoy-kulob naman ang paligid. “Sobrang basa na naman, uulan na naman siguro!” Reklamo ni Hilda habang pinapasok ang mga groceries sa kusina. Samantala, dumiretso naman si Carlisle sa kwarto niya para simulan ang pagbabago. Bago niya yun gawin, naglabas siya ng isang notepad at lapis para isulat ang dalawang bagay. “Makapasok sa university.” at “Kumita ng Pera.” Para sa isang ordinaryong tao, para sa magandang kinabukasan kaya sila kumukuha ng college entrance exam. Para makahanap ng trabaho at kumita ng pera. Pero para kay Carlisle, ito ay para bumawi sa mga pagsisisi niya sa dati niyang buhay at bigyan ng dahilan ang mga magulang niya para humarap sa ibang tao nang taas ang noo. Para naman sa pagkita ng pera, hindi ‘yun ganun kahirap para sa katulad niyang isang reincarnator. Maraming oportunidad para kumita ng pera sa mga susunod na taon. Pagkatapos ng trabaho, umuwi si Gordon Zahn dala ang isang supot ng mga tinapay. Nakasuot pa siya ng damit pantrabaho at medyo may katabaan ang katawan. Mayroon din siyang kaunting balbas sa kaniyang pisngi at magulong buhok. Tumayo siya sa pinto para manood muna sandali bago pumunta sa kusina para tumulong. “Lumabas ka rito. Hindi ka maingat gumalaw!” Tinulak ni Hilda si Gordon palabas ng kusina habang nagsasalita. Biglang sabi ni Gordon, “Hilda, napansin mo ba kung gaano kasipag ang anak natin?” Tiningnan nang masama ni Hilda si Gordon at sumama ang ekspresyon bago nagtanong, “May problema ka ba? Noong hindi siya nagsisipag, may nasasabi ka. Ngayong nagsisipag na siya, may sinasabi ka pa rin?” “Ang ibig ko lang sabihin ay sobrang sipag ng anak natin. Siguradong makakapasok siya sa mas magandang university!” “Siyempre, namana ni Carl ang talent at talino ng nanay niya. Madali lang sa kaniyang mag-excel!” “Kalokohan! Halata naman na mana siya sa tatay niya!” “Pinagloloko mo ata ako!” … Mabilis na naghanda ng hapunan si Hilda. Desidido si Carlisle na mabilis na ubusin ang pagkain niya para makapag-aral ulit siya. Hindi natuwa si Hilda at sinabing, “Huwag kang magmadali. Walang aagaw ng pagkain mo!” “Pera po ang oras. Kailangan ko agad matapos kumain para makapag-aral ako. Wala na akong masyadong oras!” Naawa si Hilda para sa kaniya. Kaya sinabi niya, “Carl, huwag ka masiyadong ma-stress! Mas importante ang kalusugan mo!” Napagtanto ni Carlisle na napag-alala niya ang ina dahil sa kakaiba niyang kinikilos. Huminto siya sandali at saka ngumiti, “Mom. huwag ka mag-alala, hindi ako stressed!” Tinikman ni Gordon ang kaniyang white wine at nagtanong, “Nag-desisyon ka na ba kung saang university ka mag-aapply?” “Riverland University,” Sagot ni Carlisle. Naubo si Gordon at nasamid sa kaniyang iniinom. Kumibot din ang mga labi ni Hilda. Bilang mga magulang, alam nila ang grades ni Carlisle. Sa kaunti pang sipag ngayong buwan, makakapasok ang anak nila sa isang Tier 3 university. Mahirap maniwala na makakapasok siya sa Riverland University. “Carl…” Nag-aalala si Hilda na baka nawawala na sa sarili si Carlisle. Pero bago pa niya matuloy ang sasabihin, inunahan na siya ng paghampas ni Gordon sa lamesa at pagsabing, “Tama! Kapag gusto, may paraan! Naniniwala ako sa iyo!” Tahimik na kumain ng hapunan si Hilda. Sa papalapit na SATs, hindi niya kayang alisan ng kumpiyansa ang anak. Pagkatapos kumain ni Carlisle, bumalik siya sa kwarto niya para mag-aral. Nag-focus siya sa Math at Language, mga subjects kung saan siya pinaka-nahihirapan. Pagsapit ng 10:00 pm, narinig niyang kumakatok si Hilda sa pinto para paalalahanan siyang oras na para matulog. “Carl, matulog ka na!” “Sige po, Mom,” Sumagot si Carlisle habang nag-iinat. May maliit na ngiti sa mukha niya dahil ang dating napaka-kumplikadong mga subjects ay hindi na ganoon kahirap. Nakaramdam siya bigla ng saya sa pag-aaral. Pagkatapos maligo, humiga siya sa kama para matulog. Pinagmasdan niya ang luma at nagbabakbak na kisame na para bang nasa isa siyang panaginip. … Kinabukasan, maagang nagising si Hilda para maghanda ng almusal habang si Carlisle naman ay lumabas para sa kaniyang morning run. Ang regular na morning runs ay mas mapapaganda ang physical fitness, makakadagdag sa lakas ng resistensya at makakatulong sa mental state. Sa dati niyang buhay, namatay siya dahil sa sakit. Kaya, determinado siyang magkaroon ng malakas na katawan sa buhay na ‘to. Si Gordon na inaantok pa ay lumabas ng banyo. Humikab siya habang nagtatanong, “Handa na ba ang almusal? Gigising ko na ang anak natin.” Umirap si Hilda at sumagot, “Nauna pa siyang gumising kaysa sa akin, tumatakbo na siya ngayon! Lumilipad na ba ang mga baboy?” Biglang nagising si Gordon. Nagulat siya. “Morning run? Kalokohan ba ‘to?” Kinilabutan si Hilda. Nagtanong siya, “Gordon, sa tingin mo ba ay may nangyari sa anak natin?” Nag-aaral si Carlisle nang mabuti at maagang nagising nang maaga para tumakbo—-ibang-iba ito sa dating siya! Parang naging iba siyang tao. Hinimas ni Gordon ang balbas niya habang nakasimangot at nagpatuloy, “In love ba siya?” Pagkasabi niya nito, naalala ni Hilda ang babaeng kasama ni Carlisle kahapon nang hapon. “Sinong in love?” Tanong ni Carlisle habang naglalakad papunta sa pinto, pinagpapawisan nang sobra. Mabilis na binuksan ni Gordon ang bentilador. Naiilang na tumawa si Hilda at nagpatuloy, “Wala! Mali ka at ng dinig.” Hindi na nagtanong pa si Carlisle. Pagkatapos magpahinga, nag-almusal siya at naghanda na para umalis. Nagsuot siya ng schoolwear at sumakay ng bike papunta sa school. Habang papunta sa school gate, huminto si Carlisle sa unang traffic light intersection dahil madalas ay nakikita niya si Sean dito. Makalipas ang limang minuto, dumating si Sean dala ang mountain bike nito. “Grabe, akala ko namamalik-mata ako! Lumilipad na ata ang mga baboy. Mas maaga kang dumating sa akin dito?” Nasurpresa si Sean. Mandalas ay siya ang naghihintay para kay Carlisle. Kabaligtaran ngayong araw. Napansin ni Carlisle ang malalaking itim sa paligid ng mga mata ni Sean at nagtanong, “Nagpuyat ka ba?” Nagpalinga-linga si Sean at sinabing, “May nahanap akong bagong underground internet cafe. Dalawang dolyar lang para sa isang magdamag!” Umirap si Carlisle kay Sean at sinabing, “Malapit na ang SATs, nagpupuyat ka pa rin?” Nagkibit-balikat lang si Sean habang sinasabi, “Pwede ko naman yun kunin kahit kailan. Sa tingin ko naman hindi ko muna yun kukunin ngayon.” Magkapareho silang dalawa. Dahil sa mababa nilang mga grades, naging magkatabi sila sa last row. Nagkwentuhan sila habang nakasakay sa kanilang mga bikes. Napansin ni Sean na nasa school gate sina Sarah at Sienna. Isang matangkad na lalaking classmate ang nag-aabot ng almusal sa kanila. Namula si Sarah, tila medyo nahihiya. Samantala, tinanggap naman ni Sienna ang almusal at sinabing, “Hoy, magkakakaklase tayo. Hindi ka dapat mahiya.” Nag-reklamo si Sarah, “Sienna, anong ginagawa mo? Hindi ko naman siya ganun kakilala!” Tiningnan ni Sienna nang masama si Sarah, at nang lumingon si Sarah, nakita niya sina Carlisle at Sean. Tinanggap ni Sarah ang almusal mula sa lalaki nilang kaklase habang matamis na sinasabing, “Maraming salamat at dinalhan mo kami ng almusal ni Sienna. Napakabait mo!” Mahaba ang buhok ng lalaking estudyante at may maamong mukha. Ngumiti siya at sinabing, “Huwag mo ako pasalamatan, pinahatid lang ‘to sa akin!” “Sa iba galing ‘to?” Nagulat pareho sina Sarah at Sienna. Nagtanong si Sienna, “Kanino galing ‘to?” Sumagot ang estudyanteng mahaba ang buhok, “Hindi ko sasabihin sa inyo ngayon, pero huwag kayo mag-alala. Simula ngayon, araw-araw na kayong may almusal!” Pagkatapos nito, pumasok na siya papunta sa school. Dito naman lumapit sina Carlisle at Sean sa school gate. Tiningnan ni Sarah si Carlisle at nagpaliwanag, “Carlisle, huwag mong masamain. Hindi ko kilala ang lalaking yun… at hindi ko alam bakit niya ako pinapadalhan ng almusal!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.