Kabanata 3
Pagkatapos ng school, tulak-tulak nina Sarah at Sienna ang mga bike nila palabas ng school gate. Nag-aalalang nagtanong si Sienna, “Sarah, hindi ba humingi ng tawad si Carlisle sa iyo buong maghapon?”
Bahagyang ngumiti si Sarah at sumagot, “Huwag ka mag-alala. Kilalang-kilala ko siya. Para siyang adhesive plaster na hindi mo matanggal.”
“Oh sige, kita tayo bukas,” Sagot ni Sienna.
“See you.”
Pagkatapos magpaalam kay Sienna, sumakay si Sarah sa kaniyang pink na bike. Nagmamadali siyang umuwi para mapanood ang drama series na “Autumn in My Heart.”
Sa kaniyang manipis na baywang at ang maganda niyang buhok na iniihip ng hangin na nasa ilalim ng palubog na araw, para siyang isang bidang babae sa isang pelikula. Napapatingin ang marami niyang kaklaseng lalaki.
Ngumiti si Sarah dahil natutuwa siya sa atensyong nakukuha niya. Para sa kaniya, siya ang bidang babae sa isang teenage drama series at karapat-dapat siya sa atensyon ng lahat.
Sa kasamaang palad, hindi nagtagal ang maganda niyang mood. Biglang natanggal ang kadena ng bike niya sa isang intersection, agad siyang nainis.
Pinarada niya ang bike sa gilid ng klase at napasimangot dahil sa maduming kadena. Hindi bagay sa kaniya ang maduming gawain na ito.
Sakto naman na dumaan si Carlisle habang naka-bike at sumisipol pa.
Sa pangalawang pagkakataon sa buhay, hindi lang siya naging bata ulit, pero makikita niya rin na bata ulit ang mga magulang niya. Ngayon, wala siyang ibang gusto kung hindi ang maka-uwi nang maaga at makita ang mga magulang niya.
Pinagmasdan ni Sarah ang magulong itsura ni Carlisle at hindi mapigilang mandiri. Sinusundan pa siya nito!
Nakita niya si Sarah sa gilid ng kalsada at hindi mapigilang magtaka. “Sarah? Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya.
“Carlisle, kung gusto mong humingi ng tawad sa akin, gawin mo na lang. Kailangan mo bang gumamit ng ganito kababang tactics?” Umirap si Sarah.
Naguluhan si Carlisle at napakamot ng ulo. “Anong ginawa ko?”
“Anong ginawa mo? Hindi ba’t ginalaw mo ang kadena ng bike ko?” Tanong ni Sarah habang nakahalukipkip, matalim ang tingin niya na para bang nababasa niya si Carlisle.
Nagpatuloy si Sarah, “Sinadya mong sirain ang kadena ng bike ko para magkita tayo dito. Napaka-immature.”
Kinilabutan si Carlisle sa mga sinasabi ni Sarah. Nagha-hallucinate ba ito?
“Sobra ka naman! Araw-araw akong dumadaan dito, at ako ang naglilinis sa classroom sa gabi. Wala akong oras para pakialaman ang kadena ng bike mo,” Sagot ni Carlisle.
“Huh.” Ngumisi si Sarah at sinabing, “Kung ganoon, bakit hinihintay mo ako dito? Gusto mo bang humingi ako ng tulong sa iyo?”
Umiling si Carlisle at sinabing, “Hindi. Naghihintay lang ako sa traffic light. Aalis na ako.”
Sa inis, nagbigay ng utos si Sarah, “Ayusin mo ang bike ko ngayon!”
“Wala akong oras,” Sagot ni Carlisle habang nagpepedal palayo at hindi na lumingon pa.
“Ikaw…” Tinuro ni Sarah si Carlisle habang papalayo ito. Sigurado siyang sinira ni Carlisle ang kadena ng bike niya, pero ngayon ay tumakas ito sa hiya dahil nahuli.
Napakasama niya. Mayroon pa sana siguro siyang kaunting respeto para sa kaniya kung umamin lang si Carlisle. Mangarap na lang siya kung sa tingin niya ay magpapaligaw pa siya pagkatapos nito.
Kahit naiinis, kinailangan pa rin ayusin ni Sarah ang kadena gamit ang maliit na stick.
Habang sakay ng bike ay nagpunta si Carlisle sa Franklin Complex at nakita si Wanda na nakatayo sa gate habang dala-dala ang isang pink school bag.
“Carlisle!” Binati siya nito at kumaway.
“Wanda, anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Carlisle, naguguluhan.
Nilabas ni Wanda ang math book mula sa bag niya at sinabing, “Carlisle, na-solve ko na yung tinatanong mong problem,”
“Huh?” Kumibot ang bibig ni Carlisle. “Wanda, pwede mo naman ito ipaliwanag sa akin bukas. Hindi mo kailangan pumunta dito para lang diyan.”
“Hindi, tingnan mo…” Determinado ang tingin ni Wanda sabay kuha ng pen para ipaliwanag ang tanong kay Carlisle.
Umupo ang dalawa sa isang batong poste malapit sa gate at nag-aral. Pinupuri sila ng mga dumadaang galing sa grocery shopping, “Bihira na lang makakita ng mga masisipag na bata ngayon. Magaling.”
Umirap si Carlisle sa mga komento..
Sa paliwanag ni Wanda, biglang naliwanagan si Carlisle. Ganito ang mathematics—sa oras na maintindihan mo ang equation, kaya mo ng i-solve ang ibang tanong.
Kahit na hindi galing sa dating exam ang tanong na ito, kapag natutunan mo ito ay malalaman mo na kung paano sagutin ang huling tanong sa SATs.
“Wanda, ang galing mo.” Puri ni Carlisle at binigyan siya ng thumbs up. Ngumiti naman si Wanda.
“Oh, Wanda, malayo ang bahay mo dito, hindi ba? Paano ka uuwi? Gusto mo bang ihatid kita?” Tanong ni Carlisle.
Pumunta si Wanda dito para sa kaniya, kaya hindi niya pwedeng hayaang umuwi ito nang mag-isa ngayong gabi.
“Hindi na. Hinihintay ako ng driver ko,” Sagot ni Wanda at kinaway ang kamay.
Kumibot ang bibig ni Carlisle. Nakalimutan niyang galing sa mayamang pamilya si Wanda.
Tinabi na ni Wanda ang math book niya at biglang nagtanong, “Oo nga pala, Carlisle, saang university mo balak mag-apply sa application bukas?”
“Riverland University,” Sagot niya.
Nadismaya nang kaunti si Wanda sa sagot ni Carlisle at nagtanong, “Dahil ba kay Sarah?”
Umiling si Carlisle at nagtanong, “Hindi.”
Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Wanda, pinagmasdan niya si Carlisle. “Kung ganoon, mauuna na akong umuwi. Kapag may tanong ka pa sa susunod, pwede mo akong tanungin.”
“Okay,” Sabi ni Carlisle.
Pinanood ni Carlisle si Wanda na dalhin ang school bag nito at bigla siyang may naisip.
Isang ordinaryong Tier 1 local university lang ang Riverland University. Pero sa grades ni Wanda, kaya nitong makapasok sa mga prestihiyosong university sa Ivy League.
“Ugh…” Hindi mapigilan magtaka ni Carlisle. Pumunta pa ito sa ganitong lugar para ipaliwanag ang isang tanong sa kaniya.
Nakaramdam siya ng kuryente sa puso niya. Gusto ba siya nito? Pero imposible yun. Wala silang interaksyong dalawa.
Hindi yun makatotohanan habang iniisip niya. Pero sinabi niya pa rin, “Wanda, nag-apply ako sa Riverland para sa sarili ko.
“May nakita akong sentence kahapon. ‘Isang malaking katangahan na baguhin mo ang buhay mo para sa ibang tao.’ Para sa ating dalawa ang sentence na yun. Kahit anong mangyari, maging totoo dapat tayo sa mga sarili natin.”
Sandaling natulala si Wanda. Kumaway si Carlisle at naghiwalay na sila ng landas. Pagpasok niya sa neighborhood, napansin niya ang ngisi sa mukha ng isang taong kadadaan lang.
‘Tapos ka na tumingin?” Tanong ni Carlisle.
“Tapos na!” Masayang inakbayan ni Hilda Young ang balikat ni Carlisle. “Anak, sabihin mo sa mom mo, sino ang babaeng yun?”
“Ah, come on, hindi niyo rin kilala kahit sabihin ko sa inyo,” Sagot ni Carlisle.
“Gusto ka ba niya?” Tanong ng mom niya.
“Walang pag-asa.” Tumawa ang dalawa at nag-usap habang naglalakad pauwi.