Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 5

Huminto si Carlisle at malalim na tiningnan si Sarah na yumuko naman dahil sa hiya. “Ano namang kinalaman nun sa akin?” Nagkibit-balikat si Carlisle, naguguluhan siya. Pagkatapos ay sumipol siya at tinulak ang bike papasok sa school gate. Natigilan si Sarah. Kumunot ang noo ni Sienna at nagtanong, “Sarah, sa tingin mo rin ba ay nagbago na si Carlisle?” Umismid si Sarah at sinabing, “Nagpapakipot lang siya. Gagapang din ‘yan pabalik sa akin at magmamakaawa na bigyan ko siya ng atensyon kapag hindi ko na siya pinansin”! May tiwala si Sarah sa itsura niya. Pero hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang sumuko si Carlisle sa panliligaw sa kaniya. “Sinasabi ko na eh! Sarah, napakaganda mo, kaya paanong sumusuko na siya agad? Technique lang pala niya ‘yan!” Sabi ni Sienna habang kumakapit sa braso ni Sarah at tumatawa. Pumasok sa classroom si Carlisle at agad niyang napansin si Wanda na seryosong nag-aaral. Kung pati yung mas magagaling sa kaniya ay nagsisipag, wala siyang dahilan para hindi rin magsipag. Bumalik siya sa upuan niya at nagsimulang kabisaduhin ang vocabulary habang unti-unting dumadating ang mga estudyante sa classroom. Tiningnan ni Sarah si Carlisle na nag-aaral nang mabuti, saka siya napangiti. Nag-aaral nang mabuti si Carlisle para makapasok sa Riverland University. Malaki ang pinagbago ni Carlisle dahil sa mga sinabi niya. Kaya paano ito susuko sa panliligaw sa kaniya? Nakakaawa lang at hindi ito makakapasok sa Riverland University kahit na anong aral nito. Siguradong huhusgahan siya ng teacher kapag oras na n pag-fill out ng college application mamaya. Nang tumunog ang bell sa pagsisimula ng klase, pumasok si Lucy sa classroom dala ang isang tasa. Natahimik ang buong klase. “Napaka-importante ng buwan na ‘to. Plano kong baguhin ang seating arrangement para makapag-aral nang maayos ang lahat!” Sinabi ni Lucy sa klase ang plano niya. Ang mga nahuhuling estudyante ay hindi dapat pagsamahin dahil pareho nilang guguluhin ang isa’t-isa para hindi mag-aral. Kaya, plano niyang pagtabihin ang mga nahuhuli at mga nangunguna sa klase. Agad na yumuko si Sean dahil natatakot siyang mapansin ni Lucy. Plano niya pa nga sanang matulog ngayon!” “Sean, magpalit kayo ng upuan ni Herman!” Istriktong sabi ni Lucy kay Sean. Ano ba yan! Mas lumalaki ang posibilidad na mangyari ang isang bagay kapag lalo mo itong inaalala! Tiningnan ni Sean si Herman Townsend na nakaupo sa third row mula sa gitna. Ang katabi nito ay si Abigail Stephenson, ang class representative para sa languages. Samantala, natuwa naman si Carlisle. Isa itong targeted solution dahil nahuhuli si Sean sa languages, lalo na sa reading comprehension. Gusto siguro nito na magig tutor ni Sean si Abigail. Pero naguluhan siya dahil walang ganitong eksena ng pagpapalit ng seating arrangement noon sa dati niyang buhay. Dahil siguro sa muli niyang pagkabuhay kaya nagbago ang trajectory. “Ms. Turner, ayaw kong tumabi kay Carlisle!” Protesta ni Herman. Na-improve na niya ang language results niya sa wakas. Kapag tumabi siya kay Carlisle, lahat ng paghihirap niya ay mababalewala lang sa loob ng isang buwan!” Nanlamig ang ekspresyon ni Lucy. “Gusto mo bang maupo sa tabi ng podium?” Agad na tumahimik si Herman. Tinikom niya ang mga labi at tahimik na inayos ang mga libro niya. Miserableng nagreklamo si Sean. “Tapos na. Tapos na ang maliligayang araw ko!” Tiningnan ni Carlisle si Sean at sinabing, “Huling buwan na ngayon. Mag-aral ka nang mabuti. Dahil nandiyan si Abigail, sa kaunting effort, siguradong gaganda ang grades mo!” Nagpatuloy si Lucy sa pag-aayos ng seating arrangement at sinabing, “Sienna, palit kayo ng upuan ni Quentin!” “Ayaw ko…” Walang pag-aalinlangang tanggi ni Sienna. Hindi rin ganoon kaganda ang grades niya, at umaasa lang siya sa tulong ni Sarah. Nakaupo si Quentin Blake sa third-to-the-last row. Katabi niya si Timmy Leen. Hindi lang siya pangit, pero mas huli pa siya sa academics kaysa kay Carlisle. Kahit na mababa ang mga grades ni Carlisle at isa siyang walang-muwang na batang lalaki, mukha naman siyang disente! Kung hindi, bakit pa rin siya binibigyan ng false hope ni Sarah? Nagpaliwanag si lucy, “Sienna, ayos naman ang iba mong subjects bukod sa physics. Samantala, pasado naman ang mga grade ni Quentin sa physics. Pwede kayong magtulungan!” Maingat niyang pinag-isipan ang seating arrangement. Lalo na at ang dalawa niya pang klase ay nagpakita ng mas magandang resulta pagkatapos magpalitan ng upuan. Kailangan niyang humanap ng paraan para pataasin ang college admission rate ng klase niya. Tiningnan ni Sarah ang matabang si Quentin, may bahid ng pandidiri sa mga mata niya. “Ms. Turner, ayaw kong tumabi sa lalaki!” Reklamo niya. Galing sa probinsya si Quentin at halos kasing laki ng mga hita niya ang braso niya. Mahilig siyang maglaro ng basketball at lagi siyang amoy pawis. Ayaw niyang tumabi sa ganitong klaseng probinsyano. Gayunpaman, ang desisyon ni Lucy ay hindi mababago ng estudyanteng katulad niya. Naupo pa rin sa tabi ni Sarah si Quentin. Sumama ang loob ni Sarah at naluha ang mga mata niya. HIndi pa kailanman nakalapit si Quentin sa isang magandang babae. Napakamot siya ng ulo at namula ang mukha. Saka niya nahihiyang sinabi, “Sa…Sarah, kakausapin ko si Ms. Tuner pagkatapos ng klase kung ayaw mong maupo ako sa tabi mo!” Lumingon sa ibang direksyon si Sarah dahil ayaw niyang sumagot kay Quentin. Kung hindi niya ito pansinin, hindi magkakabunga ang bagong seating arrangement. Sa huli, malilipat na naman si Quentin. Naubos ang oras ng class period sa pag-aayos ng upuan. Maraming estudyante ang nagsimulang mag-aral kasama ang mga bago nilang deskmates. Masayang ngumiti si Lucy, masaya siya sa resulta ng seating rearrangement. Bakit hindi niya ‘to naisip dati? “Ms. Tuner.” Biglang tinaas ni Carlisle ang kamay. Tiningnan nang masama ni Lucy si Carlisle at nagtanong, “Ano yun?” “Gusto ko rin po makipagpalit ng upuan,” Sabi ni Carlisle. “Mababa ang grades mo sa lahat ng subjects. Walang mababago kahit saan ka umupo…” Walang-awang binasag ni Lucy ang pag-asa ni Carlisle. Karamihan sa mga kaklase niya ay natawa. Bumuntong-hininga si Carlisle. Ganito na ba ka-dismayado si Ms. Turner sa kaniya? Pero kasalanan naman talaga niya. Hindi siya nag-focus sa pag-aaral kasi naadik siya sa internet at pag-ibig noon. Kahit na magsipag pa siya ngayon, iisipin lang ni Ms. Tuner na nagka-cram siya. Tiningnan ni Lucy ang dismayadong ekspresyon ni Carlisle at hindi niya kayang mas lalong ibaba ang tiwala nito sa sarili. Nag-aalinlangan siyang nagpaliwanag, “Hindi sa ayaw kong ilipat ka ng upuan pero tingnan mo ang klase. Sinong papayag na tumabi sa iyo bukod kay Sean?” “Ms. Turner, ayos lang po sa akin”! Isang boses ang mahinang sumagot. Nagulat si Lucy nang makita si Wanda. Hindi lang si Lucy, pati na rin ang iba nilang kaklase. Handang tumabi ang class monitor kay Carlisle? Isang top student at low achiever. Kalokohan ba ‘to? Umiling si Lucy at tumanggi, “Hindi, ikaw lang sa klase natin ang may pag-asa na makapasok sa isang prestihiyosong university. Hindi ko hahayaan na hilain ka niya pababa!” Namula ang mga pisngi ni Wanda habang bumubulong, “Nag-aaral na nang mabuti si Carlisle nitong mga nakaraan. Bakit hindi niyo siya bigyan ng pagkakataon, Ms. TurneR?” “Nag-aaral nang mabuti? Nag-aaral nang mabuti para magsulat ng love letters para kay Sarah?” Galit na sabi ni Lucy. Mapang-asar na tumawa ang karamihan sa mga estudyante. Napailing na lang si Lucy. Nag-isip siya sandali bago sabihin na, “Sige, palilipatin ko siya sa loob ng tatlong araw muna. “Hahayaan ko siyang maupo diyan ng tatlong araw para makita kung mag-iimprove siya. Kung may senyales man na nahihila ka niya pababa, ililipat ko siya agad!” Tumango si Wanda at naramdaman niyang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Lalo na at wala pa siyang nakakatabing lalaki sa buong high school life niya. Sabik na niligpit ni Carlisle ang mga libro niya at nakipagpalit ng upuan kay Lily Green na nakaupo sa tabi ni Wanda. Tiningnan niya nang masama si Carlisle at sinabing, “Tatlong araw, magpapalit din tayo sa loob ng tatlong araw!” With the seat rearrangement complete, Carlisle moved from the last row to the first row. Nang tapos na ang seat arrangement, nalipat si Carlisle mula sa last row papunta sa first row. Habang nakaupo sa tabi ng bintana, naguluhan si Sarah nang makita niya ang ngiti ni Carlisle. Bakit hindi nito hiniling na maging katabi niya ngayong nabigyan ito ng magandang oportunidad? Plinano pa niya kung paano niya ito tatanggihan. Hindi nagtagal, natapos na ang unang klase, pero hindi tinapos ni Lucy ang klase. Bagkus, nagpunta siya sa opisina at bumalik dala ang isang stack ng college application forms. Sa era na ito, sinusulat ng mga estudyante ang mga gusto nilang college bago kumuha ng SATs. Gayunpaman, sa ilang lugar, nagsimula na silang magsagawa ng bagong sistema kung saan nag-e-exam muna ang mga estudyante bago isulat ang mga gusto nilang college. Pagkatapos nito, sinabihan ni Lucy ang klase, “Everyone, sagutan niyo ang college application. Trial round lang ito. Ipasa niyo ito bago mag-uwian!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.