Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 11

Nagwalis si Carlisle sa bahay at nagsimula na sa kaniyang pag-aaral. Dinala ni Gordon si Gerard at ang pamilya nito ng mga 7:00pm. “Carl, nandito ang tito mo. Lumabas ka at bigyan mo sila ng tubig!” nakangiting sabi ni Gordon habang papunta sa kwarto ni Carlisle. “Gerard, Maria,” bati ni Hilda sa kanila habang nakasilip ang ulo sa kusina. Malamig silang tumango at hindi man lang tumingin ang dalawa nilang teenager na anak kay Hilda. Nakasuot si Gerard ng puting T-shirt. Hawak niya ang Samsung flip phone sa kanan niyang kamay at nakasuot ng latest model ng Vacheron Constantin na relo sa kaniyang kaliwang kamay. “Gordon, kaya mong bumili ng Santana na halos 200 thousand dollars ang halaga pero hindi ka makabili ng magandang bahay?” tanong ni Maria Davidson, asawa ni Gerard. May makapal na foundation sa kaniyang 38-year-old na mukha. Matalim siyang magsalita at pansariling interes lang lagi ang iniisip. “Binili namin ang bahay na ‘to para mas madali kay Carl na pumasok sa school. Plano ko ‘tong ibenta kapag pumunta na si Carl sa university!” paliwanag ni Gordon. “Sandali lang. Bakit hindi pa lumalabas si Carlisle?” Pinaypayan ni Maria ang sarili gamit ang kamay habang tumitingin sa paligid ng bahay. Pagkatapos, may pandidiri niyang sinabi, “Bakit hindi kayo naglagay ng aircon? Masyado naman ata kayong nagtitipid?” Agad dinala ni Gordon ang standing fan mula sa kaniyang kwarto. Samantala, mabagal na lumabas si Carlisle sa kaniyang kwarto para magsalin ng apat na baso ng tubig para sa kanila. “Carl, hindi mo ba ako kilala?” nakakunot na tanong ni Gerard. “Nakikilala.” “Oh. Kung ganoon, sino ako?” malamig na tanong ni Gerard. “Ikaw si Tito Gerard!” “Bakit hindi mo kami binati ng tita mo?” bakas ang galit sa tanong ni Gerard. Mapang-asar na sinabi ni Maria, “Saan napunta ang ilang taon mong pag-aaral?” Biglang, hinampas ni Hilda ang kutsilyo sa kaniyang cutting board, dahilan para marinig ang tunog non sa buong bahay. Tumingin din nang masama si Gerard sa kaniyang asawa. Pero mukhang hindi napagtanto ni Maria ang mali niya at tumingin siya kay Gordon na inilalabas ang extension mula sa kwarto nito. Sabi ni Maria, “Responsibilidad ng tatay na turuan ang anak nila. Pero mukhang hindi mo tinuruan nang maayos ang anak mo.” Malamig na tumawa si Gordon. “Didisiplinahin ko siya mamaya!” “Tinuruan niyo ba nang maayos ang mga anak niyo? Binati ba nina Kelly at Xander ang mga magulang ko?” kalmadong tanong ni Carlisle habang dinadala niya ang mga baso ng tubig. “Pasaway ka, sumasagot ka sa akin?” galit na sabi ni Maria. “Hindi yun ang ginagawa ko. Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi ba't may special education ang mga anak niyo sa siyudad? Eh bakit wala silang respeto?” hindi nagpigil si Carlisle. Sa dati niyang buhay, hindi tumigil si Gerard at ang pamilya nito sa pang mamaliit sa kaniya at sa magulang niya dahil hindi siya nakapasok sa college. Lumuhod ang tatay niya at nagmakaawa sa tito niya na pahiramin sila ng pera nang magkasakit siya sa dati niyang buhay. Hindi lang sila hindi pinahiram ni Gerard kundi binugbog pa nito ang tatay niya. Ininsulto rin sila ni Gerard sa sinabi nitong mahaba na ang naging buhay ni Carlisle at dapat na siyang mamatay. Walang silbi ang pagiging magkapamilya nila. “Binibiro mo ba ako? Naniniwala ka bang dapat kang ikumpara sa mga anak ko? Nasa top ng klase niya ang babae kong anak. Sandali na lang bago siya makapasok sa Riverland University. “Ikaw? Sa pagkakarinig ko sa dad mo, basura ang mga resulta mo. Baka mahirapan pa na makapasok ka sa Tier 3 university. Ang mga katulad mo ang dahilan kung bakit hindi umuusad ang lipunan natin!” Galit na galit si Maria at nanginginig ang boses niya habang nagsasalita. Puno ng galit ang mata ni Gordon habang nakikinig sa mga mapanglait na salita ni Maria. Sa oras na ‘yon, lumabas si Hilda sa kusina. Malamig ang boses niya habang sinasabi, “Maria, bisita ka sa bahay namin kaya dapat tanggapin ka namin nang buong puso. Pero kung nandito ka para makipag-away, wala kaming magagawa kundi paalisin ka!” Matatanggap ni Hilda ang pangmamaliit sni Gerard at Maria sa kanila. Halata naman ang pagkakaiba sa pagitan ng pamilya Pero hindi niya matanggap ang pangmamaliit sa anak niya. Pinanood ni Maria si Hilda na paglaruan ang kutsilyo sa kamay niya at napalunok siya bigla. Kinamaway ni Gerard ang kamay niya at sinabing, “Tama na ‘yan. Sarilihin na lang ng lahat ang mga gusto nilang sabihin. Huwag niyong idamay ang mga bata dito!” “Huwag mo akong sisihin sa gagawin ko kapag pinagpatuloy niyong maliitin ang anak ko,” sabi ni Hilda habang pabalik siya sa kusina. Galit na galit si Maria at naging madiin ang bawat paghinga. Hinaplos ni Gerard ang braso niya at hininaan ang boses niya. “Para naman hindi mo alam na wala silang modo. Anong punto ng pakikipag-away mo sa kanila?” Gumaan ang loob ni Maria habang nakaupo sa sofa at dinamdam ang hangin mula sa fan. Nasa kwarto si Carlisle nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang mom. Ngumiti siya sa pagkamangha. Wala siyang sinabi na kahit ano sa dati niyang buhay kaya walang ginawa si Maria. Hindi niya inakala na magiging masama si Maria sa mga sinabi nito pagkatapos niyang ipaglaban ang sarili niya. Hindi niya rib inakala na poprotektahan siya ng mom niya. Umupo ang dalawang pamilya para kumain noong 8:00pm. Mas tahimik si Maria kaysa kanina. Mabigat din ang paligid. “Kelly, nagpasa ka rin ba ng application mo sa Riverland University?” tanong ni Gordon sa pamangkin niya habang nakangiti. Mukhang nagtataka si Kelly Zahn. “Anong ibig mong sabihin sa ‘rin’? Sinasabi mo ba sa akin na nag-apply din si Carlisle sa Riverland University?” Tumango si Gordon. “Tama. Iyon lang ang school na nag-apply siya!” Agad tumawa si Kelly. Namumula ang mukha ni Gordon habang tinatanong, “Anong mali? Minamaliit mo rin ba ang pinsan mo?” Hindi mapigilan ni Kelly na tumawa habang sinasabi, “Tito Gordon, minsan lang makapasok sa Riverland University ang mga tao mula sa labas. “At saka, kailan ba nagkaroon ng maayos na grade si Carlisle? Hindi niya nga kayang sabihin ang resulta niya. Pero may lakas siya ng loob na mag-apply sa Riverland University. Mahirap para sa akin na maintindihan ang takbo ng isip niya!” Sa madaling salita, minamaliit din niya si Carlisle. Pero, hindi alam ni Gordon at Hilda kung paano sasagutin si Kelly dahil alam nila na nagsasabi siya ng totoo. Masaya si Maria hababg nakatingin sa ekspresyon ni Gordon at Hilda. Sarkastiko niyang sinabi, “Kelly, tigilan mo ang pangmamaliit kay Carlisle. Baka paalisin nila tayo!” Hinampas ni Xander Zahn na isang newbie sa junior high school ang kaniyang kutsara at sinabing, “Hayaan mo silang paalisin tayo. Ang pangit naman ng pagkain na ‘to. Wala lang mawawala sa akin kung aalis tayo!” Humigpit ang hawak ni Hilda sa kaniyang tinidor. May sasabihin na sana siya nang nagbigay si Gordon sa kaniyang ng mapagbantang tingin. Kaya, wala siyang magawa kundi lunukin ang kaniyang galit para sa kapakanan ng pride ni Gordon. Kinain ni Carlisle ang pagkain at sinabing, “May mahahanap kayong hotel kapag kumaliwa kayo sa baba. Pwede kayo pumunta doon para kumain!” Malamig na tumawa si Gerard. “Wala ngang sinasabi ang dad mo pero pinapalayas mo kami?” Bumuntong hininga si Carlisle sa inis. “Tito Gerard, sa tingin mo ba may patutunguhan pa ang pagsasama natin para mag dinner? Nandito lang kayo para magyabang sa maliit na yaman na kinita niyo sa probinsya. Mali ba ako?” Natigil si Gerard nang marinig ang mga salita ni Carlisle. Hindi niya pa nasasabi kay Gordon ang tungkol doon. Paano nalaman ng batang si Carlisle ang tungkol sa kinita niyang maliit na yaman? Kumita nga siya ng maliit na yaman. Plano nita talagang pumunta dito at maliitin si Gordon. Pero pinili niyang itago ang kayamanan niya nang makita na sinundo sila ni Gordon gamit ang Santana. Plano niyang imbestigahan ang sitwasyong pinansyal ni Gordon nang maayos bago niya sabihin ang tungkol sa kayamanan niya. Nakita ni Gordon ang gulat sa mata ni Gerard at agad na tumayo para salinan ng beer si Gerard. Ngumiti siya at tinanong, “Gerard, kumita ka ba ng pera nitong nakaraan?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.