Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 10

“Sarah, narinig mo ba yun? Tinawag ba talaga siyang ganun ni Carlisle?” Nanlaki ang mga mata ni Sienna habang nagtatanong. Masiyado atang intimate ang term na yun? Ang generation ngayon ng mga high school ay kadalasan nasa conservative side. Anumang terms ng endearment ay pag-iisipan nang iba ng ibang tao. Kaya naman, nagulat sina Wanda at Sienna sa sinabi ni Carlisle. “Ano naman? Tinawag na niya akong ganun dati!” Sabi ni Sarah para magpanggap na wala siyang pakialam. Mayroon pa rin bakas ng pangamba sa kaniyang mga mata. Hindi lang tinanggihan ni Carlisle ang Coke na binili niya para sa kaniya, pero tumanggi din ito sa imbitasyon niya na maglaro sila ng badminton. Nag-aalala si Sarah na sumuko si Carlisle sa panliligaw sa kaniya dahil mapapahiya siya kapag nangyari yun. Samantala, gumalaw naman si Wanda para maupo sa ilalim ng lilim habang pinapanood maglaro ng basketball si Carlisle. Walang masamang ekspresyon sa namumula niyang mukha. Magaling si Carlisle, kaya walang pagkakataon ang kalaban niyang umiskor. Masaya siyang pinanood ni Wanda. Pagkatapos ng ilang sandali, lumapit si Carlisle sa kaniya. Medyo hinihingal pa siya nang magtanong, “Ano sa tingin mo? Napabilib ba kita?” “Ano?” Namula si Wanda nang tumingala siya kay Carlisle at agad na napayuko nang makita ang mata nito. Mahina ang boses niya habang sinasabi, “Ang ganda mong panoorin.” Nasa five feet eight ang tangkad ni Carlisle. Ang maikli niyang buhok at distinct facial features ay bumabagay sa matalim niyang mga mata. Gayunpaman, hindi nababagay sa edad niya ang mature look sa mga mata niya. “Sa tingin ko rin!” Masayang tumawa si Carlisle nang purihin ang sarili. “Ang yabang mo!” Sabi ni Wanda sabay talikod para bumalik sa school building. “Hey, Wanda, gusto mo bang maglaro ng badminton?” Sigaw ni Carlisle sa likuran niya. Bakit ang sweet ng tono ng boses niya? Namula ang mukha ni Wanda at binilisan niyang maglakad. Kinalaunan, bumalik si Carlisle sa lockers para magpalit ng malinis na damit bago bumalik sa kanilang classroom. Gusto niyang mag-review ng SATs kasama ni Wanda. Habang nakatuon ang atensyon nila sa kanilang pag-aaral, isang babaeng naka-ponytail ang lumapit at tumayo sa harap ng desk ni Wanda. “Wanda, pwede mo bang i-explain itong isa sa mga questions ng chemistry work natin?” “Siyempre, “ Sabi ni Wanda sabay tingala at ngumiti. Tumingala din si Carlisle. Agad naman nanlaki ang mga mata niya. Ang babaeng nasa harapan niya ay si Christine Goodman. Isa siya sa mga estudyante sa klase nila na mahirap lang ang pamilya. Noong araw ng SAT exams nila, isang taxi driver ang nanakit sa kaniya. Sira na ang katawan niya nang mahanap siya ng mga pulis. At saka, nakakita rin ng DNA ng mga pito hanggang walong lalaki sa katawan niya. Naubos ng pamilya ni Christine ang pera nila para makahanap ng hustisya para sa kaniya. Sa kasamaang palad, walang silang napala, dahil hindi nahuli ang mga salarin. Nahirapang huminga si Carlisle at napahigpit ang hawak niya sa kaniyang pen. Namuti na ang mga daliri niya sa sobrang higpit ng kapit niya. “Carlisle, umusog ka muna at paupuin mo si Christine dito.” Lumingon si Wanda kay Carlisle at napansin na tensyunado ang ekspresyon nito. Akala niya ay ayaw nitong gumalaw, kaya bumalik siya kay Christine at sinabing, “Doon na lang tayo umupo sa may bintana!” Tumango naman si Christine. Mabilis na tumayo si Carlisle at dinabing, “Ayos lang. Pwede ka ma-upo dito!” “Salamat.” Ngumiti si Christine at namula ang mga pisngi niya. Huminga nang malalim si Carlisle at tiningnan si Christine bago makahanap ng isang bakanteng upuan sa tabi ng bintana. Ngayong nabuhay siya ulit, may mga bagay siguro sa buhay niya na magbabago. Pero may marami pa rin bagay na nakatadhanang mangyari. Malaki ang tsansa na mangyayari ulit ang trahedyang yun kay Christine. Huminga nang malalalim si Carlisle at nagdesisyon siyang ililigtas niya si Christine. Marahil ito ang totoong kahulugan ng bagong pagkakataon niya sa buhay. Matapos makinig sa paliwanag ni Wanda, naintindihan na rin ni Christine ang problem. “Salamat, Wanda. Naintindihan ko na rin.” Matamis na ngumiti si Wanda. “Walang problema. Pwede kang lumapit sa akin kapag kailangan mo ng tulong sa pag-aaral!” “Okay!” Tumango si Christine. Nagsimulang tumulo ang luha niya dahil naging emosyonal siya. Dahil sa mahirap niyang family background and tahimik na personalidad, bihira siyang magkaroon ng oportunidad na makipag-usap sa mga kaklase niya. Kaunti lang din sa kanila ang gustong makipag-usap sa kaniya. Napansin niya na tinuturuan ni Wanda si Carlisle sa nagdaang dalawang araw. Kaya naman, inipon niya ang lakas ng loob para humingi ng tulong kay Wanda. Hindi niya akalain na papayag ito. “Christine.” Hinawakan ni Carlisle ang mga libro niya at bumalik sa kaniyang upuan. “Bakit?” Nahihiyang tiningnan ni Christine si Carlisle. “Carlisle, salamat sa pagpapahiram sa akin ng upuan mo!” Inalok ni Carlisle ang upuan nito sa kaniya, at pinaliwanag ni Wanda ang chemistry question sa kaniya. Sobrang saya niya dahil ito ang unang pagkakataon na nakaranas siya ng kabaitan mula sa mga kaklase niya. “Bakit hindi ka mag-stay sa school’s dorms?” Tanong ni Carlisle. Medyo malayo ang bahay ni Christine mula sa school. Kaya naman, kailangan niyang mag-taxi papunta sa school para sa SAT. Maiiwasan niya sana ang paparating na trahedya kung lumipat siya sa school dorms. “Sa ibang lungsod nakatira ang mga magulang ko at paralyzed naman ang lola ko dahil sa stroke. Kailangan ko alagaan ang lola ko,” Mahinang paliwanag ni Christine. “Sino nag-aalaga sa lola mo kapag nasa school la?” Nakakunot na tanong ni Wanda. “Mabait ang mga kapitbahay ko kaya tinutulungan nila akong alagaan si lola kapag nasa school ako. Pero, ako lang ang nag-aalaga sa kaniya kapag gabi!” Bigla naman tumunog ang bell. Tapos na ang school sa araw na ito. “Wanda, Carlisle, salamat sa inyong dalawa. Kailangan ko nang umuwi at ipagluluto ko pa ang lola ko,” Sabi ni Christine at mabilis na umalis. Sabi ni Wanda, “Kaya pala sobrang tipid ni Christine. Hindi rin siya sumasakay sa public transport minsan!” Nilaro ni Carlisle ang pen niya at nagsimulang mag-isip. May paralisadong lola si Christine na kailangan ng mag-aalaga. Kaya naman, hindi siya pwedeng tumira sa school dorms. Mahal din na tumira sa dorms ng isang magandang high school. “Carlisle, mahahatid mo ba ako pauwi?” Biglang tanong ni Wanda pagkatapos magligpit ng gamit. “Oo naman. Pero, kailangan mo akong bilhan ng Coke!” Nakangiting sabi ni Carlisle sabay paikot ng hawak na pen. “Akala ko hindi ka fan ng Coke?” “Depende kung sinong nagbibigay sa akin!” “Hindi ba’t parehas lang yun?” “Paano naging parehas yun? Sige na, tama na. Tara na.” Sinuot ni Carlisle ang bag niya sa kaniyang mga balikat at nilagay ang isang kamay sa kaniyang bulsa. Tinulak ni Wanda pataas ang salamin sa mata at ngumiti. … Isang pulang 1996 Santana ang nakaparada sa Franklin Complex. Nakatayo nang diretso si Gordon suot ang kaniyang puting polo na naka-tuck in. Pinareha niya ang kaniyang outfit sa isang pares ng makinang na leather shoes. Kababalik lang ni Hilda galing sa palengke at may dala-dalang basket. Napahinto siya nang makita si Gordon. “Hoy, tingnan mo, Hilda. Napromote ba o tumaas ang sahod ng asawa mo?” Tanong ng kapitbahay ni Hilda na si Hayley woods habang sinusubukang itago ang ngiti. Kumibot ang mga labi ni Hilda at sinabing, “Imposible naman. Swerte na at may trabaho pa siya. Paano siya magkakaroon ng promotion?” “Marriage anniversary niyo ba ngayon?” Hula ulit ni Hayley “Huwag ka na mag-isip ng kung ano-ano. Bibisita kasi ang kapatid ni Gordon!” Nakangiting paliwanag ni Hilda. “Kaya pala ang dami mong biniling groceries! Oh, palabas na sa school ang anak ko. Kailangan ko na siyang sunduin. “Pwede mo ba akong tulungan na ibalik ito?” Tanong ni Hayley habang nilalagay ang mga groceries sa kamay ni Hilda. Nagpunta naman si Hilda kay Gordon dala ang iba’t-ibang klaseng laki ng grocery bag at sinabing, “Nagmumukha kang tanga sa ginagawa mo para lang isalba ang pride mo.” Mapait na ngumiti si Gordon at sinabing, “Parang hindi mo naman naiintindihan ang ugali ni Gerard. Siguradong ipapahiya niya tayo kapag wala tayong ginawa. Kaya natin matiis yun, pero kailangan natin isipin ang anak natin.” “Mom, Dad, nakauwi na ako!” Sabi ni Carlisle sabay park ng bike niya sa tabi ng Santana. Nagbago agad ang ekspresyon niya nang mapansin ang kotse. Dahil hiniram ng tatay niya ang Santana ay ibig sabihin ay papunta itong airport para sunduin si Gerard at pamilya nito. Ang 1996 Santana ay nagkakahalaga ng halos 200 thousand dollars. Katumbas na ito ng isang Land Rover sa future. “Sumama ka sa mo na maghanda ng pagkain. Pupunta ako sa airport para sunduin ang tito mo!” Tinapik ni Gordon ang likod ni Carlisle bago pumasok sa driver’s seat at pinaandar ang makina. Napabuntong-hininga na lang si Carlisle habang pinapanood na maglaho ang Santana. Sa dati niyang buhay, nabigo siyang mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang niya dahil sinukuan niya ang pag-aaral para habulin si Sarah. Sa buhay na ito, gagawin niya ang lahat para mabayaran ang mga magulang niya. Pagkauwi nila, dumiretso sa kusina si Hilda. “Carlisle, tulungan mo akong maglinis ng bahay!” “Walang mababago kahit maglinis pa ng bahay,” Bulong ni Carlisle. “Anong sinabi mo?” “Wala!” Kinuha ni Carlisle ang walis at nagsimulang magwalis sa loob ng bahay. Binisita rin sila ng tito niya noon. Nilinis niya nang mabuti ang bahay, pero madumi pa rin ang tingin ng tita niya rito. Hindi pumunta rito si Gerard at pamilya nito para bisitahin sila. Ang totoo, nagkaroon sila ng malaking pera at nandito sila para magyabang.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.