Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 12

Noong nagdaang ilang taon, yumaman si Gerard sa pagbebenta ng illegal CDs. Kaya naman, nagawa niyang makabili ng bahay at sasakyan sa probinsya. Kahit na hindi siya gaano kumikita nitong mga nagdaang taon, mayroon pa rin siyang naipon na ilang libong dolyar. Hindi siya maituturing na mayaman pero mas nakatataas siya sa middle class. Masasabi ni Gordon mula sa nakita niyang gulat sa mata ni Gerard na tama ang hula ni Carlisle. Yumaman nga si Gerard! Nagkataon naman na nawalan siya ng trabaho nitong nakaraan. Malay mo? Baka payagan siya ng kapatid niyang magtrabaho para sa kaniya. Kahit na mababa ang tsansa niya, alam niyang kailangan niyang sumuko para sa pangangailan at kapakanan ng pamilya niya. Kinuha ni Gerard ang tasa at sumimsim. “Hindi malaki ang kinita ko, sapat lang para makabili ng dalawang Santana!” Umaabot ng 500 thousand dollar ang dalawang Santana! Lumiwanag ang mata ni Gordon. “Anong ginagawa mo para kumita nang malaking pera? Bakit hindi mo ako isali diyan?” Ngumiti si Gerard. “Hindi ba't kumita ka rin ng malaki? Hindi ka bumili ng sasakyan noong nagkita tayo sa hometown natin last year!” Bumuntong hininga si Gerard at inubos ang laman ng baso niya. Pagkatapos, inamin niya ang totoo habang bahagyang nakangiti. “Hiniram ko ang sasakyan na ‘yon sa supervisor ko!” Hindi mapigilan ni Maria na tumawa. “Pagpapanggap lang pala lahat, ano?” Noong una, naisip niya na kumita nang malaki si Gordon kaya pinigilan niya ang mapanglait niyang salita. Pero sinong makaka-isip na humiram pala siya ng sasakyan? “Gordon, kailangan mong lumugar kung nahihirapan ka. Anong silbi ng pag arte at pagpapanggap tulad ng ginawa mo? Huwag masiyadong mataas ang tingin sa sarili. Baka mali ang maituro mo sa anak mo!” nang-aasar na sinabi ni Maria. Namumula ang pisngi ni Hilda habang masama ang tingin kay Gordon. Pwede kalimutan ni Gordon ang pride niya at maging walang hiya! Pero paano siya at ang anak nila? Hinawakan ni Gordon ang ilong niya at tumawa. “Gerard, pwede ba tayo magtrabaho nang magkasama? Pwede nating palakihin at palawakin ang yaman nating dalawa. Sa ganoong paraan, magagawa nating kuminang. Hindi na tayo mamaliitin ng mga tao mula sa kinalakihan natin!” “Gordon, sa tingin ko may hindi ka naiintindihan. Hindi tayo minamaliit ng mga tao na ‘yon. Ikaw lang ang minamaliit nila!” nakangiting sinabi ni Gerard. Malaki ang pangungutya sa mata niya habang sumisimsim sa kaniyang inumin. “Magkapatid tayo. Hindi mo ba ako pwedeng tulungan?” nahihiyang ngiti na sinabi ni Gordon. “Nasa kamay mo ang sarili mong kapalaran!” Kalmadong sinabi ni Gerard. Wala siyang balak na tulungan si Gordon. “So tama ang hula ni Carlisle, hindi ba? Nandito ka para magyabang, ano?” pilit na ngiti na sinabi ni Gordon. Hindi komportable si Carlisle habang pinapanood ang malungkot niyang ama. Isang lalaking may integridad ang dad niya. Lagi siyang tinuturuan nito na pwedeng maging mahirap ang isang tao. Pero bawal siyang sumuko sa buhay. Bukod doon, laging sinasabi ni Gordon na laging tulungan ang sarili kaysa humingi ng tulong sa iba. Pero nang nasa mahirap na sitwasyon ang pinansyal ng pamilya nila, nawala ang lahat ng dignidad ng dad niya. Sa oras na ‘yon, pinangako ni Carlisle sa sarili niya na gagawin niya ang lahat para kumita nang malaki. Patitirahin niya sa mamahaling mansion ang magulang niya at bibigyan ng mamahaling sasakyan. Sisiguraduhin niya na matayog ang tingin niya kapag nakita nila si Gerard at ang pamilya nito. Sisiguraduhin din niya na maiinggit ang lahat ng nasa kanilang lugar sa kayamanan ng pamilya niya. “Hindi ako nandito para magyabang. Gusto ko lang bigyan ka ng inspirasyon!” nakangiting sabi ni Gerard. Hindi na kaya pang makinig ni Hilda. Binaba niya ang kaniyang kubyertos at bumalik sa kwarto niya. Sa kabilang banda, tinungga ni Gordon ang beer niya. Pagkatapos ng dinner, dinala ni Gerard ang pamilya niya sa hotel para manatili doon. Hinatid sila ni Gordon at Carlisle sa entrance ng kanilang tutuluyan. Nagsindi si Gerard ng sigarilyo at tinapik ang balikat ni Carlisle. “Huwag kang mag-alala kapag hindi ka nakapasok sa university. May ilan akong contact sa mga factory. Pwede kang pumunta doon para mag-train at kumuha ng karanasan!” “Tito Gerard, hindi mo kailangan mag-alala sa akin. Panigurado na makakapasok ako sa Riverland University!” Natuto siyang kontrolin ang emosyon niya pagkatapos maranasan ang lahat sa dati niyang buhay. Wala siyang ibang ginawa kundi maging walang kwentang bipolar na lalaki, dahil palagi niyang hindi nagagawa na itago ang emosyon niya kahit na mawala na ang lahat sa pangalan niya. “Alam mo ba na kahit na makapasok ka sa Riverland University, baka hindi mo rin mabigyan ng pagkakakilanlan ang sarili mo? “Naisip mo ba ‘yon? Huwag mo sabihin sa akin na naniniwala ka na lahat ng nakakapasok sa university ay magiging matagumpay sa totoong buhay” Bahagyang kontrobersyal ang mga salita ni Gerard. Pero, totoo ‘yon. Alam ‘yon ni Carlisle dahil marami na siyang nakita sa dati niyang buhay. Sa mata ng mga tao, importante na matapos ng mga anak nila ang kanilang edukasyon. Pero hindi mababago ng kaalaman ang tadhana ng isang tao. “Katulad ng sinabi mo, nasa kamay ko ang kapalaran ko. Kaya naman, walang makakapagsabi sa akin kung paano ako dapat mabuhay! Kaya, Tito Gerard…” “Yes!” nagulat si Gerard nang marinig na sinabi ni Carlisle ang mga salitang ‘yon. Pero nang tumingin siya kay Carlisle, napagtanto niya na nakatitig mismo si Carlisle sa kaniya. “Narinig mo na ba ang kasabihan na huwag mong maliitin ang kabataan?” nakangiting tanong ni Carlisle “So, sinasabi mo ba sa akin na magiging matagumpay ka sa hinaharap? Na dapat maging mabait ako sa'yo?” “Madilim ang langit. Pumunta na kayo sa hotel para magpahinga. Kung hindi, baka wala ng kwarto na matira sa hotel!” malamig na ngumiti si Carlisle habang nakapamulsa. Walang patutunguhan kung makikipag-away siya sa kanila. Ipapakita na lang niya sa kanila kung sino siya kapag naging matagumpay na siya. Kumuha rin ng sigarilyo si Gordon at bumuntong hininga. Pagkatapos, nagsisisi niyang sinabi, “Anak, pasensya na at pinahiya ko kayo ng mom no ngayong araw.” Nasa five feet eight si Carlisle at halos kalahating dangkal ang tangkad kay Gordon. Habang nasa bulsa ang isang kamay, inakbayan niya ang kaniyang tatay at sinabing, “Ginagawa mo ‘yon para sa pamilya natin. Gagantihan natin ang pamamahiya nila sa susunod!” Ngumisi si Gordon at nagpeke ng seryosong ekspresyon habang sinasabi, “Carl, naiintindihan mo na ba ngayon? Mamaliitin lang ang mga taong walang kwenta. Kaya kailangan mong makapasok sa university at maging may kakayahan na tao.” “Dad, sinong nagsabi na wala kang kwenta? Sa future, ipapakita ko sa kanila kung gaano kagaling at may kakayahan ang dad ko!” Masayang nag-usap ang mag-ama habang papalayo sila sa ilalim ng gabi. … Tinuon ni Carlisle ang atensyon niya sa kaniyang pag-aaral pagkatapos umalis ni Gerard at ng pamilya nito. Gigising siya lagi tuwing ala singko ng umaga. Mag-aaral siya ng isang oras bago kakain ng almusal at papasok sa paaralan. Pagkauwi niya, magsisimula agad siyang mag-aral pagkatapos ng dinner. Aabot ng 11:00 pm hanggang 12:00 am ang study session niya bago siya maligo at matutulog. Nag-aalala si Hilda kay Carlisle. “Gordon, sa tingin mo ba masyadong naapektuhan si Carl sa pagbisita ng kapatid mo? Hindi siya tumitigil kakaaral. Kaya ba ng katawan niya?” Umupo si Gordon sa balkonahe at nagsindi ng sigarilyo. Mababa ang boses niya habang sinasabi, “Hindi mo ba napansin na mas naging mature at nakakaintindi ang anak mo nitong mga nakaraan?” Natigil si Hilda habang nanlaki naman ang mata niya sa gulat. “Sa tingin ko ay tama ka. Sa tingin ko ay nagsasalita at umaakto siya na parang matanda nitong mga nakaraan!” Mukhang may naisip si Hilda habang bigla siyang nanginig. Bahagyang nanginginig ang boses niya habang tinatanong, “Sa tingin mo ba may sumapi sa anak natin? Narinig ko sa isa sa mga kapitbahay natin na magsisimulang umakto nang kakaiba ang mga taong nasapian!” Mahinang pinitik ni Gordon ang noo ni Hilda at sinabing, “Huwag ka na gaano mag-isip. Lumaki lang ang anak natin!” Mabilis na lumipas ang panahon. Lahat ng high school student na nasa kanilang senior year ay nag-aaral nang mabuti habang lumilipas ang oras. Hindi nagtagal, limang araw na lang bago ang kanilang SATs. Tumayo si Lucy sa stage na may seryosong ekspresyon. “Lahat kayo ay may limang araw na lang para sa inyong SAT. Nakikita ko na lahat kayo ay nag-aaral nang mabuti. Naniniwala ako na lahat kayo ay makakapasok sa school na pangarap niyo.” Inayos niya ang kaniyang salain at tumingin kay Carlisle na nakaupo sa harap niya. “Gusto ko gamitin ang pagkakataon na ‘to para purihin si Carlisle Zahn. Nakakabilib ang mga test score niya sa mga nagdaang mock test!” Hindi lang basta nakakabilib ‘yon. Malapit na maging perpekto. Hindi na sinabi ni Lucy ang mock score ni Carlisle. Sinong mag-aakala na si Carlisle na laging nasa mababa ang test score ay magagawang halos ma-perfect ang score sa bawat subject sa loob lang ng isang buwang pag-aaral. Nakakatakot siya na baka dalhin si Carlisle sa lab para imbestigahan kapag nalaman ng mga tao ang tungkol sa kaniya. “Nag-aaral si Carl sa mga nagdaang buwan. Nag-aaral nga siya kahit break time. “Wala ‘yan. Nagbabasa nga siya habang tumatae!” “What the heck? Seryoso ka ba?” Ilang estudyante ang naiinggit na tumingin kay Carlisle. Dinikit ni Sean ang kamay niya sa kaniyang dibdib at parang nasasaktan. “Carl, naaalala mo ba ang ginawa nating panata noon? Sabi mo gusto mong magtrabaho sa factory kasama ako!” Tumingin nang masama si Carlisle kay Sean. “Kailan ko ‘yan sinabi?” “Sinabi mo! Sinasabi ko sa'yo na sinabi mo ‘yon!” makulit na kinagat ni Sean ang labi niya. Gumalaw ang labi ni Carlisle. Bakit siya may kaibigan na tanga? Kahit na laging makulit si Sean, masasabi niya na mabuting kaibigan si Sean. Sa dati niyang buhay, nagawa ni Sean na makapasok sa Tier 2 university dito. Pero isinantabi ni Sean ang pag-aaral niya at sinamahan siya sa factory dahil sa hindi siya natanggap sa university. Pero pagkatapos magtrabaho nang tatlo hanggang limang buwan pinilit ni Rory Woodsen na tatay ni Sean na bumalik siya sa paaralan. Nang magtapos si Sean, umasa siya sa 100 thousand dollar na binigay ng tatay niya para magsimula ng maliit na negosyo at naging maliit na tycoon. Pagkatapos non, minsan na lang niya nakikita si Sean. Mabuti na lang, nagkaroon siya ng pagkakataon na makita si Sean bago siya mamatay. Binisita siya ni Sean sa hospital para sa huling pagkakataon. Umiyak si Sean habang pinapangako na aalagaan ang magulang niya. Pinangako pa nito na itatrato ang magulang niya na parang kaniya. Doon lang nakapagpahinga si Carlisle nang marinig ang mga salita na ‘yon. “Huling limang araw na lang. Pwede na kayo umuwi at magpahinga. Gaganapin ang exam sa June 7. Lahat kayo ay dapat pumunta bago pa ang mismong araw para mag register sa exam.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.