Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 9

Lumabas si Wanda ng classroom, kasunod niya si Sarah. Mabilis na binaba ni Sienna ang snacks na dala niya at sumunod dahil nakita niyang pababa si Sarah. “Sarah, hahanapin mo ba si Carlisle?” “Oo, matagal na simula nung huli kong laro ng badminton. Gusto kong samahan niya ako sa isang game.” Pagkatapos ng ilang araw ng madugong pag-aaral, gusto munang mag-relax ni Sarah. Sinulyapan ni Sienna si Wanda at bumulong, “Mukhang hinahanap din ni Wanda si Carlisle?” Naging malapit si Wanda at Carlisle nitong nagdaang mga araw na nagdulot na rin ng pagdududa. “Magaling si Wanda sa lahat ng subjects, at baka gusto lang ni Carlie ng tulong niya sa tutoring. Mukhang determinado siyang makapasok sa Riverland University.” Medyo kumplikado ang nararamdaman ni Sarah. Sa nakalipas na tatlong araw, parang ibang tao na siya para kay Carlisle. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. “Hmph, kakainin ko ang sumbrero ko kung makakapasok siya sa Riverland University,” Umismid si Sienna. Malinaw naman sa lahat ang academic performance ni Carlisle, dahil madalas siyang nasa dulo ng mga exams. Masyado na ngang mataas ang Tier 3 university para sa kaniya. Pero ngayon, balak niyang makapasok sa isang Tier 1 University? Naglalaro si Carlisle ng basketball sa sports field kasama ang ilang lalaking kaklase. Mainit ang klima ng June, at basang-basa na ang basketball jerseys nina Carlisle at Seans. “Carlisle, salo!” Umikot si Sean at piansa ang bola kay Carlisle sa likod ng three-point line. Hawak ang bola, agad na tumalon si Carlisle at tinira ang bola. Swish! Pasok ang three-pointer niya. “Nice,” Sigaw ni Sean at tinaas ang kamao habang tumatalon. “Hoy, Carlisle, patago ka bang nagpa-practice?” “Grabe, paano yun pumasok?” … Dismayado ang ilang kalaban. “Swerte, swerte lang yun. Huwag kang maingay,” Nakangiting pinunasan ni Carlisle ang pawis niya. “Huh, nandito si Sarah…” Pinaningkitan ni Sean si Sarah na may hawak-hawak na coke. Napalingon din ang ilan nilang kaklaseng lalaki kay Sarah. “Para kay Carlisle ba ang Coke na ‘to?” “Pwede bang para sa iyo?” “Ang swerte ni Carlisle!” ... Naiinggit na nanonood ang iba, pero kahit si Carlisle ay nasurpresa. Walang eksena sa dati niyang buhay kung saan ay binigyan siya ng Coke ni Sarah nang maglaro siya ng basketball! Para bang nagbago ang trajectory ng bagong buhay niya at pati na rin si Sarah. Hindi nagtagal, dumating sina Sarah at Sienna sa sports field. Inabot ni Sarah ang malamig na Coke kay Carlisle at sinabing, “Mainit dito. Binilhan kita ng malamig na Coke. Pampawi ng uhaw!” Nakatulala si Carlisle habang tinitingnan si Sarah. Kung hindi dahil sa reincarnation niya, dapat sobrang saya na niya ngayon, tama?” Nang maalala niyang hindi man lamang siya binisita ni Sarah noong mga huling sandali niya, huminga siya nang malalim at tahimik na yumuko. “Hehe, na-touch ka ba? Ito ang unang pagkakataon na nag-alok ng inumin si Sarah sa isang lalaki!” Sabi ni Sienna. Tila gusto niyang sabihin na isang karangalan ang mabigyan ng inumin galing kay Sarah. “Carlisle…” Dito naman dumating si Wanda dala ang isang box ng tubig. Halatang nabibigatan ang balingkinitan niyang katawan sa mabigat na box, at pawis na rin ang kaniyang noo. Mabilis na lumapit si Sean at binuhat ang box at nagtanong, “Wanda, binili mo ba ‘to para sa amin?” Nagnakaw ng tingin si Wanda kay Carlisle at saka tumango. “Ang bait ni Wanda. Tara, uminom tayo ng tubig!” Ngumisi si Sean at nagsimulang ipamigay ang tubig. “Salamat, Wanda.” “Sobrang bait mo!” “Salamat!” Pinasalamatan siya ng mga kaklase nila habang kinukuha nila ang tubig. Sumimangot ang mukha ni Sarah na para bang nakakain siya ng langaw. Pakiramdam niya ay naagaw ang spotlight sa kaniya. Sinasadya ba ni Wanda na tapatan siya? Nakita ni Sienna ang madilim na ekspresyon ni Wanda at sarkastikong sinabi, “Wanda, sa yaman ng pamilya mo, tubig lang ang binili mo?” Bahagyang namula si Wanda at sinabing, “Sabi ng mom ko ay masama sa ngipin kapag madalas kang uminom ng carbonated drinks.” “Pero, masama lang naman yun kapag nasobrahan ka, hindi ba? Hindi naman masama ang kaunti?” Patuloy na nakipagtalo si Sienna sa kaniya. Tiningnan ni Wanda si Carlisle at sinabing, “P…papapalitan ko ng Coke, kung ganoon?” “Bakit pa? Ayos lang ang mineral water!” Kumuha ng isang bote ng mineral water si Carlisle mula sa box at ininom ang kalahati nito nang isang lagukan lang. Nakakapawi ng uhaw ang malamig na mineral water. Matapos ang ilang inom, malamig na ang katawan niya. “Ah, ang sarap.” Tiningnan ni Carlisle si Wanda at ngumiti. “Salamat, Wanda.” “Walang anuman.” Yumuko si Wanda, namumula ang kaniyang maputing leeg. Nahihiya si Wanda nang sobra. Binawi ni Carlisle ang tingin at patagong tumawa. “Carlisle.” Tiningnan nang masama ni Sarah si Carlisle. “Bakit?” Nasurpresa si Carlisle. “Bakit hindi mo iniinom ang Coke na binili ko para sa iyo?” Nanginginig ang boses ni Sarah. Bakas sa mga mata niya ang luha at mukha siyang kaawa-awa. Umubo si Carlisle at walang emosyong sinabi, “Anong pinagkaiba? At saka, hindi ako mahilig sa carbonated drinks!” “Hmph… Kung ayaw mo, edi huwag!” Suminghal si Sarah, at saka inabot ang coke kay Sean. “Sean, sa iyo na ‘to!” Tiningnan ni Sean si Carlisle at umiling, “Ayaw ko rin ng carbonated drinks. Mas nakakapawi ng uhaw ang mineral water!” Tinitigan ni Sarah si Sean. Hindi niya akalain na tatanggihan ng isang lalaki ang alok niyang kabutihan. Ang sports representative na si Isaac Keller ang tumawa at nagsabing, “Ibigay mo na lang sa akin, I love Coke!” Pinagtanggol ni Sienna si Sarah, “Carlisle, Sean, hindi kayo marunong mag-appreciate ng kabutihan!” Nagkibit-balikat lang si Sean habang si Carlisle naman ay nanatiling kalmado dahil wala siyang pakialam sa mood ni Sienna. Pagkatapos kumalma ni Sarah, lumingon siya kay Carlisle at sinabing, “Carlisle, samahan mo muna akong maglaro ng badminton!” Dati, madalas siyang imbitahan ni Carlisle na maglaro ng badminton, pero lagi niya itong tinatanggihan. Ngayon, siya na ang nagkusang imbitahing maglaro si Carlisle. At saka, gustong ipakita ni Sarah ang dominance niya sa harap ni Wanda, dahil sigurado siyang papayag si Carlisle. Pinagmasdan ni Wanda si Carlisle mula sa sulok ng mga mata niya, medyo sumama din ang mood niya. Naniniwala din siyang siguradong papayag si Carlisle sa hiling ni Sarah. Ang totoo, gusto rin ni Wanda na yayain si Carlisle na maglaro ng badminton, pero masyado siyang nahihiya para magsalita. “Hindi, kailangan kong mag-aral mamaya.” Umiling si Carlisle at tumanggi sa hiling ni Sarah. Hindi na siya ang sunod-sunurang tuta na tatakbo sa tuwing tinatawag. “Carlisle, ikaw…” Muling nabigla si Sarah. Paano nagawa ni Carlisle na tanggihan siya nang hindi nag-aalinlangan? Sumuko na ba talaga ito sa kaniya? Habang nakatulala si Sarah, inubos na ni Carlisle ang mineral water. Pagkatapos, sinabi niya, “Maglaro pa tayo ng isang round, pagkatapos bumalik na tayo sa classroom para mag-aral!” Naramdaman din ni Sean na hindi na ganoon ka-importante si Sarah para kay Carlisle kaya siya napangiti, “Oo ba, tuloy natin.” “Dear Wanda, humanap ka ng malalim na spot para magpahinga!” Pagkasabi nito, tumalikod na si Carlisle at naglakad papunta sa field, iniwan niya ang mga salitang yun. Dear? Tinawag ba siya nitong Dear? Nanlaki ang mga mata ni Wanda sa gulat habang pinapanood na umalis si Carlisle.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.