Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 9

Mukhang kalmado si Steven. Sa kabaliktaran naman, sina Haley at ibang mga shopping assistant ay napanganga sa kanya sa gulat. Kahit ang mga babae ay naiinggit sa ganda ni Rose. Hindi nila maintindihan kung paano ang magandang tulad niya ay nahulog para kay Steven. Sobrang baba ng lebel niya. “Boyfriend mo siya. Ano naman? Hindi kami nagpapapasok ng mga sugarol at adik dito sa store,” sagot ni Haley. Patuloy ang masasama niyang mga salita, “Napapaisip ako kung bakit ang kapal ng mukha niyang magpakita sa store. Gigolo na pala siya ngayon, huh? “Miss, mag-ingat ka. Kahit na gigolo siya, huwag kang magpapaloko. Baka mascam ka niya,” mapanghamak niyang sinabi. “Tama na! Bakit ka ba nagtatrabaho na supervisor sa Gucci?” sumimangot si Rose. “Aba, ikaw na inggratang babae ka! Anong problema mo kung supervisor ako? Wala kang pakielam sa totoo lang. At anong gagawin mo kung hindi ako magbenta sa iyo? Sige magreklamo ka!” Ginamit niya ang pagiging manager ng kanyang boyfriend, walang plano si Haley na umatras. Hinamak din niya si Rose. Naging masama ang ekspresyon ni Rose. “Anong gagawin ko? Tatanggalin ka,” sambit ni Rose. “Tama na sa pag-arte! Tanggalin mo ako kung kaya mo. Gusto ko makita kung paano mo ito gagawin!” galit na sinabi ni Haley. Inilabas ni Rose ang phone niya, pero tinanong muna niya ang opinyon ni Steven. “Gusto mo ba siyang turuan ng leksyon?” “Ikaw bahala,” kaswal niyang sinabi. Tinawagan agad ni Rose ang secretary niya. “Nasa Exalted Mall ako ngayon. Sabihin mo sa boss ng Exalted Gucci official store na pumunta dito ngayon mismo sa akin.” “Ang kapal ng mukha sa pagkukunwari. Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo mapapaputna mo ang boss ko dito ng isang tawag lang?” malalasap ang panghahamak ni Haley. Ang boss nila, na si George Hammond, ay parte ng Elite Business Association ng Levix City. Minomonopolya niya ang distribution rights sa ilang mga luxury brand sa lungsod. Bilang isang makapangyarihan an tao at maraming koneksyon, bigatin siya. Hindi mukhang pangkaraniwang tao si Rose, naisip ni Haley na imposible na ipatawag niya si George ng isang tawag lang. Natahimik ang mga shop assistant. Hindi sila kasing kakumpiyansa ni Haley. Hindi nakipagtalo si Rose kay Haley. Ang taong may estado tulad niya ay hindi ito personal na aasikasuhin kung hindi lang dahil kay Steven. Nagkataon na may isa pang customer na pumasok. Mabilis na lumapit ang shop assistant. “Steven?” Pagkakataon nga naman na makasalubong nila ang isa pang kakilala ni Steven. Ito ang ex-fiancee ni Steven, si Fiona Lurk. Tinginan siya ni Steven pero hindi siya nagsalita. Hinamak siya ni Fiona, “Narinig ko na lulong ka sa droga at sugal. Akala ko patay ka na, pero heto ka. Ang haba ng mga buhay ng mga tanga!” “Ms. Lurk, kilala mo din ba siya?” tanong ni Haley. Si Fiona ang isa sa mga VIP customers nila. Bilang supervisor, pamilyar siya kay Haley. “Makikilala ko siya kahit na maging abo pa siya,” ngisi ni Fiona. “Oh? Hindi ko alam na ganoon pala katindi ang nararamdaman mo para sa akin. Makikilala mo ako kahit na maging abo ako!” sagot ni Steven. “Huwag kang baliw! Sana mamatay ka na. Ano pa ang silbi ng walang kuwenta mo na buhay? Aksaya ka lang sa lahat. Kung ako ikaw, nagpakamatay na ako,” nilait siya ni Fiona. “Tamang tama ka, Ms. Lurk,” kinumpirma ni Haley. “Ang sama ng reputasyon mo sa mga babae.” Natawa si Rose. “Dapat tinignan ko muna ang suwerte ko bago ako lumabas ng bahay… ang malas naman!” buntong hininga ni Steven. “Sino siya? Kaklase mo din?” tanong ni Rose. “Fiancee ko siya, at anak ng pamilya Lurk, si Fiona Lurk,” paliwanag ni Steven. “Hoy, mag-ingat ka sa pananalita mo. Wala kang fiancee dito,” sambit ni Fiona. “Walang namamagitan sa atin ngayonm kaya tumigil ka sa kahibangan mo! Tignan mo ang sarili mo. Sa tingin mo nararapat ka sa akin? Nahihiya ako ng husto dahil sa engagement natin noon.” Napagtanto din sawakas ni Rose at Haley matapos ang pag-uusp. “Well, mukhang hindi siya nararapat talaga sa iyo. Ano ba ang maganda sa pagiging anak ng pamilya Lurk?” sagot ni Rose. Alam ni Rose na ang pinakamahalaga sa lalake ay ang dignidad at pride niya, lalo na sa ganitong sitwasyon. Noong kinumpronta si Steven ng ex-fiancee niya at dating kaklase noong high school na may crush sa kanya, sinuportahan niya si Steven. Napansin na kanina ni Fiona si Rose. Naiinggit siya sa kanyang itsura. Naisip niya na isa lang siyang customer. “Sino ka? Lumayo ka dito at manahimik.” Naiingit na nga si Fiona kay Rose, pero nainggit siya lalo dahil sinusuportahan niya si Steven. Dahil naoverwhelm siya ng emosyon, ginamit niya ang pagkakataon para magalit kay Rose. Determinado siyang ipakita ang estado niya bialng anak ng pamilya Lurk. Nagsalita si Haley, “Mayabang babae lang siya na ginagawang gigolo si Steven.” Mapanghamak na tumawa si Fiona, “Ginagawa mong gigolo ang walang kuwentang ito? Tama ba ang narinig ko?” “Hindi ka nagkakamali, Ms. Lurk! Totoo ito. Isinama siya dito para ibili ng mga damit. “Sinubukan ko maging mabait sa pagbibigay ng babala sa kanya, pero inggrata siya. Tinakot pa niya ako na tatanggalin niya ako at sinabi na kaya niyang ipatawag ang boss ko sa isang tawag lang.” Ikinuwento ni Haley ang nangyari kanina kay Fiona. Tumawa ng malakas si Fiona. “Baliw ka na ba? Sayang ang ganda ko kung gagawin mo siyang gigolo. “Hindi mo ba alam kung sino ang boss dito? Bigating tao siya sa Levix City. Baka hindi siya magpakita kahit na ako ang magpatawag sa kanya. Sino ka ba sa tingin mo?” “Sinusubukan mo protektahan ang gigolo na ito? Sa tingin ko wala kang kakayahan,” sambit ni Haley. Habang tinutulungan ang isa’t isa, nilasap ni Fiona at Haley ang pagkakataon para hamakin si Rose at Steven. Ang ekspresyon nila ay puno ng tuwa. Ngunit, hindi natinag si Rose. Ngumiti siya kay Steven at sinabi, “Tignan mo, para silang mga payaso, pinagmumukhang tanga ang mga sarili?” Umiling-iling si Steven. “Hindi.” “Hm?” natulala si Rose. “Hindi sila mukhang payaso dahil literal silang mga payaso,” sinabi niya kung saan natawa si Rose. Pinagmuhang tanga nina Fiona at Haley ang mga sarili nila sa harap ni Steven. “Ang lakas ng loob mo!” Base sa matapang na ugali ni Fiona, hindi niya palalampasin ang insulto sa kanya. “Kapuri-puri ito kung iisipin. Sa totoo lang, mas hangal ka kumpara sa akin,” sambit ni Rose. Hindi siya nagpatalo kay Fiona sa pang iinsulto.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.