Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 8

Hindi gusto ni Steven na isiwalat ang maraming personal na bagay kay Rose. Ngunit, sinsero niyang sinabi, “Madali lang para sa iyong asikasuhin si Marrie ngayon. Willing akong tumulong.” “Hindi kailangan magmadali. Ang paghihintay sa tamang panahon ang nagpapasa dito, hindi ba?” napangiti si Steven. Bumuntong hininga si Rose at inisip, “Marrie, kahit na kasing sikat kita, pero hindi kita matatalo pagdating sa abilidad at itsura.” Gayunpaman, naisip ni Rose na natalo niya si Marrie dahil pinalampas niya ang katulad ni Steven. Para kay Rose, si Steven ay parang kahon ng maraming bibihirang alahas, at masuwerte siya dahil nakilala niya ito. Ngunit, alam din ni Rose na si Marrie ay ipapahiya ang estado ng pamilya Miller dahil isa siyang tao na pinagkatiwalaan ng mga magulang ni Steven. Palaki ng palaki ang impluwensiya ni Marrie sa nakalipas na mga taon. Malapit na niyang matalo si Rose. Kumalat na nga ang mga balita na nakahihigit na si Marrie kay Rose pagdating sa itsura. Habang naappreciate nila ang ganda ni Rose, ang karamihan sa kanila ay gusto ang mature na dating ni Marrie. Ipinanganak si Rose na mayaman, pero si Marrie ay nagpakahirap sa trabaho matapos mamatay sina Frank at Ophelia. Nagawa niyang palaguin ang kumpanya at mukhang mas maabilidad kay Rose. Bilang isa sa pinakakilalang maganda sa Levix City, hindi natutuwa si Rose sa mga piraso ng impormasyon na iyon. Nakipagkumpitensiya siya kay Marrie ng palihim. Ngunit, masaya na siya ngayon. Ang pagkakakilala nila sa isa’t isa ni Steven ang magbabaliktad sa sitwasyon para maging pabor sa kanya. “Mr. Lewis, may iba ka pa ba na kailangan dito sa bahay? Bigyan mo ako ng listahan, at ipapadala ko ito sa iyo. Kailangan mo ba ng katulong? Puwede kita ikuha. Masisiyahan ka sa kanya.” Determinado si Rose na kaibiganin si Steven. “Sanany ako mag-isa. Ako na rin ang magshoshopping. Hindi mo na kailangan abalahin ang sarili mo.” Matapos maranasan ang matinding pagtataksil ni Marrie at Yanny, maingat siya sa personal niyang mga relasyon. Hindi na siya nagtitiwala ng ganoon kadali sa iba. Si Rose, na napansin ito, ay hindi nagpumilit. “Sige. Huwag ka mag-alinlangan na tanungin ako kung may kailangan ka.” Naglakad-lakad si Steven sa vilal, at napagtanto niya na narenovate ang lahat. Ang hardin lang ang nag-iisang hindi nagbago. “Mr. Lewis, gumagabi na. Maaari ko ba makuha ang karangalan na makasama ka sa dinner?” “Walang may puso para tanggihan ka, Ms. Miller. Masaya akong samahan ka sa dinner.” Maingat si Steven kay Rose, pero maganda ang impresyon niya sa kanya. Bukod pa doon, hindi niya matanggihan ang karisma niya. Ang pangkaraniwang tao na tulad niya ay hindi makakatanggi sa alok ng magandang babae. Ipinagmaneho siya ni Rose patungo sa pinakamalaking mall sa city center. “Hindi ba magdidinner tayo?” tanong ni Steven. “Oo, ang restaurant ay nasa top floor. Nagbook na ako ng table para sa atin. Maaga pa, bakit hindi tayo maglakad-lakad muna? Puwede kita ibili ng mga damit,” mabait na sinabi ni Rose. “Sige. Pero ikaw ang pipili ng mga damit ko.” Nakasuot si Steven ng mga damit ngayon na mabibili sa ukayan. Ang kulay ay matagal ng kumupas dahil sa palaging paglilinis. Kailangan niya talaga ng mga bagong damit. “Makasisiguro ka. Hindi kita bibiguin.” Kinindatan siya ni Rose, may pagkapilyo sa mga mata niya. Dinala siya ni Rose sa Gucci official store. Tumunog ang phone niya noong papasok na siya sa store. “Pasensiya na, may kailangan akong sagutin na tawag. Mauna ka na. Susunod ako mamaya,” sambit ni Rose. Tumango si Steven. Isang shop assistant ang lumapit sa kanya sa oras na pumasok saiya sa store. “Hello, Sir. Welcome sa Gucci,” mainit ang pagbati niya. “Anong hinahanap mo? Puwede ako magrekomenda ng mga babagay sa iyo,” patuloy niya. Hindi niya siya hinusgahan kahit na cheap ang kanyang damit. “Titingin muna ako sa paligid,” sagot ni Steven. “Steven?” Sa oras na iyon, nakilala siya ng isa pang staff member. Nagulat siya. “Haley?” Nakilala siya agad ni Steven. Naupo si Haley sa tabi niya noong high school, at nililigawan siya nito dati. Maganda siya sa totoo lang. “Narinig ko na naaresto ka dahil sa drug abuse. Kailan ka nakalabas?” mapanghamak niyang tanong. Matapos mapansin ang panghahamak na tono niya, hindi na nagpaliwanag si Steven. “Wala ka ng pakielam.” “Bakit ka nagyayabang? Isa ka lang hamak na sugarol at adik sa droga. Naisip mo na ba na hindi ka na tagapagmana ng pamilya Lewis?” hamak ni Hayley. Ang ibang mga shop assistant na walang inaasikaso ay lumapit sak anila at nagtanong kay Haley kung anong nangyari. Agad siyang nagkuwento ng malakas, “Kaklase ko ito noong high school. Ipinanganak siya sa mayamang pamilya. Naiimagine ba ninyo kung gaano siya kaarogante dati?” “Namatay ang mga magulang niya dalawang taon na ang nakararaan, wala lang siya kung wala ang mga magulang niya. Napabilang siya sa sugal at adik sa droga, naubos niya ang yaman ng kanyang pamilya.” Hindi makapaniwala ang ibang mga shop assistant. “Anong ginagawa mo sa store namin? Afford mo man lang ba ang Gucci? O sinusubukan mo magnakaw dito?” galit na sinabi ni Hayley. Nugmiti si Steven. “Bitter ka pa din ba dahil tinanggihan kita? Ang ginawa ko lang naman ay hindi ka sagutin.” “Hangal ako noon. Ang lakas ng loob mo na pumunta dito ng pangit ang damit mo? Walang hiya ka! Lumayas ka ngayon din!” galit na sinabi ni Haley. “Haley, customer natin siya. Sa tingin ko hindi tama na palayasin mo ang customer. Mag-ingat ka, baka magreklamo siya laban sa iyo,” bulong ni Sophia. Siya ang bumati kay Steven kanina. “Tumahimik ka! Sa tingin mo takot ako sa kanya?” nagyabang si Haley. “Eksakto. Hindi maaaring kaya ng katulad niya na bumili ng Gucci. Supervisor si Haley at ang boyfriend niya ay manager. Walang kuwenta ang mga reklamo niya,” agad na sinabi ng ibang mga shop assistant. “Narinig mo ba iyon? Supervisor ako ngayon at manager ang boyfriend ko. Tignan mo ang sarili mo! Adik ka pa din sa sugal at mukhang dagang nakalabas ng kanal! “Lumayas ka at huwag dumihan ang sahig namin. Kung hindi, ipapatawag ko ang mga guwardiya.” Natuwa si Haley. Sawakas may pagkakataon siyang ipakita na nakatataas siya kay Steven, maghihiganti siya dahil tinanggihan siya noon ni Steven. May kausap si Rose sa phone, pero napansin niya na may komosyon sa store. Malinaw na narinig niya ang sinabi ni Haley. Nagalit siya. Tinapos niya agad ang usapan at tumungo sa store. “Ang lakas ng loob mo na insultuhin at palayasin ang customer kung isa ka lang hamak na supervisor? Sinong may sabi sa iyo na gawin mo yan?” Mapagmataas ang aura ni Rose ng makielam siya. Natulala ang lahat. “Miss, sana hindi mali ang pagkakaintindi mo. Ang taong ito lang ang tinutukoy namin. Hindi siya customer. Isa siyang magnanakaw na sinusubukan nakawin ang mga damit namin.” Bilang supervisor, napansin ni Haley na mahalagang tao si Rose base sa itsura at presensiya niya. Hindi siya naglakas loob na kalabanin siya. “Inaakusahan mo na magnanakaw ang boyfriend ko. Pero, gusto mo na hindi mali ang pagkakaintindi ko!” yumakap bilga si Rose sa braso ni Steven habang nagsasalita siya. Nagulat si Steven.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.