Kabanata 10
Hindi rin nagpapatalo si Fiona. Galit na galit siya, itinaas niya ang kanyang kamay para sampalin si Rose.
Dahil hindi siya maabilidad sa martial arts, nagulat si Rose. Pero, hindi nanood lang si Steven. Hinawakan niya ang kamay ni Fiona.
“Ang kapal ng mukha mo!” nagdilim ang mukha ni Rose at may kakaibang kinang ang mga mata niya.
“Ano? May problema ba kung saktan kita? Sasampalin ko kung sino gusto ko sampalin! Patatahimikin ko ang maingay mo na bibig.” Galit na galit si Fiona habang sinusubukan kumawala sa kamay ni Steven para sampalin si Rose.
Napagtanto niya na sayang ang kanyang effort sa kung gaano kalakas ang kapit ni Steven.
“Steven, bitawan mo ako!” sigaw ni Fiona.
“Fiona, may mga tao na dapat hindi mo kalabanin,” sambit ni Steven, pinakawalan siya.
“Sino ba kayo sa tinign ninyo? Sa tingin ninyo hindi ko kay kaya kalabanin? Nakakatawa ka, Steven!” sigaw ni Fiona. “Hindi mo ba alam kung sino ako? Baka maihi ka kapag nalaman mo. Ang ama ko ay si Cavin Lurk! Ngayon sinong payaso dito?”
“Sampalin mo ang sarili mo ng dalawang beses at humingi ka ng tawad, at palalampasin kita,” sambit ni Rose.
Umiling-iling si Rose at hindi binigyan ng pansin ang pananakot ni Fiona. Humarap siya kay Steven at sinabi, “Mabuti na lang at hindi mo siya pinakasalan. Malaking problema kung ikinasal ka sa mangmang na tulad niya.”
Hinawakan ni Steven ang ilong niya. “Well, mukhang dapat ko pasalamatan ang pamilya Lurk dahil umatras sila sa usapan at kinansela ang engagement.”
Nagalit si Fiona ng makita silang nagbibiruan, hindi siya binigyan ng pansin.
“Pambihira! Hindi puwede na hindi ko kayo turuan ng leksyon!”
“Jack, anong hinihintay mo? Baliin ang mga braso ni Steven at sampalin ang babae. Ipaalam sa kanila na hindi nila ako dapat kalabanin!” sigaw niya sa lalakeng kasama niya.
Si Jack ay pinsan ni Fiona. Tumira siya sa pamilya nila matapos lisanin ang probinsiya. Inutusan siya ni Cavin na maging errand boy ni Fiona at bodyguard. Kahit na kalmado ang ugali niya, malakas siya at masipag. Magaling siya makipaglaban.
Lumapit si Jack sa kanila, tumabi si Haley at nasasabik sa kapahamakan nila. “Magaling, Ms. Lurk! Dapat silang turuan ng leksyon.”
Dahil alam ni Steven na walang kinalaman si Rose sa martial arts, tumayo siya sa harap niya.
“Ang kapal ng mukha mo na pumagitna, basura ka! Jack, gawin mo! Siguraduhin mo na malulumpo siya!” utos ni Fiona, nakakrus ang mga braso niya.
Sinuntok siya ni Jack,pero napigilan ni Steven ang kamao niya. Umatras si Jack at sumugod muli para suntukin si Steven mula sa gilid. Pero gumamit ng kaunting enerhiya si Steven para mapaatras si Jack.
Ginamit ni Jack ang buong lakas niya at sinugod si Steven.
Gumanti si Steven at pinalipad si Jack gamit ang suntok.
Bumagsak sa sa sahig si Jack, gumapang siya sandali bago tumumba ng tuluyan. Biglaang hindi na siya gumagalaw. Namanhid ang braso niya,nalumpo siya ng husto sa lakas ni Steven. Wala siyang laban.
Hindi makapaniwala si Fiona at Haley. Hindi sila makapaniwala sa taglay na lakas ni Steven.
“Pasensiya na, pero wala akong laban sa kanya. Makapangyarihan siya. Sa tingin ko mga nasa third-grade expert siya,” sambit ni Jack noong nakatayo na siya.
Forte niya ang pakikipaglaban. Kung susukatin ang lakas niya, isa siyang first level professional.
“Walang kuwentang lalake ka! Hindi mo man lang matalo ang isang talunan. Layas,” galit na sinabi ni Fiona. Ang ekspresyon niya ay umasim dahil nabigo siya magyabang.
“Hindi ko inaasahan na mag-aaral ka ng martial arts sa nakalipas na dalawang taon,” arogante niyang sinabi. “Pero hayaan mong sabihin ko sa iyo, wala ka pa din kuwenta sa akin. Wala lang ang isang third-grade expert! Pera ang susi. Makapangyarihan at mayaman ang pamilya ko. Madali lang asikasuhin ang tulad mo para sa amin.”
Ngumiti si Steven sa kanya. “Totoo, wala lang ang isang third grade expert.”
“Mabuti! Ngayon sampalin ninyo ang mga sarili ninyo ng dalawang beses at humingi ng tawad, papatawarin ko kayo! Kung hindi, pareho kayong katapusan na kapag ipinatawag ko ang fifth-grade expert sa bahay para pumunta dito,” walang takot si Fiona na nanindak.
Ngumiti si Rose sa yabang ni Fiona. Ang fifth-grade expert niya ay walang laban kay Steven, at sa tingin niya hindi nito makakayang tiisin ang isang atake ni Steven.
Sa oras na iyon, isang pagod na George ang nagpakita sa store. Nakakapagod ng husto ang pagmamadali para sa matabang katulad niya.
“Mr. Hammond, bakit kayo naparito?” binati siya agad ni Haley.
Pero, hindi siya nito pinansin at nilampasan siya. Tumigil siya sa harap ni Rose at sinabi, “Ms. Miller, hindi ko alam kung bakit mo kami pinarangalan sa presensiya mo. Pasensiya na talaga sa kawalan ng hospitality sa pagsilbi sa iyo.”
Natanga sina Haley at mga shop assistant sa ugali niya. Kahit si Fiona hindi mapaniwala. Bilang anak ng pamilya Lurk, wala siyang yaman o impluwensiya na lamang kay George.
“Mr. Hammond, mukhang medyo arogante ka na dahil maganda ang takbo ng business mo,” malamig na sinabi ni Rose.
“Hindi malakas ang loob ko na magyabang! Hindi ako magyayabang sa harap mo. Nagmadali ako agad dito sa oras na matanggap ko ang tawag mula sa secretary mo. Hindi kita gusto na magalit, Ms. Miller,” pinunasan ni George ang pawis niya, mukhang takot na takot.
“Isinama ko ang kaibigan ko para mamili ng damit, pero ang isa as mga staff members mo ay ininsulto siya at inakusahan na magnanakaw. Balak pa niya kami na palayasin. Paano mo aayusin ang gulong ito, Mr. Hammond?”
Namutla ng husto si George. Nagsimula tumulo ang pawis niya.
“Sino ang makapal ang mukha na kalabanin si Ms. Miller? Lumabas ka dito! Babalatan kita ng buhay!” tumalikod siya at sumigaw sa staff.
Dati siyang basagulero, at malakas ang dating na nakakasindak. Takot ang lahat ng staff sa kanya. Nagsimula silang manginig sa takot, at hindi nagsalita. Ang bagong intern ay maluha-luha na.
Pati si Haley takot na takot. Alam niya na katapusan na niya noong ang kadalasang kalmadong si George ay naging ganito sa harap ni Rose. Katapusan na niya!
“Isang beses lang ako ulit magtatanong. Sinong may gawa nito? Magpakita ka!”
Hindi na kinaya ni Hayley na itago. Bumagsak siya sa sahig at umiyak.
“Mr. Hammond, patawad! Hindi ko alam na kaibigan mo siya! Patawarin mo ako para sa kapakanan ni Jayden.”
Nagtatrabaho si Jayden bilang store manager sa ilalim ni George, at boyfriend siya ni Hayley.
Galit na galit si George. Gustong-gusto niyang sipain ang babae sa harap niya ngayon din. Takot na takot siya dahil ang lakas ng loob niyang kalabanin ang makapangyarihang tulad ni Rose.
Hindi niya palalampasin kahit sarili niyang anak, lalo na ang girlfriend ng manager.
“Huwag kang humingi ng tawad sa akin! Humingi ka ng tawad kay Ms. Miller ngayon din. Kapag hindi niya kayo pinatawad, katapusan na ninyo ni Jayden!