Kabanata 9
Tumawa ng kaunti si Wilbur. "Sige, subukan ko nga pigilan ang sarili ko."
"Nag-decide kami ni Blake na ikasal sa Southlake Resort Island sa ika-16 ng buwan na ito, at iniimbitahan ka namin," sabi ni Yvonne.
Tahimik si Wilbur bago niya sinabi, "Bakit n'yo 'ko iniimbitahan?"
"Para makita mong perpekto kami ni Blake para sa isa't isa, 'di ba? Iniimbitahan namin ang lahat ng mga elite sa Seechertown. Hindi mo ba kaya pumunta?" Ang sabi ni Yvonne nang may pagmamalaki.
Natahimik si Wilbur. "So, gusto mo lang palang ihiya ako."
"Huwag mong sabihin yan! Gusto ko lang ipaalam sa'yo na hindi ka nararapat sa isang mabuting babae na tulad ko. Duwag ka kung hindi ka pupunta. Basura ka," sigaw ni Yvonne.
Naintindihan ni Wilbur kung ano ang gustong iparating ni Yvonne. Alam niya na malaking tulong ang five million dollars sa mga Willow, pero hindi niya 'yun gustong aminin. Ito ang dahilan kung bakit gusto niyang ipahiya si Wilbur at pabagsakin ito para gumaan ang loob niya. Gustong patunayan ni Yvonne na tama ang kanyang desisyon.
Nagbuntong-hininga si Wilbur. "Pupunta ako." Pagkatapos ay ibinaba niya ang telepono.
Bumukas ang pinto, at pumasok si Faye na may dala na supot ng mga grocery.
"Hello, Boss," bati ni Faye nang may paggalang.
Ngumiti si Wilbur. "Nag-grocery shopping ka?"
"Ayoko pong maging masyadong simple ang mga ihahanda ko sa pagkain niyo," sagot ni Faye.
"Salamat. Hindi mo 'yun kailangang gawin," sabi ni Wilbur na pinaaan ng loob si Faye.
"Syempre, kailangan ko rin pong kumain."
Nagsuot ng tsinelas si Faye at inilagay ang mga groceries sa ref bago umakyat sa itaas upang magpalit ng pajamas.
Pagbalik niya, suot na niya ang isang silk dress na abot hanggang sa tuhod. Mababa ang neckline, kaya kita ang kanyang maganda at maputing balikat. Nakapusod ang buhok niya, at mukha siyang isang elegante na housewife.
Napakahusay ng panlasa ni Faye pagdating sa fashion.
"Gagawa na po ako ng hapunan," sabi ni Faye kay Wilbur ng may ngiti bago ito pumasok sa kusina.
Tumango si Wilbur habang umupo sa sofa at nanood ng TV.
Hindi nagtagal, nagluto si Faye ng chicken and peas na may kasamang mashed potatoes. Simple lang ang handa, pero mukhang masarap.
Pagkatapos ilagay sa mesa, umupo ng maayos si Faye. Kahit kumakain, elegante pa rin ang dating.
"Hindi ako gaanong magaling magluto ng iba't ibang pagkain. Pasensya na po," sabi ni Faye na tila humihingi ng paumanhin habang kumakain.
"Okay lang, sapat na 'to at masarap naman," sabi ni Wilbur habang kumakain at napagtanto niya na ang pagiging charming ng isang babae tulad ni Faye ay higit pa sa kaya ng karamihan.
Tumingin si Faye kay Wilbur pagkatapos niyang kumain ng kaunti. "Boss, mayroon tayong nadiskubreng problema."
"Anong problema?" tanong ni Wilbur habang ngumunguya pa.
Ibinaba ni Faye ang tinidor, tumigil siya sandali, at sinabi, "May ilang mga direktor na nakakopya ng hard drive ni Blake pagkatapos nila pumasok sa Woods Corporate. Nakita natin na mayroon siyang proposal na may Willow Corp na pangalan."
"Anong proposal 'yun?" Nagtaka si Wilbur.
"Hindi lahat ay nakasulat sa proposal," sagot ni Faye, "pero may tungkol sa pagpapakasal kay Yvonne Willow, ang kinatawan ng kumpanya. Plano niyang pakasalan si Yvonne at bilhin ang shares ng kumpanya hanggang maging siya ang majority bago mag-divorce. May kasamang divorce statement pa. Detalyado ang lahat. Parang balak niyang sakupin ang kumpanya sa legal na paraan."
Nabigla si Wilbur. Kahit na inisip niya na posible ito, hindi niya inaasahang ganito ka-detalyado si Blake. Hindi pa man sila ikakasal, handa na si Blake sa divorce.
Binigay ni Wilbur ang plato niya kay Faye. "Pwede pa ba akong humingi ng mashed potatoes?"
Nilagyan ni Faye ng mashed potatoes ang plato ni Wilbur, at kumain ito ulit.
"Hindi ko na kayang itago pa, Boss," sabi ni Faye, mahina ang boses, "kayo po at ang Woods Corporate..."
Tumingin si Wilbur kay Faye, pero ito ay nagpatuloy lang sa pagkain.
Sinubuan ni Wilbur ang sarili ng mashed potatoes. "Si Yvonne, ex-wife ko. Nag-divorce kami ngayong araw, at magpapakasal siya kay Blake Woods."
Nalaglag ang tinidor at plato ni Faye, bumagsak ang plato sa sahig at nabasag sa maraming piraso.
Hindi makapaniwala si Faye sa narinig.
Gaano ka-walang alam si Yvonne na mag-divorce kay Wilbur para magpakasal kay Blake?
Gayunpaman, ito ang sagot sa mga tanong ni Faye sa mga nakaraang araw.
Ang dalawang ito ay totoong mga walang alam.
Maingat na nagpili ng mga salita si Faye, "Boss, hindi mo kailangan ang isang babae na ganyan."
Ngumiti si Wilbur. "Kolektahin mo ang lahat ng ebidensya. Dadalo ako sa kasal nila. Kailangan ko magdala ng regalo para sa kanila."
"Opo," sagot ni Faye, na nauunawaan agad ang kanyang trabaho. Nakaramdam siya ng awa para sa dalawang walang alam.
Matapos ang hapunan, dinala ni Faye ang mga plato sa kusina habang nag-yosi si Wilbur nang tahimik.
Nang matapos si Faye, sabi ni Wilbur, "Mahusay ang trabaho mo. Magpahinga ka na." Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang kwarto.
Walang sinabi si Faye, bumalik lang siya sa kanyang kwarto.
Nahiga siya sa kama niya, hindi niya maunawaan kung bakit nagawa ni Yvonne Willow ang kabulastugan na ito.
Si Wilbur ay may walang-hanggang kayamanan, at pinatunayan na may kakaibang lakas. Bukod pa dito, gwapo at macho pa siya.
Pagkatapos ng dalawang araw na pagkakakilala kay Wilbur, napagtanto ni Faye na may magandang asal si Wilbur. Hindi siya namamansin sa katawan ni Faye at hindi nagiging awkward ang kanilang pag-uusap. Totoong disente ang lalaki.
Saan ba makakahanap ng ganitong klaseng asawa?
Hindi lang basta pinabayaan ni Yvonne ang pagkakataong ito, kundi binababoy pa niya ang sarili niya para lang magalit si Wilbur. Hindi lang tanga si Yvonne, walang laman din ang ulo niya.
Naghunos-dili si Faye, nag-ring ang kanyang telepono.
Tumingin siya kung sino ang tumawag at sinagot niya ito.
“Ms. Yves, may bagong balita tayo tungkol sa Woods Corporate,” sabi ng sekretarya.
“Ano 'yun?”
“May problemang financial sa taxes at accounts ng Woods Corporate, at malubha ito.”
“Magandang balita. I-secure mo ang mga ebidensya, at siguraduhing hindi mabahala si Blake.”
“Opo, Ms. Yves.”
“At magdala ka rin ng mga tauhan mula sa tax department at fiscal crimes. Mayroon akong ire-report.”
“Okay po, Ms. Yves.”
Ibinaba ni Faye ang telepono at napasambit ng mahina. “Wala nang takas sa inyo, Blake at Yvonne. Pagsisisihan n'yo ito.”
Hindi makatulog si Faye habang nakahiga sa kama. Naiisip niya si Wilbur, at naging mapula ang kanyang mukha.
Sa umaga...
Gising si Wilbur nang maaga. Naligo siya bago pumunta sa sala.
Nakita niya si Faye na nakasuot ng lilac na office suit. Ang pencil skirt ni Faye ay nag-highlight sa kanyang mga kurba.
“Maaga ka ngayon, Ms. Yves,” bati ni Wilbur ng may ngiti.
Yumuko si Faye habang kausap siya ni Wilbur. Napansin ni Wilbur ang mga eyebags ni Faye, hindi ito madaling itago kahit gamitan ng concealer.
“Ano bang nangyari? Hindi ka yata nakatulog kagabi?” tanong ni Wilbur.
Namula si Faye hanggang sa leeg. Agad siyang yumuko. “Tumawag ang sekretarya ko kagabi at sinabing may problema sa accounts at taxes ng Woods Corporate. Inimbitahan ko ang mga opisyal mula sa Department of Taxes at Fiscal Crimes ngayong umaga.”
“Oh. Grabe pala 'yon?” muling naging interesado si Wilbur.