Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 8

Naguluhan si Wilbur. "Ano ba? Hindi naman ako masamang tao." "Masamang tao ka! Alam ko ang balak mo!" galit na sabi ng babae. Umiling si Wilbur. Sinabi ni Benjamin sa oras na iyon, "Iwanan niyo na kami." Nainis ang babae, ngunit galit siyang lumakad palabas habang umiiyak. Lumingon si Benjamin kay Wilbur. "Yan ang apo ko, si Susie. Bata pa siya. Pakiusap, huwag mo siyang pansinin." "Ayos lang po. Bakit po ba kayo ganun ka-tiwala sa akin, Mr. Grayson?" tanong ni Wilbur. Ngumiti si Benjamin. "Nasa seventies na ako, at marami na akong nakita. Marami pang mga bagay na hindi ko alam sa mundo, at masyado na akong matanda para alamin ang mga ito. Pero, naniniwala ako na may mga bagay na hindi ko alam. Higit sa lahat, ang kahit sinong malapit nang mamatay ay gusto ng chansa na mabuhay. Kasama na ako dito." "Totoo nga po kayo. Magsimula na po tayo," sabi ni Wilbur nang nakangiti. Ngumiti si Benjamin habang tinanggal ang kanyang shirt upang ipakita ang katawan na puno ng peklat. May higit sa sampung peklat mula sa sugat ng kutsilyo at ilang mula sa tama ng bala. Wala ni isang bahagi ng katawan niya ang walang peklat. Nakakatakot ito. Nagbuntong-hininga si Wilbur at binulong, "Ang tibay po ng inyong loob." "Ah, wala yun. Nagtrabaho lang ako bilang isang mahirap na lalaki. Hindi ako kasing husay na tulad ng sinasabi ng bata na yun," sabi ni Benjamin nang walang paki. Ngumiti si Wilbur. Inilagay niya ang kanyang palad sa likod ni Benjamin at dahan-dahang naglagay ng spiritual energy sa katawan nito. Maingat na iniakay ni Wilbur ang spirit energy sa katawan ni Benjamin. "Tandaan niyo po ang daan ng energy na ito at sundan niyo po ito sa susunod." Tumango si Benjamin, at nagpatuloy si Wilbur. Pagkatapos dumaloy ang energy ng thirty-six rounds, dahan-dahan nang tinanggal ni Wilbur ang kanyang kamay. Pagkatapos, huminga nang malalim si Benjamin, puno ng pagtataka ang mukha niya. Nararamdaman niya na naayos na ang kanyang paghinga, wala na ang dating sakit. Bukod pa rito, napakagaan ng kanyang pakiramdam, tila puno ng sigla ang kanyang katawan. Mabagal siyang tumayo at yumuko ng malalim kay Wilbur. "Ikaw ay isang himala." Mabilis na tinulungan ni Wilbur si Benjamin sa pagtayo. "Nakakataba po ng puso." Umupo muli si Benjamin, namangha at nagulat. "Ikaw ay gumagawa ng mga himala. Hindi ako makapaniwala na nabuhay ako nang matagal para makakita mismo ng isang himala." "Mr. Grayson, pwede po ba kayo humingi ng isang bolpen at papel? Isusulat ko po ang cultivation method para sa inyo." Kumaway si Benjamin, at may isang katulong na dumating na may dalang bolpen at papel. Nag isip si Wilbur sa ilang sandali bago siya nagsulat sa papel. Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi niya, "Ito ay isang simpleng bersyon ng Dragon Chant na pinag-aralan ko bilang isang baguhan. Sundan niyo ito, at hindi lahat ng sakit ay tatalab sa inyo at mabubuhay kayo ng matagal." "Salamat talaga," pasabi ni Benjamin habang nakatingin sa papel na para bang may natuklasan siyang jackpot. Pagkatapos, tumayo si Wilbur. "Aalis na po ako." Mabilis na nagbihis si Benjamin at hinatid si Wilbur palabas. Kinuha niya ang number ni Wilbur bago umalis ng may onting panghihinayang. Kasabay nito, lumabas si Susie mula sa hagdan at tinignan ang lolo niya na may mga mata na parang nagliliyab na apoy. Hindi ito napansin ni Benjamin, at sinabi, "Magpadala ka ng pinakamagandang tsaa at alak kay Wilbur sa house number eighteen. Siguraduhin na pasalamatan mo siya." "Grandpa, naniniwala ka pa rin ba sa scammer na 'yun?" Hindi napigilang sumigaw ni Susie. Galit din si Benjamin. "Hindi ko ba malalaman kung scammer siya? Pumunta ka, o kaya bumalik ka na lang sa med school at lumayo ka sa paningin ko." Halos umagos ang luha ni Susie sa galit, pero hindi na siya nagsalita pa nang makita niya ang galit ng lolo. Ang tanging nagawa niya ay sundin ang utos at utusan ang mga kasambahay na dalhin ito sa sasakyan. Ang tsaa at alak ay regalo mula sa mga magulang ni Susie at ilang tauhan ni Benjamin. Halos hindi mapigilan ni Susie ang galit habang iniisip na mapupunta lang ito sa scammer. Gayunpaman, nag-drive pa rin siya papunta sa house number eighteen. Hindi siya bumaba ng sasakyan. Sa halip, kumuha siya ng phone at tumawag. Makalipas ang ilang saglit, sinagot ang tawag, at sinabi ni Susie, "Dad, umuwi ka na. Nawawala na yata sa pag-iisip si Grandpa." "Ano'ng nangyayari?" ang babaeng boses mula sa kabilang linya. "Na-scam si Grandpa ng isang lalaki na nagpapanggap na makakagamot sa kanya. Naniniwala si Lolo sa kanya at sinabihan pa ako na magpadala ng regalo sa lalaki na yun." Matapos ang ilang saglit na katahimikan, sumagot ang tatay niya, "Sundan mo ang utos ni Grandpa mo. Uuwi ako at aayusin ko ito agad." "O sige, Dad. Bilisan mo," tapos ni Susie ang tawag. Lumabas siya ng kotse na may malamig na ekspresyon at pinindot ang doorbell. Binuksan ni Wilbur ang pinto. Nang makita si Susie, tinanong niya, "May problema ba?" Walang sagot si Susie. Kinuha niya ang tsaa at alak mula sa sasakyan, inilagay sa harap ni Wilbur, at sinabi, "Alam ko ang balak mo. Mag-ingat ka. May nagmamasid sa'yo." Nabigla sandali si Wilbur bago ngumiti, "Anytime." "Hmph!" Hindi na pinansin ni Susie si Wilbur at tumalikod na para mag-drive palayo. Pag-uwi, hindi mapigilan ni Susie ang lungkot. Narealize niya na ang lolo niya ay naguugali na katulad ng ibang mga matanda, naniniwala sa kung anu-ano lang para mapahaba lang ang buhay kahit pa konti. Ano ba'ng pagkakaiba ng lolo niya sa ibang mga matanda na pumipili na lang bumili ng mga pekeng health products? May team ng personal na mga doktor ang kanilang pamilya at ang pinakamagaling na medical team sa Seechertown ang sumusuporta sa kanila. Paano naman naniniwala ang lolo niya sa lahat ng ito? Mukhang talagang nawawala na sa katinuan ang lolo niya. Pagdating sa bahay, papalabas pa lang si Susie ng kotse nang makita niya ang isa pang sasakyan na huminto sa harap niya. Sumulpot ang isang middle-aged na babae. Nakilala agad ni Susie kung sino ito at mabilis siyang lumabas ng kotse para batiin ang babae. “Dr. Sepia! Anong ginagawa niyo dito?” masiglang tanong ni Susie. Tumingin si Dr. Sepia kay Susie at ngumiti siya. “Susie, sakto ang pagdating mo.” Habang nagsasalita, ibinigay niya ang isang box ng gamot kay Susie. “May bago kaming gamot na makakatulong sa pagpapalakas ng immune system at sa pagpapahaba ng buhay. Epektibo ito. Galing sa aming laboratory. Pakiusap, ipainom mo ito agad kay Mr. Grayson.” “Talaga po?” Tuwang-tuwa si Susie habang tinanggap ang gamot. Ngumiti si Dr. Sepia. “Oo naman. Pero, ayokong guluhin si Mr. Grayson. Paalam na.” “Paalam!” Hinatid ni Susie si Dr. Sepia papalayo at pumasok sa bahay na may kasiyahan habang pumunta siya sa kuwarto ng lolo niya. “Grandpa, may dala po kaming bagong gamot mula sa Seechertown medical team. Dapat niyo pong inumin ito agad. Personal po itong pinadala ni Dr. Sepia.” Tumitig saglit si Benjamin sa gamot. “Ilagay mo na lang diyan.” “Hindi, gusto ko po sanang makita na inumin niyo ito,” sagot ni Susie. Nainis si Benjamin. “Inumin ko na ito. Lumabas ka na.” Tinikom ni Susie ang bibig niya, pero sumunod siya sa utos. Tiningnan ni Benjamin ang gamot at itinapon ito sa shoe cabinet niya habang umiiling ang ulo. “Pills, pills, at mas maraming pills. Balang araw ay papatayin ako ng mga ito.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, nagsimula siyang magmeditate gamit ang chant. Samantala... Masayang dinala ni Wilbur ang tsaa at wine sa bahay at binuksan ito para tingnan. ‘Grabe, lahat ito ay high-end products, ang mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera!’ Naisip ni Wilbur. Masaya si Wilbur. “Maraming salamat, Mr. Grayson.” Inilagay niya sa tabi ang mga regalo at nagsimula siyang mag-cultivate. Pagdating ng gabi, doon niya lang binuksan ang mga mata niya. Pagbukas ng kanyang bibig, lumabas ang isang white ribbon aura mula sa bibig niya. Pagkatapos, nag-ring ang phone niya. Nabigla si Wilbur at kinuha niya ang phone niya at sinagot niya ito, “Ms. Yvonne, ano'ng problema?” “Wilbur, may magandang balita ako para sayo. Pero, wag ka masyadong maging puno ng emosyon,” masayang sabi ni Yvonne mula sa kabilang linya ng telepono.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.