Kabanata 10
Tumango si Faye. "Opo, grabe po talaga."
"Ganun ba? Gawin mo lang ang dapat mong gawin," ang kalmadong sabi ni Wilbur.
Mabilis na tumango si Faye. "Aalis na po ako. Paalam, Boss."
Pagkatapos, mabilis na lumabas si Faye.
Tumawa nang bahagya si Wilbur at agad siyang nag-ayos ng agahan para sa kanyang sarili bago siya lumakad papunta sa central park.
Nakahanap siya ng isang lugar at nag-unat ng konti bago gamitin ang isang set ng martial arts moves.
Higit sa sampung moves ito.
Ang bawat galaw ay gamit ang katawan ng isang tao sa kanyang mga pisikal na limitasyon, sa puntong mahirap itong paniwalaan.
Ang mga galaw ay pinagsama sa isang espesyal na cultivation method, isang paraan na walang hangganan at laging nagbabago.
Matapos ang kalahating oras, basang-basa sa pawis si Wilbur, ngunit puno ng kalayaan ang kanyang pakiramdam. Maganda ang pakiramdam niya.
Pawis at kontento, nag-ayos siya para umuwi at maligo bago siya magpatuloy sa kanyang meditation.
Sa sandaling lumabas siya ng park, nakasalubong niya ang dalawang tao na may dala-dalang mga regalo.
Nakita nila si Wilbur at agad silang lumapit sa kanya.
"Naku. Alam namin na umalis ka na sa mga Willow, pero tumutuloy ka ba dito sa park ngayon?" ang tanong ni Yvonne na puno ng panunuya.
Sa tabi niya, mayabang na tinitigan ni Blake si Wilbur. "Alam kong hindi ka nasa magandang sitwasyon ngayon, pero hindi mo maaaring gawin itong tambayan. Pero matalino ka, pumunta ka sa mga mayayaman na lugar para manlimos. Mukhang hindi ka pa naman nasisiraan."
Tumawa si Wilbur. "Napakalawak talaga ng imahinasyon niyo."
"May mali ba sa amin?" tanong ni Yvonne. "Ano bang magagawa ng isang tamad na tambay na tulad mo kundi ang manlimos?"
"Wag ka mag-alala. Hindi kita isusumbong sa security para palayasin ka. Pero, ang payo ko sa iyo ay maghanap ka ng trabaho, kung hindi, magiging walang kwenta ang buhay mo," sabi ni Blake.
Tumingin si Wilbur sa dalawa. "Mukhang sobra ang oras niyo para sa mga taong malapit nang ikasal."
"Oo naman, busy kami!" tingin ni Yvonne kay Wilbur. "Ilan sa mga kaibigan ko na nasa mataas na social status ay nakatira dito. Narito kami para ipadala ang imbitasyon sa kasal sa kanila."
"Hindi ko na kayo pahihirapan pa. Tuloy lang kayo sa inyong gawain," sabi ni Wilbur bago umalis.
Gayunpaman, sumigaw si Blake sa likuran niya. "Tandaan mo na pumunta ka sa kasal! Dati mong kasama si Yvonne, kaya dapat mong siyang makitang masaya doon."
"Oo." Lumisan si Wilbur nang hindi man lang lumingon.
Sa sandaling ito, si Susie at ang kanyang lolo, kasama ang kanilang bodyguard, ay nasa malapit. Nakita ni Susie ang buong eksena.
Sinabi niya sa kanyang bodyguard, "Dalhin mo si Grandpa para mag-exercise. Babalik din ako."
Tumango ang bodyguard at tinulungan siyang dalhin ang kanyang lolo papunta sa park. Samantala, hinabol ni Susie si Blake at Yvonne.
"Excuse me, kilala niyo ba ang lalaking 'yun?" ang tanong ni Susie.
Tumingin ang dalawa kay Susie. Alam nilang ang sinuman na nakatira sa neighborhood na ito ay mayaman kaya hindi nila pwedeng bastusin ang babae.
Mabilis na sumagot si Yvonne, "Oo, kilala namin siya. May problema ba?"
"Ang pangalan ko ay Susie Grayson. Gusto kong malaman ang trabaho ng lalaking 'yun. Pwede niyo bang sabihin sa akin?" ang tanong ni Susie.
Huminto ng ilang sandali si Yvonne bago niya sinabi, "Siya ang ex-husband ko. Isa siyang tambay sa pamilya ko ng tatlong taon at wala siyang ginagawa na kahit ano. Kaka-divorce lang namin."
"Dapat kang mag-ingat sa kanya ngayon at nandito siya sa lugar na ito. Siguradong wala siyang binabalak na maganda. Ang isang taong walang pera ay gagawin ang kahit ano," sumingit si Blake.
Tumango ng mabagal si Susie. "Salamat. Naiintindihan ko na ngayon."
Pagkatapos makipag usap, tumalikod siya at dumiretso sa park.
Tama siya. Ang lalaking 'yun ay balak na maging malapit sa pamilya Grayson. Paano siya naging isang mabuting tao?
Ilalantad niya ang tunay na kulay ni Wilbur kapag umuwi na ang tatay niya upang hindi na mahuli ang lolo niya sa mga scam ng lalaking 'yun.
Samantala, umuwi si Wilbur at naligo bago siya nagsimula sa meditation.
Pagdating ng gabi, nag-ring ang doorbell.
Sinagot ni Wilbur ang pinto at nakita niya na hawak ni Benjamin ang isang bote ng wine.
"Mr. Grayson! Pasok lang po kayo," ang bati ni Wilbur kay Benjamin, binati niya ito upang pumasok.
Nilagay ni Benjamin ang wine sa mesa, at gumawa ng tsaa si Wilbur para.
Sinabi ni Benjamin, "Isa talagang himala ito. Simula noong nilagay mo ang energy sa akin at ginamit ko ang cultivation method mo, parang nabigyan ako ng panibagong buhay. Parang mabubuhay pa ako ng maraming taon."
"Haha! Nabuhay na po kayo ng marangal. Dapat po ay mabuhay na kayo ngayon ng masaya."
Habang nag-uusap ang dalawa, umuwi si Faye mula sa trabaho. Nakita niya na may bisita sila at mabilis niyang binati.
Mabait na bumati ng pabalik si Benjamin. Pagkatapos ay sinabi ni Wilbur, "Pwede ka bang maghanda ng pagkain? Palagay ko ay gusto uminom ni Mr. Grayson."
Tumango si Faye at pumunta siya sa kusina habang suot ang damit pang-opisina.
Makalipas ang ilang sandali, lumabas siya na may dalang apat na pagkain. Simpleng mga pagkain lang ito, ngunit mabango at masarap talaga ito.
Naghanda ng mesa si Faye kasama ang ilang baso ng wine at naghain siya ng pagkain para sa kanilang dalawa.
Nag-usap sina Benjamin at Wilbur, uminom sila ng masaya.
Base sa paraan ng pag-toast ni Benjamin ng baso kay Wilbur, halata na matagal na siyang hindi umiinom.
Ginawa rin ito ni Wilbur. Kahit na hindi pa gumagaling ng tuluyan ang katawan ni Benjamin, natutunan niya na ang cultivation method ni Wilbur, kaya walang epekto sa kanya ang uminom ng konti.
Habang umiinom, nilabas ni Wilbur ang isang pakete ng sigarilyo at tumingin siya kay Benjamin.
Ginanahan si Benjamin, at tumawa ng mahina si Wilbur. "Gusto niyo ba ng isa?"
"Oo naman," tumawa ng malakas si Benjamin.
Binigay ni Wilbur ang sigarilyo kay Benjamin at sinindihan niya ito. Pagkatapos humithit ni Benjamin, bumuga siya ng malaking usok makalipas ang ilang sandali.
"Ganito ang magandang pamumuhay," ang sabi ni Benjamin, masaya talaga siya.
Tumawa si Wilbur. "Pero hindi dapat kayo manigarilyo ng marami."
"Ano ang maganda sa pamumuhay ng sampung libong taon kung walang kwenta ang buhay mo?" ang sabi ni Benjamin.
Tumango lang si Wilbur, tahimik lang siya.
Sa sandaling yun, tumunog ang doorbell. Tumayo si Faye para buksan ang pinto, at pumasok ng galit si Susie.
"Tama ako, nandito kayo, Grandpa. Naninigarilyo at umiinom pa kayo?" tumitig ng gulat si Susie sa mga sigarilyo at wine sa mesa.
Napasimangot ni Benjamin. "Bakit ka ba sumisigaw? Nasa pamamahay ka ng ibang tao. Nasaan ang galang mo?"
Sumigaw si Susie, "Niloloko niya lang kayo, Grandpa! Tingnan niyo, hinahayaan niya pa kayo manigarilyo! Hindi niyo ba alam ang kalagayan ng katawan niyo?"
Nagsalita ng galit si Benjamin, "Alam ko ito. Mas alam ko kung ano ang nangyayari sa katawan ko maliban sa ibang tao."
Tinanong ni Susie, "Bakit po pala naninigarilyo at umiinom kayo? Ano po ba ang sinabi ng mga doctor?"
Umiling si Benjamin at tumingin siya kay Wilbur. "Sa tingin ko ay hindi na tayo pwedeng magpatuloy sa pag-inom. Wala na akong gana."
Pagkatapos, tumayo siya at umalis ng mag-isa, hindi niya pinansin si Susie.
Nagalit si Susie kay Wilbur. "Isa kang sinungaling at scammer! Paano mo nagawang hayaan ang isang matandang may sakit na manigarilyo at uminom para lang makuha ang gusto mo? Grabe ka talaga!"
Nagsindi ng sigarilyo si Wilbur at hindi niya pinansin si Susie.
Nang makita ang ginawa ni Wilbur, lumingon si Susie kay Faye. "Ano ang relasyon niyong dalawa?"
"Sino ka naman, at bakit kailangan ko sasabihin sa iyo?" ang agad na tinanong ni Faye.
Malamig na sinabi ni Susie, "Wala akong pakialam kung sino ka sa kanya, pero lumayo kayo sa Grandpa ko. Ah, sigurado ako na isang makapangyarihang tao ka din. Isang scammer ang lalaking yan, sana ay wag kang magpa-uto sa mga pakana niya at baka ma-bankrupt ka."
Pagkatapos, mabilis na umalis si Susie para habulin ang lolo niya.
Hindi alam ni Faye ang sasabihin niya. Bastos ang babaeng 'yun!
"Boss, sino po 'yun? Ano po ang problema niya?" ang tanong ni Faye.
Kalmadong sinabi ni Wilbur, "Ang matandang yun ay si Benjamin Grayson. Ang babaeng naman ay ang apo niya, si Susie Grayson."