Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 7

Tumawa si Wilbur. “Sinabi ko na sa inyo, 'wag niyo akong subukan. Magsisisi kayo.” “'Wag mo na siyang pansinin, Blake. Hindi mo kailangan lumaban sa kanya. Sayang lang ang oras mo. Tara na,” sinabi ni Yvonne habang hinihila palayo si Blake, habang nakatingin ng nanunuya kay Wilbur. Bago umalis, sabi ni Blake, “Hintayin mo lang, lbasura ka. Hindi pa ako tapos sa'yo. Abangan mo.” “Walang problema,” sagot ni Wilbur na nakangiti. Umalis ang dalawa kasama ang mga bodyguard nila, na tila mayabang sa kanilang paglakad. Umiling si Wilbur at naisip sa sarili, “Inaasahan ko na rin ang kasal niyo.” Pagkatapos, nagmaneho siya pabalik sa bahay sa Castlebury. Pagdating doon, tumingin siya sa paligid at napagpasyahan na gawing pamilyar ang sarili sa lugar. Ang neighborhood ay malaki at mayroong central garden. Ang hardin na ito ay may tatlumpung ektarya, halos katulad ng isang public park. Nagbalik sa kanyang mga alaala si Wilbur habang naglalakad sa hardin. Ang mga magulang niya ay nawala ng misteryoso noong bata pa siya, kaya't naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lolo. Nagising ang Dragonsoul niya noong sixteen siya, at minana niya ang maraming iba't ibang klase ng ancient skills. Pagkatapos ay pumunta siya sa ibang bansa, binuo niya ang Abyss Mercenaries at nakakuha siya ng malaking halaga ng pera para sa sarili niya. Nang maghiwa-hiwalay ang Abyss Mercenaries, itinayo niya ang Cape Consortium bago siya bumalik sa dating bahay niya sa Seechertown upang magpakasal. Gayunpaman, sa huli ay inabandona at ipinahiya siya sa halip na mabuhay ng masaya at nagmamahal. Kung iisipin niya ito, ang tanging hindi nagbabago sa buhay ay ang pagbabago, dahil maraming pagbabago ang pinagdadaanan ng isang tao. Habang malalim ang iniisip, narinig niya ang isang boses mula sa likod. “Tigil! Wag kang lalapit.” Lumingon si Wilbur at nakita niya ang isang maskuladong lalaki na nakadamit ng itim na nakaharang sa daanan niya. Sa harap niya ay may isang bata at magandang babae na nasa kanyang twenties na tinutulungan ang isang matandang lalaki sa paglalakad. Kumunot ang noo ni Wilbur. “Bakit? Sayo ba ang lugar na ito?” “Hindi, pero dapat kang dumistansya,” sabi ng lalaki nang walang emosyon. Kalmado ring sinabi ni Wilbur, “Kung hindi ito sayo, pwedeng maglakad ang kahit sino dito. Umalis ka sa daan.” “Hindi ako magpapakita ng awa kapag lumapit ka!” Walang kibo ang lalaki. Nairita si Wilbur at galit niyang sinabi, “Sinusubukan mo bang abusuhin ang kapangyarihan mo?” Ngumiti ng malamig ang lalaki. Pagkatapos, sumingit ang matandang lalaki at sinabi niya ng namamaos na boses, “Umalis ka sa daan! Diyos ko, nakakairita ka. Isa itong publikong lugar. Hindi natin pagmamay-ari ang lugar na ito!” Doon lang umatras ang lalaki sa sandaling yun. Lumapit si Wilbur sa matandang lalaki at ngumiti. Yumuko si Wilbur para bumati at nagpatuloy siya sa paglalakad. Pagkatapos, binulong ng babae, “Walang hiya.” “Ano kamo?” Lumingon si Wilbur para tumingin sa babae. Inayos ng babae ang salamin nito at sinagot, “Sinabi ko na walang hiya ka.” Kalmado na sinabi ni Wilbur, “Hindi lahat ng tao ay may pakialam sa hierarchy na tulad mo.” Nagbago ang ekspresyon ng babae. “Ano ang pinapahiwatig mo, huh?” Nakita ng matandang lalaki na mag aaway na ang dalawa at tumawa siya ng mahina, “Iho, konti na lang ang natitira sa buhay ko. Pwede bang hayaan mo na lang ito, okay lang ba?” Pinagmasdan ni Wilbur ang kabuuan ng matandang lalaki bago niya sinabi ng mabagal, “Wow, malubha nga ang sakit niyo.” Nagalit ulit ang babae sa sinabi ni Wilbur. Galit na tinuro ang ilong ni Wilbur. “Walang hiya ka para sabihin ito!” “Mali ba ako?” Ang mahinahon na sabi ni Wilbur. Galit na lalaban na sana ang babae nang pinigilan siya ng matandang lalaki. Sinabi ng matanda ng nakangiti, “Parang hindi ka karaniwang tao, iho.” Kalmadong sumagot si Wilbur, “Karaniwan lang naman ako.” “Sa palagay ko ay hindi. Sabihin mo sa akin, gaano katagal na lang sa tingin mo ang natitira sa buhay ko?” Ang tanong ng matandang lalaki. Sumagot si Wilbur, “Nasa isang linggo.” Galit na galit ang babae. Tumingin siya sa bodyguard, at lumapit ito mula sa likod. Lumingon ang matanda at kumaway, sinabi niya, “Ganun? May solusyon ka ba dito, iho?” “Siguro, pero bakit ko ito sabihin sa inyo?” Ang kalmadong tanong ni Wilbur. Tumawa ng mahina at tumango ang matanda. “Tama ka. Hindi mo ito kailangan gawin. Pasensya na sa abala.” Tumalikod si Wilbur at umalis. Pagkatapos, sinabi ng babae, “Grandpa, ang yabang niya.” “Hindi mo pwedeng sabihin yan. Hindi ba’t mayabang ka rin sa iba? Wala siyang obligasyon na tulungan ako.” Yumuko ang matanda at nagpatuloy siya sa paglalakad. Tumulo ang luha sa pisngi ng babae. “Pero isa po kayong bayani na nasaktan dahil sa paglilingkod niyo sa bansa natin!” “At ano ang pinapahiwatig mo? Dapat itong gawin ng kahit sino para sa bansa nila. Hindi pwedeng kumilos tayo ng mayabang dahil lang dito, tama?” Tila nagalit ang matanda. Huminto sa paglalakad si Wilbur at tumalikod siya para tumingin sa matandang lalaki. “Kung pwedeng magtanong, ano ang pangalan niyo?” Ang tanong ni Wilbur. Ngumiti ang matandang lalaki. “Ako si Benjamin Grayson.” “Ang founding father?” Nabigla si Wilbur. Kumaway si Benjamin. “Hah! Isang matandang lalaki lang ako.” Malalim ang nasa isip ni Wilbur. Si Benjamin Grayson ang isa sa mga founding father ng Dasha. Marami siyang mga achievement at siya ang naging pinakamataas na chief-in-command sa army. Nirerespeto talaga siya sa army at sikat din siya pati nakuha niya rin ang respeto ng lahat sa bansa. Makalipas ang ilang sandali, sinabi ni Wilbur, “Ah. Pasensya na po pala sa kawalang galang ko kanina. May paraan po para gamutin ang sakit niyo. Kung maniniwala po kayo sa akin, bakit hindi po tayo mag-usap sa ibang lugar?” Ngumiti ang matanda. “Tama ako na hindi ka pangkaraniwan. Bakit hindi tayo pumunta sa bahay ko?” “Sige po.” Tumango si Wilbur. Pagkatapos, sinabi ng babae, “Grandpa, wag po kayong magpauto sa kanya! Isang scammer lang po siya na sinusubukan maging malapit sa inyo.” “Ano naman ang mapapala niya sa isang matandang tulad ko? Masyado kang maraming iniisip.” Sumenyas si Benjamin kay Wilbur na sumunod, at naglakad silang dalawa sa daanan. Tumapak ng galit sa lupa ang babae sa likod. Ang grandpa niya ay ginamot na ng pinakamahusay na doctor sa bansa, ngunit nabigo pa rin, pero ang mayabang na lalaking ito ay sinasabi na may paraan siya? Halata na gumagawa lang siya ng rason para magkaroon ng magandang koneksyon sa pamilya Grayson. Ngunit hindi siya nakipagtalo sa lolo niya at tinulungan niya lang ito pauwi habang nakatingin siya ng masama kay Wilbur ng paminsan-minsan. Hindi ito pinansin ni Wilbur. Hindi nagtagal, nakarating sila sa bahay ni Benjamin at umupo sila sa sala. Tinanong ni Benjamin, “Iho, pwede mo bang alamin kung ano ang problema sa akin.” “Ang dating sugat niyo ay ang sanhi ng problema sa loob ng katawan, at ito ay lumalala dahil sa inyong edad. Ang kondisyon ng inyong baga ay lumalala sa bawat araw na lumilipas. Kung hindi dahil sa mahusay na suporta sa medisina na nakuha niyo, dapat ay matagal na kayong wala sa mundong ito,” diretsong sinabi ni Wilbur. Nagningning ang mga mata ng matandang lalaki. “Paano mo nalaman ‘yan?” “Basta obserbasyon lang po,” kalmadong sagot ni Wilbur. Napakamot sa ulo ang matandang lalaki. “Napakagaling mong mag-observe. May solusyon ka ba?” “Tangalin niyo po ang inyong damit. Maglalagay po ako ng Qi sa inyong katawan at ibibigay ko ang mga paraan ng cultivation na dapat niyong sundin. Kayang umabot kayo ng higit sa isang daang taon kung gagawin niyo ito,” pahayag ni Wilbur. Naguluhan ang matandang lalaki habang tumitingin kay Wilbur, “Parang hindi pa ako tapos sa mundong ito. Pakiusap, magpatuloy ka.” Nagulat ang babae. Pagkatapos makita na tinanggal ng kanyang lolo ang damit nito, agad siyang lumapit upang pigilan ito. “Grandpa, totoo po ba talaga ang sinasabi niyo? Halata pong scammer siya na gustong maging malapit sa pamilya Grayson para sa sariling kapakanan niya! Huwag po kayong papadala dito!” “Hindi na kaya ng katawan ko. Anong masama kung susubukan ko ito?” kalmadong sinabi ni Benjamin. Mariin na sinabi ng babae, “Hindi pwede, grandpa! Paano kung gagamitin niya ang pangalan niyo para sa kanyang pansariling pakinabang? Masisira ang inyong reputasyon.” Tanong ni Benjamin nang mahina, “Ano ang iyong ibig sabihin? Masyadong mataas ang tingin mo sa pamilya natin. At saka, hindi ba’t maaari mo siyang ikulong kung scammer nga siya sa huli?” Nawalan ng isasagot ang babae. Hindi na siya nagpatuloy sa kanyang argumento sa kanyang lolo. Ngunit sa halip, si Wilbur ang kanyang kinatapunan ng galit, “Umalis ka na dito ngayon.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.