Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 9

Natigilan si Shirley. Parang napaso ang kaniyang kamay nang bigla niyang bawiin ito mula sa baso. Agad na tumaob ang baso na kaniyang hawak nang dahil sa biglaan niyang paggalaw na nagpatapon sa laman nito sa binti ni Benjamin. Itinaas ni Benjamin ang kaniyang ulo habang direktang tumatama ang nanlalamig niyang tingin sa mukha ni Shirley. “Pasensya na! Hayaan mong linisin ko ito ngayundin.” Masyadong naging clumsy ang paggalaw ni Shirley. Agad siyang kumuha ng isang napkin para punasan ang pantalin ni Benjamin para subukang alisin ang natapong alak dito. Pero bago pa man siya makalayo, mahigpit na hinawakan ang kaniyang kamay ng mas malaking kamay. Napatigil ng malakas na pagkakahawak ni Benjamin ang kaniyang paggalaw habang naiinis nitong itinutulak ang kaniyang kamay palayo. Mas naging matindi ang inis na ipinakita ngayon ng mga mata ni Benjamin kaysa sa elevator kanina. Nagpakita ng pagkainis ang kaniyang boses habang sinasabi nito na, “Ms. Weiss, pakiusap, ayusin mo ang iyong ikinikilos.” Dito na napagtanto ni Shirley kung ano ang kaniyang nagawa. Sa sobrang panic, nagawa niyang linisin ang alak sa mga binti ni Benjamin. Namula nang husto ang kaniyang mukha habang nauutal niyang sinasabi na, “Pa-pasensya na… hindi ko sinasadyang.” Natigilan siya sa kaniyang ginawa. Ano bang pumasok sa isip niya? Nagpakita ng dilim at bagsik ang mukha ni Kyle nang tingnan niya ito, dito na bumagsak ang dibdib ni Shirley. Sinira niya ang napakaganda niyang pagkakataon para matulungan ang kaniyang pamilya. Nang mauna si Kyle sa paginom kanina, sinabi nito na huwag magmadali si Benjamin sa paginom, napansin ni Shirley na iginagalang maging ni Kyle ang lalaki sa kaniyang tabi. At ngayon ay nagawa niyang banggain si Benjamin nang dahil sa kaniyang ginawa. “Ano pang itinatayo tayo mo riyan? Dalian mo nang uminom ng tatlong baso bilang paghingi ng tawad kay Mr. Blackwood.” Parang naging isang pagsalba kay Shirley ang nasa timing na pagsali ni Nina sa usapan. Mabilis na inayos ni Shirley ang kaniyang sarili bago niya linisin ang table at ipagsalin ang kaniyang sarili ng isang baso ng vodka. Itinaas niya ito bago niya harapain si Benjamin para magsalita gamit ang sincere at mahina niyang boses. “Sir, humihingi po ako ng tawad sa kabastusang ipinakita ko kanina. Hayaan niyo po akong tumbasan ang aking ginawa sa pamamagitan ng paginom ng tatlong baso ng alak na ito.” Wala namang sinabi na kahit ano si Benjamin at sa halip ay kinuha lang nito ang kaniyang kubyertos para maglagay ng pagkain sa plato ni Damian. Pero hindi naman natuwa rito ang bata. Galit itong tumingin kay Benjamin habang mahigpit na nagsasara ang payat nitong mga kamao. Nagalit ang bata nang makumbinsi nito ang kaniyang sarili na inaapi ng dalawa si Shirley. “Sir.” Itinaas ni Shirley ang kaniyang baso hanggang sa isang patak na lang ng vodka ang dumulas sa rim ng baso. Nang matapos siya sa paginom ng tatlong baso, naramdaman niya na parang nagaapoy ang kaniyang tiyan, kumalat ang init sa kaniyang katawan na nagresulta sa pamumula ng kaniyang balat na nagpakita sa kaakit akit nitong itsura na hindi matitiis ng kahit na sino. Mula noon, umiinom si Shirley para kay Benjamin sa bawat sandaling nakikipagtoast si Kyle dito. At nang matapos ang hapunan, umikot na ang kaniyang ulo. Hindi na naging maayos ang kaniyang paglalakad matapos niyang maramdaman na para bang naglalakad siya sa ere. Mabuti na lang at natapos na rin ang dinner. Habang paalis silang lahat, tinapik ni Nina ang balikat ni Shirley. “Alam mo na ngayon kung kanino ka dapat lumapit, tama? Magdadaos ang pamilya Blackwood ng isang banquet bukas ng gabi. Umaasa ako na makikita kita roon.” Kinapa niya ang kaniyang bag para maglabas ng isang invitation na kaniyang inipit sa kamay ni Shirley. “Hanggang dito na lang ang maitutulong ko sa iyo. Ikaw na ang bahalang gumawa ng paraan sa susunod.” Pinanood ni Shirley ang papalayong imahe ni Nina bago niya buksan ang imbitasyon. Isa itong birthday banquet para kay Damian bukas ng gabi. Benjamin Blackwood? Maaari kaya na ang lalaki kanina ay ang kilalang demonyo ng pamilya Blackwood, ang lalaki na magpapanginig sa kahit na sino? Dito na naglakad papasok si Brook. Nataranta ang itsura nito nang malanghap niya ang matapang na amoy ng alcohol mula kay Shirley. “Shirley, bakit ka naman uminom nang husto?” “Okay lang ako,” Mahinang sagot ni Shirley. Sinubukan niyang ipasok ang invitation sa kaniyang bag pero agad itong inagaw sa kaniya ni Brook. Nang makita niya ang mga laman nito, agad na nagdilim ang mukha ni Brook. “Sinusubukan mo ba talagang umattend sa birthday banquet na ito?” Biglang naisip ni Shirley si Damian na sumusulyap sulyap sa kaniya kanina. Dito na nagpakita ang isang ngiti sa maganda niyang mukha habang dahan dahan siyang tumatango sa kaniyang kinatatayuan. Ngayong itinuro na sa kaniya ni Nina ang tamang daan, dapat na niya itong subukan. Agad na naginit ang ulo ni Brook sa naging sagot ni Shirley. “Kilala mo ba talaga kung sino si Benjamin Blackwood? Alam mo ba kung tungkol talaga saan ang birthday banquet na ito? At gusto mo pa ring pumunta roon?” Nagtatakang napakurap sa kaniya ang tipsy na si Shirley. Nagpakita ng pagkaapi ang malaki at matubig niyang mga mata habang nagmumukha naman siyang maganda at maselan sa namumula niyang mga pisngi. Nang maharap siya siya napakaselang si Shirley, agad na nawala ang galit sa mukha ni Brook. Huminga siya nang malalim bago siya magpaliwanag, “Gawa gawa lang ng ilang mga bored na matatandang babae ang banquet bukas. Iimbitahan nila lahat ng mga single na lalaki at babae na papasok sa kanilang requirements mula sa prominenteng mga pamilya sa Elderstone.” Sa madaling salita, isa itong napakalaking matchmaking event na inoorganisa ng mayayamang pamilya. “Kung ganoon ito pala ang ibig sabihin ni Nina!” Kahit na tipsy si Shirley, nanatili pa ring matalas ang kaniyang pagiisip. Sinira ni Samuel ang kanilang engagement. Nasa coma pa rin ngayon si Owen. At mula noong isilang si Shirley, hindi pa rin nagpapakita si Rachel sa publiko na dalwang dekadang nanahimik at nagretire. Kaya kahit na gustong gusto ni Rachel na tumulong sa kumpanya, wala siyang kakayahan na gawin ito. At ngayong nakaupo ang kanilang pamilya sa bilyon bilyong dolyar na kayamanan, maraming tao ang titingin sa kanila na parang mababangis na hayop sa gubat. Kahit na maresolba pa nila ang kasalukuyan nilang problema ngayon, sino nga ba ang makapagsasabi kung anong klase ng problema ang kanilang kahaharapin sa hinaharap? At si Benjamin, sa kabila ng walang awa nitong reputasyon, nagawa nitong umangat sa Elderstone sa nakalipas na mga taon. Wala na ring makakapantay sa hawak nitong Blackwood Group. Kaya sa halip na umasa siya kay Kyle para resolbahin ang pansamantalang krisis ng kaniyang pamilya, hindi ba mas nakabubuti na humanap siya ng lalaki na tuluyang tatapos sa problema ng pamilya Weiss? Pero ayaw ni Shirley na ibenta ang kaniyang sarili para magpakasal sa isang lalaki na hindi niya kilala kahit na gaano pa kalawak ang kapangyarihan nito. Nang makita niya ang pananahimik ni Shirley, inakala ni Brook na aattend pa rin ito sa banquet. Kahit na ayaw niyang saktan si Shirley, kailangan niya pa rin itong balaan. “Hindi pa natatapos ang sitwasyon ninyo ni Samuel. Hinihintay lang ng lahat na pagmukhain mong mangmang ang iyong sarili. Siguradong paguusapan at magiging katatawanan ka ng buong siyudad sa sandaling pumunta ka roon bukas.” Bilang pinakaprominenteng socialite ng Elderstone, palaging kinaiinggitan si Shirley nang dahil sa walang kapantay niyang background, makapigil hininga niyang itsura at sa dating perpekto niyang fiancé na si Samual. Palagi siyang nagiging sentro ng paghanga at inggit ng mga tao—isa siyang standard na hindi maaabot ng kahit na sino. Pero ngayon, sinira na ni Samuel ang kanilang engagement at kasalukuyan pa ring walang malay si Owen. Gaano karaming tao ba ang naghihintay sa napipinto niyang pagbagsak? Gaano karaming babae ba ang naghahanda na kunin ang titulo niya bilang nangungunang socialite ng Elderstone? Sa sandaling umattend si Shirley ng isang matchmaking event na nasa likod ng isang birthday party, para na rin niyang binigyan ng bala ang mga taong naninira sa kaniya para ipahiya siya sa buong siyudad. Hindi na kailangan pang ipaalala ni Brook ang walang awang pakikipaglaro ng mga babae. Alam ni Shirley ang lahat ng tungkol sa pakikipaglaban sa tuktok ng lipunan. Pagkatapos ng mahaba niyang pananahimik, sumagot si Shirley ng, “Brook, sumunod ka sa akin papunta sa Manor ng mga Clay.” Mula noong macoma si Owen, walang tigil na kinakalampag ng mga nangungunang shareholder ng kumpanya sina Shirley at Rachel. Sinabi ng mga ito na hindi nila magagawang mabuhay ng kanilang kumpanya nang walang lider nang kahit na isang araw kaya nagpumilit sila na maglagay ng isang acting CEO na pansamantalang hahawak sa posisyion ni Owen. At ang taong nasa kanilang isip? Si Wayne. Agresibo si Wayne na itake over ang Weiss Group at wala ring kasing sama ang mga taktika na ginagamit nito para makuha ang kaniyang gusto. Dalawang araw na ang nakalilipas. Kung hindi pa kikilos si Shirley, natatakot siya na baka umabot na si Wayne sa punto na kung saan magagawa na nitong manakit ng isang inosenteng bata. Habang naglalakad sila sa hallway, tumama ang paningin ni Shirley sa tatlong pamilyar na mga mukha. Mga malalapit na kaibigan ni Samuel ang mga ito. Nakaipit sa kanilang mga labi ang kanikanilang mga sigarilyo habang dahan dahang umaangat ang usok ng mga ito sa ere. Narinig nyia ang usapan ng tatlo na para bang nagrereklamo ang mga ito. “Bakit ba napakasensitive ng babaeng iyon? Hindi nagawa ni Shirley na magreklamo tungkol sa atin. Sigarilyo lang naman ito. Iniisip ba niya na mas mataas siya kaysa sa nangungunang socialite ng siyudad?” Nakaramdam si Shirley ng sakit sa kaniyang puso. Nagawa na bang ipakilala ni Samuel si Sophie sa kaniyang mga kaibigan? Natagalan noon si Shirley para bumagay sa social circle ni Samuel. Hindi nito nagawang ipakilala siya sa mga kaibigan nito gaya ng ginawa niya ngayon kay Sophie.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.