Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 8

Nang makaalis si Nina at ang grupo ng mga bodyguard sa kaniyang likuran, agad na umingay ang buong lobby. Naging abala ang lahat sa paggawa ng ispekulasyon tungkol sa pagkatao ni Benjamin. Agad na nakuha ng isang lalaki na nabalot ng kagwapuhan at ng aura nito nap uno ng awtoridad—na siya ring personal na sinalubong ni Nina—ang interes ng lahat. Napasimangot si Brook nang makita niya ang pagkawala sa malayo ng matangkad at hindi mapapantayang imahe ng lalaking iyon. Benjamin Blackwood. Isa itong pangalan na nagdadala ng takot sa buong business world ng Elderstone. Kilala siya sa walang awa niyang mga pamamaraan at wala rin siyang pakialam sa pagbuo ng koneksyon sa kahit na sinong pamilya. Isa siyang lalaki na nagiiwan ng peklat sa sinumang makakalaban niya. Maging ang nakatatandang kapatid ni Brook na si Cole Gray ay nakatanggap ng ilang mga suntok mula sa kaniya. Hindi napansin ni Shirley ang nagdidilim na mukha ni Brook nang hilahin niya ang braso nito para sabihan ito na sundan si Benjamin. Hindi nagtagal ang mga tao sa lobby para makilala sina Shirley at Brook. Hindi naiwasang magsalita ng isa sa kanila, “Grabe ang araw na ito! Noong una ay nakita natin ang nangungunang heartthrob ng Elderstone na si Samuel Moore, at pagkatpaos ay nakita naman natin ang makasaysayang si Nina Gale, at ngayon ay nandito naman ang nangungunang socialite ng siyudad na si Shirley Weiss kasama ng kilalang playboy na si Brook Gray. Napakasuwerte ko talaga ngayong araw!” Si Samuel? Nandito siya ngayon sa Valiant Lounge? Nang marinig niya ang pangalang iyon, napatingin si Brook kay Shirley. Naging composted ang mukha nito habang nagpapakita ito ng panlalamig at kawalan ng pakialam. Pero malayo ito sa napakahigpit nitong pagkakahawak sa kaniya. Mayroong panahon na kung saan nagdadala ang pangalan ni Samuel ng ngiti sa kaniyang mga labi. Pero ngayon, para na itong isang kutsilyong sumasaksak sa kaniyang puso. Ayaw nang marinig ni Shirley ang pangalang iyon. Hindi ngayon. At hindi kailanman! Habang humahakbang sila papasok sa elevator na may kakayahang magdala ng 20 katao, nakalusot sina Shirley at Brook sa mga bodyguard ni Nina. Nakakasakal ang hangin sa paligid habang napapatingin ang lahat sa kanila. Maging si Nina ay nasurpresa sa ginawa ng dalawa. Nang dahil sa walang kapantay nilang presensya, napakadalang para sa kahit na sinong sumabay sa kanila sa elevator. Pero nakita ito ni Shirley bilang oportunidad na hindi niya dapat palampasin. Agad siyang kumilos palapit kay Nina, pero agad na umabante ang isa sa mga bodyguard nito para harangan siya sa kaniyang daraanan. Malinaw sa naging itsura nito na dapat siyang lumayo kay Nina. Si Shirley ang pinakanirerespetong babae sa Elderstone at ilang beses na rin siyang nakakita ng ganitong klase ng mga sitwasyon. Hindi siya natigilan habang nagpapakita siya ng magalang na ngiti bago tumama ang kaniyang paningin kay Nina. “Ms. Gale, naaalala mo pa ba ako?” Mabilis na umangat ang nakasandal na ulo ng bata nang marinig niya ang boses ni Shirley. Agad na nawala ang pananamlay nito habang idinidiretso niya ang maliit niyang katawan, agad na nagfocus ang nagliliwanag niyang mga mata kay Shirley. Napansin ni Benjamin ang reaksyon ng kaniyang anak kaya bahagya siyang napasimangot dito. Ilang segundong inobserbahan ni Nina si Shirley bago ito tumango. Naging mahinahon ang tono ng kaniyang boses nang magtanong siya ng, “Ms. Weiss, nandito ka rin ba para makita si Kyle?” Alam niya? Hindi ito inasahan ni Shirley kaya agad na nagpakita ng pagkasurpresa ang kaniyang mukha. Pero walang pakialam na ngumiti sa kaniya si Nina. “Narinig ko ang tungkol sa sitwasyon ng pamilya Weiss. Pero hayaan mong sabihin ko sa iyo ang bagay na ito—hindi ka matutulungan ni Kyle sa problema ninyo.” Agad namang bumagsak ang dibdib ni Shirley. “Bakit naman hindi?” Naging maganda naman ang mood ni Nina kaya walang pakialam itong sumagot ng, “Binisita ni Wayne si Kyle tatlong araw na ang nakalilipas. Napagdesisyunan ni Kyle na huwag mangialam sa mga problema ng pamilya Weiss.” Nagawa nang makipagkita ni Wayne kay Kyle para makipagkasundo rito na nangangahulugang hindi na nito matutulungan pa ang pamilya Weiss. Bumagsak dito ang puso ni Shirley. Namutla ang kaniyang mukha habang nauubos ang natitirang pagasa sa kaniyang mukha. Ngayong wala na sa usapan si Kyle, dalawang bagay na lang ang maaari niyang gawin—magreport sa mga awtoridad o tiisin ang mga pagbabanta at pananamantala ni Wayne sa kanila. Pero hindi siya matutulungan ng mga pulis sa kaniyang problema. Nakataya rito ang buhay ni Megan at kasalukuyan pa ring walang malay si Owen sa ospital. Siguradong mawawasak ang ina niyang si Rachel sa sandaling may mangyari sa nakababata niyang kapatid. Habang bumubukas ang mga pinto ng elevator, tumingin pabalik si Nina kay Shirley. “Ms. Weiss, hindi kailanman nagbabago ang isip ni Kyle sa sandaling makapagdesisyon na siya, at ayaw ka rin niyang makita. Dapat ka nang maghanap ng ibang tao na makakatulong sa iyo.” Mabilis na tumakbo ang isipan ni Shirlay habang dali dali niyang kinukuha ang oportunidad na ito. “Ms. Gale, pakiusap, makakatulong nang husto ang anumang advice na maibibigay mo sa akin. Sisiguruhin ko na makakatanggap ka nang malaki para rito.” Bahagyang kumislap ang mga mata ni Nina sa perpektong mukha ni Benjamin bago siya nakangiting sumagot ng, “Pasensya na pero wala na akong magagawa sa pamilya mo.” Dito na siya tumalikod para magbigay daan kay Benjamin at sa anak nito na si Damian Blackwood. Nawala sila sa corridor habang nagsasara ang pinto papasok sa elevator. Sumugod paabante si Shirley pero agad siyang hinarang ng isa sa mga bodyguard. “Ms. Weiss, manatili lang po kayo rito.” Nang makita niyang nanatili si Shirley sa kaniyang kinatatayuan, hinatak ni Damian ang manggas ni Benjamin habang nakatitig nang husto ang mga mata nito sa dalaga. Tumingin naman pababa si Benjamin kay Damian. Binalewala niya ang tahimik na pagmamakaawa ng mga mata nito habang walang pagaalinlangan siyang bumababa ng elevator. Habang paliit nang paliit ang imahe ni Shirley sa mga mata ng bata, mas tumindi ang nararamdaman frustration ni Damian. Hinila niya nang husto ang kwelyo ni Benkamin habang determinado niya itong tinitingnan sa mga mata. At nang mawala ang imahe nina Benjamin, Nina at ng kaniyang mga bodyguard papasok sa private suite sad ulo ng hallway. Isang hilera ng mga bodyguard ang pumwesto sa labas ng pinto na parang isang hindi mapapantayang pader. Natitigilang tumayo roon si Shirley habang tumatakbo ang iba’t ibang bagay sa kaniyang isipan. Naglakad palapit sa kaniya si Brook, nasaktan siya nang makita niyang desperado si Shirley. “Bumalik na tayo. Magiisip tayo ng bagong plano mamaya.” Pagkatapos ng isang mahabang sandali ng pananahimik, nagsalita na rin si Shirley, “Hindi, gusto akong tulungan ni Nina kanina. Hindi lang siya makapagsabi ng kahit na ano dahil maraming tao sa paligid kanina.” Inalala niya ang sandaling iyon sa kaniyang isipan. Bago siya tanggihan ni Nina, tumingin muna ito sa lalaking iyon na para bang sinasabi niya kay Shirley ang isang bagay. Dito na biglang itinaas ni Shirley ang kaniyang paningin kay Brook. “Ang ama ng batang iyon—kilala mo ba siya?” Nagdalawang isip si Brook bago siya mahuli ni Shirley. Nakikilala niya siyempre si Benjamin. Pero isang walang awang lalaki si Benjamin na nagpapakita ng kalupitan sa kahit na sino. Ayaw ni Brook na mapasama si Shirley sa ganito kapanganib na lalaki kaya agad niyang iniling ang kaniyang ulo. “Hindi, hindi ko siya kilala.” Nakaramdam ng pagkadismaya si Shirley sa kaniyang narinig. Sa tuktok ng lipunan sa Elderstone, hindi niya masasabing kilala niya ang bawat bilyonaryo rito, pero nagawa niyang makilala ang hindi bababa sa 80% ng mga ito. Para sa isang tao na hindi nila makilala ni Brooke, siguradong hindi nagmula rito ang lalaking iyon. Habang iniisip niya ang susunod niyang hakbang, muling bumukas ang pinto sa dulo ng hallway. Nagpakita ang kaakit akit na imahe ni Nina habang tumatama ang paningin nito kay Shirley. “Brook, mukhang mayroon pa tayong tiyansa.” Nagpakita nang bahagya ang isang ngiti sa namumutlang mukha ni Shirley habang nagliliwanag na parang mga bituin ang malinaw niyang mga mata. Masyadong makapigil hininga ang kaniyang ganda na nagpatigil ng isang sandali kay brooke. Hindi na nito pinansin ang kaniyang ikinikilos nang dali dali siyang nagpunta kay Nina. “Ms. Gale.” Nagpakita ng tila nangaakit na ngiti ang kulay crimson na mga labi ni Nina. “Sinuwerte ka dahil mayroong pumayag na magpapasok sa iyo. Tandaan mo na dapat kang sumunod sa akin sa sandaling makapasok tayo roon.” Pagkatapos ng ilang sandali, humakbang si Shirley papasok sa isang malaki at pribadong kuwarto. Isa itong marangya at napakagandang suite. Ang bawat piraso ng furniture at dekorasyon nito ay nagpakita ng pagkaelegante. Makikita sa gitna ng suite ang isang bilog na dining table kung saan nakaupo ang dalawang babae at isang bata. Ang dalawang lalaki na ito ay walang iba kundi sina Kyle at Benjamin. Masyadong naging kahanga hangan ang presensya ng mga ito dahil sa guwapo nilang mga mukha at mga aura nilang puno ng awtoridad. Para na silang nasa loob ng isang masterpiece na painting kung hindi lang dahil sa nanlalamig nilang mga aura. Sinubukang sundan ni Brook si Shirley papasok pero agad itong hinarang ng mga bodyguard. Agad na humarap si Shirley kay Brook para bigyan ito ng isang naninigurong tingin bago magsara ang pinto sa kaniyang likuran. Naglakad si Nina kay Kyle bago niya bigyan ng pasimpleng tingin si Shirley para sabihan ito na tumayo sa likuran ni Benjamin. Walang pagaalinalangan namang lumipat si Shirley papunta sa tabi ni Benjamin. Natigilan si Damian na nakaupo sa tabi ni Benjamin, nanigas ang maliit niyang katawan na parang isang nagulat na rabbit. Hindi niya nagawang iharap ang kaniyang ulo pero walang tigil na sumulyap ang kaniyang mga mata kay Shirley, makikita ang paghanga niya sa kagandahan nito. Binigyan ni Kyle si Shirley ng isang pangkaraniwang tinign bago bumalik ang kaniyang paningin kay Benjamin kasabay ng bahagyang pagngiti ng kaniyang mga labi. “Ako ang iinom sa unang round. Take your time.” Dito na itinaas ni Kyle ang hawak niyang baso ng vodka bago niya ito ubusin ng isang lagukan. Mabilis namang sumulyap si Nina kay Shirley bago siya yumuko para punuin ang baso ni Kyle. Naging malinaw ang gusto nitong iparating—gusto niyang uminom si Shirley para kay Benjamin. Napansin ni Shirley ang hindi pa nagagalaw na baso ng vodka sa harapan ni Benjamin. Bahagya siyang nagdalawang isip dito habang nakakunot ang kaniyang noo. Nasanay na siya sa paginom ng red wine pero hindi pa siya nakakatikim ng malakas na alak gaya ng vodka. Pero sa kabila ng kaniyang pagdadalawang isip. Dali dali niyang inabot ang baso. Kasabay nito ang paggalaw ni Benjamin sa kaniyang kamay para abutin ang inaabot na baso ni Shirley. Mas naging mabilis si Shirley. Sumara ang payat niyang mga daliri sa paligid ng baso nang humawak sa ibabaw ng kaniyang kamay ang kamay ni Benjamin. Naging madulas at maselan ang kaniyang balat habang payat pero hindi naman mukhang mahina ang kaniyang kamay.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.