Kabanata 10
Inakala ni Shirley na ginagawa lang ito ni Samuel nang dahil sa kaniyang pride. Siguradong nakaramdam siya ng inferiority nang dahil sa napipinto niyang estado bilang isang manugang na ikinasal sa pamilya Weiss.
Ayaw niyang makaramdam ng awkwardness si Samuel kaya gumawa siya ng paraan para makumbinsi ang kaniyang mga magulang na siya ang ikasal sa pamilya ni Samuel para hindi ito tumira sa kanilang tahanan.
Pero naramdaman niya na para siyang isang mangmang nang maisip niya ang tungkol dito.
Abala sa pagrereklamo sina Marley Manson, Wyatt Thompson at Nile Young kaya hindi nila napansin ang dalawa hanggang sa maglakad ang mga ito malapit sa kanila.
"M-Ms. Weiss…"
Si Marley ang naunang nakapansin sa paglapit ni Shirley. Hindi siya makapagsalita nang makita niya ito.
Agad na napaharap sina Wyatt at Nile kay Shirley nang marinig nila si Marley. Nagpakita ng awkwarness ang kanilang mga mukha habang iisa silang bumabati ng, “Ms. Weiss.”
Kasabay nito ang pagdating ni Samuel. Kasalukuyan na nitong kasama si Sophia.
Nang malanghap niya ang usok ng sigarilyo sa labas, agad na tinakpan ni Sophia ang kaniyang ilong habang umuubo siya nang malakas. Makikita na parang babagsak ang kaniyang katawan sa bawat pagubo na kaniyang ginagaw.
Ipinulupot ni Samuel ang kaniyang kamay sa payat na baiwang ni Sophia bago siya naiinis na kumunot sa tatlo. “Hindi ba kayo puwedeng manigarilyo sa ibang lugar?”
Natigilan sa pagsasalita si Samuel nang makita niya ang eleganteng pagtayo roon ni Shirley.
Shirley? Bakit siya nandito?
Naging kalmado ang itsura ni Shirley. Napatigil siya habang tinitingnan niya ng isang sandali si Sophia. At pagkatapos ay humarap siya sa tatlo para nanlalamig na sabihing, “Ang babaeng ito na ang bago ninyong ‘Ms. Weiss.’ Huwag na kayong magkakamali sa susunod.”
Masyado itong nakakagulat. Isang linggo pa lang ang nakalilipas, magkasintahang puno ng pagmamahal pa ang dalawang ito. Muntik na silang maging magasawa. Pero pagkalipas lang ng isang linggo, makikita na nila si Samuel na may kaakbay na ibang babae. Agad na nagbago ang relasyon nina Samuel at Shirley mula sa pagiging magkasintahan papunta sa hindi magkaano ano.
Masyado nga talagang mapaglaro ang tadhana.
Mabilis na binawi ni Shirley ang kaniyang paningin bago siya pumasok sa elevator nang hindi tumitingin sa kaniyang likuran.
Natigilan ang tatlo bago sila mapatingin kay Samuel.
Bahagya namang nakanguso ang mga labi ni Samuel habang hindi mabasa ang kaniyang itsura.
…
Nang makaalis siya sa Valiant Lounge, nagpunta si Shirley sa manor ng mga Clay.
Habang nasa daan, binilhan siya ni Brook ng gamot sa hangover. Malapit na siyang mahilo nang biglang mawala ang tama ng alak sa kaniyang katawan.
Nang makarating sila sa manor ng mga Clay, isang sa mga kasambahay nito ang kumapkap sa kaniyang katawan. Kinuha nito ang kaniyang bag at phone.
Pagkatapos ng ginawa nitong pagkapkap, nagawa nang makaharap ni Shirley si Wayne.
Isa siyang mataba at middle aged na lalaki. Naging mabait ang kaniyang ngiti kaya naisip ni Shirley na isa itong mabuting tao. Pero naramdaman niya na para siyang mangmang ngayon. Para isipin na iginagalang niya ito ng napakaraming taon.
Mabait siyang tiningnan ng nakangiting si Wayne. “Shirley, nandito ka na rin sa wakas! Maupo ka. Uutusan ko silang ipaghanda ka ng kape.”
“Hindi na kailangan. Nasaan si Megan?”
Hindi na nagpaligoy ligoy pa si Shirley.
“Masyado nang maiksi ang pasensya ng mga kabataan ngayon. Sinabi na ito sa iyo ng mom mo hindi ba? Dala mo ba ang bagay na kailangan ko?” Tawa ni Wayne.
Kalmado namang sumagot si Shirley ng, “Pareho kaming may 10% na share sa kumpanya ni Mom. At sa sandaling mabili mo ang mga ito, ikaw na ang pinakamalaking shareholder ng kumpanya. Magagawa mo ba talaga itong ihandle?”
Isang malaking kumpanya ang Weiss Group kaya hindi na kataka taking umabot ng higit sa dalawang bilyong dolyar ang 20% ng mga share nito.
Habang nahaharap sa matalas na pagtingin ni Shirley, nakangiting sumagot si Wayne ng, “Pamilya tayo, Shirley. Masyadong masakit para sa akin na pagusapan ang pera sa mga sandaling ito. Ang halagang ito…”
Napatigil si Wayne na nagpakita ng panlalamig sa kaniyang ngiti. “Mas mahalaga pa ba ito kaysa sa buhay nina Owen at Megan?”
Isa itong uri ng pagbabanta.
Suminghal naman dito si Shirley. “Kung ayaw mong pagusapan ang pera, iniisip mo ba na makukuha mo ito nang libre?”
“Shirley, hawak pa rin ni Owen ang 20% ng kumpanya. At kung titingnan ang annual dividend na kaniyang matatanggap, siguradong mapapanatili ng pamilya mo ang karangyaan ng inyong mga buhay habang gumagastos ka sa mga bagay na gusto mong paggastusan.”
Nagpakita ng nagaalala at nagcacare na itsura si Wayne na para bang nagbibigay siya ng konsiderasyon kay Shirley.
“Wala pa ring malay si Owen. Sira na ang relasyon ninyong dalawa ni Samuel at wala kang alam sa pagpapatakbo ng kumpanya. Kaya bakit mo pa kailangang hawakan ang malaking bahagi ng mga share ng kumpanya? Hindi ka dapat maging sakim.”
“Sumosobra ka na, Wayne Clay!”
Paano nito nagawang magkaroon ng lakas ng loob para magsabi ng ganitong klase ng bagay?
Tumawa naman si Wayne habang binabalewala nito ang galit ni Shirley. “Nakahanap na ako ng lalaking babagay sa iyo. Huwag kang magalala dahil guwapo rin naman siya. At ngayong nandito ka na rin naman, bakit hindi mo pa siya kilalanin?”
Nang masabi niya iyon, isang lalaki na nasa kaniyang 30s ang naglakad palapit.
Nakasuot ito ng pormal habang nakasuklay nang maayos ang kaniyang buhok. Nagpakita siya ng impresyon na isa siyang business professional.
“Bennett?”
Agad itong nakilala ni Shirley.
Siya ang financial manager ng kumpanya na si Bennet Faust. Isa itong tao na pinagkakatiwalaan nang husto ni Owen. Para isipin na kasabwat ito ni Wayne!
“Tama! Hindi ko inasahan na maaalala mo pa rin ako, Ms. Weiss!”
Mukhang nasabik dito si Bennet. Nang makita niya ang naiinis na tingin ni Shirley, hindi na niya napigilan pa ang nararamdaman niya sa kaniyang dibdib.
Dito na sinabi ni Wayne na, “Shirley, matagal ka nang tinitingala ni Bennett. Masipag at may kakayahan din ito sa pagpapatakbo ng negosyo. Nagawa siyang purihin maging ni Owen. At ngayong walang malay si Owen sa ospital, sigurado ako na hindi ka mabubuhay nang walang lalaki sa inyong tahanan. Ako na ang bahala rito dahil binibigyan na kita ng basbas para pakasalan si Bennet.”
“Paano mo nagawang sabihin ang mga ganitong klase ng bagay, Wayne?”
Mahigpit na isinara ni Shirley ang kaniyang mga kamao habang pinipigilan niya ang kaniyang galit. Nanlalamig nitong sinabi na, “Iniisip mo ba na magagawa mo ang lahat ng gusto mo dahil hawak mo si Megan? Huwag mo akong mamaliitin. Hintayin mo ang gagawin ko!”
Nang masabi niya iyon, agad siyang tumalikod para umalis.
Bago siya magpunta sa manor ng pamilya Clay, nakahanda na siyang makipagkompromiso kung hindi sosobra si Wayne sa kaniyang mga gusto. Para ito sa ikabubuti nina Owen at Megan.
Pero masyado siyang naging inosente. Sa sandaling maging ganito na kasakim ang isang tao, wala ng limitasyon na tinitingnan ang mga ito.
Hindi lang 20% ng share ang gusto ni Wayne. Gusto niyang hawakan maging ang buong yaman ng pamilya Weiss. At sa sandaling pagbigyan niya ito, hindi ito titigil hanggang sa maubos ang yaman ng kanilang pamilya.
Hinding hindi niya hahayaang mangyari ito sa kaniyang pamilya.
Dito na niya narinig ang iyak ng isang sanggol sa kaniyang likuran na nagpatigil sa paglalakad ni Shirley.
Ito ay walang iba kundi ang kapatid niyang si megan na umiiyak. Buong linggong kasama ni Shirley si Megan kaya sigurado siya na kapatid niya ito.
Agad na napatalikod si Shirley. Ano ang ginagawa nila kay Megan?
Kalmadong itinago ni Wayne ang kaniyang phone bago niya ipalakpak ang kaniyang mga kamay.
Isang lalaki ang lumapit dala ang isang napakagandang box.
“Shirley, huwag mong subukan ang pasensya ko. Tingnan mo ang regalo kong ito at pagisipan mo ang naging sagot mo.”
Habang sinasabi niya iyon, nagbigay sa kaniya ng isang tingin si Wayne.
Dinala ng lalaki ang box kay Shirley.
Hindi na naging maganda ang pakiramdam niya sa box na ito habang tinitingnan niya ang laman nito.
Nang buksan ng lalaki ang box. Agad na nabalot ng takot ang mga mata ni Shirley matapos niyang makita ang laman nito.
Isa itong maliit na kamay—isang kamay ng sanggol.
Tumutulo pa ang dugo mula sa kamay na nasa loob ng box pero sa sandaling tingnan niya ito nang maigi, napagtanto niya na isa lang itong cake na may hugis kamay. Sapat na ito para mawalan ng gana sa pagkain ang kahit na sino.
Tinanggal na rin ni Wayne ang pekeng ngiti sa kaniyang mukha habang mabagsik niyang tinitingnan si Shirley.
Nagutos ito ng, “Manatili ka rito ngayong gabi para makasama mo si Bennet. Ihahanda ko ang kasal ninyong dalawa sa loob ng dalawang araw. Hindi ko sasaktan ang pamilya mo sa sandaling sumunod ka sa gusto ko. Pero kung hindi, gagawin ko nang totoo ang laman ng kahon na iyan.”
Manatili rito ngayong gabi para makasama si Bennett?
Suminghal dito si Shirley.