Kabanata 7
“Hindi ito katanggap tanggap!”
Tumalas ang maselang mukha ni Shirley sa tindi ng kaniyang galit habang nagsasara nang husto ang kaniyang mga kamay. “Tatawag ako ng pulis. Hindi ko hahayaan na makatakas sila sa kanilang ginawa.”
Iniling naman ni Rachel ang kaniyang ulo. “Hindi ito makakatulong. Wala tayong ebidensya at nasa kamay din nila ang kapatid mo. Mas magiging agresibo lang sila sa sandaling tumawag tayo ng mga pulis.”
“Kung ganoon, ano na ang dapat nating gawin?” Hindi magawang sumuko rito ni Shirley. Pinaghirapan ng kaniyang mga magulang ang kumpanyang iyon.
Kaya paano niya magagawang hayaan ang sinuman na makuha ito sa kanila?
Ano na lang ang sasabihin niya sa sandaling magising ang kaniyang ama at magtanong tungkol dito?
At kung hindi na magigising pa si Owen… wala nang magagawa si Shirley kundi tanggapin ito.
Pero isang linggo pa lang ang nakalilipas!
Isang walang utang na loob na traydor si Wayne. Saan na kaya ito pupulutin ngayon kung hindi nagmabuting loob si Owen na bigyan siya ng disenteng trabaho ilang taon na ang nakalilipas?
“Ano bang magagawa natin? Nasa kamay nila ang kapatid mo. Masyado pa itong bata. Paano siya makakaligtas sa sandaling itorture siya ng mga ito?”
Wala nang nagawa si Rachel kaya nanginig nang husto ang kaniyang katawan. Mukhang malapit na siyang magbreakdown sa mga nangyari noong araw na iyon.
Nakaramdam si Shirley ng sakit sa kaniyang puso habang pinapanood niya ang nalalapit na pagbagsak ng kaniyang ina. Niyakap niya ang kaniyang ina bago niya namamaos na sabihing, “Huwag kayong magalala, Mom. Ibabalik ko po si Megan, at poprotektahan ko ang kumpanya ni Dad. Walang sinuman ang makakakuha sa bagay na para sa atin.”
Determinadong kinuha ni Shirley ang footage mula sa mga cctv ng ospital para ipadala sa kaniyang mga kaibigan at koneksyon para humingi ng tulong para makilala ang tao sa video. Nagpatawag din siya ng mas maraming security sa ospital para hindi na ito maulit.
Pero dalawang araw na ang nakalilipas at wala pa rin silang nakikitang kahit na anong bakas ni Megan. Namaga na kaiiyak ang mga mata ni Rachel habang tumatanda ng ilang taon ang kaniyang mukha.
Naramdaman ni Shirley na wala siyang magawa nang makita niya ang pagod na si Rachel. Dito na siya nakagawa ng isang desisyon. Agad niyang kinuha ang kaniyang phone para tawagan ang isang tao.
“Brook, samahan mo ako.”
Ang Valiant Lounge ay isa sa mga exclusive na venue sa buong Elderstone.
Nagpunta rito si Shirley para makipagkita sa isang tao—isa itong lalaki na nagngangalang Kyle Yoder. Isa siyang maimpluwensyang lalaki sa Elderstone, isang lalaki na nirerespeto ng mga tao sa business world at ng mga kriminal sa madilim na bahagi ng kanilang siyudad. Nagkaroon na rin sila ng ilang mga transaksyon ni Owen noon.
Umasa si Shirley na makukuha niya ang serbisyo ni Kyle sa malaking halaga para maayos ang kasalukuyang krisis sa pamilya Weiss.
Dinala sila ng elevator sa ikaanim na palapag. At habang bumubukas ang mga pinto, isang maliit na imahe ang bumagsak papasok. Naging mabilis ang reaksyon ni Shirley kaya agad niyang nasalo an gbata.
Hindi aabot sa apat hanggang limang taong gulang ang batang iyon na nakasuot ng puting T-shirt at checkered na shorts. Maselan din ang pangangatawan nito habang namumutla at malambot naman ang kaniyang balat. Nagkaroon siya ng maitim, magulo at kulot na buhok na bumabagay sa kaniyang itsura.
“Okay ka lang ba?” Hindi naiwasang mapangiti ni Shirley sa bata habang lumalambot ang tono ng kaniyang boses.
Gusto ng batang iyon na itulak si Shirley palayo pero agad siyang napatigil sa mahinhin nitong pagngiti. Agad siyang napatingin sa dark at malaki nitong mga mata na nagpatulala sa kaniya.
Nang makita niya na natakot ito, itinaas niya ang kaniyang kamay para hawakan ang malambot at kulot nitong buhok habang sinasabi na, “Huwag kang magalala, okay ka na ngayon.”
Hindi naman sumagot ang bata habang nakatingin ang malaki at nacucurious nitong mga mata sa kaniya.
Dito na niya narinig ang isang malalim at malaking boses sa ere. “Salamat.”
Mabilis na tumakbo palayo kay Shirley ang bata papunta sa anino ng isang matangkad na lalaking nakatayo malapit sa elevator.
Napatingin sa itaas si Shirley nang makita niya ang isang pares ng mabagsik at napakaitim nitong mga mata.
Hindi niya mahanap ang mga salita para mailarawan ang lalaking ito.
Nagtatanglay ng perfection ang kaniyang mukha na makapagpapatigil sa kahit na sinong babae—matatalim na kila, tumutusok na mga mata, matangos na ilong at mga labi na parang hindi totoo sa sobrang perpekto ng pagkakahulma rito. Para siyang inukit ng isang metikulosong iskultor na hindi nagiwan ng anumang kapintasan sa kaniyang katawan.
Pero ang kumuha sa kaniyang atensyon ay ang aura na bumabalot dito. Nagpakita ng walang katumbas na awtoridad ang kaniyang presensya na para bang isa siyang tao na nagtatanglay ng matinding kapangyarihan. Makikita rin ang karangyaan at pagkadominante ng lalaking ito—na para bang nagdedeklara ito na hindi siya isang pangkaraniwang lalaki na maaaring banggain ng kahit na sino.
Habang nagtatagal ang paningin ni Shirley sa kaniya, bahagyang kumunot ang kaniyang noo na nagpakita ng kaniyang pagkainis sa ginagawa nito. Agad niyang ihinarap sa malayo ang kaniyang mukha habang nagpapakita ng pagkaelegante ang kaniyang aura.
Nang mapagtanto niya ang kaniyang sarili, agad na inalis ni Shirley ang kaniyang tingin sa lalaki. Hindi siya nakaramdam ng hiya rito. Natigilan lang siya ng isang sandali sa itsura nito. Sabagay, isang natural na reflex ng tao ang paghanga.
Pero mayroon pa ring kakaiba sa presensya nito na naiwan sa elevator na nagpabigat ng hangin sa paligid. Dito na siya napalapit kay Brook na naglalayo sa kaniya sa lalaki.
Naging agresibo naman ang postura ni Brook, mabilis niyang nilagay ang kaniyang sarili sa gitna ni Shirley at ng lalaki, naging protective at possessive ang ipinakita niyang kilos sa dalawa na para bang kinatatakutan niya na baka angkinin ng lalaking ito ang isang bagay—o isang tao—na para sa kaniya.
Napansin ng lalaki ang mga ikinilos ni Brook bago magpakita ang isang nanglalait na ngiti sa nanlalamig niyang mga mata. Nabalot ng pagkainis ang ipinakita niyang tingin kayu Brook na para bang nakakatawa ang mga ginawa nito.
Pero hindi niya inasahan na napacute ng bata sa tabi ng lalaki. Walang tigil itong nagpasulyap sulyap kay Shirley. At nang makita siyang nakatingin nito, agad na namula ang kaniyang mga pisngi. Masyado itong sweet para hindi matawa ang sinumang makakakita sa bata.
Pero sa kasamaang palad, wala sa mood si Shirley para makipaglaro. Masyado nang matindi ang bigat sa kaniyang puso para ienjoy ang mga sandaling iyon.
Bumukas ang mga pinto ng elevator sa ika 38 na palapag ng building. Sina Shirley at Brook ang naunang humakbang palabas ng elevator.
Sa loob ng elevator, nagdilim ang paningin ng bata nang makita nito ang papalayong imahe ni Shirley. Pero bago pa man mabalot ng pagkadismaya ang buo niyang mukha, agad siyang kinarga ng lalaki. Dinala siya ng lalaki palabas ng elevator habang sinusundan nito sina Shirley at Brook.
Agad na nagliwanag ang mga mata ng bata. Agad itong tumutok sa imahe ni Shirley na para bang ito na ang pinakamagandang bagay na kaniyang nakita. Hindi matitinag ang kaniyang pagtingin at hindi rin nagawang kumurap ng kaniyang mga mata.
Napansin ng lalaki ang kakaibang kinikilos ngk aniyang ama nang magpakita ang pagkasurpresa sa matalas niyang mga mata. Napakabihira para sa batang ito na magpakita ng interes sa kahit na ano, o sa kahit na sino.
Sa grand lobby, naglakad sina Shirley at Brook papunta sa reception desk para tanungin ang kinaroroonan ni Kyle.
Samantala, isang napakagandang babae ang nagpakita sa kabilang banda ng lobby, naglakad ito papunta sa magama.
Masyadong makapigil hininga ang kaniyang kagandahan na nagpatigil sa buong lobby habang sabay sabay nilang tinitingnan ang paglapit nito. Makikita sa kaniyang likuran ang napakahabang pila ng isang dosenang mga matatangkad at matipunong mga bodyguard na gumalaw na parang isang hukbo na nasa perpektong formation.
Napansin ito ni Shirley nang hatakin niya ang manggas ni Brook. “Iyan si Nina Gale, siya ang kasintahan ni Kyle Yoder. Sundan natin siya. Dadalhin niya tayo kay Kyle.”
Nakita na ni Shirley si Nina noon.
Hindi makakalimutan—ang parang engkantadang ganda ni Nina na parang nagmula sa isang fairytale. May mga usap usapan na napakaefficient daw nito. Nagawa niyang hawakan ang napakalawak na emperyo ng mga establishment gamit ang bakal nitong kamay. Sa kabila ng kaakit akit niyang ganda, iilan lang ang nagkaroon ng lakas ng loob na bumangga sa kaniya.
Sa bawat sandaling maguusap ang mga tao tungkol kay Nina, hindi nila naiiwasang humanga rito. “Siya talaga ang babaeng inaasahan mo na magiging kasintahan ni Mr. Yoder.”
Tumayo si Nina sa harapan ng lalaking may karga sa bata. Naging malambot at mainit ang bosesn a ginamit nito na para bang isa siyang pusa. “Mr. Blackwood, hinihintay na po kayo ni Kyle sa private room. Inaasahan niya po kayo roon. Sundan niyo po ako.”
Sumagot naman ang lalaki gamit ang direkta at walang pakialam niyang hum. Hindi nagpakita ng kahit na kaunting emosyon ang kaniyang mukha pero agad pa rin siyang naging kapansin pansin maging sa mga kilalang tao sa lobby dahil sa napakataas niyang imahe at ang aura niya na puno ng awtoridad.
Natabunan si Nina ng natural at tahimik nitong awtoridad na para bang naging pangkaraniwan sa harapan ng lalaki.
Hindi na kagulat gulat na lumipat ang atensyon ng lahat mula sa makapigil hiningang kagandahan ni Nina papunta sa lalaki.
Parang wala siyang pakialam sa atensyon na kaniyang nakukuha nang dahan dahang ayusin ng lalaki ang kaniyang pagkakakarga sa kaniyang anak bago niya idikit ang ulo nito sa kaniyang dibdib para ilayo ito sa tingin ng mga tao sa paligid. Habang mahigpit na karga ang bata, naglakad siya paabante nang hindi tumitingin sa kahit na sino.
Sinundan naman siya ni Nina na nagpakita ng kakaibang kilos habang pinapaligiran siya ng kaniyang mga bodyguard.
“Sino ang lalaking ito? Masyadong mabigat ang pangalan ni Kyle sa buong Elderstone pero mas iginalang siya ni Nina kaysa kay Kyle. Nagawa niya rin itong tawagin bilang Mr. Blackwood… sino kaya ang isang ito?”