Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 6

Hindi kumportableng inilayo ni Samuel ang kaniyang paningin bago niya kalmadong sabihin na, “Hindi ka papayagan ng mga magulang mo na magpakasal sa akin. Isa akong lumpo.” Isang malaking hadlang sa kaniya ang kaniyang kapansanan na nagparamdam ng hindi mawawalang pagkabahala sa kaniyang dibdib. Isa itong bagay na nagpapaalala sa kaniya sa mga bagay na nawala sa kaniya. “Ano naman ngayon?” Naging direkta at determinado ang tono ng boses ni Shirley. “Samuel Moore, wala na akong pipiliin na kahit sino maliban sa iyo.” Sa unang pagkakataon, nagpakita ng emosyon ang kalmadong mga mata ni Samuel. Ano naman ngayon? Ito ba talaga ang sinabi niya sa kaniya? Hindi ba niya alam na nagbago ang tingin ng lahat nang maglakad ito papunta sa kaniya? Hinding hindi na makakatakas si Shirley sa pagtingin ng mga ito sa sandaling piliin niya si Samuel. Tumingin si Shirley sa binata na matagal na niyang iniisip bago niya itaas ang namumutla at maselan niyang kamay. “Tinatanggap mo ba ito?” Naging perpekto at maganda ang kaniyang mukha habang naging kasing itim naman ng gabi ang kaniyang mga mata na kuminang na parang mga mamahaling gem. Perpekto si Shirley pero hindi ito ang babae na gusto niyang makasama. Si Sophia ang babaeng pinakamamahal ni Samuel. Ito ang nagiisang tao na paglalaanan niya ng buo niyang buhay para maprotektahan. Magkasama silang lumaki at nagmahalan. Tinanggap ni Sophia ang nakamamatay na impact nang maaksidente siya. Iniligtas nito ang kaniyang buhay sa kabila ng pagkamatay ng kaniyang mga magulang. At ngayon ay nagawa itong ikulong ni Aaron sa malayo. Ginamit nito si Sophia bilang kasangkapan para mapagbantaan si Samuel, at wala ritong magawa na kahit ano si Samuel. Kakailanganin ni Samuel ang tulong ng pamilya Weiss at magagawa niya sa pamamagitan ng estado ni Shirley na magkaroon ng iba’t ibang oportunidad para mailigtas si Sophia. Tahimik siyang tumitig sa babae na nasa kaniyang harapan ng isang sandali bago niya itaas ang kaniyang kamay para hawakan ang malambot at maselan nitong kamay gamit ang malambot niya ring kamay. Nagpakita noong mga sandaling iyon si Shirley ng isang matamis at inosenteng ngiti. Masyado itong puro at nahihiya. Tatatak sa isipan ni Samuel ang ngiting ito habang buhay. Sa edad na 16 taong gulang, hindi naiintindihan ni Shirley na maaaring makapanlinlang ang itsura ng isang tao. Hindi isang anghel ang binatang nakatayo sa kaniyang harapan at hindi rin isang demonyo ang binatang nakita niya kanina. Pagkalipas ng ilang taon, paulit ulit na magrereplay ang bagay na iyon sa isipan ni Shirley. Paano kong pinili niya ang demonyo sa halip na ang anghel sa ilalim ng puno? Mapapaganda kaya nito ang kaniyang buhay? Pero higit sa lahat, nagawa ng kaniyang desisyon na magdulot ng pagmamahal at pagsisisi na babaunin niya habang buhay. Pagkatapos ng birthday party, naging regular si Samuel sa manor ng mga Weiss. Hindi naman siya tinrato nang masama nina Owen at Rachel nang dahil sa kaniyang kapansanan at sa halip ay itinuring nila ito bilang sarili nilang anak. Matalas at maagap na businessman si Owen, at isa rin itong mahusay na mentor. Dahil sa angking talent ni Samuel, mabilis niyang napickup ang mga bagay bagay. Nang sumapit ang ika 18 taong gulang ni Samuel, mas naging pino at tahimik siya kaysa sa kaniyang mga kasama. Nagpakita siya ng mahinahong aura na nahaluan ng pagiging masikap at mahaba niyang pasensya, at higit sa lahat, masyado siyang naging considerate kay Shirley. Pagkalipas ng dalawang taon, nakuha ni Samuel ang basbas nina Owen at Rachel. Nagdaos sila ng isang engrandeng engagement party para sa kaniya at kay Shirley nang sumapit ang ika 18 taong gulang niya. Para naman kay Shirley, hindi niya pinilit ang kaniyang sarili na pagaralan ang mga bagay na wala siyang interes. At sa libre niyang mga oras, mahilig siyang kumuha ng painbrush para magpinta ng kung ano ano—mula sa langit at lupa hanggang kay Samuel. Naging obsessed naman si Samuel sa extreme sports. Mukha siyang naging desperado sa pagpapatunay sa mundo na isa siyang normal na tao dahil kaya niyang gawin ang kahit na anong kayang gawin ng isang normal na tao. Nagawa pa niyang subukan ang mga bagay na hindi magagawang gawin ng mga pangkaraniwang tao. Ito ang dahilan kung bakit siya sinuportahan ni Shirley sa pagkawala niya sa kaniyang sarili. Skydiving, bungee jumping, scuba diving, surfing, horseback riding, shooting, snowboarding, at street racing… Umabot ito sa punto na kung saan naramdaman ni Shirley na naging mahusay siya sa lahat maliban na lang sa kaniyang academics. Umabot din sila siyempre sa mga sandali na kung saan sumobra at nagrebelde sila sa kanikanilang mga pamilya. Pero si Samuel ang sumalo ng lahat na nagalis sa pagkabahala ni Shirley. Nagresulta ito sa pagtindi pa lalo ng pagmamahal ni Shirley sa kaniya. Bago pa man niya makilala si Samuel, nakikita siya ni Shirley bilang isang puro at perpektong lalaki na hindi madudungisan ng mundo. Pero nang makilala niya ito, napagtanto niya na mayroong rebelde at maitim na puso ang perpektong binata na kaniyang pinili. Mahihirapan ang sinumang tawagin si Samuel na mabuting tao pero nakuha pa rin ng kaniyang pagkatao ang puso ni Shirley. Nang sumapit ang ika 21 taong gulang ni Samuel, bigla siyang nagsettle down at sumali sa Moore Group. At noong ika 24 taong gulang nia, naglaan si Samuel ng tatlong taon para ayusin ang matagal nang mga problema ng pamilya Moore bago niya kunin ang posisyon ng CEO. Samantala, narating na ni Shirley ang tamang edad para magpakasal na nagresulta sa kasal na idadaos sana nila ngayong araw. Buong gabing nagpakita ang panaginip na ito kay Shirley. Nang matapos ang napakagandang bangungot na ito, hindi napagtanto ni Shirley na basang basa na ng luha ang kaniyang unan. Agad na pinagusapan sa buong Elderstone ang balita ng biglaang pagalis ni Samuel sa kasal nilang dalawa ni Shirley. Sa loob ng isang linggo, alam na ito ng lahat habang lumilipat ang iba’t ibang version ng pangyayari. Ilang araw na naging pinakaprominenteng babae si Shirley ng Elderstone na naging laman ng mga usap usapan na siya ring pinagtawanan ng lahat. Nanatili si Shirley sa ospital para alagaan ang kaniyang mga magulang at ang kaniyang kapatid, hindi niya pinansin ang mga kumakalat na usap usapan sa labas. Hindi siya nagawang tawagan ni Samuel noong linggong iyon na para bang gusto na talaga nitong putulin ang kaniyang ugnayan sa pamilya Weiss. Hindi masabi ni Shirley kung dahil ba ito sa pagkakacoma ni Owen pero naging kakaiba ang mood ng kaniyang ina nitong mga nakaraang araw. Nang magshower siya kagabi, narinig niya ang nakakatakot na sigaw ni Rachel sa labas. Agad na tumakbo palabas si Shirley nang makita niyang nakabulagta sa sahig si Rachel. “Mom! Ano po ang nangyari?” Sumugod si Shirley para tulungang tumayo si Rachel nang bigla siyang hatakin ng isang matanda. “Shirley, mayroong kumuha kay Megan! Kailangan mong bumalik dito ngayundin!” Si Megan Weiss ang nakababatang kapatid ni Shirley, at isang linggong gulang pa lang ito. “Mayroong kumuha kay Megan?” Sino ang maglalakas loob na magpunta sa ospital para magnakaw ng isang bata? Pero wala ng oras si Shirley para magisip pa tungkol dito. Agad siyang tumayo para tumakbo palabas para habulin ang kidnapper. Dito na biglang naalala ni Rachel ang isang bagay. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Shirley para sabihing, “Shirley, puntahan mo ang iyong ama. Dali!” Dito na itinulak ni Rachel si Shirley paabante. Hindi halos maitayo ni Shirley nang maayos ang kaniyang sarili nang makita niya ang isang lalaking nakasuot ng isang duck bill cap na nagmamadaling tumatakbo palabas ng kuwarto ni Owen nang nakayuko. “Sino ka?” Agad na nagbago ang itsura ni Shirley sa kaniyang nakita. “Tumigil ka sa kinaroroonan mo!” Agad na tumalikod at tumakbo ang lalaki. Hahabulin na sana ni Shirley ang lalaki nang biglang sumigaw si Rachel. “Huwag mo siyang habulin. Puntahan mo ang ama mo!” Nang makapasok si Shirley sa kuwarto, nakita niyang nakatanggal na ang oxygen mask ni Owen. Agad niya itong kinuha para ibalik sa mukha ng kaniyang ama habang pinipindot niya ang emergency button. Mabuti na lang at nakita niya ito sa tamang oras. Nailigtas niya ang buhay ni Owen. Masasabi maging ng isang mangmang na mayroong tumatarget sa pamilya Weiss na nagresulta sa dalawang pangyayari na ito. Pero walang ideya si Shirley sa kung anong gusto ng mga ito. Pero sa ipinakitang reaksyon ni Rachel, naramdaman ni Shirley na alam nito kung ano ang nangyayari. At pagkatapos ng kaunting pressure, sinabi na rin ni Rachel ang katotohanan. Ang pinsan ni Owen na si Wayne Clay ang pumapangalawa sa may pinakamalaking shares sa kumpanya. Nalaman niya ang nangyari kay Owen tatlong araw na ang nakalilipas kaya pinagplanuhan nito na patalsikin si Owen sa posisyon ng CEO para makuha ang kumpanya. Hindi lang iyon. Sinubukan din ni Wayne na bilhin ang mga share nina Shirley at Rachel sa murang halaga bago niya ipressure si Rachel na pirmahan ang kasunduan. Malinaw na ginagamit ni Wayne ang pagkakataong ito para pabagsakin silang tatlo. Natural lang na tumanggi rito si Rachel na nagresulta sa dalawang magkasunod na pangyayari ngayong araw. “Ito na ang huling warning nila sa atin,” nanginginig na sinabi ni Rachel. “Baka hindi na suwertehin ang iyong ama sa susunod na gawin nila ito at hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang kaniyang gusto. Ang iyong kapatid…” Bumuhos ang luha ni Rachel na naputol sa kaniyang pagsasalita.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.