Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 5

Magaling nga si Samuel sa lahat at binigyan din siya ng pamilya Moore ng matinding atensyon. Kung hindi lang dahil sa aksidenteng nagresulta sa pagkaputol ng kaniyang binti at ang pagkawala niya bilang tagapagmana ng pamilya nang dahil sa kaniyang lolo na si Yuvan Moore, hindi siya magpupunta sa party na ito. Higit pa rito, nauugnay din kay Aaron ang aksidente na kaniyang kinasangkutan. Ayaw ni Owen na mapasok si Shirley sa kumplikado at delikadong problema ng pamilya Moore. Nanghihinayang na nagbuntong hininga si Rachel pero agad siyang sinagot ni Owen ng, “Maghanap pa tayo ng iba.” Noong mga sandaling iyon, isang payat na dalaga ang tumingin sa bintana. Tumutok ang kaniyang mga mata sa binatang nakatayo sa ilalim ng puno ng magnolia gamit ang kumikislap sa sabik niyang mga mata. Nandito na siya! Hindi makapaniwala rito si Shirley. Nagpunta sa kaniyang birthday party ang binata na nagpakabog nang husto sa kaniyang puso nitong nakalipas na dalawang taon. Naramdaman ni Shirley na para bang tatalon na sa kaniyang dibdib ang kaniyang puso nang makita niyang nakatayo ito sa ilalim ng puno. Mukhang ganito nga ang pakiramdam ng magkaroon ng crush! Hindi ito isang kakaibang feeling para sa kahit na sino. Noong unang araw niya sa high school, tumakbo ito papunta sa kaniya suot ang kulay puti nitong PE uniform. Mula noon, hindi na nawala ang naramdaman niya kay Samuel. Mula noong araw na iyon, hindi na nawala sa kaniyang mga dinaraanan ang basketball court. Pero sa kasamaang palad, nang maputulan ito ng binti nang dahil sa aksidente, hindi na siya nakita pa ni Shirley sa basketball court. Nakita niya lang ito noong pumasok ito sa school nang nakawheelchair para magtake ng SAT. Natanggap si Samuel sa Elderstone College. Kahit na hindi na sila pareho ng school ni Shirley, hindi pa rin siya napagiwanan sa mga balitang tungkol kay Samuel. Nagdatingan na ang mga bisita kaya dinala na nina Owen at Rachel si Shirley pababa. Dapat nating sabihin na kilala si Shirley sa buong Elderstone. May mga nagsasabi na namukadkad ang mga bulaklak sa paligid ng ospital nang isilang ito habang nababalot ng gintong liwanag ang paligid. Nagmukha raw ginto sa malayo ang ospital nang dahil sa kaniya. Noong mga sandaling iyon, nagkataong nasa ospital ding iyon ang kilalang manghuhula na si Adrian Ashford. Habang nasa harapan siya ng kaniyang mga kaibigan at mga kaanak na bumibisita sa kaniya, sinabi nito na, “Napakagandang swerte ang dala ng anak na babae ng mga Weiss. Sasailalim ang kanilang pamilya sa isang napakalaking pagbabago.” Isang maliit at hindi importanteng negosyo lang ang hawak ng pamilya Weiss noon. Pero sa paglipas ng mga taon, pinatunayan ng mabilis na pagangat ng pamilya Weiss ang mga sinabi ni Adrian. Nang maisilang si Shirley, ilang maiiksing taon lang ang kinailangan ng Weiss Group para maging isang sa mga kilalang enterprise sa buong siyudad mula sa napakasimple nitong pinagmulan. Kasabay nito ang pagtungtong ng mga Weiss sa itaas ng lipunan. Ang mga binatang dumalo sa birthday party ni Shirley ay mga binatang pinili ng pamilya Weiss sa iba’t ibang mga kilalang pamilya sa kanilang siyudad pero walang kahit na sino sa mga ito ang tagapagmana sa kanikanilang mga pamilya. Ang binatang mapipili nina Owen at Rachel ay kanilang ipapakasal sa pamilya Weiss. Ito ang magiging manugang ng kanilang pamilya na hahawak sa kanilang mga negosyo. Binanggit ni Rachel ang ilang mga pangalan ng binate kay Shirley pero walang pakialam sa mga ito si Shirley dahil hindi rito kasama ang pangalan ni Samuel. Dinala ni Rachel si Shirley sa paligid ng living room bago niya ito iwan para makipagparty kasama ang kaniyang mga kaibigan. Madaling kasama at approachable si Shirley, marami rin siyang mga kaibigan kaya ginamit ng ilang binate ang pagkakataong ito para mapalapit sa kaniya. Hindi lang nagmula sa isang prestihiyosong pamilya ang anak na babae ng pamilya Weiss dahil nagtatanglay din ito ng angking ganda. Sa mga binatang lumapit sa kaniya, gagawin ng ilan sa mga ito ang lahat para mapakasalan si Shirley nang dahil sa mga iyon. “Lapitan mo na siya!” Napansin ni Melanie Smith na hindi gumagalaw ang binate sa kaniyang tabi kaya agad siyang nakaramdam ng pagkabahala sa kaniyang dibdib. “Benjamin, sa sandaling piliin ka ni Ms. Weiss, siguradong makakawala sa lalong madaling panahon ang ama mo nang dail sa mga koneksyon ni Owen.” Dito na nagpakita ng interes ang mukha ng nanlalamig na binata. Nagpatuloy sa pagsasalita si Melanie. “Ikaw ang pinakaguwapo at pinakamahusay sa kanilang lahat kaya siguradong ikaw ang pipiliin ni Ms. Weiss. Gawin mo ito para sa ama mo!” Tumingin si Benjamin kay Shirley na tinrato bilang prinsesa ng lahat. Nagpakita ang bahagya nitong pangiti sa kaniyang mga labi bago siya tumayo nang diretso at naglakad papunta kay Shirley. Hindi naman naiwasang mapangiti ni Melanie habang pinapanood niya ang payat at matangkad na imahe ni Benjamin na naglalakad palayo sa kaniya. Tuloy tuloy na bumagsak ang pamilya Blackwood mula noong makulong ang ama ni Benjamin na mas tumindi sa bawat taong lumilipas. Siguradong makikinabang ang buong pamilya Blackwood sa sandaling piliin si Benjamin ni Shirley. “Hello, Ms. Weiss. Ako po si Benjamin Blackwood, nagmula ako sa Elderstone College—" Nakatakas na rin si Shirley sa atensyon ng mga binate sa kaniyang paligid habang nakatutok ang kaniyang isipan sa puno ng magnolia. Masyado siyang abala para kausapin si Benjamin. Nakita niyang aalis na ang binatang nakatayo sa ilalim ng puno kaya dali dali niyang pinigilan si Benjamin sa pagsasalita. “Pasensya na pero nakaharang ka sa daraanan ko.” Sa kaniyang edad, isang mapagmalaki at aroganteng dalaga si Shirley. Hindi manlang niya tiningnan si Benjamin habang lumalampas siya rito. Tiningnan ni Benjamin ang nakataas niyang kamay ng ilang segundo bago niya ito dahan dahang bawiin. Nagbulungan ang mga taong nanlait sa kaniya sa paligid. “Hindi nak ilala ngayon ang pamilya Blackwood, hindi ba?” “Tingnan mo siya. Hindi ba talaga ito marunong lumugar?” Natawa sila sa kamangmangan ni Benjamin nang isipin nito na siya ang nangunguna sa lahat ng nagpunta roon. Pero mukhang walang pakialam dito si Benjamin. Humarap siya sa papalayong imahe ni Shirley bago niya kalmadong ilayo ang kaniyang paningin. Hindi siya nakaramdam ng galit o pagdadalamhati sa kaniyang sarili—wala siyang pakialam sa anumang ginawa nito sa kaniya ngayon na para bang walang kahit na anong bagay sa mundong ito ang makakaapekto sa kaniyang emosyon. Nang paalis na siya, bigla niyang narinig ang mga boses ng mga tao sa kaniyang paligid. “Siya ba si Benjamin Blackwood? Ang anak ng adult movie star na si Lilian Abbott?” “Siya nga iyon. Si Lilian ang nagdala ng kahihiyan sa kaniyang sarili. Nagpakasal siya pero hindi niya nagawang maging tapat sa kaniyang asawa dahil mahilig talaga siyang manlalaki. Nahuli siya ng kaniyang asawa sa huli at napatay ng kaniyang asawa ang kaniyang kalaguyo sa sobrang galit. Sinira ni Harvey Blackwood ang kaniyang buhay na nagdala sa kaniyang sarili sa kulungan.” “Hindi ko alam kung bait pinatay ni Harvey ang kalaguyo ni Lilian. Kung ako lang iyon, mas mauuna ko pang patayin si Lilian.” Tumusok ang mga salitang “Adult movie star”, “kalaguyo”, at “lalakero” na parang ng mga kutsilyo sa puso ni Benjamin. Dito na nagpakita ng emosyon ang pangkaraniwang nanlalamig at walang pakialam na binata. Narinig ni Shirley ang mga salita sa kaniyang likuran na nagpatigil sa kaniyang paglalakad. Napasimangot siya bago siya tumingin sa binata na kaniyang nilampasan. Namuti ang kaniyang mga kamao sa sobrang higpit nang pagkakasara niya sa mga ito habang namumutla ang buo niyang mukha. Namula rin ang kaniyang mga mata habang naglalagablab sa galit ang buo niyang katawan. Nagmukha siyang isang demonyo na umakyat mula sa impyerno para maghiganti. Dito na pumasok ang isang bagay sa kaniyang isipan—siguradong mahal na mahal ng binatang ito ang kaniyang ina. Habang naglalakad palayo si Benjamin, nilampasan nito si Shirley habang kumikislap ang kaniyang mga mata. Nang tumama ang paningin nito sa kaniya, naramdaman ni Shirley na nanigas sa sobrang lamig ang dugo sa kaniyang mga ugat. Nabalot ng panlalamig ang buo niyang katawan habang nahihirapan siyang huminga. Nang makaalis si Benjamin, inabot ng ilang sandali si Shirley para makarecover sa kaniyang takot. Siguradong demonyo ang binatang ito! Mabilis na nagtapos ang insidenteng iyon gaya ng naging simula nito. Walang sinuman ang pumansind ito. Nang mawala si Benjamin, napatingin ang lahat kay Shirley. Siya ang rason kung bakit sila nandito. Samantala, binalewala ng maganda at aroganteng dalaga ang mga binata sa kaniyang daraanan. Direkta siyang nagpunta sa binatang nasa ilalim ng puno. Kaya alam ng lahat kung sino ang kaniyang napili. Pero… nagawa niya talagang pumili ng isang lumpo? Determinadong naglakad si Shirley palapit sa binate. Ito ang pinakadirektang bagay na kaniyang ginawa sa buo niyang buhay, at ito rin ang unang beses na sinuway niya ang kaniyang mga magulang. “Siya ang pinipili ko.” Pinanood ni Samuel ang paglakad ni Shirley palapit sa kaniya, tinitigan ng lahat ang bawat hakbang na ginagawa nito papunta sa kaniya gamit ang hindi makapaniwala, naiinis at naiinggit nilang mga mata na nagpahigpit sa kaniyang pagkakahawak sa magkabila niyang mga kamay. “Bakit ako?” “Dahil gusto kita!” Sagot ni Shirley habang nagpapakita ito ng walang pakialam na ngiti habang kumikislap ang kaniyang mga mata. Isang magandang babae si Shirley. Nagpakita rin siya ng maselang itsura pero malinaw na ipinakita ng kaniyang mga mata ang puro at sincere niyang katapangan.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.