Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 4

Nang makita ni Samuel ang namumulang mga mata ni Shirley, tumingin siya palayo bago niya ibaba ang kaniyang mga mata nang walang sinasabi na kahit ano. Itinago ng kaniyang mga pilikmata ang mga emosyon na kaniyang nararamdaman noong mga sandaling iyon. Gustong gusto ni Shirley si Samuel nang dahil sa angking kaguwapuhan nito. Kahit na ngayon ay nagmukha pa rin itong perpekto na parang isang painting habang nakatayo ito sa kaniyang harapan. Pero kinamumuhian na siya ngayon ni Shirley nang buong puso. Kinamuhian niya ang mga mata, ang mga kilay at ang walang gusot o dumi nitong suot na puting damit. Kinamuhian niya ang pagiging mahinahon at ang mainit nitong pagsasalita maging sa mga sandaling ito. Pagkatapos ng isang napakahabang sandali, muling nahanap ni Shirley ang nawala niyang boses, “Nandito ako para tanungin ka ng isang bagay. Bakit ka umalis sa kasal nating dalawa?” Bakit niya ito ginawa sa kaniya? “Patawarin mo ako,” banggit ni Samuel pagkatapos ng isang sandali nitong pananahimik. Dumikit ang mga salitang ito sa sugatang puso ni Shirley na parang isang bungkos ng asin. Nakaramdam siya ng matinding sakit kaya agad siyang nahirapan sa paghinga. Pagkatapos ng sampung minuto, umalis si Shirley sa manor ng mga Moore na para bang nawalan siya ng kaluluwa sa kaniyang katawan. Pinanood ni Samuel ang pagalis nito, nakita niya kung gaano ito kabagsak at kalungkot kaya hindi niya rin ito natiis sa huli, agad niyang tinawagan si Brook para sabihing. “Alagaan mo siya.” Nanlalamig namang sumagot si Brook ng, “Tandaan mo ang araw na ito. Ngayong mas pinili mong abandonahin siya, wala ka ng kahit na anong kinalaman sa buhay niya.” Habang pabalik, napakatagal na umiyak ni Shirley. Umiyak siya nang husto hanggang sa maramdaman niya na para bang mawawasak na ang kaniyang puso. Hindi naman nagsabi o nagtanong ng kahit na ano si Brook. Tahimik lang itong nanatili sa tabi niya. Kasalukuyan sila ngayong nasa beach. Binuksan ni Brook ang bintana ng sasakyan hanggang sa pumasok ang hangin mula sa dagat sa sasakyan, dala nito ang maalat na amoy ng karagatan. Pumasok naman sa kanilang mga tainga ang tunog ng mga humahampas na alon sa mga bato na mas nagpalamig at nagpalungkot sa gabi. Hindi alam ni Shirley kung gaano katagal na siyang umiiyak. At nang hindi na siya makaiyak pa, dahan dahang nagsalita si Brook. “Sophia ang pangalan ng babaeng iyon. Siya ang nakababatang kapatid ni Billy, magkababata silang dalawa ni Samuel. Niligtas ni Sophia ang buhay ni Samuel nagn maaksidente ito pitong taon na ang nakalilipas.” Alam ni Shirley ang lahat ng sinasabi ni Brook sa kaniya. “Pagkatapos nito, ikinulong si Sophia ni Aaron sa ibang bansa, ginamit niya ito para pagbantaan sina Billy at Samuel. Ilang taon dins iyang hinanap ni Samuel. Inakala niyang patay na ito pero nasurpresa siya nang malaman niyang buhay pa si Sophia.” Hindi alam ni Shirley ang tungkol sa bagay na iyon. Magkababata! Si Sophia… ang nakababatang kapatid ni Billy… Ilang taong nagsinungaling sa kaniya si Samuel! “Inakala niyang patay na si Sophia. Ito ang dahilan kung bakit siya pumayag na magpakasal sa akin. Naiintindihan ko na ang lahat.” Tumawa si Shirley sa kaniyang sarili habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga pisngi. Siguradong masasaktan ang sinumang makakakita sa kaniya noong mga sandaling iyon. “Ako lang ang nagiisang hindi nakakaalam sa mga bagay na ito. Ginawa akong mangmang ng mga ito sa loob ng anim na taon habang nakakaramdam ako ng tuwa sa relasyon naming dalawa.” Humingi ng tawad si Samuel sa kaniya kanina. Nakitaan niya rin ito ng pagkakonsensya at awa sa kaniyang mga mata pero hindi niya ito nakitaan ng pagmamahal sa kaniya. Dito niya napagtanto ang lahat. Napagtanto niya na siya lang ang nagbigay ng lahat kay Samuel sa anim na taon nilang relasyon habang nananatili naman itong alerto at malayo sa kaniya. Kaninang umaga, confident niyang sinabi sa kaniyang mga magulang na naniniwala siya na hindi siya pagtataksilan ni Samuel at gagawin nito ang lahat para maging masaya siya habangbuhay. Kinain niya ang lahat ng kaniyang sinabi nang dahil kay Samuel, dito siya nasaktan nang husto. Naisip ni Shirley ang mga sinabi ni Samuel. Sinabi nito na, “Shirley, patawarin mo ako. Dinismaya kita. Ang totoo ay si Sophia talaga ang babaeng minamahal ko.” Nanatili si Shirley sa kaniyang tabi ng anim na taon. Marami siyang pinagdaanan kasama si Samuel sa mga taong ito na binuo ng magaganda at hindi magagandang bagay sa ilalim ng liwanag at dilim. Pero sa huli, ang nagiisang salita na kaniyang natanggap sa ginawa nito ay “patawad”. Mukhang isang pinagplanuhang conspiracy ang lahat ng bagay na nagpapasaya sa kaniya sa anim na taon nilang pagsasama. “Brook, sinabi niya na si Sophia talaga ang babaeng minamahal niya. Sinabi niya na importante ang timing ng pagpapakita ng mga tao sa pagibig. Dahil sa kaniyang sinabi, ginawa niya akong pinakakaawa awang babae sa buong Elderstone.” Nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Umaarte lang siya sa harapan ko sa nakalipas na anim na taon. Ginamit niya ang pamilya ko habang naniniwala ako sa ipinapakita niyang debosyon sa akin. Minahal at pinrotektahan ko siya nang buong puso, nagawa ko ring itaya maging ang aking dignidad para gawin ang lahat para makasama ko siya sa kama.” Nang sumapit ang ika 18 taong gulang ni Shirley, nakahanda na siyang ibigay ang buo niyang sarili kay Samuel. Dito na siya pasimpeng nagpupunta sa kama nito. Pero umarte si Samuel na parang isang conservative na gentleman kaya pinilit siya nitong hintayin ang unang gabi ng kanilang kasal bago nila ibigay nang buo ang kanilang mga sarili sa isa’t isa. Kahit na nabalot ito ng temptasyon sa kaniyang dibdib, pinigilan pa rin niya ang kaniyang sarili sa pagsira ng itinayo niyang mga boundaries. “Ngayong araw ko lang napagtanto na ayaw niya akong hawakan hindi dahil iniisip niya na mahalaga ako, pero dahil wala talaga siyang pakialam sa akin.” Hindi na niya nagawa pang umiyak sa tindi ng sakit na kaniyang naramdaman. Pinagtawanan nang malakas sa ni Shirley ang kaniyang sarili habang namumutla ang kaniyang mga labi. “Shirley.” Itinaas ni Brook ang kaniyang braso papunta kay Shirley habang makikitaan ng emosyon ang kaniyang mga mat ana hindi na niya maitatago pa. “Nandito pa rin naman kami kahit wala na siya sa buhay mo. Kaibigan mo kami. Nakahanda ang balikat ko para sandalan mo kahit na gaano katagal mo gustuhin.” Isinandal naman ni Shirley ang kanyiang ulo sa balikat ni Brook habang pagod niyang ipinipikit ang kaniyang mga mata. “Salamat, Brook.” Pagod na siya sa lahat ng nangyari ngayong araw. Tumingin pababa sa kaniya si brook. At nang kumalma na ang kaniyang paghinga, inipon ni Brook ang kaniyang lakas para hawakan ang mukha ni Shirley gamit ang kanyiang daliri. Dahan dahan niyang tinrace ang gilid nito. Napakahaba ng panaginip na iyon ni Shirley. Nakita niya sa kaniyang panaginip ang pagsasama nil ani Samuel na parang isang pelikula na nagpaulit ulit sa kaniyang isipan. Noong taon ng ika 16 taong gulang niya, nagdaos ang kaniyang mga magulang ng isang engrandeng birthday party para sa kaniya. Maraming mga mararangyang kabataan ang umattend dito. Kahit na mahusay si Shirley sa musika, chess, arts at pagaaral, wala siyang talento sa pagpapatakbo ng negosyo. Isa lang ang naging anak ng mga Weiss sa loob ng tatlong magkakasunod na henerasyon kaya siya lang ang nagiisang anak ni Owen. Nagalala si Owen na baka hindi niya mapatakbo nang maayos ang malaking kumpanya ng pamilya Weiss kaya napagdesisyunan niya na mamili ng magmamana na puwede niyang turuan. Nasa 16 to 20 years old ang mga batang umattend ng birthday party ni Shirley at punong puno rin ito ng potensyal na lumamang sa mga kapwa nila bata. Tumayo sa balkonahe sa ikalawang palapag sina Owen at Rachel para tingnan ang mga Kabataang nagpunta sa party. Maingat silang namili sa mga ito. Pagkatapos nilang tumingin sa paligid, tumuro si Rachel sa isang napakaguwapong binate. “Ano sa tingin mo ang isang iyan? Mukhang siya ang pinakaokay sa lahat ng nagpunta rito.” Tiningnan ni Owen ang direksyon na tinuturo ni Rachel. Pagkatpaos ng isang sandaling pagiisip, sumagot ito ng, “Ito ang anak ng mga Blackwood. Masyadong kumplikado ang pamilyang iyan. Hindi ito nababagay kay Shirley.” Nagngangalang Benjamin Blackwood ang binatang iyon na nakatayo nang walang pakialam sa likuran ng kaniyang tiyahin, walang pakialam siyang tumingin sa kaniyang paligid. Mukhang nagmature na ito ngayon. 19 taong gulang na siya nang ipakita niya ang matangkad at guwapo niyang itsura. Masyadong kapansin pansin para sa kahit na sino ang marangya niyang aura. Sayang lang dahil masyadong naging kumplikado ang pamilya Blackwoods. Matagal nang binabalewala ng kaniyang pamilya si Benjamin na nagresulta sa nanlalamig at walang pakialam nitong pakikitungo sa ibang tao. Ito ang dahilan kung bakit hindi ito okay para kay Shirley. Pinakinggan ni Rachel si Owen bago siya nagsisising tumingin palayo. Dali dali naman siyang nakakita ng isa pang kandidato na kaniyang nagustuhan. “Ano sa tingin mo ang isang ito? Narinig ko na nagmula siya sa pamilya Moore at nagkakuha rin siya ng matataas na grado. Mukha siyang malinis at mahinahon.” Kumunot naman dito ang noo ni Owen. “Ang mga Moore? Sino sa kanila ang tinutukoy mo?” “Itong nakatayo sa ilalim ng puno ng magnolia.” Muling turo ni Rachel. “Samuel yata ang pangalan ng isang ito.” Nakita na rin ni Owen ang binatang nakatayo sa ilalim ng itinurong puno ni Rachel. 18 taong gulang ito na nakasuot ng malinis na damit. Nagmukha siyang mahinahon at nagkaroon din siya ng mga bituin sa kaniyang mga mata. Nagmukha siyang isang perpektong painting na nakatayo sa ilalim ng puno ng magnolia na para bang hindi siya mababahiran ng dumi ng mundo. “Siya?” Muling kumunot ang noo ni Owen. Umaasa namang tumingin si Rachel kay Samuel. “Ano sa tingin mo? Narinig ko na matataas daw ang gradong natanggap niya at nagpakita rin siya ng mabuting asal sa kaniyang kapwa. Mahusay siya sa kahit na ano.” Pero muling iniling ni Owen ang kaniyang ulo. “Hindi, mas kumplikado ang mga Moore kaysa sa mga Blackwood. Nawalan din ito ng isang binti sa isang car accident noong nakaraang taon.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.