Kabanata 3
Tinusok ni Shirley ang materyales na bumuo sa itim nitong lace para hawakan ito at nagdadalawang isip na magtanong ng, “Naisusuot pa ba ang bagay na ito?”
Hindi ba mas mabilis pa ang direktang pagsunggab niya kay Samuel kaysa rito?
Inirap naman ni Janine ang kaniyang mga mata. “Wala ka talagang alam na kahit ano! Gustong gusto iyan ng mga lalaki. Ito ang bagay na nagpapasaya sa mga magasawa.”
Bahagya namang ngumiti sa kaniya si Nancy Wright. “Makinig ka lang sa amin at masisiguro namin sa iyo na magiging maayos ang lahat.”
“Talaga?” Tiningnan ni Shirley ang manipis na tela na kaniyang hinahawakan habang pumapasok sa kaniyang isipan ang isang malaswang imahe na nagpapula sa kaniyang mukha.
Magiging asawa na siya ni Samuel ngayong gabi.
Nang makarinig siya ng malakas na komosyon sa baba.
“Sandali, titingnan ko kung ano ang nangyayari roon.” Sabi ni Janine habang naglalakad ito papunta sa balkonahe.
Hindi nagtagal, bumalik siya nang may seryosong mukha. “Shirley, umalis si Samuel.”
Mabilis na naubos ang dugo sa mukha ni Shirley kaya hindi na naitago maging ng kaniyang makeup ang pamumutla ng kaniyang mukha.
Ito na ba ang pagkakatotoo ng bangungot niya kagabi?
“Walang magaganap na kasalan.” Parang bombang bumagsak ang mga sinabi ni Samuel sa pamilya Weiss na hindi inasahan ng lahat. Isang sandali ang nakalipas bago sila makapagreact.
Ipinapatigil ng mismong groom ang kasal!
Dito na nagreact ang mga tao sa paligid, tumakbo si Owen papunta sa gate nang mabilis para tumayo sa harapan ng sasakyan ni Samuel. Kasalukuyan nang umaandar ang makina nito. “Samuel, ano ang ginagawa mo?”
Isa itong convertible na sports car kaya malinaw niyang nakita ang lahat ng nasa loob ng sasakyan.
Nanlalamig na tumingin si Samuel kay Owen bago siya magsalita gamit ang isang tono na hindi makukwestiyon ng kahit na sino, “Wala nang magaganap na kasalan. Dito na rin nagtatapos ang lahat koneksyon at kasunduan sa pagitan nating dalawa.”
“Ano ang sinabi mo?” Namutla nang husto rito si Owen.
Umangat ang mga labi ni Samuel habang seryoso siyang ngumingiti kay Owen. “Sigurado ako na nakita mo nang mangyayari ito nang ikulong mo si Sophia, hindi ba?”
Nagpakita ng panic ang mga mata ni Owen. Nangyayari na ngayon ang bagay na kaniyang kinatatakutan!
Tatlong buwan na ang nakalilipas, nacorner ni Samuel si Aaron kaya dinala nito si Sophia kay Owen bago ito humingi ng tulong kay Owen para makatakas sa Elderstone.
Noong mga sandaling iyon lang nalaman ni Owen ang kasalukuyang lagay ng buhay pang si Sophia.
Hindi maikukumpara ang itsura ni Sophia sa parang diwatang kagandahan ni Shirley, pero nagkaroon pa rin ito ng aura na para bang maguudyok sa sinumang lalaki na magprotekta sa kaniya.
Isa siyang inosente at maselang babae na nagpakita ng pagkamahinhin sa sinumang makakakita sa kaniya.
Nang makita ni Owen si Sophia, natakot siya na magbabago ang relasyon nina Shirley at Samuel kaya itinago niya si Sophia habang itinutulak niya si Shirley at Samuel na magpakasal.
Pinaplano ni Owen na linisin ang kaniyang pangalan kay Samuel pagkatapos ng kasal, pero nawala si Sophia kagabi at walang sinuman ang nakakaalam kung nasaan na ito.
Wala ng ibang hiniling si Owen kundi ang pagiging maayos ng kasal ng pinakamamahal niyang anak. Sasabihin niya kay Samuel ang lahat sa sandaling maidaos nang maayos ang kasal ngayong araw.
Pero nangyari sa hindi niya inaasahang pagkakataon ang lahat ng kaniyang kinatatakutan.
“Samuel, makinig ka sa akin. Ipapaliwanag ko ang lahat sa iyo pero dapat munang matuloy ang masaya ninyong araw ni Shirley. Huwag mong saktan ang anak ko nang dahil sa iyong emosyon,” sabi ni Owen.
“Sinabi ko na sa iyo na walang kasalang mangyayari.” Hindi naman natinag si Samuel habang galit niyang tinitingnan si Owen. “Umalis ka sa harapan ko.”
Tatlong buwan!
Ikinulong ni Owen si Sophia ng tatlong buwan at hindi niya ito ipinaalam kay Samuel. Inakala niya na patay na si Sophia kaya naramdaman niya na pinilit siya ni Owen na pumayag sa kasal na ito.
At nang maisip niya ang tungkol dito, tatlong buwan na rin ang nakalilipas mula noong magsimula si Owen na itulak siya na pakasalan si Shirley. Ito rin ang tagal mula noong mapasakamay niya si Sophia.
Iniisip ba talaga ng mga Weiss na isa siyang mangmang?
Nabalot siya ng hinanakit kay Owen nang maalala niya ang mga sugat sa katawan ni Sophia.
Kung hindi lang natunton ng kaniyang mga tauhan si Sophia at nailigtas ito sa tamang oras, siguradong napagsamantalahan na ito ng mga taong iyon. Paano ito magagawang tanggapin ni Samuel?
Nabalot ng pagkabahala at galit si Owen. “Kumalma ka, Samuel. Nandito ang mga pamilya at mga kaibigan natin, at hinihintay ka na rin ni Shirley sa loob. Hahayaan mo ba talaga na maging katatawanan siya sa buong siyudad?”
“Ikaw ang nagdala nito sa iyong sarili. Kaya mula sa araw na ito, Owen, wala na akong kahit na anong kaugnayan sa pamilya mo.” Pinutol na niya ang lahat ng kaniyang ugnayan sa mga Weiss mula noong araw na iyon.
Nang tumakbo si Shirley palabas, eksakto ang kaniyang pagdating para marinig ang mga sinabi ni Samuel. Natigilan siya sa kaniyang kinatatayuan habang natutulala niyang tinitingnan ang lalaking nakasakay sa sports car.
Nakita rin siya ni Samuel. Ilang talampakan lang ang layo nila sa isa’t isa kaya nakita niya ang namumutla nitong mukha na parang isang multo.
Mayroon ding angking katalinuhan si Shirley at ngayong bihis na siya para sa kaniyang kasal, mas nagmukha siyang attractive sa mata ng kahit na sino. Perpektong inemphasize ng suot niyang wedding gown ang kaniyang ganda at ang pagkaelegante ng kaniyang aura.
Muli siyang pinahanga nito.
Isang bagay ang pumasok sa isipan ni Samuel. Kung hindi siya nakilala ni Shirley, siguradon ito na ang pinakamaganda at ang pinakamasayang bride sa buong mundo.
Pero nawala ang kislap sa nagliliwanag at nagagandahan niyang mga mata nang dahil sa kaniya.
Nakaramdam ng konsensya sa kaniyang dibdib si Samuel pero nagawa pa rin niyang dismayahin ito.
Pero mas sinuwerte si Shirley kaysa kay Sophia.
Tumingin si Samuel palayo para nanlalamig niyang tingnan si Owen. Pinaatras niya ang kaniyang sasakyan ng ilang talampakan bago niya nanlalamig na sabihing, “Uulitin ko ang mga sinabi ko. Umalis ka sa harapan ko.”
Naisip ni Owen ang sayang nagpakita sa mukha ni Shirley kanina kaya agad siyang nakaramdam ng matinding sakit sa kaniyang dibdib nang makita niya ang panlalamig at kawalan ng aw ani Samuel. Hindi niya hahayaan na masaktan ng kahit na sino ang pinakamamahal niyang anak, lalo na ni Samuel. Alam niya kung gaano kamahal ni Shirley si Samuel.
Nagbabala siya sa mga hangin habang galit siyang nagsasalita kay Samuel. “Samuel, kung gusto mo talagang umalis, sagasaan mo na lang ako.”
Walang awang tiningnan ni Samuel si Owen ng isang sandali bago niya biglang paandarin ang sasakyan papunta rito.
“Hindi!” Isang sigaw ang maririnig mula sa lalamunan ni Shirley.
Pero imbes na mangyari ang inaasahan ng lahat na pagtalsik ng katawan ni Owen, bahagyang lumiko ang sasakyan para maiwasan ito at tuluyang makaalis sa manor.
Napaupo si Owen bago niya habulin ang sasakyan. “Bumalik ka! Bumalik kang bata ka!”
Nagawa ng walang awang si Samuel na umalis at iwanan si Shirley doon.
Gustong tawagin ni Shirley si Owen para sabihan ito na tumigil sa paghabol ng sasakyan. Ngayong nagpakita si Samuel ng kawalan ng awa para iwanan siya roon, alam niya na wala talaga sa kaniya ang puso nito. Ano pa ang point ng pagpilit sa isang lalaking walang kagustuhan na bumalik sa kaniya?
Pero hindi gumawa ng kahit na kaunting ingay si Shirley. Tahimk niyang tiningnan ang paglayo ni Samuel at ng kaniyang ama sa kaniyang paningin.
Sa intersection malapit sa manor, biglang lumiko ang sasakyan bago mabilis na lumabas ang isa pang sasakyan
Hindi ito inasahan ni Owen kaya hindi na siya nakaiwas bago siya mabangga ng paparating na sasakyan.
“Dad… Hindi…”
“Hindi! Owen!”
“Mrs. Weiss! Ma’am! Nako, hindi… marami nang dugo ang nawawala sa kaniyang katawan! Dalian ninyong tumawag ng ambulansya!”
Naging black and white ang kalangitan kay Shirley noong mga sandaling iyon na malayo sa asul nitong kulay.
…
Sa labas ng operating room, suot pa rin ni Shirley ang mamahalin at walang strap niyang wedding gown habang nanginginig siyang nakaupo sa labas nito. Nagmukha siyang isang walang buhay na puppet na walang kakayahang gumalaw.
Naging kasing puti ng niyebe ang suot niyang gown pero puno na ito ng dugo ngayon. Mamula mula ang kulay ng kaniyang balat kanina pero mas napaputla pa ng dugong nakakalat dito ang kaniyang kulay.
Gumuhit ang mga bakas ng dugo sa kaniyang gown at balat na parang namumukadkad na mga rose. Ginawa nitong lumong lumo at bagsak ang angkin niyang ganda.
Itinulak na si Owen papunta sa operating room para gamutin habang itinutulak naman si Rachel sa kabilang operating room para manganak.
Nabalot ng pagkadehado ang mga kaibigan at kapamilya ng mga Weiss. Pero wala silang lakas ng loob para magsabi ng kahit na anon ang makita nilang nakaupo sa isang upuan si Shirley na parang nauubusan na ng dugo sa kaniyang katawan.
Walang awa ang ginawa sa kaniya ni Samuel.
Nakatulalang tumingin sa duguan niyang mga kamay si Shirley. Wala na siyang ibnag inisip kundi ang eksena ng pagbangga ng sasakyan kay Owen kanina. Hindi niya ito maalis habang paulit ulit itong nagpapakita sa kaniyang isipan.
Nakita ni Samuelang buong pangyayari. Nakita niya ang pagbangga ng sasakyan kay Owen pero sandali lang huminto ang sasakyan nito bago siya tuluyang umalis. Mas pinili niyang balewalain ang nangyari kay Owen bago niya ito abandonahin doon.
Sino nga ba ang makapagsasabi kay Shirley ng mga nangyari? Bakit nagbago nang husto si Samuel? Ito dapat ang ang pinakamasaya niyang araw!
Naging maganda ang relasyon nilang dalawa bago ang araw na ito. Hindi nila nagawang magaway ng kahit na isang beses kaya bakit ito nangyari?
Dito na naisip ni Shirley ang kaniyang napanaginipan kagabi.
Dahil ba ang lahat ng ito kay Sophia? Nakabalik na ba siya? Ano ang itinago sa kaniya nina Owen at Samuel?
Malakas ang pagdurugo ni Rachel pero sa kabutihang palad, pareho silang naging ligtas ng bagong silang niyang anak.
Nailigtas din si Owen sa huli pero kasalukuyan pa rin itong nakacoma nang dahil sa tindi ng pinsalang tinamo niya sa kaniyang ulo.
Kinomfort naman ng doktor sina Rachel at Shirley. Magiimprove nang husto ang mga bagay bagay sa sandaling gumising si Owen. Pero hindi nila masasabi kung kailan ito mangyayari.
Nang maging maayos ang lahat, hinatid ni Shirley ang kaniyang mga kaibigan at kapamilya habang nagiiwan siya ng bilin sa kanilang mga kasambahay. Nagmukha siyang kalmado nang gawin niya iyon habang nagpapakita siya ng pagkametikulosa.
Umuwi na ang mga kasambahay para dalhan si Shirley si Shirley ng mga pamalit na damit.
Lumabo ang kaniyang paningin sa pagapaw ng kaniyang luha nang buhatin niya ang bagong silang niyang kapatid na masyadong malayo sa pangkaraniwan niyang reaksyon. Hindi siya ang uri ng babae na mahilig umiyak.
Pagkatapos ng napakahabang panahon, ibinaba na niya ang nakababata niyang kapatid bago niya namamaos na sabihing, “Aalis muna ako, Carol. Alagaan mo sila para sa akin.”
Napipikit na si Rachel nang bigla siyang magising. Nanhihina at galit siyang tumingin kay Shirley habang nagtatanong siya ng, “Makikipagkita ka pa rin ba sa kaniya pagkatapos ng lahat ng nangyari?”
Pilit namang ngumiti si Shirley sa kaniyang ina. “Huwag po kayong magalala, Mom. Gusto ko lang pong makahanap ng kasagutan. Babalik din po ako.”
Tumalikod siya at umalis sa ospital.
Nang makalabas siya ng ospital, isang matangkad at guwapong lalaki ang nagaalalang naglakad palapit sa kaniya. “Shirley.”
Ito ay walang iba kundi si Brook Gray. Isa siyang malapit na kaibigan ni Samuel.
Blangko naman itong tiningnan ni Shirley bago niya sabihing, “Bakit hindi ka pa umuuwi?”
Sumagot naman si Brook ng, “Nagaalala ako sa iyo. Binabalak mo bang magpunta sa manor ng mga Moore?”
Tumango naman sa kaniya si Shirley.
Sumagot naman si Brook ng, “Ihahatid na kita roon.”
Hindi naman tumanggi si Shirley kaya agad siyang sumakay sa sasakyan ni Brook. Nang makasakay siya, kinuha niya ang kaniyang phone. Mula noong aksidente, hindi nagpadala ng kahit na isang message o tumawag sa kaniya si Samuel.
Ibinaba niya ang kaniyang mga mata at isang sandali niyang tinawagan ang numero ni Samuel.
Pumasok ang tawag pero agad itong naputol pagkatapos lang ng ilang ring.
Bakit hindi siya sumasagot?
“Brook, alam mo ba kung bakit siya umalis kanina?” Tingin ni Shirley kay Brook.
Alam ni Brook kung sino ang tinutukoy ni Shirley pero hindi siya mapakali nang maramdaman niya ang pagiging kalmado nito, “Hindi ako sigurado. Dapat lang na ikaw ang magtanong sa kaniya sa personal ng mga bagay na iyan.”
Malinaw na nakita ni Shirley ang reflection ng kaniyang mukha sa mga mata ni Brook. Hindi siya nagpakita ng kahit na anong enerhiya habang namumutla siya na parang multo.
Humarap siya sa bintana at hindi na siya nagsabi ng kahit na ano.
…
Pagkalipas ng isang oras. Kasalukuyang kumakain ng hapunan si Samuel kasama nina Billy at Sophia sa manor ng mga Moore.
Tangali nang magising si Sophia, at mukha pa rin itong nanghihina. Masyado siyang namutla at bumagsak. Namutla siya nang husto dahil ilang taon din siyang hindi nasikatan ng araw.
“Mr. Moore, nandito po si Ms. Weiss.” Isang kasambahay ang pumasok para magpunta sa tabi ni Samuel.
Hindi naman siya pinansin ni Samuel. Naglagay siya ng pagkain sa plato ni Sophia. Ito ang mga pagkaing paborito ni Sophia noong mga bata pa lang sila.
Ngumiti naman si Sophia habang tuwang tuwa ito na parang isang bata. Ipinakita pa rin nito ang aura niya bilang isang babae na siyang nagpaantig sa puso ni Samuel.
Nagpakita ng pagmamahal ang mga mata ni Samuel. “Kumain ka pa kung nagustuhan mo iyan.”
Pagkatapos ng isang sandali, muling nagsalita ang kaniyang kasambahan, “Mr. Moore, nasal abas po ngayon si Ms. Weiss.”
Naalala naman ni Samuel ang ginawa ni Owen kaya nanlalamig itong sumagot ng, “Hindi ko gustong makita.”
Katatapos tapos niya lang magsalita nang maglakad papasok si Shirley. Makikita sa kaniyang likuran si Brook dala ang dalawang sugatang mga bantay ng manor.
Agad na napatayo sa takot si Sophia nang makita niya ang mga hindi niya makilalang tao. Namutla muli ang kaniyang mukha habang nagpapakita siya ng matinding takot na parang isang nagulat na usa.
Nakatulala namang tumayo roon si Shirley.
Si Sophia nga ang dahilan ng lahat. Nagbalik na ito sa buhay nila!
Tiningnan ni Samuel si Shirley bago siya tumayo para yakapin ang takot na si Sophia. Mahinahon niya itong kinomfort. “Okay lang ang lahat. Huwag ka nang matakot. Kaibigan ko sila.”
“Oh, mga kaibigan mo pala sila.” Nagpakita ng approachable na ngiti si Sophia kay Shirley. Nagpakita ito ng inosenteng mukha habang nagliliwanag naman ang malinaw niyang mga mata.
Nasaktan si Shirley habang tinitingnan niya si Sophia.
Sa dinami rami ng taong kasama niya si Samuel, ito ang unang beses na nakaramdam siya ng pagkabahala sa ibang babae.
Puro at hindi mababahiran ng dungis ng mundo ang angking kagandahan ni Sophia. Para siyang isang puting rose na mayroong inosenteng ganda na hindi masisira ng kahit na sino. Isa siyang diwata na itinatago ng bawat isang lalaki sa kanilang mga puso.
Pero ang nakakatawa sa lahat ay ang kawalan ng kaalaman ni Shirley tungkol sa pagbabalik ni Sophia. Anong klase ng fiancée ba siya?
“Pasensya na po, Mr. Moore. Hindi na po namin sila napigilan.” Napapahiyang iling ng mga bantay.
Tumingin si Shirley kay Brook bago siya tumingin pabalik kay Shirley. Natahimik siya ng ilang segundo bago niya sabihin dito na, “Sumama ka sa akin.”
Naging mainit at kalmado ang kaniyang boses na para bang walang nangyari.
Hindi naman gumalaw sa kaniyang kinatatayuan si Shirley. Tumuro siya kay Sophia bago siya magtanong ng, “Umalis ka sa kasal natin nang dahil sa kaniya?”
Naramdaman niya na nababastos nito si Sophia kaya nahaluhan ng panlalamig ang tono ng boses ni Samuel nang sabihin nito na, “Sa taas tayo magusap.”
“Dito tayo maguusap,” Direktang sinabi ni Shirley.
Kalmado naman siyang tiningnan ni Samuel habang hindi ito nagsasalita ng ilang sandali.
“Halika na, Soph.” Sinamahan ni Billy si Sophia paalis.
Mabilis na umalis ang mga kasambahay at mga bantay na nagiwan kay Shirley at Samuel sa loob ng living room.
“Umalis ka sa kasal natin nang dahil sa kaniya?” Muling nagtanong si Shirley nang silang dalawa na lang ang maiwan ni Samuel doon.
“Hindi mo ba talaga alam ang nangyari?” Direktang tumingin si Samuel kay Shirley gamit ang seryoso niyang mga mata. “Ikinulong ng ama mo si Sophia ng tatlong buwan sa dating mansyon ng mga Weiss. Ikaw ang dahilan ng mga sugat na nakita mo sa kaniyang katawan. Kaya paanong hindi mo siya nakilala?”
Ikinulong ni Owen si Sophia?
Ganitong ganito ang napanaginipan niya kagabi, maliban na lang sa paghahanap ni Samuel ng mga taong magsasamantala sa kaniya.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi ko siya nakita kahit na kailan,” Naging bukas at tapat ang mukha ni Shirley. Hindi niya alam kung nagawa ba talagang ikulong ni Owen si Sophia o hindio, pero totoo na wala siyang alam na kahit na ano tungkol kay Sophia o sa kung ano mang nangyari rito.
“Kung ganoon, sabihin mo sa akin. Bakit siya ikukulong ng ama ko?”
Hindi siya mangmang. Kung walang nararamdaman na kahit ano si Samuel kay Sophia, bakit siya ikukulong ni Owen nang walang rason?
Sinabi noon ni Samuel sa kaniya na naging maganda ang trato nito kay Sophia dahil itinuturing niya lang ito bilang nakababata niyang kapatid. Pero agad pa rin itong umalis sa kanilang kasal kanina nang dahil kay Sophia na nagabandona sa anim na taon nilang pinagsamahan.
Naghahanap naman ng clue ang mga mata ni Samuel. “Hindi mo talaga alam ang nangyari?”
Natawa naman dito si Shirley. Naging tuyo at namamaos ang kaniyang boses. “Samuel, mukhang hindi pa talaga natin nakikilala ang isa’t isa sa kabila ng ilang taon nating pagsasama.”
Siguradong sigurado na siya kay Samuel at inakala niya na siya ang taong pinakanakakakilala rito. Ngayong araw niya lang napagtanto na nagkamali siya sa kaniyang inaakala.