Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2

“Nalaman mo na ba kung sino ang may gawa nito?” Natabunan ng madilim niyang anino ang gwapo at mahinhing mukha ni Samuel. Nagmukha siyang walang awa at nanlalamig na parang isang yelo. Naramdaman ng lahat na ito ang katahimikan bago ang isang malaking bagyo.” 24 taong gulang si Samuel at inabot siya ng anim na taon para makuha ang kaniyang posisyon bilang CEO at makuha ang mga bagay na nararapat sa kaniya. Siya na ang pinakabata at pinakamahusay na CEO sa Elderstone. Nakaramdam siya ng awa at galit nang makita niya ang mga sugat na bumalot sa katawan ni Sophia. Sino ang maglalakas loob na saktan siya nang ganito? Siguradong gusto na nitong mamatay. Yumuko naman ang kaniyang tauhan sa takot nitong tumingin sa mukha ni Samuel. “Kasalukuyan na pong nagiimbestiga si Mr. White. Sigurado po ako na makakatanggap tayo ng resulta nito sa lalong madaling panahon.” Kung nandoon lang si Shirley, siguradong mapapagtanto nito na nangyayari ang lahat sa kaniyang bangungot kagabi. Hindi na nagtanong pa si Samuel dahil iniimbestigahan na ito ni Billy. Maingat niyang hinawakan ang kamay ni Sophia sa takot na baka masaktan niya ito. Tiningnan niya ang namumula at namamaga nitong mukha. Nakaramdam siya ng sakit sa kaniyang dibdib nang makita niya ang kalunos lunos nitong sinapit pero nakaramdam pa rin siya ng gaan sa kaniyang pakaramdam dahil nahanap na rin niya ang tao na matagal nang nawala sa kaniya. Sinabi ng uncle niya na si Aaron Moore na namatay daw si Sophia. Hindi inasahan ni Samuel na buhay pa ito at kasalukuyang nakahiga sa kaniyang harapan… “Soph,” Mahinahong tawag ni Samuel. Sa siyam na taon nilang pagsasama, hindi mararamdaman ni Shirley ang ganito kahinahong pagsasalita ni Samuel Nawalan si Samuel ng mga magulang at isang binti sa aksidenteng iyon at si Sophia ang babaeng nanatili sa kaniyang tabi habang hinaharap niya ang pinakamadilim at pinakadesperadong bahagi ng kaniyang buhay. Naisipan na niyang mamatay pero agad siyang hinila pabalik ni Sophia. Para itong isang kandila sa madilim niyang mundo, tinuruan siya nito na makakita ng liwanag at init sa kaniyang buhay. Nakakapanghinayang lang dahil hindi panghabangbuhay ang magagandang mga bagay dahil kalahating taon pagkatapos nito ay ikinulong si Sophia ni Aaron. Ginawa siyang alas ng mga ito para pagbantaan sina Samuel at Billy. Mula noon, hindi na nakita pa ni Samuel si Sophia. Maliban sa mga litrato na paminsan minsang pinapadala ni Aaron sa kaniya, walang kaideideya si Samuel sa sinapit ni Sophia. Hindi niya alam kung nasaan ito at anong klase ng buhay ang pinagdadaanan niya ngayon. Pagkatapos nito, pinili siya ni Shirley sa birthday banquet nito. Sa tulong ng suporta ng pamilya Weiss, pasimpleng umangat ang impluwensya ni Samuel hanggang sa makawala siya sa kontrol ni Aaron. Nagawa niya ring makuha ang karamihan sa mga kliyente ni Aaron. Sa sobrang galit, nagpadala si Aaron kay Samuel ng litrato ni Sophia nang may nakasaksak na kutsilyo sa kaniyang dibdib habang nakahiga ito sa sarili niyang dugo. Sinabi nito kay Samuel na patay na si Sophia. Masyadong nagpadala sina Samuel at Billy sa kanilang hinanakit kaya sumobra ang kanilang pagganti na nagdala kay Aaron sa limit nito. Nang makulong si Aaron, inamin nito kay Samuel na siya ang taong pumatay kay Sophia. Naramdaman ni Samuel na parang namatay ang kaniyang puso. Pumayag na rin siyang magpakasal kay Shirley, isa itong bagay na matagal nang itinutulak ni Owen sa kaniya. Alam niya na nabigo niya si Sophia kaya hindi niya magagawa kay Shirley ang lahat ng kaya niyang gawin kay Sophia. Pero tuluyan nang nawala ngayon sa isip ni Samuel si Shirley. Dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ni Sophia. “Soph, hinding hindi n akita iiwan kahit na kailan. At hindi ko rin hahayaan ang kahit na sinong saktan ka.” Isa itong pangako mula sa isang lalaki. Walang kahit na sino ang makakapalit sa posisyon ni Sophia sa kaniyang puso, kahit na si Shirley pa ito na anim na taon niyang nakasama. Malalim na natutulog si Sophia habang nagpapakita ito ng kapayapaan sa maganda niyang mukha. Sinubukan ng isang lalaki na nakatayo sa loob ng study room na magsalita pero ilang beses siyang nabigo sa pagbabanggit ng mga gusto niyang sabihin. Ngayon dapat ang araw ng kaligayahan nina Samuel at Shirley, pero mukhang nakalimutan na ito nang tuluyan ni Samuel. Hinding hindi pa rin siya nagbabago. Hindi naiwasan ng tauhan niyang nakatayo sa labas ng pinto na magsalita para sabihing, “Mr. Moore, oras na po. Kailangan niyo na pong magpalit para sunduin ang bride.” Para namang walang narinig si Samuel. Nanatili siya sa pagupo sa tabi ng kama. Agad namang tumahimik ang kaniyang tauhan. Wala na siyang lakas na magsalita pang muli. Pagkatapos ng isang napakahabang panahon, tumayo na rin si Samuel. “Kunin mo ang mga damit ko.” … Pagkalipas ng isang oras, nagpakita ang wedding car sa kalsada sa harapan ng manor ng mga Weiss. Makikita sa likuran nito ang isang mahaba at engrandeng prosisyon ng mga luxury vehicles. Makikita roon ang mga kaibigan at pamilya ng mga Weiss habang nababalot ng masayang mood ang ere. “Nandito na ang wedding procession!” Nabalot ng tawanan mula sa mga bisita ang ere na umakyat mula sa ibabang mga palapag ng manor. Nakabihis na nang husto si Shirley, binalewala niya ang mga nakasanayan sa kasal nang dali dali siyang maglakad papunta sa balkonahe. Nakita niya ang dahan dahang paghinto ng wedding car sa entrance ng manor. Seryoso namang nagsalita si Rachel sa loob, “Bumalik ka rito Shirley. Hindi suwerte ang ginawa mong iyan.” “Sinulyapan ko lang naman ito.” Nagangat si Shirley ng isa sa mga payat niyang daliri habang napapakurap siya kay Rachel. Sumagot naman si Rachel ng, “Hindi!” Nang makita ni Shirley ang itsura ni Rachel, tumigil siya sa pagngiti habang nagdadalawang isip siyang naglakad pabalik sa kuwarto. “Shirley!” Tinapik ni Rachel ang kaniyang anak sa noo nito. “Umupo ka rito at huwag kang aalis dito. Kami ng ama mo ang mauunang bumaba.” Tumingin si Rachel sa mga bridesmaid ni Shirley habang nagaalala nitong sinasabi na, “Siguraduhin mong nakalock nang maayos ang pinto sa sandaling umakyat si Samuel. Huwag ninyo hahayaang magpaikot ikot si Shirley at siguruhin ninyo na hindi nakabukas ang pinto hanggang sa tamang oras, Okay?” Hindi makatiis si Shirley pagdating kay Samuel. Palabiro namang bumungisngis si Shirley habang sinasabi nito na, “Huwag po kayong magalala dahil pakikinggan ko na po kayo Mom.” Nakasuot ng puting damit si Samuel noong una niya itong makita at agad nitong nakuha ang kaniyang puso. Mula noon, hindi na niya nagawa pang tumingin sa ibnag lalaki. At pagkatapos ng ilang taon nilang pagsasama bilang magkasintahan, dumating na rin ang araw na pinakahihintay niya. Wala nang mawawala sa kaniya kung maghihitay pa siya rito ng kalahating oras. Tiningnan ni Shirley ang kaniyang sarili sa salamin nang marinig niya ang celebratory fireworks sa labas. Masaya siyang ngumiti habang sinasabi niya sa kaniyang sarili na, “Samuel, papakasalan na rin kita.” Napakatagal na niyang hinintay ang araw na ito! … Sa labas ng manor ng mga Weiss, bumaba si Samuel ng sasakyan. Nakasuot ito ng puting suit at nagmukha siyang elegante at gwapo habang nakatayo siya sa harapan ng sasakyan. Nagmukha rin siyang perpekto kaya hindi na napansin ng mga tao sa paligid ang kaniyang kapansanan. Sa gitna ng pagsigaw ng mga papuri at tawanan ng mga tao sa paligid, naglakad si Samuel papunta sa Weiss Manor kasama ang kaniyang groomsmen. Dito na nagring ang kaniyang phone. Si Billy ang tumawag sa kaniya. Mukhang mayroon nang resulta ang imbestigasyong ginagawa nito. Sinagot ni Samuel ang phone. “Billy.” Maririnig ang boses ni Billy sa kabilang linya na nabalot ng agresyon, “Nalaman na namin kung sino ang may pakana ng pananakit kay Soph.” “Sino?” Sa harapan ni Samuel, ngumiti sina Owen at Rachel habang naglalakad ang dalawa papunta sa kaniya. Tiningnan ng mga Weiss ang matangkad at mukhang mahinahong lalaki na nasa kanilang harapan habang nakakaramdam sila ng pagkakontento sa kanilang mga dibdib. Dito na sumagot si Billy ng, “Si Owen ang may gawa nito. Ikinulong niya si Soph sa lumang mansyon ng mga Weiss, at siya rin ang taong nagpadala kay Aaron.” Naningkit ang mga mata ni Samuel sa mga sinabi ni Billy. Dito na unti unting nabalot ng panlalamig ang kaniyang mga mata habang nawawala ang pagkahihahon ng kaniyang aura. Hindi nagpakita ng init ang kaniyang boses nang magtanong siya ng, “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” Direkta namang sumagot si Billy ng, “Sigurado ako.” Nakababa sa magkabilang gilid ng kaniyang katawan ang mga kamay ni Samuel habang pinapanood niya ang paglapit nina Owen at Rachel sa kaniya. Pilit siyang ngumiti sa mga ito. Ngayong ganito pala nangyari ang mga bagay bagay, hindi na niya kailangan pang makonsensya sa mga susunod niyang gagawin. Pinagplanuhan niya na ipaliwanag kay Shirley ang lahat, pero ngayon, naramdaman niya na parang wala na siyang dapat pang sabihin. Kilala nito si Sophia mula noong una pero nagdesisyon pa rin ito na magpakasal sa kaniya na para bang walang nangyari. Masyado niyang minaliit ang kakayahan ni Shirley! Kasalukuyang nagpapapicture si Shirley kasama ang kaniyang mga bridesmaids sa itaas, nagpakita siya ng tuwa at pagmamahal sa bawat picture niya kasama ang mga ito. Dito na nagbigay ang best friend niyang si Janine Blackwood sa kaniya. “Ito na ang regalo mo para sa kasal ko, Shirley. Itinago ko ito kanina dahil baka makita ito ni Mrs. Weiss. Dalian mo nang buksan ito para makita mo na kung magugustuhan mo ito.” “Ano ito? Bakit ba napakamisteryoso mo ngayon?” Kinuha ni Shirley ang box para buksan ito habang tinitingnan siya ng kaniyang mga bridesmaid damit ang nasasabik nilang mga mata. “Ito… ano itong ibinigay mo sa akin?” Isa itong lingerie. Tuso namang ngumiti sa kaniya si Janine. “Hinanda namin ito para sa paparating mong honeymoon.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.