Kabanata 1
“Ano ang lugar na ito?” Gumising nang tuluyan si Shirley nang makita niya ang kaniyang sarili sa loob ng isang hindi pamilyar na kwarto. Naramdaman niya ang bigat ng kaniyang ulo habang hindi mapalagay ang kaniyang dibdib.
Gusto niyang umalis sa kama at sa lugar na ito sa lalong madaling panahon. Bukas na ang kasal niya kay Samuel Moore. Magkakatotoo na rin ang kaniyang hiling pagkatapos ng anim na taon niyang pagasa, hindi niya hahayaang pumalpak ang kahit na ano sa araw nilang dalawa.
Sa labas, sumandal si Samuel sa pader bago niya sindihan ang isang sigarilyo. Walang ipinakitang emosyong ang kaniyang mukha sa lalaki na nasa kaniyang harapan. “Pumasok ka na. Siguruhin mo na walang kahit na sino ang mamamatay.”
Muli siyang tiningnan ng lalaki bago nitong sabihing, “Mr. Moore, sigurado po ba kayo sa ipinapagawa niyo po sa akin?”
Ang babae sa loob ng kwartong iyon ay ang nangungunang socialite ng Elderstone na siya ring fiancée ni Samuel. Ikakasal silang dalawa kinabukasan!
“Pumasok ka na. Huwag mo na hayaang ulitin ko pa ito sa ikatlong pagkakataon,” Walang pakialam na sinabi ni Samuel na pangkaraniwang mainit at masarap kausap, makapanindig balahibo at masyado nang nanlalamig ang boses nito ngayon.
Hindi nagtagal, maririnig ang isang sigaw sa loob ng kwarto. “Sino ka? Huwag na huwag kang lalapit sa akin! Ano bang gusto mo sa akin? Pakawalan mo ako… Tulungan niyo ako…”
Tumayo si Samuel sa labas habang pinapakinggan niya ang desperadong paghingi ni Shirley ng tulong. Nanlalamig siyang tumayo roon habang hindi siya gumagalaw sa kaniyang pwesto. Wala na siyang ibang naisip kundi ang isang babae na puno ng sugat sa kaniyang katawan.
Hindi siya masisisi ni Shirley. Hindi ito inosente sa nangyari.
Hindi naniniwala si Samuel na hindi alam ni Shirley ang ginawa ni Owen Weiss.
Ilang pa lang ang nakalilipas mula noong matanggap si Samuel ng isang report. “Samuel, nahanap na namin ang taong nagpakulong kay Soph.”
“Sino?” gumawa ng matangkad na anino ang imahe ni Samuel habang nakatayo siya sa tabi ng kama para tingnan ang babaeng natutulog nang mahimbing dito. Namumutla at payat ang babae sa kama. Nababalot din ng mga galos at kalmot ang buo niyang katawan, agad na maiisip ng kahit na sino ang kalunos lunos na nangyari sa kaniya.
Dito na nagsalita ang nagngingitngit na si Billy White. “Owen.”
Si Owen ang ama ni Shirley.
“Sige.” Naging mainit gaya ng pangkaraniwan ang boses ni Samuel at hindi rin ito nagpakita ng kahit nak aunting agresyon. “Ikaw ang nakatatandang kapatid ni Soph. Ano ang gusto mong gawin?
“Dukutin mo si Shirley. Gagawin ko ng sampung beses sa kaniyang anak ang anumang bagay na ginawa ni Owen kay Soph.”
Ilang sandaling nanahimik si Samuel kaya galit na nagtanong si Billy ng, “Ano ang problema? Hindi mo na ito maisip? Mukahang tuloy na ang kasal ninyo si Shirley bukas kaya alam ko na hindi mo ito magagawang dalhin sa iyong dibdib. Nakakaawa lang dahil nagawang magdusa ni Soph nang husto para sa iyo.”
“Walang kasal na gaganapin bukas,” Nanlalamig na sinabi ni Samuel. “Bibigyan ko kayo ni Soph ng resolusyon na pareho ninyong magugustuhan.”
Mula noong araw na ikulong ni Owen si Sophia White, wala ng kahit na anong halaga ang anumang utang na loob ni Samuel sa mga Weiss. Hindi dapat umabot sa ganitong punto si Owen.
Desperado pa ring nagpumiglas sa loob ng kwarto si Shirley habang unti unting nanghihina ang kaniyang katawan. Punit punit na rin ang suot niyang damit.
Desperado siyang sumigaw ng, “Tulungan mo ako! Samuel, tulungan mo ako!”
Tumulo ang mga luha mula sa sulok ng kaniyang mga mata na bumasa sa kaniyang buhok.
Bakit ito nangyayari? Papakasalan niya si Samuel bukas. Papakasalan niya ito nang buong buo kaya bakit nangyayari ang bagay na ito?
Galit na nanigarilyo si Samuel nang marinig niyang isigaw ni Shirley ang kaniyang pangalan. Siguradong mawawasak nang husto si Shirley pagkatpaos ng gabing ito.
Hindi niya maiwasang alalahanin ang araw na iyon anim na taon na ang nakalilipas na kung saan isang dalaga na mukhang prinsesa ang naglakad nang confident palapit sa kaniya para ituro siya nang diretso.
Sinabi nito na, “Pinipili ko siya bilang aking fiancé.”
Si Samuel ang pinakapanganay na apo ng pamilya Moore at nagtatanglay ito ng kahanga hangang talino. Alam ng lahat na naputulan siya ng binti sa isang car accident pero sigurado pa rin si Shirley sa kaniyang desisyon. Si Samuel, na inabandona ng sarili niyang pamilya ay mayroon ng pagkakataon na baguhin ang kaniyang kapalaran.
Pinatay ni Samuel ang apoy sa kaniyang sigarilyo bago niya kunin ang kaniyang phone para gumawa ng isang tawag. “Itigil mo na iyan at lumabas ka na rito!”
Ito na ang kaniyang kabayaran kay Shirley sa utang na loob niya rito anim na taon na ang nakalilipas.
Lumabas mula sa isang sulok si Billy bago niya nadidismayang tingnan si Samuel. “Hindi mo rin pala ito kaya sa huli. Patas ba ang ginawa mong ito para kay Soph?”
Direkta namang sumagot si Samuel ng, “Isang mabait na tao si Soph kaya hindi niya magagawang utusan tayo na manakit ng ibang tao para sa kaniya. Bibigyan ko kayong dalawa ni Soph ng resolusyon sa kasal bukas.”
…
Kinaumagahan, nagising na rin si Shirley mula sa kaniyang bangungot kaya agad siyang sumigaw ng, “Samuel, iligtas mo ako!” Basang basa na ng luha ang kaniyang buhok.
Agad siyang napatingin sak aniyang damit at nakita niyang nakaayos na ito sa kaniyang katawan. Wala rin siyang injury sa kaniyang mga wrist o sa kanyiang dibdib habang nakikita niya ang kaniyang sarili sa loob ng kaniyang kwarto.
Isa lang ba talaga itong panaginip? Bakit masyado itong naging malinaw?
Masyado itong naging makatotohanan kaya para itong nag iwan ng sugat sa kaniyang puso.
Pero kung hindi ito isang panaginip, bakit suot niya ngayon ang damit na suot niya nang matulog siya kanina? Punit punit na ang mga ito sa kaniyang panaginip pero parang bago ang mga ito ngayon. Bakit hindi niya rin makitaan ng sugat ang kaniyang katawan?
Kung hindi ito isang panaginip, paano niya magagawang makita si Samuel na nakatayo sa labas ng pinto habang inaabuso siya ng isang lalaki sa loob?
Maraming taon na niyang hindi narinig ang pangalang Sophia.
Ngayon ang araw ng kaniyang kasal kay Samuel. Dahil ba ito sa takot na nakabaon nang husto sa kaniyang puso na kaniyang napalaki ng maraming beses?
“Bumangon ka na Shirley! Ito na ang pinakaimportanteng araw ninyo ni Samuel. Huwag ka nang magbabad diyan sa kama.”
Narinig ni Shirley ang boses ng kanyiang ina mula sa pinto. Dito na niya dahan dahang napakalma ang kaniyang dibdib. Isa nga lang itong bangungot.
…
Pagkalipas ng dalawang oras, umupo si Shirley sa harapan ng salamin, nagmukha siyang masaya sa suot niyang wedding dress. Metikulosa namang sinuklay ng ina niyang si Rachel Simmons ang kaniyang buhok. Nagmukahang maganda si Shirley sa salamin.
Kilala si Shirley bilang isa sa pinakamagagandang babae sa buong Elderstone. Mayroon siyang taas na five feet five inches at payat at perpektong korte ng katawan. Nagpakita rin siya ng elegante at kaakit akit na mga katangian habang kilala siya ng lahat bilang nangungunang socialite sa buong Elderstone.
Ang pinakanakilala sa kaniya ay ang perpekto niyang balat na nagliwanag na parang isang ivory.
Hindi naiwasang mapabuntong hininga ng lahat sa natural niyang kagandahan.
“Tingnan mo nga kung gaano kaganda ang anak ko!” Hindi naiwasang maluha ni Rachel nang makita niyang nakasuot ng wedding dress ang anak niyang si Shirley.
“Ikakasal na rin ang pinakamamahal kong anak. Gawin ninyong dalawa ang lahat para magkaroon kayo ng magandang buhay. Asikasuhin mo nang maigi ang bahay habang nagtatrabaho siya nang husto sa opisina, at dapat lang na magkaroon kayo ng maraming anak. Dapat kayong magkaroon ng isang napakagandang pamilya na hahangaan ng lahat.”
Umangat ang mga labi ni Shirley hanggang sa magpakita ito ng isang ngiti habang hinahawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Rachel. “Mom, magiging masaya po ako sa pagsasama naming dalawa. Sigurado ako na magiging mabuting asawa si Samuel.”
Ipinulupot naman ni Rachel ang kaniyang braso kay Shirley habang nagpapakita ito ng kaunting lungkot sa kanyiang mukha. Nauutal niyang sinabi na, “Hinding hindi siya makakalampas sa amin ng ama mo sa sandaling hindi ka niya tratuhin nang mabuti.”
Maririnig naman ang namamaos na boses ni Owen sa tabi nilang dalawa, “Sige na. Huwag ka nang magsabi ng kung ano anong negatibo sa pinakamasayang araw ng ating anak.”
Hinawakan ni Shirley ang buntis na tiyan ni Rachel na parang malapit nang pumutok. Nagpakita siya ng kasiyahan sa maganda niyang mukha. “Dad, Mom, huwag po kayong magalala. Sinabi sa akin ni Samuel na tatratuhin niya ako nang maayos habangbuhay. Sigurado ako na hindi niya ako bibiguin sa kaniyang sinabi.”
Hindi kailanman pinagdudahan ng 22 taong gulang na si Shirley si Samuel.
Isang napakatalentadong lalaki ni Samuel at isa rin itong mahinahon at maintindihing boyfriend. Walang kahit na sino ang makapagsasabi ng kahit na anong masama sa kaniya kaya sigurado siya na magiging mabuti itong asawa at ama ng magiging anak nilang dalawa.
Para naman sa bangungot na kaniyang naranasan sa kaniyang pagtulog kanina, hinding hindi ito mangyayari. Anim na taon niyang kasama si Samuel at marami silang pinagdaanan sa loob ng mahabang panahon na iyon. Wala nang kahit na sino ang makapaghihiwalay sa kanilang dalawa.
Pero hindi nagawang makita ni Shirley ang pagaalala sa mga mata ni Owen nang makita nito ang saya sa kaniyang mukha.
…
Samantala, sa tahanan ng pamilya Moore, makikita ang isang magandang babae na nakahiga sa loob ng kwarto ni Samuel. Nanghihina at puno ng kalmot ang maganda nitong balat. Namumula at namamaga nang husto ang isang bahagi ng kaniyang mukha.
Ito ay walang iba kundi si Sophia, ang babae sa panaginip ni Shirley.