Kabanata 18
“Ang perpekto kong balat? Natural ang lahat ng ito. Kahit na gaano pa kamahal ang skincare product na gamitin ng isang babae, hindi nila maabot ang lebel ng aking ganda.”
Hinahangaan ng lahat ang ganda at ang perpektong balat ni Shirley. Walang produkto ang makakagaaya sa kaniyang pagkaelegante.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Para naman sa background ng aking pamilya, isang nirerespetong pamilya ang mga Weiss. Importante rin ang posisyong hinahawakan namin sa Elderstone, at nasa tamang edad na rin ako para magpakasal. Kaya nakasisiguro ako sa iyo na hindi bababa ang iyong estado sa sandaling magpakasal ka sa akin, Mr. Blackwood.”
Inobserbahan ni Benjamin si Shirley. Confident ito sa kaniyang kagandahan kaya walang duda nitong ipinagmalaki ang kaniyang sarili. Mayroon nga siyang rason para magmalaki.
Walang pakialam na tumama ang kaniyang paningin sa buong katawan ni Shirley, sinuri niya ang perpekto nitong palat at ang napakaganda nitong postura. “Ms. Weiss, napakaganda ng mga ipinakita mong rason sa akin. Pero kung hindi ako nagkakamali, hindi ba engaged ka sa ibang lalaki? Nangangailangan ang pamilya Blackwood ng isang babaeng may malinis na reputasyon para maging ilaw ng tahanan. Magagawa mo bang abutin ang requirement na ito?”
Napakagat si Shirley sa kanyiang labi habang pilit niyang pinapanatili ang kaniyang postura. Pagkatapos ng isang sandali niyang katahimikan, itinaas niya ang kaniyang ulo. Naging malinaw at determinado ang kaniyang mga mata nang sumagot siya ng, “Papakasalan mo ba ako sa sandaling mapatunayan ko ito sa iyo?”
Naging malabo naman ang sagot sa kaniya ni Benjamin, “Hindi pa rin ito mawawala sa mga option ko.”
…
Sa gitna ng grand banquet hall sa ibaba, walang tigil na nagpabalik balik si Jessica. Nilapitan siya ng iba’t iba niyang mga manliligaw para maisayaw pero tinanggihan niya ang lahat ng ito.
“Mom, bakit hindi pa nila pinapaalis dito si Shirley?”
Siniguro naman siya ni Mia na nagpakita ng confidence sa kaniyang mukha. “Huwag kang magalala, kahit na manatili pa rito si Shirley para magpalipas ng gabi, hindi pa rin siya makakapasok sa pamilyang ito. Maaaring paglaruan siya ni Benjamin pero hindi niya ito pakakasalan.”
Naguluhan naman dito si Jessica. “Ano ang ibig mong sabihin?”
Bahagyang ngumiti si Mia habang inaalala niya ang kahihiyang tiniis ni Benjamin sa kamay ng mga Weiss ilang taon na ang nakalilipas. “Ito ang dahilan kung bakit hindi niya pakakasalan si Shirley.”
Nanlaki ang mga mata ni Jessica nang mapagtanto niya ang lahat ng ito. Hindi niya alam na dating umattend si Benjamin ng matchmaking event na idinaos ng pamilya Weiss para lang tanggihan ni Shirley sa publiko para kay Samuel. Hindi lang kahihiyan ang ibinigay nito kay Benjamin dahil naging katatawanan din siya ng lahat.
At ngayong si Shirley na ang lumalapit kay Benjamin, siguradong hahantong lang ito sa sariling kahihiyan ni Shirley.
Pero kahit na ganoon, hindi pa rin mapakali si Jessica dahil kanina pa wala si Shirley.
…
Sa corridor ng ikalawang palapag ng manor na pagmamayari ng mga Blackwood, kasalukuyang nasa gitna ng isang kumprontasyon sina Shirley at Benjamin.
Hindi pa rin ito mawawala sa mga option mo?
Ang ibig ba nitong sabihin ay pakakasalan siya ni Benjamin sa sandaling mapatunayan ni Shirley ang kaniyang sarili?
At nang lumiyad si Shirley para halikan si Benjamin, agad nitong inilayo ang kaniyang mukha habang ipinupulupot niya ang kaniyang mga daliri sa leeg ni Shirley. Nanlamig at nawalan ng emosyon ang kaniyang mukha na nagpakita sa kaniyang pagtanggi at gigil sa ginawa nito.
Nagdilim ang mga mata ni Shirley habang nababalot ng desperasyon ang kaniyang dibdib.
Nabigo siya. Nabigo siyang muli.
Maaaring ito na ang nagiisa niyang oportunidad para matapos ang kaniyang mga problema kaya hindi niya ito matanggap.
Hindi hinigpitan ni Benjamin ang pagkakahawak niya sa leeg ni Shirley. Nang makakita ito ng oportunidad, sinipa niya ang sahig para muling sumugod palapit kay Benjamin.
Dito na nagdilim ang mukha ni Benjamin. Walang pagaalinlangang hinawakan muli nito ang leeg ni Shirley. “Sino ang nagsabi sa iyo na puwede mo akong hawakan?”
Pagkatapos niyang magsalita, walang awa niyang itinapon papunta sa tabi si Shirley.
Sa pamamagitan ng isang lagabog, tumama ang katawan ni Shirley sa sahig bago ito mapapulupot sa sakit.
Napatayo naman si Benjamin. Nanlamig at puno ng inis ang kaniyang mga mata habang tumitingin siya pababa sa namimilipit na si Shirley sa sahig na para bang isa lang itong maruming basura. “Umalis ka rito. At huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin.”
Agad na namutla ang muka ni Shirley na para bang dam na naubusan ng lamang tubig. Parang multo na ang kaninang nagliliwanag niyang ganda. Nanginig siya na para bang tinamaan ng malamig na hangin ang buo niyang katawan.
Pero hindi na siya tiningnan pa ni Benjamin. Tumalikod ito at naglakad papunta sa kaniyang kuwarto.
Nang isasara na niya ang pinto, isang payat na wrist ang pumasok sa masikip nitong puwang na pumigil sa kaniya na maisara ito nang husto.
Tumingin si Benjamin sa kamay hanggang sa magpakita ang pagkasurpresa sa walang emosyon niyang mukha.
Hindi pinansin ni Shirley ang sakit na gumapang sa kaniyang wrist na bumalewala sa natitira niyang dignidad bago siya tumayo nang diretso. Kalmado niyang sinabi na, “Benjamin, alam ko na may hinanakit ka pa rin sa akin nang dahil sa nangyari anim na taon na ang nakalilipas.”
Anim na taon na ang nakalilipas nang tanggihan ni Shirley si Benjamin sa harap ng lahat para piliin si Samuel na nagbigay ng matinding kahihiyan kay Benjamin na pinagtawanan ng lahat. Hinding hindi niya makakalimutan ang araw na iyon.
Suminghal naman dito si Benjamin. “Ms. Weiss, masyadong mataas ang tingin mo sa iyong sarili. Iniisip mo ba na nababagabag pa rin ako sa walang kuwentang bagay na kagaya nito?”
“Sige.” Diretsong sagot ni Shirley. “Sabihin na nating ayaw mo talaga sa mga babae. Matatanggap ko ito. Sa sandaling makasal tayo, ipinapangako ko sa iyo na hindi kita guguluhin at hindi rin ako magiging pabigat sa iyo.”
Nagpatuloy siya sa pagsasalita, naging kalmado ang kaniyang boses kahit kumakabog na nang malakas ang kaniyang dibdib. “Nakita mo naman kanina na gusto ako nina Mrs. Blackwood at Damian. Sa sandaling maging bahagi ako ng iyong pamilya, ibibigay ko ang lahat ng oras at lakas ko para alagaan sina Mrs. Blackwood at Damian. Sisiguruhin ko na natutugunan ang lahat ng pangangailangan nila habang pinoprotektahan sa anumang bagay na makakasakit sa kanila.”
Tumama ang matalas na paningin ni Benjamin sa namamagang wrist ni Shirley na nagsisimula nang mamasa sa sobrang tindi ng pressure mula sa pagkaipit nito sa pintuan. Pero mukhang binabalewala lang ngayon ni Shirley ang sakit na kaniyang nararamdaman.
Anong klase ng babae ito?
Dito na dali daling napalitan ng kawalan ng emosyon ang nagliliwanag na paghanga sa kaniyang mga mata. “Iniisip mo ba talaga na maniniwala ako sa iyo?”
Sabagay, magaling ang mga babaeng manlinlang at gumawa ng kuwento.
“Maiintindihan mo ito sa sandaling maipaliwanag ko ang lahat sa iyo.”
Dito na malinaw na ipinaliwanag ni Shirley ang kasalukuyan niyang sitwasyon, wala siyang iniwan na kahit kaunting detalye para kay Benjamin.
Nanatili namang hindi mabasa ang itsura ng mukha ni Benjamin. Hindi niya pinagkakatiwalaan si Shirley pero kung magiging isang transaksyon lamang para sa kanilang dalawa ang kasal na ito, maaari ngang maging katanggap tanggap ang lahat para sa kaniya.
At gaya ng kaniyang inaasahan, napalitan ng pagiisip ang mukha ni Benjamin nang marinig niya ang lahat ng kaniyang sinabi.
Mahigpit na isinara ni Shirley ang kaniyang kamao. Nakakasakal ang tensyong kumalat sa paligid habang tumutulo ang mga butil ng pawis sa kaniyang likuran. Parang walang katapusan ang bawat segundong pananahimik ni Benjamin sa kabilang bahagi ng pintuan.
At sa wakas ay nabasag na rin ng nanlalamig niyang boses ang katahimikan sa paligid. “Wawasakin ko ang buong pamilya Weiss sa sandaling hindi mo magawa ang mga napagkasunduan natin.”
Pumayag siya. Pumayag na rin si Benjamin.
Habang naooverwhelm sa mga nangyari, naramdaman ni Shirley ang pangangati ng kaniyang ilong habang umaapaw ang luha sa kaniyang mga mata. At ngayong hindi siya makapagsalita, malakas siyang tumango kay Benjamin.
Ligtas na rin si Megan sa wakas! Makakasurvive na rin sa wakas ang pamilya Weiss!
Kakaibang uri ng nilalang talaga ang mga kababaihan. Hindi umiyak si Shirley nang itapon niya ito sa sahig. Hindi rin siya umiyak nang maipit nang husto ang kaniyang wrist sa pinto. Pero nagawa niyang maluha nang makuha niya ang gusto niya.
Magkasabay na umiyak at tumawa ang parang lunatiko na si Shirley.
Nahaluan naman ng inis ang boses ni Benjamin nang sabihin nito na, “Huwag ka munang magcelebrate. Maaaring hindi mo maabot ang pinagkasunduan nating requirement kanina.”
Mabilis namang pinunasan ni Shirley ang kaniyang luha. “Puwede kang tumawag ng doktor para maverify ito. Kung…hindi na ako puro, magiging malinaw sa iyo ang lahat sa lalong madaling panahon.”
Dito na nagpakita ng dominanteng ngiti si Benjamin. “Hindi ako nagtitiwala sa kahit na sino.”
Pero bago pa man maprocess ni Shirley ang mga sinabi ni Benjamin, umikot ang kaniyang mundo. Pagkatapos ng isang sandali, nakita niya na ang kaniyang sariling nakadiin sa sofa.
Sinundan ito ng isang kahihiyan na hindi pa nagagawang tanggapin ni Shirley sa buong buhay niya. Nanatiling maayos ang kaniyang mga damit pero nakataas na ang kaniyang palda hanggang sa kaniyang baiwang. Malakas na nanginig dito ang kaniyang katawan.
Pagkatapos nitong itapon ang isang gamit na wipe sa basurahan, humarap sa kaniya si Benjamin para sabihing, “Ibabalik ko sa iyo ang kapatid mo mamayang hatinggabi kung ligtas pa rin siya hanggang ngayon.”
Dito na nakaramdam ng pagpapasalamat si Shirley kay Samuel dahil hindi siya nito nagawang galawin sa tinagal tagal ng kanilang pagsasama.